31. The Rookie

Kapwang may bell sa bewang ang dalawang myembro ng magkabilang guild. Lahat ng atensyon ng mga gifted sa stadium ay nasa kanila. Paniguradong gusto rin nila makita kung anong klaseng gift meron ang dalawa.

Umalingawngaw ang pito ng annoucer hudyat na simula na ang laban. Both of the guild's member's eyes changed.

Hindi ko masyadong makita ang kulay ng mga mata nila dahil masyadong malayo, pero alam kong nagbago na ito dahil pareho nila kaagad ginamit ang mga gift nila.

Tres' gift is ice and Alvis is-

Lightning?!

Napagtanto ko na lamang kung sinong God ang may kapangyarihan ng kidlat.

It's no other than Zeus. No wonder why, sinabi ni Gin na hindi basta-basta ang mga rookie ng Deities.

Nagsimula ng umatake si Tres kay Alvis habang walang ibang ginawa si Alvis kung hindi umiwas. Hindi ko maipagkakailang kasing bilis ng kidlat si Alvis. Ibig sabihin lang n'on ay sadyang malakas si Tres dahil nagagawa nitong makahabol sa bilis ng taga-Deities.

Napansin kong hindi umaatake si Alvis at ang sadyang pakay lang talaga nito ay ang bell ni Tres. Their fight is too exciting to watch at natagpuan ko na lamang ang sarili kong hindi kumukurap.

Tuluyang naging yelo ang field dahil sa mga atake ng taga-Frosters. Sa kabilang banda ay walang hirap itong nasisira ni Alvis dahil sa mga kidlat niya.

Sobrang bilis ng laban nila na para bang isang kurap mo lang ay marami na ang mami-missed mo. Base rin sa galawan ni Tres ay marami na itong experience dahil nagagawa nitong makahabol at atakihin si Alvis. Habang hindi naman halatang isang rookie lamang si Alvis dahil sa galaw niya.

"Oi, oi. Hindi na nakakahabol ang mata ko." Rinig kong sambit ni Law sa tabi ko.

Ilang minuto ang tinagal ng laban nila pero ni isa sa kanila ay wala pang galos na natatamo.

Walang ibang ginawa si Alvis kung hindi umiwas lang. Bakit ba ayaw niya umatake?

"Tsk, ano ba ang gustong ipamukha ng Deity na 'yan? Kaya niyang talunin ang mga gifteds dito ng hindi gumagamit ng ability?" iritadong sambit ni Zeldrick.

Hindi ko matatangging tama ang sinabi niya. Iilang myembro na nga lang ang sumali sa Deities tapos hindi pa nila gagamitin ang ability nila sa pakikipaglaban? Gano'n na lang ba kababa ang tingin nila sa amin?

Hindi lamang kami ang mga nakapansin n'on kung hindi pati na rin ang ibang guilds. Pansin kong nagsisimula na rin silang mainis sa Deity na lumalaban at nagsimula na silang magbulungan.

Nang nagsisimula ng magreklamo ang ibang mga guilds ay pare-pareho silang natigilan nang huminto sa pakikipaglaban si Tres.

Tila ang bigat ng paghinga nito at hindi na niya magamit ang ability niya. Pare-pareho kaming nabigla sa nangyari.

What the fuck... happened?

"Looks like someone is already at his limits," walang kaemo-emosyong sambit ni August habang nakatingin kay Tres.

Eh?! Pero mukhang okay pa siya kanina! Paano biglang nangyari 'yon?

Habang iniisip ko kung paano nangyari 'yon ay nakuha ng atensyon ko ang pagbabago ng mga ekspresyon ng mga kasama ko. Agad akong napatingin sa tinitignan nila at halos manlumo rin ako sa nakita ko.

Ilang daang palaso ang nasa itaas ng field. They're all made of lightning—Alvis' ability.

"Mukhang ito ang hinihintay niya," kumento ni Lemon.

Hindi ko mapigilang mapahanga at matakot at the same time. Hindi na magawang makatayo ni Tres o gamitin man lang ang gift niya. Habang ilang daang palaso ang naga-abang sa itaas niya at kahit anong oras man lang ay pwedeng bumagsak.

"Fucking Keon, does that looks like a freaking rookie to you?" nakasimangot na sambit ni Gin. As usual, mukha na naman itong bata na naiinggit.

Pero totoo naman ang sinabi niya. Hindi mukhang rookie si Alvis. Those hundreds of arrows requires a huge amount of power. Yet, walang bakas ng pagkapagod ang mukha ni Alvis.

Bago tuluyang bumagsak ang mga palaso ay sarili na mismong sumuko ang taga-Frosters. Dahil sa pagsuko nito ay inanunsyo ng announcer na Deities ang panalo. That makes them the first winners of the third round.

Habang nagpapalakpakan ang mga ibang guilds ay naramdaman ko ang pagbigat ng tensyon sa guild namin. Doon ko napansin na naging seryoso na ang mga ekspresyon ng mga kasama ko.

Hindi ko mapigilang mapangisi sa mga reaksyon nila. Mga batang ayaw magpatalo.

"Unang matatalo ay siya ang maglilinis sa buong guild ng dalawang linggo," seryosong sambit ni Gin sa amin.

Walang isang umangal sa amin at pare-pareho kaming tumango sa sinabi niya. Kahit hindi ko mapigilang kabahan dahil sa mga Deities ay hindi ko rin maitatangging nae-excite ako.

Knowing that the opponent is strong makes me hyped up. At sigurado akong gano'n din ang mga kasama ko.

Lumipas ang ilang oras at ilang labanan bago makuha ang lahat ng atensyon namin sa guild ng nakalagay sa screen. Ang unang makikipaglaban sa Guild sa amin.

Zeldrick from the Grim Reapers and Jea from the South Cave.

Mukhang isang open guild ang makakalaban ni Zeldrick.

"Hoy ayusin mo ha! Baka naman magpatalo ka dahil babae ang kalaban mo," sambit ni Lemon dito.

Tawa ang sinagot ni Zeldrick bago nito dalhin ang mga weapons na gagamitin niya. "Nah, si August nga nasasapak ko eh."

Tumaas ang kanang kilay ni August sa narinig. "At kailan? Tangina kung ikaw kaya-"

Hindi na naituloy ni August ang sasabihin niya nang tumakbo na papunta sa field si Zeldrick. Napaismid na lamang ito sa ginawa ng ka-partner niya.

"Oi, oi. Panoorin niyo na lang 'yong mokong," walang ganang sambit ni Law habang nasa field ang tingin.

Sinunod namin ang sinabi niya at napunta ang mga atensyon namin kay Zeldrick at sa kalaban niya. Nagsimula ng pumito ang announcer at labis ang ipinagtaka ko nang walang ginawa ang dalawa.

Tila naghintayan pa sila kung sino ang unang gagamit ng gift.

"Argh! Freaking asshole!" naiinis na sambit ni August.

Ilang minuto pa siguro ang lumipas bago nainip ang kalaban namin at nauna na itong gumamit ng gift.

I saw her eyes changed. Kasabay n'on ay ang biglaang pagsulpot ng mga ugat sa field.

Natauhan kaagad si Zeldrick dito at agad na iniwasan ang mga ugat na nagsimulang umatake sa kaniya. But the jerk didn't had time to take some cannon balls that he'd brought.

Pare-pareho na lamang kaming napasinghap nang nahuli ito ng isa sa mga ugat.

"Freaking stupid!"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top