Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nanghina ang buo kong katawan nang magtama ang mga tingin namin ni Viola.
"V-Viola," hindi makapaniwalang sambit ko.
Prente itong nakasandal sa pader at nasa bulsa ang mga kamay. "Long time no see, S03," nakangising sambit niya.
Hindi pa rin pinoproseso ng utak ko ang nangyayari at hindi kaagad ako nakaimik sa sinabi niya.
"W-What are you doing here?" tanong ko.
She tilted her her and she gave me a threatening look. "How about you? What are you doing here?" balik niya sa akin.
Umalis ito sa pagkasasandal sa pader at naglakad papalapit sa akin.
"I-I'm doing my job," taas noong sagot ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
"What job?" Pinagtaasan ako ng kilay ni Viola. "To hang out with Helena's kids?" sarakstikong aniya. Matalim siyang tumingin sa akin.
I clicked my tongue. "Shut the fuck up, Viola. You know why I'm here. Kasama ito sa plano ko.'
Kahit sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko ay pinakita ko ang pagiging kalmado ko sa babaeng nasa harap ko.
Tuluyan ng lumapit sa akin si Viola. Nabigla ako nang pagtaasan niya 'kong kamay. Mariin akong napakagat sa ibabang labi at napaismid. Inaasahan ko ang pagsampal niya sa akin... ngunit natigilan ako nang nakaramdam ako ng mahigpit na yakap.
"A-Addi's back, Scarlet..."
Her voice was soft and warm—enough to melt my heart.
Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko at walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Addi is... back?
"D-Did you also know? About Papa?" dagdag ni Viola.
Tuluyan na 'kong nanghina sa sinabi niya. "W-What do you mean?" tanong ko.
Inalis ni Viola ang pagkakayakap sa akin at tumingin ito nang deretso sa mga mata ko. "Papa's plans... the true personality of the man whom we believed in."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nangungusap ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. Natagpuan ang sarili kong napahawak sa magkabilang balikat ni Viola.
"T-Tell me, walang nangyaring masama sa inyo, hindi ba?! Si Papa, wala siyang sinaktan, hindi ba?!" sunod-sunod na sambit ko. Tumaas ang tono ng pananalita ko.
Bumigat ang paghinga ko at hindi ko mapigilang kabahan. Kapag may nakaalam pa ng totoong katauhan ni Papa ay hindi namin alam kung ano ang pwedeng gawin niya.
Nagbago ang ekspresyon ni Viola sa sinabi ko at naramdaman ko na lang ang hapdi ng pisngi ko nang sampalin niya ako. Kasunod n'on ay ang unti-unting pagpatak ng mga luha niya.
"Y-You knew Scarlet! Then why didn't you tell us?! You're trying to solve this by yourself?! Gano'n ba talaga kataas ang tingin mo sa sarili mo?!"
I can see the mixed emotions in her eyes. Hatred... deceived... sadness—and guilt.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi 'yon ang gusto kong iparating... ang gusto ko lang ay hindi sila mapahamak.
"Addi told us... we met her. All of the one digit codes. Hindi alam ni Papa na bumalik si Addi pati na rin ang mga ibang codes. Kaya 'wag mo silang alalahanin," aniya.
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Viola. Mabuti naman at wala pa ring alam ang ibang codes. Mas mabuti ng gano'n para na rin sa kaligtasan nila.
"We all believed her... except for one."
Natigilan ako, muling lumakas ang pagtibok ng puso ko. Hinintay ko ang sasabihin ni Viola at hinanda ko ang sarili ko.
"Code L04. Liev."
Para akong nabingi sa narinig. Natigilan ako sa sinabi niya at agad kumunot ang noo ko. "L-Liev? Imposible 'yon! Sa ating lahat ay si Liev mismo ang mas kapani-kapaniwalang magtitiwala kay Addi!" giit ko.
Matagal ko ng kilala si Liev. Siya ang madalas na nakakasama ko sa mga mission. Sa aming lahat ay ang siya ang may pinakamalaking tiwala sa mga kasama namin. Sigurado akong maniniwala siya kay Addi kapag sinabi niya ang totoong katauhan ni Papa!
Umiling sa sinabi ko si Viola. "Siya ang nagsabi sa amin na 'wag kaming maniniwala kay Addi. Siya pa mismo ang nagpaalis kay Addi nang nagsabi ito ng masama kay Papa," sagot niya.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Viola. He did that?!
