41. The right hand
Gamit ang natitirang lakas ko ay nagawa kong paapuyin ang buo kong katawan. Just like when my whole body turns into a phoenix, I'm invincible. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi ako naging literal na phoenix ngayon.
Mukha ring seseryosohin na 'ko ni Zail. He took a knife from his pocket and his expression changed. We're both getting ready for our next attack.
Akmang mauuna na 'ko sumugod nang nawala sa paningin ko si Zail. Agad akong naging alerto sa ginawa niya.
Nakaramdam ako ng paggalaw sa likod ko at imbis na kumilos ay sinalo ko ang atake niya. Tumagos lang ang patalim ni Zail sa akin na kinabigla niya. Kinuha ko ang chansa na 'yon para hawakan ang kamay niya at sapilitan na binali ito.
I saw Zail flinched and I took that chance to take his bell. Ngunit mabilis na siyang naka-react at nawala sa harapan ko.
Nalipat si Zail ilang metro ang layo sa akin hawak-hawak ang kamay nitong na-dislocate ang buto. Napasinghap ako nang walang kaemo-emosyong niyang binalik ang ayos ng kamay niya.
Malalim na ang paghinga ko at pakiramdam ko ay kahit anong oras ay mawawala na ang epekto ng gift ko.
Kailangan ko ng tapusin ito.
Naghanda na 'ko sa susunod kong atake. Katulad ko ay naghanda na rin si Zail. Nakapako ang tingin ko sa kaniya at labis kong pinakaramdaman ang mga kilos niya.
Sabay kaming sumugod sa isa't isa at habang papalapit sa akin si Zail ay nawala siya. Agad akong naging alerto at mabilis kong nabasa ang galaw niya.
Sumulpot ito sa gilid ko at bumwelo siya sa pag-atake. Hinanda ko ang kamay ko para sa patalim niya at nang sinubukan niya 'kong saksakin ay agad ko itong sinalo.
Akala ko ay nagawa kong pigilan ang atake ni Zail sa akin pero agad akong natauhan nang makita ang kaliwang paa niyang malapit ng tumama sa akin.
Alam kong hindi ko na ito magagawang iwasan kaya buong lakas ko ring ginamit ang kaliwang paa ko upang sipain siya.
Pareho kaming tumilapon ni Zail nang makatanggap kami ng parehong atake sa isa't isa. Naramdaman ko ang sakit ng tagiliran ko. Doon ko napagtanto na hindi na tuluyang gumagana ang kakayahan ko at malapit ng maubos ang lakas ko.
Hindi ko pinatagal ang pagkabagsak ko at agad akong tumayo. Kinuha ko ang pocket knife ko sa ilalim ng skirt ko na lagi kong dala. Tatapusin ko na ito sa susunod ko na atake.
Kapwa ko ay agad ding bumangon si Zail. Dumura ito ng dugo at pinunasan ang labi niya.
I suddenly felt the chills in my spine. I don't know why.
Para bang ito ang naramdaman ko no'g una kaming nagkita ni Law—it feels like I'm gonna die.
Iniling ko ang ulo ko at inisinawalang bahala ang nasa isip ko. Naghanda na 'ko sa susunod kong atake. Sabay kaming sumugod ni Zail at parehong nakatutok ang mga patalim namin sa isa't isa.
Sobrang bilis ng pangyayari at hindi kaagad nakahabol ang mga mata ko. The next thing I knew, Zail's shoulder was bleeding. Natamaan ko ito ng patalim ko.
Sa oras na 'yon ay tanging pagngiti na lamang ang nagawa ko. Doon ko nakita kung gaano kalaki ang pagitan ng lakas namin ni Zail.
Nagawa ko siyang puruhan sa balikat. Ngunit sapat na ang putol kong kanang kamay para malaman kung sino ang mas malakas sa amin.
Zail didn't took my bell. He took my whole arm where my bell was.
Pinorposeso pa ng utak ko ang mga nangyari at natauhan na lamang ako nang in-announce ng announcer ang panalo.
Walang tigil sa pagdugo ang kanang kamay ko pero wala akong makaramdam na sakit. Sobrang bigat ng paghinga ko ngayon at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masyadong mabilis ang pangyayari.
"Here," sambit ni Zail sa akin.
Lumapit ito sa pwesto ko at casual na sinauli ang putol kong kamay.
"Kaya mo namang ibalik sa rati, hindi ba?" dagdag niya.
Napaismid ako sa sinabi niya bago ko kunin ang putol kong kamay. Hindi ko alam kung nang-aasar ba 'to si Zail o ganito ba talaga ang ugali niya.
