5. Lunar Academy
Tahimik akong bumalik ng kwarto ko. Ni hindi ko inalintana ang mga batang nagtatakbuhan sa hallway. I'm staring at nowhere—with a dead expression on my face.
Papa gave me a choice. Tatakas ba ako ng mag-isa lang? O tatapusin ko ang trabaho ko para sa pamilya ko?
Of course, my answer is fucking obvious! Hindi pwedeng ako lang!
Hindi pwede...
Pero magagawa ko bang patayin si Helena? Ang babaeng ni hindi ko man lang nahawakan?
"Hey, Scarlet!"
Natigilan ako sa pag-iisip nang may biglang humawak sa braso ko. Nawala ang madilim na paligid sa isipan ko at sumalubong sa akin ang nakakunot na noong si Liev.
"Anong tumatakbo sa utak mo ha?!"
My forehead furrowed. Naguluhan ako sa narinig. Anong pinagsasabi niya? Siya nga itong bigla na lang nanghahatak.
"What are you talking-"
"Tigilan mo na si Helena! Alam mo namang wala kang pag-asa hindi ba?!"
I was taken aback, dumbfounded.
Paano... niya nalaman? Alam niya ba... ang totoong katauhan ni Papa? Bakit-
Nasagot ang lahat ng tanong ko nang malipat ang tingin ko sa bandang balikat ni Liev, nakuha ang atensyon ko ng taong nakatayo sa likod niya... si Papa, together with the one digit codes.
"Masyado ka na bang desperada? Pupunta ka pa mismo sa pugad ng kalaban?" Magkakrus ang braso at mapanghusga akong tinignan ni Viola.
Lahat sila ay tinitignan ako na para bang alam nila ang buong nangyari.
"Papa told us, Scarlet! Pupunta ka sa Lunar Academy para lang kay Helena? You don't have to do that! Masyadong delikado!" sunod-sunod na sambit ni Liev.
Hindi ako makasagot. Unti-unting nawalan ng buhay ang mga mata ko.
Wala na.... Planado na lahat ni Papa. Kung hindi niya 'ko mapatatahimik, mga estudyante ni Helena o si Helena mismo ang papatay sa akin.
"That's why I'm so proud of my daughter," pagsingit ni Papa.
Nabigla ako nang lapitan niya 'ko at walang pag-aalinlangang niyakap ako. Hindi ko magawang makagalaw. Napako ako sa kinatatayuan ko.
"She's really dedicated to her work..." I can feel his breath next to my ear. "You can do it, right Scarlet? For the family.... For the future."
Hindi kaagad ako nakasagot, ramdam ko ang pagsitayuan ng mga balahibo ko sa katawan. Parang nawala ako sa katinuan. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatawa. Hindi ko alam kung saan ko pa mahuhugot ang lakas ng loob ko.
Rather than crying, I started laughing.
"Masyado kayong nag-aalala sa akin. Lahat pa talaga kayo pinuntahan ako? I'm code S03, Scarlet the phoenix. Don't underestimate me." I smirked. "I'll come back—together with Helena's head," taas noong sambit ko. I want to ask for help.
Napaismid sa sinabi ko si Viola. Habang hindi pa rin mawala ang pagkasimangot ni Liev. He's showing that he's pissed, but I know that he's just worried.
"Good luck S03," sambit ni Sky, code S06.
"Kung hindi mo na naman nagawa, ako na lang ang tatapos," sabi naman ni Lean, code L09.
"Call us if there's a problem," dagdag ni Naja, code N05.
"Para sa family! Ate Scarlet!" pahabol ni Yna, code Y07.
I faked a smile—trying to show a cheerful face. Pagtapos n'on ay sunod-sunod na silang nawala sa harap ko. Kasabay rin ay ang walang paghintong panginginig ng mga kamay ko na tinago ko sa loob ng bulsa.
"Tsk, hindi ko alam kung ano ba ang gusto mong patunayan." Hindi pa rin nawawala ang inis na ekspresyon ni Liev. "Basta, susunod ako. Don't die," aniya. Tinapunan niya muna ako ng tingin bago umalis sa harap ko.
Nang tuluyan na silang nawala sa harapan ko ay agad bumigay ang mga tuhod ko at napaluhod ako. My hands—body won't stop trembling. My heart kept beating so fast.
"Inaasahan ka nila Scarlet. 'Wag mo silang bibiguin," sambit ni Papa.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko. Wala akong magawa kung hindi isara ang kamao ko sa sinabi ng lalaking nasa likod ko.
"Just swear that you won't touch them," seryosong sagot ko.
"I won't. Basta tuparin mo ang usapan."
Napaismid na lamang ako bago ko pinilit tumayo. Nang lumingon ako ay nakita ko siyang may ngiti sa labi habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod. Bago ko siya lagpasan ay may huli akong sinabi sa kaniya.
"Hindi na 'ko magpapaalam sa iba. Hindi naman na bago sa kanila na bigla akong mawawala dahil sa misyon ko." Sinigurado kong malinaw ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko.
