21. Clash of Guilds

Pagpasok namin ng Stadium ay may kani-kaniyang buhay ang mga tao sa loob. For a second, napunta lahat ng atensyon nila sa amin pero agad din itong naalis at nagpatuloy sila sa mga ginagawa nila.

With just their presence, masasabi kong maraming malalakas na gifted ang nandito.

"It sure is lively here," kumento ni Lemon.

"Well then, let's get some information about the event," sambit ni Gin.

Nagsimula na kaming maglibot sa loob para maghanap ng impormasyon. Kahit hindi nila pinapahalata ay pansin kong matalim ang mga tingin sa amin.

"Mukang ayaw nila sa mga bago ah," natatawang sabi ni Zeldrick.

Matapos ng ilang minutong paglalakad ay huminto kami sa harap ng isang information board. Kani-kaniya kaming basa ng mga nakasulat dito.

Ayon sa nabasa ko, nahahati sa walong block ang Stadium. Para sa first round, mapupuno ng 200 members ang kada isang block at 50 lamang ang maaring mag-advance sa second round.

"I see, mukhang malaki ang chansang maghihiwa-hiwalay tayo sa first round," sambit ni August.

Mukha nga. Hindi by guild ang pagpunta sa block kung hindi by members. Dahil sa bilang namin ay malaki ang chansang hindi kami pare-parehong mapunta sa iisang block. If that happens, we need to get through the first round on our own.

"Hays, kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na may disadvantage tayo dahil sa bilang natin," walang ganang sambit ni Zeldrick.

"Malaki ang chansang magkakahiwala-hiwalay tayo sa first round. Habang 'yong mga guild na maraming member ay malaki ang chansang marami silang magkakasama sa iisang block," dagdag ni Lemon.

Napabuntong-hininga ako. Yeah, right. Malaki talaga ang disadvantage namin dito. We don't have a team play.

"Oi, oi. Nakalilimutan niyo ata kung saang guild tayo nabibilang," nakangising sabi ni Law.

"That's right. At isa pa, pwede nating gamiting advantage 'yong rami nila. Dahil maraming guild dito ang maraming members, uunahin nilang talunin ang mga guild na marami ring members. Para wala silang kalaban pagdating sa bilang," dagdag ni Elroy.

My eyebrows rose as I look at him, dumbfounded. Napahanga ako sa sinabi niya. Bihira lamang magsalita si Elroy pero sobrang may sense ang sinasabi niya... hindi tulad ng iba.

"'Wag na kayong mag-isip ng negative. Basta kahit saang block kayo napunta, siguraduhin niyong magkikita-kita tayo sa second round," nakangising sambit ni Gin. He lightened up the mood.

Pare-parehong kumurba ang mga labi namin sa sinabi niya.

"Oi, oi. Hindi mo na kailangang sabihin iyan," pagyayabang ni Law.

"Eh ano naman kung marami sila? Patatalsikin ko silang lahat sa stadium!" nakangising sambit ni Zeldrick.

"Ikaw nga 'yong nagsabing disadvantage natin 'yon," walang ganang sagot ni August.

"If you say so, Gin. I'll do my best to win," tipid na sabi ni Elroy.

"Yey! Makahahanap na rin kami ng kalaro ni Chelsea!" masayang sambit ni Lemon.

"So that settles it. Sabi rito sa board ay pwedeng magdala ng kahit anong weapon. Bringing animals is not also against the rules. Mukhang wala naman tayong problema," muling sambit ng Guild's Master namin habang binabasa pa ang mga nakasulat.

"Hangga't maari ay 'wag niyo munang ipakita ang gift niyo. Hindi naman required na matalo ang kalaban." Payo nito.

"The last 50 gifteds standing are the only ones that can advance in the next stage. Hindi pa natin alam kung ano ang second round. But most likely, mukhang dito na ang totoong labanan."

"It can be our advantage if they don't know our gifts. Kaya 'wag niyo muna ipakita lahat."

Sabay-sabay kaming tumango sa sinabi ni Gin. Totoo ngang pwede naming gamiting advantage 'yon. Mahirap na rin kung malaman nila kaagad ang gift namin. Pwede na nila kaming hanapan ng kahinaan namin.

"Tsk. Killing is strictly prohibited," basa ni Law sa pinakadulong nakasulat sa information board.

My forehead furrowed and my nose crinkled. What a freaking lunatic.