"Oh, papunta na ang mga kasama mo," walang ganang sambit niya habang sa hindi kalayuan sa likod ko.
"Well then, see yah."
Nag-akma siyang tumalikod nang mabilis akong nagsalita na kinatigil niya. May naalala akong itanong sa kaniya.
"Why did you helped us back then?" marahang tanong ko. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan kung bakit niya kami tinulungan no'ng first round.
He stopped for a couple of seconds, eyes on me. He then turned his back on me before answering. "Hindi na masaya kung first round pa lamang ay talo na kayo, hindi ba? We need to see if the Grim Reapers were really that strong," watatawang sagot niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Is he mocking us?
Balak ko na sana itong murahin nang may pahabol siyang sinabi.
"But it looks like the rumors were true. Nakakatakot ang mga gifteds sa guild niyo, even though most of you haven't used your gifts to the fullest yet." I heard him chuckled.
"Helena's kids are full of monsters. Paano pa kaya kung nagamit niyo na ng buo ang mga gift niyo? Sasapawan niyo si Executioner niyan."
I saw his side smile. I was lost for words, dumbfounded.
Nagsimula na siyang maglakad papalayo nang muli siyang huminto na para bang may nakalimutan na sabihin.
"Nga pala, I had fun fighting you phoenix, it's an honor." I saw slightly bowed—showing respect.
Naiwang nakakunot ang noo ko sa sinabi ni Zail. Ni hindi man lang ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Natauhan na lamang ako nang makaramdam ng paghawak sa likod ko.
"S-Scarlet! Okay ka lang?" nag-aalalang bungad sa akin ni Lemon.
Nabigla ako nang makita ko siya sa likod ko. Hindi lamang siya kung hindi lahat ng mga kasama ko ay pinuntahan ako sa field. Even Gin.
"Tsk. What Raven did was too much. Hindi man lang siya nagpigil," sambit ni August. Kahit hindi nito masyadong pinahalata ang inis niya ay bakas pa rin sa mukha niya na nainis siya sa ginawa sa akin ni Zail.
"What are you waiting, hood? Want me to fix your arm?" giit ni Law.
Natauhan ako sa sinabi niya at doon ko lang natandaan na putol pala ang kamay ko. Agad kong cinancel ang gift ko at ginamit ito ulit upang ibalik sa rati ang kamay ko.
"You okay, Scarlet?" tanong ni Gin.
Hindi ako kaagad nakasagot sa kaniya. Pasimple akong umiwas ng tingin at mapait na napangiti.
"Y-Yeah, I'm sorry I lost, Gin.".
I heard him sigh. Marahan niyang hinawakan ang balikat ko. "It's okay. In fact, you did great. Isa ng malaking achievement ang masugatan si Zail. I mean, he's next to strongest after King," pagpapagaan ni Gin sa loob ko.
Natigilan ako sa sinabi niya. Umangat kaagad ang dalawang kilay ko.
Zail?!
"To be honest, hindi ko pa nagagawang talunin si Zail sa mga laban namin noon," natatawang sambit ni Gin. He then stopped and paused.
"Well, hindi ko naman iyon matatawag na laban dahil pina-prank ko lang siya at imbis na sa kaniya mangyari ang prank ko ay sa akin bumabalik."
Napisamangot ako sa sinabi niya at napabuntong-hininga.
"Anyways, tara na. Bumalik na tayo sa pwesto," pag-iiba ng Guild's Master namin.
Sumunod sa kaniya ang mga kasama namin pero nanatili akong nakatayo sa pwesto ko.
"Uhm, wait. Lalabas muna 'ko saglit sa stadium," pagpapaalam ko.
Isang tango ang sinagot nila sa akin at nagsimula na silang bumalik sa pwesto namin.
"Gusto mong samahan kita?" tanong ni Law.
Umiling ako sa sinabi niya. "Mabilis lang ako," sagot ko.
Agad akong naglakad papunta sa exit sa stadium. Nakaramdam ako ng pagkauhaw sa laban at balak kong uminom sa labas.
Nang makapunta ako sa hall sa labas ng stadium ay natigilan ako nang bigla na lamang lumamig ang pakiramdam ko. Kasabay n'on ay ang pagtaas ng mga balahibo ko nang maalala ko ang pakiramdam na ito. Unti-unting namilog ang mga mata ko nang nakaramdam ako ng tensyon.
"Having fun, Scarlet?"
Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Tila nanlumo ako nang makilala kung sino ito.
The heiress of Boreas. A one digit code like me.
V08. Viola.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top