47. Survival

Naiwang nakaawang ang bibig ko nang tuluyan ng nawala sa harapan namin ni Aqua si Zail.

Literal na humampas ang malamig na hangin sa pagkawala niya. We're the only ones left... in this huge and cold place.

Isa pang hindi ko mapaniwalaan ay ang reaksyon ni Aqua. Kung ako ay halos manigas na sa sobrang lamig ay baliwala lamang ang temperatura sa kaniya.

She's just standing here, in this frozen land—fucking unbothered.

"W-What the fuck How can we survive here without shelter and food?" giit ko. Nakatupi ako at yakap-yakap ang sarili. Every time I open my mouth, a fog comes out.

Napunta ang tingin sa akin ni Aqua na parang may mali akong sinabi. Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya.

"What do you mean... we?"

I looked at her, dumbfounded.

She touched my shoulder, as if trying to cheer me up. "I'm only here to make sure that you won't die, okay? Hindi kita tutulungan mag-survive."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. As if she just told someone who's been shot by a gun to stop dying.

Hindi nakatulong ang sinabi niya!

"Well then, goodl uck Scarlet!" Aqua smiled, raising her thumb. "Darating ako kapag hindi mo na talaga kaya."

Hindi ako nito hinintay na makasagot nang bigla na siyang kumaripas ng takbo sa nagniniyebeng daanan. Hindi ko siyang nagawang habulin dahil ni hindi man lang ako makagalaw sa pwesto ko sa sobrang lamig.

Sa pangalawang pagkakataon, literal na humampas ang malamig na hangin nang hindi ko na makita pa si Aqua at naiwan ako nang tuluyan.

Bwisit!

Naramdaman ko ang pagbabago ng mga mata ko at unti-unting umapoy ang katawan ko. Kahit pa paano ay nakaramdam ako ng init sa katawan ko sa kabila ng nagyeyelong lugar na 'to.

Sigurado akong mabilis mauubos ang lakas ko kapag ginawa ko ito pero wala akong ibang choice. Dapat mahanap ako ng matutuluyan ko rito sa loob ng tatlong araw.

Ilang minuto pa lang ako naglalakad dito sa gitna ng nagniniyebeng lugar at wala akong matanaw na kahit ano. Walang kahit anong puno ang nagagawang mabuhay sa malamig na lugar na ito kaya sigurado akong mahihirapan akong makahanap ng matutuluyan.

Napaismid ako habang naniningkit ang mga mata, nahihirapan na imulat 'to nang maayos.

If I can't find a shelter, then I'll make one.

Naghanap ako ng lugar kung saan hindi basta-basta makikita. Sa maraming bato-bato. Mahirap na at baka maging hapunan ako ng mga kung anong nandito.

Using my bare hands, I made an igloo by myself. Halos maiyak ako sa sobrang hapdi ng mga kamay ko. Hindi ko pwedeng gamitin ang gift ko dahil matutunaw ang yelo.

Ilang oras din ang itinagal bago ako nakagawa ng isang igloo na sapat lang para sa akin. Agad kong ginamit ang gift ko upang gamutin ang nagdurugo kong mga kamay. I kept shivering and my hands are still numb. But still, the important this is that I already have a place to stay.

Sapat na ito para may matuluyan ako. Kahit pa paano ay hindi ako masyadong lalamigin.

Now all I need to do is to find food. First is water, kung gusto ko ng tubig na hindi ko ikamamatay ay ang best choice ko ay ang mga yelo rito. Hindi ako pwedeng uminom ng tubig sa dagat.

It's safe to drink sea ice because when seawater freezes to form sea ice, the salt is squeezed out and moves down into the water.

Ang problema lang ay kung paano ko iyon tutunawin. Hindi pwedeng gift ko lang ang gagamitin ko dahil mamatay na 'ko't lahat-lahat at hindi pa rin ako nakaiinom.

Walang kahoy rito na magsisilbing panggatong ko. Kailangan ko ng bagay na magsisilbing pamalit ko sa kahoy.

Napaismid ako sa inis nang wala akong maisip na kahit ano. Sa ngayon ay kukuha muna ako ng mga bato sa pangpang.

I felt my eyes changed and I changed my arms into wings. Agad akong lumipad sa itaas at hinanap ang pangpang.

Habang lumilipad ay hindi ko maiwasang lamigin pa lalo. Tangina talaga...