"So, mauuna na-"

Natigilan si Gin sa sasabihan niya nang bigla na lamang bumigat ang tensyon sa silid. Kahit hindi nila sabihin ay alam kong nararamdaman din nila 'yon. There's a fucking strong presence that entered the room.

Hindi lang kami kung hindi lahat ng tao sa loob ay naramdaman din ang presensya na 'yon. Kasunod n'on ay ang pagpasok ng isang grupo sa silid.

A total of nine members. Hindi sila nakauniporme kaya masasabi mo agad na hindi sila guild galing sa Academy.

Saan sila galing? From an open guild? Or-

"The Spiders," bulong ni Law habang matalim na nakatingin sa grupong bagong dating.

That's when I realize that each one of them have a Spider tattoo in different parts of their body.

"A total of 9 members. Eight members that serves as the legs, and the Guild Master as the Spider's head," seryosong sambit ni Gin. Kapwa nakatingin sa mga bagong dating.

So far, sa kanila pa lang ang presensyang hindi ko matiis. Their presence is suffocating.

I was no longer surprised when the gifteds here maintained their distance from them. Ilang metro ang layo namin sa kanila pero gusto pa ring lumayo.

Just when I thought the tension was over, another strong presence filled the room.

Hindi pa kami nakaka-move on sa mga presensya ng Spiders ay nagkaroon na naman ng bago. But unlike them, this presence is only coming from one person.

Pero sapat na ang presensya ng taong iyon para iparating sa lahat ng nandito sa silid kung sino siya. This person is not just an ordinary gifted.

Muling bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. Nabigla si Gin nang makita ang babae na 'to na parang kilala niya.

No, not just Gin. But all of the gifteds here had the same reaction.

A lady with a red hair entered the room. With a strong presence with her. Ni wala man lang binatbat ang mga Spiders sa presensya niya.

"Oh, what's with the tension?" natatawang aniya.

Nilibot niya ang tingin niya sa silid at natigilan siya nang magtama ang tingin namin. Naglakad siya papunta sa direksyon namin at hindi alintana ang mga tingin sa kaniya.

Nang tuluyan na siyang nakalapit sa amin ay pinagmasdan niya ako mabuti. Unti-unti na 'kong naiilang sa mga tingin niya nang magsalita si August.

"M-Miss Xilah! W-What brings you here?" nauutal na tanong ni August.

Natauhan 'yong babaeng Xilah ang pangalan ng tawagin siya nito.

"Oh my, mga Grim Reapers pala. No wonder why your faces looked familiar," nakangiting sagot niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit pero habang nagsasalita siya ay hindi mawala ang mga tingin ko sa kaniya.

"Of course I'm here, hindi ko palalagpasin ang event na 'to," muling sambit ni Xilah.

She looked around. "Did you happen to see Principal Helena?"

Pare-parehong umiling ang mga kasama ko. "I'm sorry po Miss Xilah. K-Kararating lang din po kasi namin," sagot ni Zeldrick.

"Oh, I see. Ako na lang maghahanap sa kaniya. And jeez, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo? Just call me Xilah. Hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin," natatawang sagot niya.

"Anyways, I need to go. Goodluck!" She winked at us.

Nakasunod ang mga tingin namin sa kaniya nang daanan niya kami.

Nang tuluyan na siyang nawala sa mga paningin namin ay parang doon lang nagsimulang huminga ulit ang mga kasama ko.

"Hoo! Fuck, akala ko babagsak ako," sambit ni Zeldrick na sobrang pinagpawisan.

"Phew, hindi ko inaakala na makikita ko siya rito," dagdag naman ni August.

Hindi ko mapigilang magtaka sa mga naging reaksyon nila. Bakit gano'n ang mga reaksyon nila? Sino ba siya?

"U-Uhm, anong meron sa kaniya?" tanong ko kay Lemon.

Agad akong pinansin ni Lemon nang maalala nito na bago pa lamang ako.

"Oh, it's not your fault if you didn't knew. But jeez, akala ko kahit mga gifteds na hindi nag-aaral sa Academy ay kilala siya," she said as if it's something obvious.

"She's one of a hell gifted. A counter type gifted's worst nightmare."

"Everyone knows her as Venus, Aphrodite's heiress," pagpapakilala ni Lemon.

"But I guess it runs through the blood."

"After all, she's Xilah Portugal."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top