"But remember this.... After I kill Helena, I'll come back and take your head."
Hindi ko na hinintay pang sumagot si Papa at umalis na 'ko. Deretso ang tingin ko at nakaangat ang noo ko habang naglalakad—pilit na tinatatagan ang sarili. Hindi ko inaasahan na aabot ang lahat dito.
Tahimik akong umalis at hindi nagpaalam. Para bang hangin lang akong dumaan. Bago ako makalayo sa base ay nilingon ko ito at tinignan ko muna ito mabuti.
Matagal ko pa siguro ito makikita ulit.... O kung malasin ay hindi ko na ito makikita pa.
Bwisit! Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
All this time, I've been fighting for the sake of Papa.... Ngayon para naman sa pamilya ko.
I won't die. I'll fucking come back. Kapag natapos ko itong misyon ko na 'to ay aalis kaming lahat dito. Dito sa impyernong inakala naming paraiso.
₪₪₪₪₪₪₪₪
Tahimik akong naglakad sa loob ng tunnel na 'to. Sa kabilang dulo nito ay ang Hinland, kung nasaan 'yong Lunar Academy.
Iniipon ko ang lakas ko. Hindi pa 'ko sigurado kung anong naghihintay sa akin sa eskwelahan na 'yon. Baka naghihintay sa akin ang mga estudyante ni Helena para patayin ako.
Hindi rin nagtagal nang maaninag ko na ang liwanag sa kabilang dulo ng tunnel. Nang makapasok ako ay bumungad kaagad sa akin ang magandang tanawin.
Hindi na ito bago dahil laging magaganda ang mga lugar kung nasaan ang mga Academy.
Ang mga kulay ng puno ay katulad ng nasa kalangitan. Different kinds of creatures are flying or running in the field.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi kalaunan ay natanaw ko na ang isang malaking kastilyo.
The Lunar Academy.
Nang makalapit ako rito ay bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko. Dahil ba ito sa kaba?-
No, the Academy itself has a different atmosphere.
Walang nagbabantay sa gate nito bagkus ay nakabukas pa nga ito.
Ano ba ito? Trap? Alam ba nilang pupunta ako rito? Pero bakit gano'n? Ibang-iba ang atmosphere rito. Hindi ito mukhang trap.
Tanaw ko sa bungad ang mga estudyanteng may kani-kaniyang mundo.
Nang tumapak ang paa ko sa loob ng gate ay awtomakitong nagsitigilan ang mga estudyante. Napunta sa akin ang mga atensyon nila nang pumasok ako.
Hindi ko alam kung alam ba nilang kalaban ako. O kung ganito lang ba talaga sila umasta sa mga taong pumapasok sa Academy na 'to.
Their eyes... as if they're cats, looking at a little mouse.
Napalunok ako nang malalim. Para akong sinasakal sa biglaang pagbago ng tensyon sa paligid.
Those eyes, hindi 'yon mata ng isang estudyante. It's the eyes of a killer.
"Oh? A client? What's the job?"
Natigilan ako nang may lalaking humarang sa harapan ko. Mabilis na umangat ang tingin ko sa kaniya dahil sa pagitan ng tangkad namin. He has a purple hair with a piercing in his right cartilage. He's wearing a sleeveless shirt, at kapansin-pansin din ang scythe at bungo na tattoo niya sa kaliwang braso.
"I'm not here as a client," deretsong sagot ko rito.
Kumunot ang noo nito sa akin at pinagmasdan ako mabuti. "Then, are you lost apple head?"
Nagsitawanan ang mga estudyanteng nakapaligid sa amin sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang mapaismid dito.
"I'm here as a student. Mag-aaral ako sa Lunar Academy."
Nagsitigil sa pagtawa ang mga estudyante. Napuno ng katahimikan ang paligid dahil sa sinabi ko. Ilang segundo ang lumipas nang muling nagsimulang magsitawanan ang mga estudyante. Mas malakas ito kumpara sa una.
What's fucking funny? Ganito ba ang Academy na 'to?
Higit sa kanilang lahat ay sobra-sobra ang tawa ng lalaking nasa harap ko.
"Nice joke apple head. Now go home."
Nagsimula ng magsibalikan sa kani-kaniyang mundo ang mga estudyante at sinimulan na rin akong talikuran ng lalaking kaharap ko.
Pinanood ko siyang talikuran ako, humigpit ang pagkasasara ng kamao ko.
"I'm not fucking joking grape head. I'll be a student here in Lunar Academy."
Lahat sila ay natigilan sa sinabi ko. Pati na rin ang lalaking lumingon pabalik sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagkairita.
He looked at me dead in the eye. Suddenly, I felt intimidated.
"Wala akong oras sa'yo. Hindi ito ang eskwelahan para sa mga katulad mo. Kung gusto mo, pumasok ka sa Nocturne o Solar. Hindi ka tatagal dito," seryosong sambit niya. Hindi nawawala ang tingin namin sa isa't isa.
"Lunar Academy is not the school for the gifteds. This Academy is for the hunters."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top