3. Decision

Nanatili akong nakatunganga sa harap ng pagkain ko. Ni hindi ko man lang ito magalaw.

"Galawin mo naman 'yang pagkain mo."

Napunta ang atensyon ko kay Liev na kumakain sa gilid ko. "We both know na masyado pang malakas para sa atin si Helena. 'Wag mong sisihin ang sarili mo. You're not weak, she's just too strong." Pagpapagaan nito ng loob ko.

"I don't know what Papa's thinking, at ikaw ang pinadala niya. He should have sent code 02 or 01," dagdag niya.

Napaismid ako sa sinabi niya. "We don't even know if those two exist. We still haven't met neither of them."

Nagkibit-balikat na lamang si Liev at nagpatuloy siya sa pagkain.

"Jeez, bakit pa kasi ikaw ang pinadala ni papa? Nakakahiya ka."

Katutulala ko ay hindi ko na napansin na may tao na pala sa harap ko. She gave me a look of disgust while her arms were crossed—looking down on me.

"Shut the fuck up, Viola." Rinig kong sambit ni Liev.

Hindi natinag si Viola at nanatili pa rin itong nasa harap ko. It's been 2 days since I've met Helena. Hindi pinalagpas ng mga one digit codes ang kabiguan ko. Nalaman nila ang buong pangyayari no'ng gabing 'yon. Walang labis, walang kulang. Isa na roon si Viola, she's V08. Dati siyang V09 pero no'ng nawala si Addi ay tumaas ang rank niya.

"At bakit naman Liev? Ipagtatanggol mo na naman 'yan sa kapalpakan niya?" giit ni Viola.

Napaismid ako sa sinabi niya. Wala ako sa mood para patulan siya ngayon.

"Tsk, napakasimpleng trabaho hindi mo magawa? Isang bata lang hindi mo pa mailigpit? Jeez! At nagawa ka pang i-invite sa school ng target mo? Anong kahihiyan 'yon? Kung ako na lang sana ang pinadala-"

Natigilan si Viola nang padabog akong tumayo.

"Wow. Ang kapal naman ng pagmumukha mong umakto pa ng ganiyan. Hindi mo nga nagawa 'yong trabaho mo! Dapat ako na lang-"

I felt my eyes changed. Hindi ko namalayan na kinuwelyuhan ko na pala ang babaeng kaharap ko. We took everyone's attention and all of them stopped eating.

Seeing my body slowly getting surrounded by fire, I can see the slight fear on Viola's eyes. I looked at her dead in the eye.

"Shut your fucking mouth, V08. The number was there for a reason. Know your fucking place," seryosong sambit ko.

Napalunok siya nang malalim at hindi nakasagot. Binitawan ko ang kwelyo niya at umalis sa Dining Area. Kung alam lang nila na mas naiinis ako sa sarili ko kaysa sa pagkakainis nila sa akin.

That damn Helena! Bakit hindi niya pa 'ko pinatay roon? Gusto niya pa ba talagang ipamukha sa akin na sobrang hina ko? Na kailangan ko pa munang pumasok sa eskwelahan niya para lumakas ako?

I'll make her fucking regret letting me live that night. Sisiguraduhin kong ako ang papatay sa kaniya.

Dumeretso ako sa kwarto ko upang magisip-isip. Bilog ang buwan ngayon at hindi ako mapakali. Kailangan kong kausapin si Papa. Hihingi ako sa kaniya ng pangalawang pagkakataon. Sisiguraduhin ko ng mapapatay ko si Helena. I won't make the same mistake twice.

Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa kwarto ni Papa. Sana ay hindi pa siya tulog ngayon.

Nang nasa harap na 'ko ng pinto ng kwarto niya ay kumatok ako ng tatlong beses. Hinintay kong bumukas ang pinto pero hindi ito bumukas.

Hindi kaya tulog na siya?

Sinubukan kong kumatok ulit ng dalawang beses pero hindi pa rin ito bumukas. Bukas ko na lang kaya sabihin?

I bit my lower lip as I choose my decision. May nagsasabi sa sarili ko na ngayon ko na sabihin kay Papa.

Napabuntong-hininga na lamang ako nang dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Hindi ito nilo-lock ni Papa para raw kung kailangan namin siya ay mabilis namin siyang malalapitan.

