39. The Gifts of Cronus

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. That girl from the Deities has the same eyes as Law's—she's also an heiress of Cronus.

Doon ko rin napansin na magkaiba ang dalawang mata niya. Her right eye turned clock and her left eye turned-

Green?

Kapwa ko ay nagbago rin ang mga ekspresyon ng mga kasama ko. Specially Gin.

"Oh, an heiress of Cronus... huh?" Seryoso siyang nakatingin sa field, matalim ang tingin. "Looks like Law is out," dagdag niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang ibig niya bang sabihin ay matatalo si Law?

"What do you mean? Law is also an heir of Cronus!" giit ko.

Nanatiling nakatingin sa field si Gin at hindi ako tinapunan ng tingin. "The moment when one of them already used their gift, the defeat of the other one is already inevitable," walang ganang sagot niya.

"Gano'n ang takbo ng laban kapag mga tagapagmana ni Cronus ang pinag-uusapan.".

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Muling nalipat ang tingin ko sa field. Tila hindi rin inaasahan ni Law ang gift ng makakalaban niya. Ngunit ang labis na ipinagtaka ko ay hindi pa rin nito ginamit ang gift niya.

What the heck?! Nakita na niya ang gift ng taga-Deity! Bakit hindi pa niya gamitin ang gift niya?!

Nawala ang pagrereklamo ko sa isip nang nagsimula ng umatake ang Deity. Kung hindi ako nagkakamali ay Cleofa ang pangalan niya.

Sinimulan na nitong atakihin si Law. Sa kabilang banda ay tanging pag-iwas lamang ang ginagawa ng kupal na partner ko. What the heck is he doing?!

Ngayon ko lang nakitang ganito mahirapan si Law pero hindi niya pa rin ginagamit ang gift niya. Bagkus ay naglabas siya ng baril sa bulsa niya at sinimulan na niyang paulanan ng bala si Cleofa.

"Look at that jerk. Akala ko ba hindi siya papatol sa babae?" kumento ni Zeldrick.

Maski ako ay naguguluhan din. Bakit hindi gamitin ni Law ang gift niya tulad ng pinlano niya?

At isa pa, ginamit na ni Cleofa ang gift niya pero wala pa rin ako nakikitang pagbabago o bakas ng paggamit niya nito.

Nanatiling umiiwas si Law sa mga atake ni Cleofa. She's not even using a weapon. Bakit hindi na lang siya pigilan ni Law?

Muling nagpaputok ng baril si Law at pare-pareho kaming nabigla nang tumama ito kay Cleofa.

"W-What the fuck?! That jerk-"

Hindi na naituloy ni Zeldrick ang sasabihin niya nang makitang sinalo ni Cleofa ang bala. Pare-pareho kaming natigilan sa mga pwesto namin sa ginawa niya.

Just by touching the bullet, the bullet was easily destroyed. It's like...

Law's gift.

"So that was the third gift of Cronus huh?" sambit ni Elroy. Hindi namin napansin na nandito na pala sila ni Lemon. Muling bumalik sa rati ang katawan ni Lemon na para bang walang nangyari.

"Third gift?" marahang tanong ni Zeldrick.

"Yeah, we already heard of it. Pero ngayon pa lang namin nakita," pagsingit ni Lemon.

"The ability adoption," dagdag niya.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Ability adoption?

"The ability to take someone's gift and use it," sambit ni Gin nang mabasa ang ekspresyon ko.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito at muli kong tinuon ang atensyon ko sa field. So, that woman... has the ability to take others gift?

"Hays, if only Law used his gift first. He could've won," walang ganang sambit ni Lemon.

Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi nila at nanatiling nasa field ang atensyon ko. Napalunok ako nang malalim. Bakas sa mukha ni Law na nahihirapan na siya. Tanging paghigpit na lamang ng pagkasasara sa kamao ko ang nagawa ko. Gusto kong tulungan si Law...

Ilang minuto rin ang tinagal ng laban nila. Katulad ni Law ay bakas na rin sa mukha ni Cleofa ang pagod. Huminto ito sa pag-atake kay Law na habol-habol ang hininga.

Nakita kong bumuka ang bibig ni Cleofa pero hindi ko magawang marinig o mabasa man lang ang sinasabi niya.

The last thing we knew, Law was already at the ground. Holding his chest.

Kaswal na naglakad si Cleofa papunta kay Law at kinuha ang bell nito. Kasunod n'on ay ang pag-announce ng announcer na ang mga Deities ang nanalo.

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong bumababa sa field upang puntahan si Law. Nang lapitan ko ito ay habol-habol niya ang hininga niya.

"L-Law, okay ka lang?" nag-aalalang sambit ko.

Hindi nagawang makasagot ni Law sa sinabi ko. Bagkus ay napaismid ito sa sarili niya. Natigilan ako sa pwesto ko nang makitang nagbago ang ekspresyon niya. Walang imik itong bumalik sa pwesto namin.

Sumunod ang sunod na laban at nanatiling tahimik si Law sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong nangyari at hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko para gumaan ang loob niya.

"Uhm." I glanced at him. "Law-"

"That girl."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang unahan niya ako. Nawala na ang nakakatakot na ekspresyon ni Law kanina at mukhang bumalik na siya sa rati. Napunta ang tingin niya sa field.

"She told me that I still can't use my gift to the fullest."

Natahimik ako sa sinabi niya. Iyon ba ang sinabi sa kaniya ni Cleofa?

"She defeated me by using my own powers."

Napatingin siya sa mga kamay niya. He clicked his tongue—irritated to himself. "Using my gift, she manipulated the air surrounding me and made me lose my breath," walang kaemo-emosyong sambit ni Law.

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na pwedeng mangyari 'yon gamit ang gift ni Law. Maski si Law na matagal na ring may-ari ng gift na 'yon ay hindi alam. Yet, ang gifted na ngayon pa lamang nakilala ni Law at nalaman ang gift niya ay nagawa 'yon.

Napunta ang tingin ko sa mga Deities. To be exact, kay Cleofa. Sino ba sila? Hindi hamak na kapwa kong mga rookies lamang sila.

Ano ang pinagdaanan nila... para ma-control ng ganyan ang mga gift nila?

Tumagal ng ilan pang mga laban bago ko makita muli ang pangalan ko sa screen. Parang natuyo ang lalamunan ko nang makita kung sino ang makakalaban ko.

Oo, gusto kong may makalaban na Deities... pero mukhang sobra naman ata ang makakalaban ko ngayon.

Sinabi kong tatanungin ko siya kung bakit niya kami tinulungan kapag nagkita ulit kami. Mukhang ito na ang chansa ko.

I'm fighting no other than Zail from the Deities.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top