29. Third round
Iilan lamang ang mga nanatiling kalmado sa kabila ng paglitaw ng haliwaw ng dagat. Kabilang na roon ang Guild's Master namin. Katulad ko ay hindi rin gaanong pinapahalata nina Law ang kaba.
Kabaliktaran naman namin si Zeldrick na parang tanga at sigaw nang sigaw.
"Tangina, ang ingay mo!" naiinis na sambit ni Lemon sa kasama.
Hindi tumigil sa pagsigaw si Zeldrick kaya walang nagawa ang mga kasama ko kung hindi takpan na lamang ang mga tenga nila.
Muling napunta ang atensyon ko sa field. Hindi maipagkakaila ang takot ngayon ng taga-Beast. Hindi maitatangging walang-wala ang laki ng Megalodon sa Leviathan.
Mas lalo na lamang nag-panic ang mga tao nang nagsimulang dumagundong ang halimaw ng dagat. Kahit ang walang paki na si Gin ay biglang naging seryoso ang ekspresyon.
"Oi, oi. Seryoso ba 'yan, tangina damay tayo riyan." Rinig kong sambit ni Law.
Naging alerto ako sa sinabi niya at agad kong pinagmasdan ang dagat. Nagsisimula ng tumaas ang lebel ng tubig at unti-unti ng umaangat ang mga alon.
Napunta ang tingin ko sa representative ng Deities at mukhang wala itong balak na pahintuin ang familiar niya.
Ngunit bago pa maging seryoso ang lahat ay nabigla kaming lahat nang may sumulpot sa gitna ng field at malakas na binatukan si Aqua.
"Bwisit kang bata ka! Papatayin mo ba lahat ng nandito?!"
There was a sudden silent, everyone was dumbfounded. Pare-parehong napanganga ang mga tao sa stadium sa ginawa ni Xilah sa estudyante niya.
"I'm sorry! Suko na kami! Sa inyo na ang puntos!" sambit ni Xilah at sinimulan na nitong hilahin pabalik si Aqua na kamot-kamot ang ulong nabatukan.
Hindi kaagad naka-react ang announcer na nabigla sa nangyari. Kahit kami rin ay hindi inaasahan na pipigilan ni Xilah ang laban.
Nang matauhan ang announcer ay inannounce na nito na nanalo ang Beasts. Pero sa kabila ng panalo nila ay hindi pa rin makagalaw sa pwesto niya ang lalaki.
Gin laughed. "Stupid Queen."
"Whoo!! Natapos na rin sa wakas. Natakot ba kayo?!"
Tila nabuhayan na ng loob si Zeldrick at naging masigla na ito. Hindi man lang siya nahiya sa inakto niya kanina. Mukha siyang tanga.
Tumagal pa ng ilang laban ng mga familiars bago natapos ang second round. Nakahinga na nang maluwag ang mga kasama ko nang matapos ito.
Hindi rin nagtagal ay bumalik na si August sa pwesto namin at sinalubong ito ng yakap ni Zeldrick. I saw August blushed pero kaagad din nitong tinulak papalayo si Zel.
"Ano ba! Mas lalo akong napapagod sa'yo," giit nito na kinasimangot ni Zeldrick.
"Tsk! Ang tagal ng laban mo! Kung ako sana ang nando'n ay hindi iyon gano'n katagal!"
Kararating pa lang ni August at nagsimula na naman silang magtalo ni Zeldrick. Hindi na ito pinansin ng mga kasama ko dahil wala naman ng bago. Napunta sa screen ang lahat ng atensyon namin.
"Hello, everyone!! Congratulations sa mga nagkaroon ng points this round! Sa mga hindi naman pinalad ay don't worry dahil magsisimula na ang next and last round!"
Nanatili kaming nakinig sa announcer na ineexplain ang susunod na round. Ito na ang pinakahinihintay namin—ang last round.
"But before I start the explanation, I would like to introduce to you our special guests who will watch the last round!"
Napuno ng palakpakan ang stadium nang bigla na lamang bumukas ang pinakamalaking pinto sa dulo ng field. Pumasok dito ang isang grupo ng mga gifteds. Kabilang na rin si Helena.
"Everyone! The three respected leaders and Principals of the Academies! Together with the officials!"
Nagsimulang maglakad ang mga officials patungo sa kanilang mga espesyal na upuan. Nakita kong tinapunan kami ng tingin at ngisi ni Helena bago ito pumunta sa upuan niya.
"Kinakabahan tuloy ako sa third round. Manonood pa sila," kumento ni Lemon.
"Now then! Ipaliliwanag ko na ang third round!"
Habang nagsasalita ang announcer ay nag-iba ang nasa screen.
