4. For the Family
Parang huminto ang mundo ko. Nanginginig ang buo kong katawan sa narinig ko. Tila napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw.
Despite being outside, I'm having a hard time breathing. The pressure, the atmosphere—it's suffocating.
Nanaginip lang ba 'ko? Totoo ba itong mga naririnig ko? Hindi pinatay ni Helena si Addi? Tapos si Papa ang gustong pumatay sa kaniya?
Pero... bakit? Akala ko ba pamilya kami? Bakit papatayin ni Papa ang sarili niyang anak? Nasaan na si Addi ngayon?
Ang daming tanong sa isipan ko at hindi ko na lang mapigilang maiyak. This is too much-
"Are you playing hide and seek? Sali ako!"
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang sumulpot sa gilid ko si Wyatt. Agad ding natigilan sa pagsasalita si Papa.
Literal na parang bumagal ang oras sa kabila ng mabilis na pagkilos ko.
Gumalaw ng sarili ang katawan ko at agad kong binuhat si Wyatt pabalik sa loob ng base. Agad akong tumakbo pabalik sa kwarto ko habang tumatawa si Wyatt.
"Are we playing tag, Scarlet?" natutuwang sambit niya.
I just faked a smile at him and continued running. Hindi rin nagtagal nang makarating kami sa kwarto ko. Habol-habol ko ang hininga ko nang ibaba ko si Wyatt.
"Laro pa tayo!"
Napasinghap ako sa sinabi niya. "W-Wyatt, gabi na ah, b-bakit nasa labas ka?" marahang tanong ko.
Parang aatakihin ako sa puso sa mga oras na iyon. Sana lang ay hindi kami nakita ni Papa.
"Hmm, nagwiwi ako eh. Tapos nakita ko si Papa sa bintana kaya lumabas ako. Tapos nakita kitang nagtatago. Are you playing hide and seek?"
Agad akong umiling sa sinabi ni Wyatt. "N-No, Scarlet just wanted to talk to Papa, pero he's busy eh. K-Kaya tomorrow na lang siya kauusapin ni Scarlet," sagot ko. Madaling naniwala sa akin si Wyatt.
"K-Kaya mag-isleep ka na ha? Gabi na," dagdag ko.
Isang tango ang sinagot niya sa akin at niyakap ako bago lumabas ng pintuan.
"U-Uhm wait, Wyatt!"
Huminto si Wyatt nang tinawag ko siya. "M-Magagalit sa atin si Papa kung lumalabas tayo ng gabi hindi ba? C-Can we make this our little secret?"
Nakangiti siyang tumango sa akin. "Yup!" aniya at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko.
Malalim akong napabuntong-hininga nang sumara ang pinto. Hindi pa rin tumitigil sa panginginig ang mga kamay ko at pati na rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
His words kept echoing in my head.
Papa... is willing to kill us for his plans. Akala ko ba... para sa amin ang mga plano niya?
Sobrang naninikip ang dibdib ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I didn't managed to sleep well that night... my mind won't stop overthinking.
Nagising ako kinabukasan sa nakasisilaw na liwanag na tumatagos sa bintana ko. Malalim ang mga mata ko habang nakasilip sa bintana.
Umaga na... pero hindi pa rin nawawala ang kaba na nararamdaman ko.
Tumunog ang bell sa labas hudyat na simula na ng agahan. Sabay-sabay kaming nag-aagahan, pati na rin ang mga nannies at si Papa.
Pilit kong binaliwala muna ang kaba ko at nag-ayos na 'ko para lumabas ng kwarto. I need to act normal to avoid suspicion. Kasabay nang paglabas ko ay ang pagtakbo ng mga bata sa hallway para mag-unahan ng pwesto sa Dining area. Hindi ako tumunganga lang doon at naglakad na rin ako papunta sa Dining area.
Kailangan kong umakto nang normal. Sigurado akong hindi malalaman ni Papa na nando'n kami kagabi ni Wyatt sa labas.
Akmang hahakbang na 'ko nang may narinig akong nagsalita.
"Good morning, Scarlet."
As if I've seen a ghost, my body stopped in an instant and my face became pale. Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang boses niya sa likod ko. Nang linungin ko ito ay bumungad sa akin si Papa buhat-buhat si Wyatt.
This is the first time I felt this feeling the moment our eyes met. His eyes... as if he can see my soul.
"Let's talk after you eat, okay? Eat well," nakangiting sambit ni papa.
Nilagpasan ako nito habang naestatwa ako sa kinatatayuan ko. He knew. He fucking knew.
Dahil sa nangyari ay hindi ko na naman nagalaw ang pagkain ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi mawala sa isipan ko ang pangyayari kagabi at ang tingin sa akin ni Papa kanina.
He can't... kill me. Yes, he... can't! First, I'm his child! Pero kung kaya niya nga 'kong patayin.... He still can't do it... I can fucking heal myself! I'm a phoenix!
Pero... paano kung hindi ako ang patayin niya? Paano kung... ang mga tinuring kong kapatid? Paano kung... si Wyatt?-
"Kumain ka na. 'Wag mo ng isipin 'yong sinabi ni Viola kagabi."