Nakikita ko na ang pangpang at napaismid ako nang makitang napupuno ito ng mga penguin. But at the same time, pumasok sa isip ko ang isang ideya. Mabuti na rin at nandito sila.

I hid my presence as I land not too close to them. Sunod-sunod silang nagsilangoy sa dagat at sa oras na bumalik sila ay may mga dala silang isda.

Alam kong nakakahiyang isipin na magagawa kong magnakaw ng isda sa isang hayop pero wala silang magagawa kung ayaw nilang sila mismo ang kainin ko.

Kinuha ko ang isang malaking oportunidad at sa oras na nakakita ako ng isang malaking isdang huli ay hindi ako nagdalawang isip na kunin ito.

Hindi ako nahirapang kunin ang isda dahil hindi hamak na mas malakas ako. Balak sanang kainin 'to ng penguin pero naunahan ko siya at nakuha ko ito.

It kept making penguin noises, as if it's cursing me with their language. Napangiwi akong lumayo sa kaniya.

No hard feelings, bird.

Nang makuha ko ang isda ay agad akong kumuha ng iilang bato at agad na umalis sa pangpang.

Muli akong bumalik sa igloo na ginawa ko at inayos ang mga batong kinuha ko. Tangina, nakakainis. Hindi ko alam kung paano ako makakakuha ng-

"Yow!" biglaang sambit ng isang babae.

Para akong aatakihin sa puso nang makita si Aqua na nakasilip sa loob ng igloo.

I gasped. "What the fuck?! Saan ka nanggaling?!"

Pagtawa ang isinagot sa akin ni Aqua bago maghagis ng iilang kahoy at mga sea weeds sa loob ng igloo. Madulas-dulas pa ang mga sea weeds na dinala niya.

Namimilog ang mga mata kong nakatingin sa mga dinala niya. "S-Saan mo nakuha 'to?" hindi makapaniwalang sambit ko.

Walang gana niyang iwinasiwas ang kamay niya. "Nah, that's not important. Naisip ko lang baka kailanganin mo."

Napanganga ako sa sinabi niya. I looked at her, dumbfounded.

Her face then lightened as she wave her hand. "Anyways, good luck ulit. Bye!"

Hindi na niya 'ko hinintay na makasagot at agad akong iniwan ni Aqua.

Ngunit hindi katulad ng ginawa ko no'ng una na hinayaan lang siya, ay agad akong lumabas ng igloo upang sundan siya.

Dapat kong malaman kung ano pinaggagawa niya at kung saan siya pumupunta.

Pagkalabas ko ng igloo ay walang bakas na nanggaling si Aqua rito. Napaismid na lang ako. Masyado siyang mabilis kumilos!

Nagbago ang mga mata ko. I changed my arms into wings and started flying. Naniningkit ang mga mata ko nang inilibot ko ang paningin ko. Wala akong makitang kahit anong gumagalaw sa gitna ng nagniniyebeng lugar na ito.

Dinala ako ng paglilipad ko sa pangpang at napaawang ang bibig ko sa nakita ko mula sa itaas.

Aqua is swimming in the ocean. Sa dagat kung saan kasama niyang lumulutang ang mga naglalakihang yelo at kasabay niyang lumalangoy ang iba't ibang klaseng naglalakihang isda.

I was lost for words, seeing how wide and deep the ocean is from above—she literally looks like an ant swimming.

I don't know if I'm looking at her full of amazement... or terror.

Aqua is really... a freaking monster.

Doon ko napag-isipan na swerte na 'kong si Zail ang hinilingan ko ng tulog. Kung hindi ay baka kasama ako ni Aqua na lumalangoy ngayon.

Dahil sa nakita ko ay napagpasyahan kong bumalik sa tinutuluyan ko at hayaan na lang kung anong trip ni Aqua. Basta ay maasahan ko siya kapag kailangan ko na talaga ng tulong.

Nang makabalik ako ay agad kong inayos ang mga kakailangin ko para maka-survive rito ng tatlong araw.

Sapat na sa akin ang isang malaking isda na nakuha ko kanina para hindi magutom ngayong araw. Pero kailangan ko ng gumawa ng sarili kong paraan para makakain ako bukas.

I'll need to hunt tomorrow for my food. I'll make sure to survive here in 3 days.

Hindi ako laging aasa kay Aqua at gagawa ako ng sarili kong paraan para mabuhay rito.

I'll finish this training and get stronger.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top