"Sa third round ay by members rin ang labanan. Meron kaming listahan ng kada members sa guild at iraraffle namin ito para malaman kung sino-sino ang mga maglalaban sa iba't ibang guild," panimula ng announcer.
"The rules are simple. Once na matalo ang member niyo sa isang guild ay hindi na ito pwedeng makipaglaban pa sa guild na iyon. Instead, sa ibang guild na lang siya maaring makalaban."
"For example, naglaban ang members ng Guild A at Guild B. Nanalo sa laban si Guild B. That means, ang member ng Guild A na nakipaglaban sa Guild B ay hindi na maaring lumaban pa sa ibang members ng Guild B. Pero maari pa itong makipaglaban sa Guild C at iba pa."
Ipinakita sa screen ang example na Guild A, Guild B, at Guild C.
Naintindihan namin ang pagpapaliwanag ng announcer. Mukhang nagkaroon na naman kami ng disadvantage dahil sa bilang namin. Kapag natalo ang isang member namin sa isang guild ay ibig sabihin hindi na ito pwedeng lumaban sa guild na iyon. Ibig sabihin, dapat ibang member na ang lalaban sa guild na iyon ulit.
"Don't worry! Once na matalo ang member niyo ay maari pa itong makalaban sa ibang guild. Though, mas maganda kung mananalo na kaagad kayo para maari pang makalaban ang member niyo sa guild na 'yon."
Nanatili akong nag-isip nang mabuti tungkol sa laban. Kung sakaling unang round pa lang ay nakaharap ko na ang Deities at natalo ako, ibig sabihin ay hindi ko na makahaharap pa ang mga Deities sa susunod na mga rounds.
"Katulad ng sa second round. Kada panalo ng member ay isang puntos sa guild. The highest points will be the S class guild this year!"
"As always, any weapons are allowed. Pati na rin ang mga hayop as long as it's not your familiar."
Nabigla ako nang biglang naglabas ng isang maliit na bell ang announcer.
"All you need to do is to get the bell from your opponent. Sa oras na makuha niyo na ito ay kayo na ang panalo. Or, kapag hindi na kaya pang lumaban ng opponent niyo o in-admit nito ang defeat!"
Pare-pareho kaming nabigla nang bigla na lamang tumayo si Gin habang nag-eexplain pa rin ang announcer.
"Oi, oi. Gin, saan ka pupunta?" tanong ni Law.
"Just doing the condition."
Kumunot ang mga noo namin sa sinagot niya. Tuluyan ng umalis sa pwesto namin si Gin at hindi na lang namin ito pinansin. Baka may pinapagawa lang sa kaniya.
"Goodluck participants! Makikita niyo ang pagkasusunod-sunod ng laban at ang mga magiging laban ninyo sa screen."
Nagbago na naman ang nakalagay sa screen. Napunta ang lahat ng tingin namin sa mga nakalagay rito.
"But before the actual round. Pakikitaan muna tayo ng special fight ng dalawang special gifteds!"
Pare-pareho kaming natigilan sa sinabi ng announcer. Parang meron na kaming ideya kung sino ang mga tinutukoy nito.
"From the Generation of Prodigies!"
"The King and The Executioner!"
Napanganga na lamang kami nang sumulpot sa gitna ng field sina Gin at King.
"Come to think of it, may condition rin pa lang pinagawa sa Deities para pasalihin sila," kalmadong sambit ni Elroy.
Napaawang ang bibig ko sa narinig. Hindi na lang talaga ako makapaniwala sa ginawa nila.
Fuck, seryoso?! Maglalaban sila?
"Well then! May the best Guild wins!"
Matapos sabihin iyon ng announcer ay umalingawngaw ang napakalakas na tunog sa stadium hudyat na simula na ang laban. Kasunod nito ay ang hiyawan at sigawan ng mga nanonood.
Kasabay ng pagkakaba ko ay hindi ko rin mapigilang ma-excite. Kung tutuusin ay ngayon ko lang makikita ang gift ng dalawang 'yon.
Gaano kaya kalakas ng mga gift nila?
Habang naghihintay ng mangyayari ay bigla na lamang akong pinagpawisan.
Ako lang ba o parang... biglang uminit?
Mas lalo akong naguluhan nang makita kong nakatayo lang sa gitna sina Gin at King.
Hindi pa ba sila magsisimula?
"Puta ang init." Rinig kong sambit ni Zeldrick.
Hindi ko ito masisisi dahil sobrang init nga. Bakit bigla na lang uminit?-
Natigilan ako sa pag-iisip nang mapunta ang tingin ko sa langit.
Kinusot ko pa ang mga mata ko para malaman kung namamalikmata lang ba ako. Pero imbis na mawala ay unti-unti itong nagiging palapit nang palapit.
A fucking meteor is falling.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top