Natigilan ako sa pag-iisip nang magsalita sa tabi ko si Liev. Tahimik lang itong kumakain sa tabi ko. Nang pagmasdan ko sila ay kani-kaniya rin silang kumakain ng agahan. Wala silang alam sa totoong katauhan ni Papa.
"M-Mauuna na 'ko," ani ko.
I didn't waited for an answer. Iniwan ko si Liev na kumakain sa lamesa. Pupuntahan ko na si Papa. Alam kong hindi ko na maitatago na narinig ko ang mga sinabi niya kagabi. I still don't know Papa's gift. Samantalang alam niya lahat ng kakayahan at kahinaan namin.
Kailangan kong mag-ingat. Hindi para sa akin kung 'di para na rin sa kanila.
Dinala ako ng mga paa ko sa harap ng pintuan ng office ni Papa. Parang nandilim ang paligid ko at tanging ang pintuan lang ang nakikita ko. Kasunod nito ang pagdagan ng kung ano sa dibdib ko.
I can feel the tension, and the atmosphere is suffocating me. Huminga muna ako nang malalim bago ko ito buksan. Pagbukas ko ng pinto ay nag-aabang sa akin si Papa na prenteng nakaupo sa upuan.
Hands on the top of the table, his chin is resting at the back of his palms.
"Come in, my child," aniya.
Nanatili akong tahimik habang naglalakad papunta sa harap niya. Pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko kada yapak na ginagawa ko. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan nang magtama ang mga mata namin.
"You were there last night, right?" deretsong sambit niya.
Papa didn't wasted time or beat around the bush. Parang natuyo ang lalamunan ko at hindi ko magawang magsalita. Nagsisimula na ring manginig ang mga kamay ko.
Fuck... this is not the right time!
I felt my eyes changed. I looked straight into his eyes.
"A-Ano naman kung nando'n nga ako? Papatayin mo rin ba ako?" taas noong sagot ko.
With my eyes literally burning and locked on his, my right hand is secretly reaching my pocket—where my pocket knife is.
Kahit nagawa kong sabihin 'yon ay hindi ko pa rin mapigilan ang panginginig ng kamay ko.
Kumurba ang isang ngisi sa labi ni Papa.
"Iyon talaga ang dapat kong gawin."
Napalunok ako nang malalim. Naging alerto ako sa sinabi niya. He finally showed his true colors.
"But I know I can't."
I was slightly taken aback. Tumayo sa pagkakaupo si Papa kaya mas lalo akong naging alerto. Humigpit ang pagkahahawak ko sa pocket knife.
"How about a deal? S03?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "A deal?" sarkastikong pag-uulit ko.
Naglakad patungo sa bintana si Papa. Nakatalikod siya sa akin.
"I know that I can't kill you easily, ni hindi nga kita masusugatan dahil sa gift mo."
Pilit akong napangisi sa sinabi niya. Of course, wala siyang magagawa sa akin!
"Pero pareho nating alam na hindi lang ikaw ang nando'n kagabi, hindi ba?"
Naglaho ang ngisi ko sa labi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. "N-No! Hindi ka narinig ni Wyatt! Ako lang ang nando'n kagabi!" giit ko.
Nawala ang lahat ng kumpyansa ko sa katawan. Napabitaw ako sa hawak-hawak kong pocket knife. Hindi niya pwedeng idamay si Wyatt! Bata lang 'yon!
"Wether he heard it or not. The fact, na nando'n siya kagabi ay kailangan ko siyang patahimikin."
Nanlumo ako sa narinig. Seryoso... ba talaga siya?
Ni hindi man lang niya ba kami tinuring na pamilya?!
"Pamilya mo kami! Bakit mo kami ginaganito?! Ginawa namin lahat para sa 'yo!" sunod-sunod na sabi ko. Napuno na lamang ako at hindi ko mapigilan ang galit ko.
"Yes, tama lang 'yon. I fed you, bought you clothes, and gave you a home. Dahil nga rin sa akin ay maaga niyong nagamit ang mga gift niyo. Natural lang na pagsilbihan niyo 'ko."
My eyebrows rose and my jaw dropped. Tuluyan akong nawalan ng lakas. Hindi ko masikmura ang mga pinagsasabi niya.
Paano niya... nagagawang sabihin sa akin 'yan?
"I-I won't forgive you," mahinang sambit ko. Sobrang higpit ngayon ng pagkasasara ng kamao ko.
"I didn't asked for your forgiveness. Ang gusto ko lang ay kahit sa huling saglit ay pagsilbihan mo 'ko."
Natigilan ako sa sinabi niya. Anong pinagsasabi niya?! Ngayong alam ko na ang totoong kulay niya ay hindi na 'ko-
"Of course gagawin mo iyon. For your so called family, right S03?"
Tila bumagsak ang magkabila kong balikat sa sinabi ni Papa. Bumalik sa akin ang lahat ng alaala ko kasama ang mga bata rito. Ang mga taong tinuring ko ng kapatid...
"Finish your job, S03. After that, you're freeto go."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top