37. Fooled
Walang nakagawang maka-react sa mga tao sa stadium sa nasaksihan. Hindi ko lubos maisipan ang nararamdaman ngayon ni August lalo na't nasa harapan niya lamang ang lalaking naging sentro ng atensyon ngayon.
Hindi rin nagtagal ay tuluyan ng nawala ang malalaking lilang apoy at bumalik ang mga ito kay Helix. Nilamon nito ang naunang puting apoy na sumunog sa kaniya.
Pare-pareho naming hinanda ang mga sarili namin sa susunod na mangyayari. Bakas na sa mukha ni August na nawalan na siya ng lakas na muling lumaban pa.
Hindi ko siya masisisi. Kung ako lang din ang makakita ng gano'ng gift ay manliliit ako sa sarili ko.
Akmang magtataas na ng kamay si August upang sumuko nang unahan ito ni Helix.
Tila napaawang ang mga bibig namin sa ginawa niya. Rinig ang pagsinghap ng mga nanonood. Lalo na si August na literal na napanganga sa inakto ng kalaban.
Nakangising nagtaas ng kamay si Helix. Medyo namumutla at malalim ang mga mata, pero hindi nawawala ang kisig sa mukha.
"Hays, I give up!"
Tumagal ng ilang segundo bago naproseso ng mga tao ang sinabi nito. Kani-kaniya sila ng reaksyon sa sinabi niya. Pero nangingibabaw ang kay August na sinugod si Helix at kinuwelyuhan siya.
"B-Brat! Are you freaking mocking me?! Ginagawa mo ba akong tanga?!" giit niya.
Hindi inalintana ni Helix ang sinabi niya, bagkus ay hindi pa rin nawawala ang ngisi niya sa labi.
"Jeez, don't touch me. My girl is watching."
Mas lalong napaawang ang bibig ni August sa sinagot nito. Namumula na siya sa galit. Akmang sasampalin niya na sana si Helix nang nagsalita ulit ito.
"I don't have any powers left, miss. To be honest, sa oras na bitawan mo 'ko ay hindi ko na sigurado kaya pang tumayo," seryosong sambit ng lalaking kaharap niya.
I knew that there was something wrong after he used the violet fire...
Natigilan si August sa sinabi niya. Natauhan siya rito at dahan-dahang binitawan ang kwelyo ni Helix.
Muntik ng matumba si Helix nang ginawa iyon ni August pero nagawa pa rin nitong makatayo.
"Hehe, I'm sorry. I really wanted to fight with you more. Pero hindi ko pa kayang controlin mabuti ang ability na ginamit ko. Naubos tuloy ang lakas ko," natatawang ani ni Helix.
Nang natauhan ang announcer ay agad nitong in-announce na nanalo si August dahil sa pagkusa ni Helix sa pagkakatalo. Pagtapos n'on ay dumating ang iilang myembro ng Deities upang alalayan si Helix sa pagbalik sa upuan nila.
Tila napako ang tingin ko sa isang babaeng kasama sa pagtulong kay Helix. A girl with a brown hair and fair skin. Hindi ko alam kung bakit iba ang naramdaman ko nang magtama ang tingin namin.
As if I'm looking at... Helena and Law.
Hindi rin nagpahuli si Zeldrick at kasama si Lemon ay pinuntahan rin ng mga ito si August upang alalayan na bumalik.
Hindi nawala ang tingin ko sa babaeng taga-Deities at natauhan na lamang ako nang dumating na sa pwesto namin sina August. Doon ko napansin kung gaano kalala ang natamo niyang pinsala sa laban nila ni Helix.
"Bwisit! Bakit ba kasi walang medics man lang dito?!" naiinis na sambit ni Zeldrick.
Nagawa pa ring tumawa ni August sa sinabi niya at pilit nitong tinatago ang sakit. "O-Okay lang ako."
Napaismid ako sa sinagot niya. Kahit saan ko tignan ay alam kong hindi siya okay.
Tumayo ako sa pagkakaupo at tinulak ko papalayo si Zeldrick upang umupo sa pwesto nito.
Aangal pa sana siya pero agad siyang natigilan nang makita ang ginagawa ko. I felt my eyes changed.
I felt the warm and familiar feeling in my hands. Unti-unti kong ginamot kahit pa paano ang mga sugat ni August. Umapoy nang kaunti ang braso niya pero hindi siya nakararamdam ng paso o sakit, kabaliktaran ay unti-unting gumaan ang pakiramdam niya.
Kahit hindi ko nagawang isara nang tuluyan ang mga sugat niya ay nabawasan ko naman kahit pa paano ang sakit nito at napaliit ko ang pinsala.
Naiwang nakaawang ang mga bibig ng mga kasama ko nang matapos ako sa ginagawa ko. Lahat sila maliban lang kay Law na nakita na ang kakayahan ko.
"W-Woah," namamanghang reaksyon ni Zeldrick.
"Wow! You're amazing Scarlet!" dagdag ni Lemon.