"Papa?"

Sumilip ako sa kwarto upang hanapin si Papa pero nabigo ako. Nagtaka ako nang makitang bakante ang kwarto. Wala si Papa sa loob. Nasaan naman kaya siya ngayong oras?

Pagtapos kong manggaling sa kwarto ay sunod ko namang pinuntahan ang office niya. Baka may ginagawa pa siya roon ngayon.

Nang makarating ako sa office niya ay agad akong pumasok sa loob. Pero kagaya nang nangyari kanina ay nabigo lang ulit ako. Walang bakas na nanggaling dito si Papa. Nasaan naman kaya siya?

I sighed in disappointment. Siguro nga ay bukas ko na lang kausapin si Papa.

Napagdesisyunan kong bukas ko na lang siya kauusapin at naglakad na 'ko pabalik sa kwarto ko.

Habang naglalakad pabalik ay nahagip ng paningin ko ang bintana. Isang pamilyar na pigura ang nakita ko sa labas ng base. Nasa labas si Papa.

Agad akong lumabas ng base para puntahan siya. Ano naman kaya ang ginagawa niya sa labas ng ganitong oras?

Paglabas ko ng base ay sinalubong kaagad ako ng malakas ng hangin dahilan ng pagyakap ko sa sarili ko. Kauusapin ko nang mabilis si Papa para makabalik ako kaagad.

Habang papalapit nang papalapit sa pwesto ni Papa ay meron akong naririnig na nagsasalita. Mukhang meron siyang kausap sa telepono.

Tumigil muna ako sa paglalakad at nanatili sa pwesto ko. Hindi ko pwedeng abalahin si Papa habang may kausap siya sa telepono. Pero kahit medyo malayo ako sa pwesto niya ay hindi ko pa rin mapigilang marinig ang pinag-uusapan nila.

"Ano na ang balita kay Helena?" sambit ni Papa.

Natigilan ako sa sinabi niya at mabilis na nakuha ang atensyon ko. Bakit si Helena ang pinag-uusapan nila? Tungkol ba ito sa plano ni Papa?

Napabuntong-hininga ako sa sarili ko. Hindi ko dapat pakinggan ang pinag-uusapan nila. Sigurado akong magagalit sa akin si Papa. Sa loob ko na lang siya hihintayin.

Naglakad ako pabalik sa loob ng base pero muli akong natigilan sa narinig ko.

"Sinubukan ko siyang ipaligpit sa isa sa mga bata rito. Akala ko pa naman magagawa na niya, tutal malaki ang silbe ng gift niya. Pero iba talaga si Helena."

Muling nakuha ng sinabi ni Papa ang atensyon ko. Ako ba ang tinutukoy niya?

Alam kong hindi ako pwede makinig pero hindi ko na magawang maglakad papalayo.

"Mukha namang walang sinabi sa kaniya si Helena. Pinagtataka ko nga lang kung bakit inimbita 'yon ni Helena sa eskwelahan niya. Alamin mo kung bakit," muling sambit ni papa sa kausap niya.

"Mabuti na lang at walang sinabi sa kaniya si Helena. Sayang naman kung papatayin ko siya. Malaki ang pakinabang siya sa akin."

I immediately got frozen in my place, dumbfounded. As if a loud and a high pitched sound got stucked in my ears. Nanlambot ako sa sinabi ni Papa.

Si Papa... ba talaga ang nagsasalita? Ano ang pinagsasabi niya? Bakit?

Bigla na lamang tumawa si Papa sa kausap niya sa kabilang linya. "Nga pala, nahanap mo na ba 'yong babae?" pag-iiba niya.

Nanatili akong nakinig sa pag-uusap nina Papa, kahit hindi ko magawang makapaniwala na si Papa ang nagsasabi n'on. Mabigat na rin ang bawat paghinga ko.

"Lintik, hanapin mo 'yon kaagad! Sinabi sa kaniya ni Helena ang mga plano ko. Malilintikan pa tayo kapag bumalik 'yan dito. Alam ng mga bata patay na 'yan."

"Sinabi ko na sa'yo hindi ba? Code A08!Ligpitin mo na kaagad!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top