45. Pride
Nakangising tumayo si Helena at naglakad papunta sa harap ng pinto.
She glanced at us, hands behind her back. "Well of course, nakadepende pa rin sa inyo 'yan. Do what you want. See you in a month," sambit niya bago tuluyang umalis ng silid.
Naiwan kaming mga Grim Reapers sa silid at walang ni isa sa amin ang kumikibo. Tanging pagbuntong-hininga na lang ang naging reaksyon ni Gin nang tumayo na rin siya.
"You heard the Principal. Do you whatever you want. May pupuntahan lang ako," aniya.
Nauna siyang lumabas ng silid na tahimik na sinundan nina Elroy at Lemon.
"Magpapahinga na muna ako," walang ganang sambit ni August at lumabas na rin ito ng silid.
"Yeah, me too," dagdag ni Zeldrick na sumunod sa paglabas.
Naiwan kaming dalawa ni Law dito loob. Kanina pa siya walang imik dahil sa mga sinabi ni Helena.
"Law-"
"Mauuna na rin ako, hood," walang kaemo-emosyong sambit ni Law.
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tumayo siya nang hindi ako tinatapunan ng tingin at lumabas ng silid. Tanging ako na lamang ang natira rito sa loob.
Nakabibingi ang katahimikan at bumaba ang tingin ko. Dahil wala rin akong balak na gawin dito ay lumabas na rin ako.
Sumalubong sa akin ang dalawang bilog na buwan na nakasilip sa bintana nang makalabas ako ng silid. Napabuntong-hininga ako sa mga nangyari ngayong araw. Sigurado akong pagod na rin ang mga kasama ko.
Helena's words must have hurt them... specially the new seniors.
I guess I should start doing something too. Because her words are not just for them—but for me too.
Naglakad ako sa mahabang pasilyo sa mansyon ni Helena. Malapit na 'kong kumaliwa sa isang pasilyo nang matigilan ako sa narinig ko.
"Anong meron sa'yo?" sambit ng isang pamilyar na lalaki.
"Meron sa'yo na wala sa akin?" dagdag nito.
Kusa akong huminto sa paglalakad. Natauhan ako kung sino ang nagsasalita—walang iba kung hindi si Law. Pasimple akong sumilip at nakita ko kung sino ang kinakausap niya. It's no other than the Deity, Cleofa.
"What do you mean?" marahang tanong ni Cleofa.
Napaismid si Law sa sinabi nito at nagbago ang ekspresyon niya. "Oi, oi. You're an heiress of Cronus like me right? Then why did I lost?" walang kaemo-emosyong sambit niya.
"You're just like me... we're just the same. So why?" pag-uulit ni Law.
Tumagal ng ilang segundo bago nakasagot si Cleofa sa sinabi niya.
"Why won't you ask yourself... ano ba ang meron sa akin na wala ka?" balik ni Cleofa kay Law.
Nagbago ang ekspresyon ni Law sa sinabi niya. Hindi kaagad siya nakasagot.
"Law, right?" muling sambit ni Cleofa.
"Law, do you have someone to protect?"
Cleofa glanced at Law. Nagsimula itong maglakad papunta sa bintana at tinalikuran ang lalaking kausap niya.
Kumunot ang noo ni Law sa narinig at agad na tumango. "Of course, I do!"
"Are you willing to do anything just for them?" pag-uulit ni Cleofa.
"Of course!" muling sagot ni Law. Unti-unting tumaas ang tono ng pananalita niya.
"Even if... you'll end up dying?"
Hindi nagdalawang isip si Law na sagutin ang tanong niya. "I'm freaking ready to die if it's for them!" taas noong sagot niya.
There was a sudden silence. Nagbago ang ekspresyon ni Cleofa at muli nitong hinarap si Law. I was stunned, seeing the emotions in her eyes... the moonlight touching her skin from the window, her brown hair shining like gold.
"Then that what makes us different."
Her voice blended with the wind.
Law's forehead furrowed. Mas lalong naguluhan ito sa sinabi niya.
"Oi, oi. What are you talking about? You're not ready to die even if it's for someone special to you?" tanong niya.
"Yes," deretsong sagot ng babaeng kausap niya. "Iniisip mo lang ang pagligtas mo sa kanila. Pero nainisip mo ba ang mararamdaman nila kapag nawala ka?" seryosong dagdag ni Cleofa.
Tila natigilan si Law sa sinabi niya.
"Akala ko rin no'ng una ay okay lang na maililigtas ko sila kapalit ng buhay ko." pangunguna ni Cleofa.
"Pero naranasan ko ng mapunta sa sitwasyon nila. Ang buhay ko kapalit ng buhay nila," dagdag niya.
Muling bumalik ang tingin ni Cleofa sa labas ng bintana.
"Masakit maiwan, Law. Sigurado akong kapag narinig ng mga kasama mo 'yang sinasabi mo ay hindi sila matutuwa."
Unti-unting kumurba ang labi ni Cleofa sa isang ngiti.
"Don't tell me that you're willing to die for them. Tell me that you're willing to live, and fight together with them."
"Your life is also precious as their lives."
Hinarap ni Cleofa si Law at naglakad papalapit sa kaniya. Dahil sa pagitan ng tangkad nila, nakaangat ang tingin ni Cleofa rito.
"Well then... do you want to undergo leveling with me, heir of Cronus?"