Isang ngiti ang sinagot ko sa kanila at pinatakip ko kay Lemon ang mga sugat ni August na hindi tuluyang nagsara.
"T-Thank you," mahinang sambit ni August na nahihiya akong tapunan ng tingin.
Napabuntong-hininga ako rito at napangiti. Hindi ako sanay na pinasasalamatan ako ni August.
Nagsimula na ulit ang susunod na battle at ilang oras din ang lumipas bago maging isang myembro ulit ng Grim Reapers ang susunod na lalaban.
"Yey! Ako na!" masiglang sambit ni Lemon nang makita ang pangalan nito ang nakalagay sa screen.
Kabaliktaran nito ay hindi ko nagawang makangiti man lang na siya na ang susunod. Isang Deity muli ang kalaban niya.
It's him again... the rookie with the gift of the God of thunder.
Muli kong naalala ang unang laban nito. Baliwala itong nakagawa ng ilang dosenang palaso. Hindi ko magawang kabahan para kay Lemon.
Sa kabilang banda ay parang baliwala lamang kay Lemon ang kalaban niya dahil hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi. Mas lalo akong nanghina nang makitang si Chelsea lamang ang dala-dala niya papunta sa field.
"L-Lemon, wait-"
Sinubukan kong tawagin si Lemon nang pigilan ako ni Law.
"Oi, oi. Let her be."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.
"W-What the fuck? Seryoso ka? Sa tingin mo mananalo si Lemon gamit lang ang pusa niya?" giit ko.
Napabuntong-hininga si Law sa sinabi ko at hindi ako sinagot. Napaismid ako sa ginawa nito at tinuon ko na lang ang pansin ko sa field.
Umalingawngaw na ang pito ng announcer at sinimulan na 'kong kabahan. Bumigat bigla ang paghinga ko at nakararamdam ako ng tensyon.
Jeez, bakit si Chelsea pa kasi ang dinala ni Lemon? She can use any other animals for pete's sake!
Tila napansin ni Gin na hindi ako mapakali kaya sinibukan nito akong pakalmahin.
"Relax, Scarlet. She may not look like it but she's still your senior," aniya.
Hindi gumaan ang loob ko sa sinabi niya bagkus ay mas lalo pang kumunot ang noo ko.
"Relax?! She can control any animals! She just can't win using a cat!" giit ko.
Hindi ko na pinansin si Gin at tinuon ko na lang ang tingin ko sa field. Nagsisimula ng maglaban ang dalawa pero ang ikinabahala ko ang unang atake ni Alvis.
Mukhang hindi katulad no'ng nauna niyang laban na pinatagal niya ang balak niya ngayon. It looks like... he'll finish the battle with just one attack.
Alvis made a huge spear made of lightning and pointed it at Lemon. Nanlumo ako nang makitang walang bakas sa mukha ni Alvis na pahihintuin niya ang atake niya.
Isa pa sa ikinaawang ng bibig ko ay hindi man lang gumalaw sa pwesto niya si Lemon. Bagkus ay binitawan lang nito si Chelsea at nakangiting inabangan ang atake ni Alvis.
What the heck?!
Wala sa sarili akong napatayo. Parang bumagal ang oras nang pinakawalan ni Alvis ang sibat papunta kay Lemon. Tanging pagpikit nang mariin ang nagawa ko.
Ilang segundo rin ang tumagal bago ko nagawang imulat ang mga mata ko. Nagkaroon ng sandaling katahimikan—parang walang humihinga sa stadium.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang nakatarak sa dibdib ni Lemon ang sibat.
"L-Lemon!" nauutal na sambit ko.
What the fuck?! Akala ko bawal ang pumatay rito?!
Akmang pupunta na 'ko sa field nang pigilan ako ni Law. Agad niyang hinawakan ang braso ko.
"Oi, oi. Hood, chill," walang kaemo-emosyong sambit ng kasama ko.
Napaawang ang bibig k. "A-Anong chill ha?! Hindi mo-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tapunan ko ng tingin si Lemon. Labis akong nagtaka nang makitang tumatayo ito. Hindi ako makapaniwala na may lakas pa siyang tumayo at ni isang dugo ay walang tumutulo sa butas niyang dibdib.
"Woah! That rookie is good! Akalain mong napansin niya na agad ang totoong katauhan ni Lemon?" namamanghang sambit ni Zeldrick.
My forehead furrowed and I gave him a confused look.
Totoong... katauhan?
"Lemon is not an heiress of Artemis," sambit ni Gin habang nakatingin sa field.
"Her gift is not controlling any animals that she touched," dagdag niya.
"She likes pranking new comers using her gift. In short, you've been fooled," kumento ni Law.
Prenteng sumandal sa upuan si Gin, hindi nawawala ang tingin sa laban. "Lemon is not a girl that likes sweets and playing dolls."
"She sold her body to the demons in exchange for revenge."
"Lemon Kievah Charlotte is a cat that controls human puppets."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top