Napaiwas ng tingin ang kaharap ko at napaismid. "Anyways. Nandito lang ako para malaman kung may alam ka na rito. Magtataka si Papa kapag matagal akong nawala."
Hindi ako nakaimik nang tinalikuran niya 'ko at hindi man lang hinintay ang mga sasabibin ko.
"Just to tell you, S03. I always believe in what I see. Kahit totoo ang sinabi ni Addi ay hindi ako basta-basta maniniwala hangga't hindi ko pa ito nakikita," pahabol na sambit ni Viola.
"I have my ways in doing things. The same as the others. Kung totoo ngang ganong klaseng tao si Papa-"
"I don't know what I'll do."
She didn't waited for me to explain or answer. Hindi niya na 'ko nilingon nang nagsimula siyang maglakad papalayo. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ni Viola nang huminto siya na para bang may nakalimutan na sabihin.
"I want to warn you. Remember, S03. Papa is always watching you."
"You've done enough Scarlet, at least let us help. Though, wala naman akong paki kung ano man ang mangyari sa'yo pero sigurado akong malukungkot ang mga bata sa base kung meron man.... So, don't die."
As if our conversation didn't happened, she continued walking without saying any word. Tuluyan ng naglakad papaalis si Viola hanggang mawala siya sa paningin ko.
Naiwan akong nakatayo sa gitna ng pasilyo. Tanging paghigpit ng pagkasasara ng kamao ko ang nagawa ko. Napalunok ako nang malalim at mariin na napakagat sa ibabang labi.
I need... to move now.
Natauhan ako nang marinig ang hiyawan sa loob ng stadium. Para bang nakalimutan ko ang pinunta ko sa labas at agad akong bumalik sa pwesto namin.
"Oh, what took you so long?" bungad sa akin ni Law nang makabalik ako.
Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya at pasimple akong umiwas ng tingin. "A-Ah, nag-CR din kasi ako," pagdadahilan ko.
Tahimik akong umupo sa tabi nito at nanood ng laban sa field.
"Oi, oi. Okay ka lang?" sambit ni Law nang mapansin na tahimik ako.
Umangat ang dalawang kilay ko nang tignan ko siya. I tried my best to stop myself from stuttering as I fake a smile. "Yeah, guess I'm just tired..."
Parang sobrang tuyo na ng lalamunan ko at nahihirapan akong magsalita. Isama mo pa ang panghihina ko dahil sa naging laban namin ni Zail. Parang kahit anong oras ay mawawalan ako ng malay.
"Did you had have fun, kids?" sambit ng isang batang babae.
Sabay-sabay kaming napatingin sa likod namin at agad na napatayo. Kapwa ko ay nabigla rin ang mga kasama nang makita si Helena sa likod namin.
"You did great!" nakangiting bungad niya.
All of us are dumbfounded. Imbis na matuwa ay pare-parehong nakasimangot ang mga kasama ko.
"Really?" sarkastikong sambit ni Lemon.
"Come on. What's with the look?" pang-aasar ni Helena. "Anyways, your job here is done. I want all of you to go to Rosa," deretsong dagdag niya.
Sabay-sabay kaming napasinghap at pare-parehong napaawang ang mga bibig namin sa sinabi niya.
"Oi, oi. Are you serious? What about the event?" giit ni Law.
"Oh, don't worry. Nakausap ko na ang organizers, sabi ko ay mag d-drop out na kayo," kaswal na sagot ni Helena.
Nagbago ang mga ekspresyon ng mga kasama ko. Tulad nila ay kumunot ang noo ko sa sinabi ng batang kaharap namin.
"What the hell? Then why did we go here in the first place?!" inis na sambit ni Zeldrick.
Pinagtaasan siya ng kilay ng Principal. "Because it's my decision. Any problem with that?" ma-awtoridad na sagot ni Helena.
Walang nakasagot sa mga kasama ko. Pare-pareho kaming walang imik.
"I own Rosa. Tanging ang mansyon ko lamang ang nakatayo sa bayan na iyon," pangunguna ng Principal.
"I'll go and meet you there later," dagdag niya.
Hindi na kami nito hinintay na makasagot at agad niya kaming tinalikuran. As if telling us that she won't listen to any of our complains.
Bago siya makaalis ay may pahabol siyang sinabi.
"Oh, I almost forgot." Nilingon niya kami.
"Kayo lang ang pinapunta kayo ro'n. If you see someone, no matter who they are or from what guild they're from—kill them."
"That's an order."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top