Inabangan ko ang sasabihin ni Law nang mabigla ako nang may humawak sa balikat ko. Napasinghap ako at para akong aatakihin sa puso dahil sa gulat pero nagawa kong pigilan ang sarili ko na gumawa ng kahit anong tunog.
"Yoh! You're Scarlet, right? From the Grim Reapers?" nakangiting sambit ni Aqua.
Bigla na lamang itong sumulpot sa gilid ko dahilan ng pagkabigla ko. Napansin nitong nakatingin ako sa pasilyo kaya napasilip din siya.
"Oh, buti na lang wala ang kupal na Helix," natatawang aniya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Huh? They're just freaking talking. Hindi gano'ng klaseng lalaki si Law," giit ko.
Natawa si Aqua sa reaksyon ko. "I'm just kidding," natatawang sambit niya.
Napaatras ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin. "So what are you going to do, Scarlet? Do you want to undergo leveling?"
Hindi kaagad ako nakaimik sa sinabi niya. Mukhang nakapagdesisyon na si Law, ngunit hindi iyon gano'n kadali para sa akin.
Napaiwas ako ng tingin, dahilan para malaman ni Aqua ang desisyon ko. She heaved a sigh, smiling.
Lumayo siya sa akin at umupo sa isang bintana malapit sa amin.
"You and Law are both monsters. Anong naisip ni Gin at pinagsama kayong dalawa?" natatawang sambit ni Aqua.
"You're going to be freaking unbeatable."
Napaismid ako sa sinabi niya at naglakad ako sa bintana kung saan siya nakaupo. Napasalumbaba ako rito at napatingin sa labas.
"Coming from you. Ni hindi ko pa nga nakikita ang gift mo pero nagawa mo ng panginigin ang buong katawan ko sa pag-summon mo pa lang ng familiar," walang ganang sambit ko.
"You, King, and Zail... are the true monsters."
Muling natawa si Aqua sa sinabi ko. Napunta sa dalawang buwan ang mga tingin niya.
"But time will come... my strongest ice will be easily melted by Helix' fire. Raven's speed won't be able to catch up to Alvis' light. And the King's power can be easily taken and controlled by Cleofa."
"The Generation of Prodigies are over. At hindi hamak na mas nakakatakot ang mga papalit." Isang ngiti ang pinakita sa akin ni Aqua nang tapunan niya 'ko ng tingin.
"But it has already been several decades.... Yet, the phoenix still lives," bulong niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha?" marahang tanong ko.
Tanging pag-iling ang sinagot sa akin ni Aqua bago bumalik ang tingin niya sa dalawang buwan.
"Ang sabi ko, darating ang araw na matataasan niyo rin si Gin..." She chuckled.
Pareho kaming nakasilip sa bintana ni Aqua nang bigla na lamang may lalaking sumulpot sa harapan namin.
"Boo!"
Pareho kaming napasinghap sa biglaang pagsulpot ni Zail sa bintana. Nakasabit siya mula sa bubong.
"Sinong sinasabi mong hindi ko masusundan ha, Aqua?" tanong nito.
Nakasimangot na nakatingin si Zail kay Aqua nang mapunta sa akin ang tingin niya.
"Oh, you're with the phoenix."
"What the fuck are you doing, Zail?!" inis na sambit ng katabi ko.
Pagtawa ang sinagot ni Zail dito. "Kanina pa kita hinahanap. Hinahanap tayo ni Keon, gusto atang takasan 'yong pangungulit ni Gin. Tara na," aniya.
"Tsk! Kaya kong pumunta mag-isa kay Keon. Pwe!" sagot ni Aqua kay Zail. Inis siyang bumaba sa bintana at naglakad papalayo sa amin.
Sinundan siya ng tingin ni Zail habang nakasimangot. "Sungit," he scoffed.
Tumalon na rin siya papasok sa bintana at nag-akmang susunod sa kasama niya nang magsalita ako.
"H-Hey!" pagpigil ko.
Napunta ang tingin sa akin ni Zail at hinintay ang sasabihin ko. I was suddenly lost for words. Bigla ko na lang siyang pinigilan kahit wala pa 'kong naiisip na sasabihin sa kaniya.
I bit my lower lip. Bumaba ang tingin ko at humigpit ang pagkasasara ng kamao.
"W-Will you... help me undergo leveling?" marahang tanong ko.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at si Zail pa ang nagawan kong hingan ng tulong.
Pero kapag naalala ko ang ginawa ni Law ay hindi ko mapigilan ang sarili kong gawin ito.
He swallowed his pride for the sake of being stronger—for the sake of protecting us.
Sino ba naman ako para hindi rin iyon gawin?
"Oh... wala naman sa 'king problema," sagot ni Zail.
Nabigla ako sa narinig. Mabilis na umangat ang tingin ko at nakataas ang dalawang kilay ko na tumingin sa kaniya. Hindi ko inaasahan na papayag siya kaagad.
Nagtama ang mga tingin namin ni Zail. "But I don't know if you can take my way of training..."
His expression suddenly changed. Sumakto ang pagtakip ng mga ulap sa dalawang buwan dahilan kung bakit dumilim ang pasilyo.
The look on his glowing eyes and his lips slowly carving into a grin... I felt the chills down my spine and the pressure pulling me down.
So... this is... a member of the Generation of Prodigies.
"I mean, I'm not a senior. And not an ordinary master..."
This man is second to King...
"At isa pa, we're completely opposite.... Phoenix means reborn,"
"And raven means death."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top