25. Advance
It has only been 15 minutes since the first round started. And almost half of the participants are either out of the platform or has been knocked out.
Pansin ko na ring mabigat na ang paghinga ni Elroy. Ginagawa ko ang makakaya ko para suportahan ito gamit ang baril na dala ko, pero hindi pa rin biro ang lakas na ginagamit niya. Kinokontrol niya ang kada isang chess piece na nandito. I'm pretty sure that he's already at his limits.
Habang patuloy kami sa pagdepensa at pag-atake ni Elroy, I suddenly felt the chills. Napunta kaagad ang tingin ko sa babaeng papunta sa amin.
The girl with a braided hair. A member of the Spiders. Ang isa sa mga gifted na dapat naming iwasan.
Nakangisi itong naglalakad papalapit sa amin. Ni hindi nito alintana ang mga umaatake sa kaniya. Baliwala niyang binabali ang mga braso nila.
My eyes slowly widened as I bit my lower lip. Hindi ko mapigilang kabahan. She's freaking coming for us. Kung doon din aabot ito ay wala akong choice kung hindi gamitin na ang gift ko, hindi pwedeng si Elroy-
"I told you. Ako na ang bahala."
Natigilan na lamang ako nang magsalita si Elroy. Wala pa 'kong sinasabi-
"It's wrtten all over your face, Scarlet."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. He's freaking good at reading people's expression. Mukhang hindi lang tahimik at puro laro itong si Elroy.
"Psttt! You have an interesting gift there! Why won't you play with me instead?"
Nawala ang mga iniisip ko nang magsalita ang babaeng papalapit sa amin. Habang papalapit ito nang papalapit ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko.
Why won't she play with the others instead?!
"Come on, I'm getting pretty bored," muling sambit ng babae.
Nanlambot na lamang ako nang walang kahirap-hirap nitong nasira ang isa sa mga chess piece ni Elroy. Ni isa sa mga gifteds dito ay hindi 'yon nagawang gasgasan man lang gamit ang mga baril at patalim na dala nila. But with just her bare hands, she freaking destoyed one.
Napaismid si Elroy sa ginawa niya. While walking towards us, her eyes changed. It turned violet.
This is my first time seeing that kind of eye. Hindi ko alam kung kaninong heiress siya. But there's one thing I'm sure. Sigurado akong mahihirapan kami sa babaeng ito.
"Come on, let's go-"
Parang huminto ang pagtakbo ng oras. Pare-pareho kaming natigilan sa sumunod na nangyari. Hindi ko alam kung saan pa 'ko matatakot.
Kung sa pagsugod sa amin ng babaeng myembro ng Spiders. O ang biglaang pagsulpot ng isang lalaki sa harap namin.
Hindi na naituloy ng babae ang sasabihin niya nang tumumba na kaagad ito.
The fucking guy struck her in the neck which made her unconscious in an instant.
With just a fucking one hit! One hit!
He made a freaking member of the Spiders' unconscious!
Natauhan ako nang makilala ko siya. He was the guy from earlier—the guy with a scar in his left eye.
I flinched when he looked at us. Hinanda ko na ang sarili ko kung sakaling aatakihin kami nito. But instead of attacking us, he just casually walked away from us.
Dumaan siya sa pinanggalingan n'ong babaeng myembro ng Spiders ng walang sinasabi o ginagawa. Naiwan kaming nakatulala ni Elroy sa nangyari.
"W-What happened?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Hindi nakasagot si Elroy sa akin na nabigla rin sa pangyayari.
Did he... just helped us? Impossible! Bakit naman niya gagawin 'yon? Pero kung wala siyang dahilan kung bakit niya kami tinulungan, bakit hindi niya kami inatake?
Dahil ba nakita niyang dalawa kami? Pero hindi! Kayang-kaya niya kaming pabagsakin ni Elroy ng walang kahirap-hirap...
Isa pa sa mga pinagtataka ko ay paano siya biglang sumulpot sa harapan namin. I didn't even felt his strong presence!
Hindi ko namalayan na limang minuto na pala ang lumipas. Natauhan na lang ako nang tumunog ang bell. Do'n ko lang napansin na tanging 50 na lamang kaming nakatayo sa platform. Ibig sabihin ay tapos na ang first round at kami ang pwedeng mag-advance sa second round.
"Okay, participants!! Congratulations for those who succeeded in the first round. Para sa mga hindi pinalad, you can watch the second round in Block F."
"Para naman sa mga nanalo. Maari na kayong pumunta sa main stadium! Dumaan lang kayo sa exit door. Doon niyo na mami-meet ang mga kasama niyo na nakapag-advance."
Pagtapos magsalita ng announcer ay nagsimula na ring maglakad ang mga natirang gifteds patungo sa exit. Habang katulad ko ay nanatili pa ring nakatayo si Elroy.
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong hinahanap 'yong lalaking tumulong sa amin kanina. Pero hindi ko na ito nakita sa rami ng taong papalabas.
"Tama na, Scarlet. Katulad mo ay naguguluhan rin ako kung bakit niya tayo tinulungan. Pero hindi ngayon ang oras para isipin 'yon. May second round pa."
Natauhan ako sa sinabi ni Elroy. Inalis ko na sa utak ko ang mga tanong sa isip ko. Kapag nagkaroon ulit ako ng chansang makita siya ay tatanungin ko siya kung bakit niya ginawa 'yon. Pero ngayon, dapat ay mag-focus muna kami sa susunod na round.
Tinulungan ko si Elroy na kunin ang mga chess pieces niya at sumunod na rin kami sa iba pang mga nanalo na lumabas.
Nang makarating kami sa exit ay bumungad sa amin ang napakalaking open stadium. Kalahati lamang nito ang may upuan dahil ang kabila ay open na kung saan nakikita namin ang karagatan.
"Wah! Elroy! Scarlet!"
Pareho kaming nabigla ni Elroy nang sinalubong kami Lemon.
"Ang tagal niyo! Tara, nando'n na sila Gin!"
Naunang maglakad sa amin si Lemon na sinundan namin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Masaya akong malaman na lahat kami ay naka-advance. Kahit pa alam ko naman na nilang ipanalo 'yon.
Nang makarating na kami sa pwesto nina Gin ay bumungad sa amin ang nakasimangot na si Zeldrick at August na mukhang nag-away na naman. Habang si Law naman ay kaswal na nakaupo at mukhang natutulog.
"Congrats! Good job," bati sa amin ni Gin nang makarating kami.
Ngiti ang sinagot namin ni Elroy rito. Paupo na dapat ako nang bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko.
Hindi lang ako ang nakaramdam n'on kung hindi pati na rin ang mga kasama ko. Naging alerto sina August at Zeldrick habang agad na napamulat si Law.
Napunta ang lahat ng tingin namin sa isang grupong padaan sa harapan namin. Nakilala ko ang iilan sa kanila dahil nakita ko sila kanina bago magsimula ang first round.
Pero ang pinakanakakuha ng atensyon ko ay ang lalaking may peklat sa kaliwang mata. Ang lalaking tumulong sa amin.
I felt intimidated... the pressure is suffocating. Nagbago ang mga ekspresyon ng mga kasama ko nang tuluyan ng nasa harapan namin ang grupo.
Everyone... except Gin.
Pare-pareho kaming natigilan nang bigla na lamang silang huminto sa harapan namin. Pero ang pinakakinabigla namin ay ang inakto ng Guild's Master namin.
His face lightened as he greeted one of them with a smile.
"Yoh! Long time no see Keon!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top