2. Kill the Target
It has been three days, since ibigay sa akin ni Papa ang misyon. The mission to kill Helena, the Principal of Lunar Academy. Ayon sa mga impormasyon na nakalap ko ay nasa Nocturne Academy si Helena at pabalik na siya ngayon.
Nandito ako sa gitna ng gubat kung saan dadaan ang kalesang sinasakyan ni Helena. Sakto pa at madilim na ang paligid. It's perfect for ambush.
Sa kabila ng paghahanda ko ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan. My heart kept pounding fast.
Helena is known for being unbeatable. Sa lahat ng nagtangkang pumatay sa kaniya ay walang nagtagumpay, bagkus ay mga bangkay na lamang nila ang naging patunay na hindi nila napatay si Helena.
She's an Heiress of Cronus, the God of time. Isa sa tatlong gifted na iniiwasan kong makaharap. Pero hindi ito ang panahon upang matakot ako sa kaniya.
She's still a human... a human can die and has weakness.
Para ito kay Papa, para sa plano niya. Hindi ko hahayaang maging sagabal si Helena sa plano ni Papa. At isa pa, kailangan kong ipaghiganti si Addi. Sisiguraduhin kong mapapatay ko si Helena.
Mabigat ang paghinga ko at hindi ko inalintana ang makakating damo na tumatama sa balat ko. Tunog ng iba't ibang hayop sa gubat ang tanging ingay at ang sinag ng buwan ang nagsilbing liwanag ko.
Hindi nagtagal ang paghihintay ko nang marinig ko na ang kalesa na paparating. Hinanda ko na ang sarili ko upang sumugod.
Pero labis akong nagtaka nang unti-unti na itong makalapit sa akin. Wala ang kutsero sa harap at tumatakbo ang kabayo mag-isa.
My forehead furrowed. Ngunit sa kabila ng pagtataka ko ay sinimulan ko ng lumapit dito para sumugod. Wala akong panahon para problemahin ang kutsero na iyon. My target is Helena.
I felt my eyes changed as I went closer. I was about to open the door when it opened by itself.
Kasabay n'on ay ang biglaang pagtigil ko. Pati na rin ang pag-andar ng kalesa ay huminto, ang paghampas ng hangin, at ang paggalaw ng mga puno.
Fear and panic crossed my face. What... happened?!
"Tsk, tsk, tsk."
Tuluyang bumukas ang pinto at bumaba ang isang taong hindi ko inaasahan. A little girl with a blonde hair. Nasaan si Helena?!
"I'm Helena," sambit ng bata.
Nabigla ako nang sumagot ang batang babae na para bang nababasa ang nasa isip ko. I can't show my emotions because the time stopped, but also at the same time, I don't know what I should react.
She's Helena?! Helena was a little girl?!
Pagkalabas nito sa kalesa ay agad niyang nilibot ang kaniyang paningin sa paligid. Nanatili siyang nakatungtong sa maliit na hagdanan paakyat ng kalesa. Naguguluhan pa rin ako.
Paano tumigil sa paggalaw ang paligid?! Is this her gift?!
Pero kahit gano'n ay paano niya nalaman na nandito ako?!-
"Paano niya nalaman na nandito ako?"
Bigla na lamang nagsalita si Helena. "It's what you're thinking, right?" dagdag nito.
Hindi nag-alinlangan si Helena na lapitan ako, habang nakapatong siya sa maliit na hagdan ay inilapit niya ang mukha niya sa 'kin. Kasabay n'on ay ang paghawak niya sa buhok ko.
"I can't help it. Your red hair caught my attention."
Tanging paglunok na lamang nang malalim ang nagawa ko. She's mocking me! Bwisit! Kahit ang gift ko ay hindi ko magamit!
Am I... really this weak against an heiress of Cronus?
"You really think that you can kill me?" biglaang sambit ng babaeng kaharap ko.
Nanatiling nagsasalita si Helena habang pinipilit ko namang gumalaw. Pero kahit anong hirap ko ay hindi ko na maramdaman ang katawan ko. Para bang wala na 'kong kontrol dito.
"If you really want to kill me, at least bring a hundred of gifteds or something."
Hindi ko man lang kayang magpakita ng emosyon. Mas lalong umiinit ang ulo ko sa mga sinasabi niya. Pinapamukha niya lalo sa akin na wala akong laban sa kaniya.
"But I commend your bravery, sweetheart," nakangising aniya.
I felt the chills when Helena leaned towards me and whispered. "But you're too weak. Better luck next time."
Muli itong bumalik sa loob ng kalesa. Nagawa pa niyang kumuha ng isang tea cup at uminom.
"Jeez, kung nakapapatay lang ang tingin, kanina mo pa 'ko napatay."
Hindi ko magawang umismid sa sinabi niya. Sobra-sobra ang galit ko kay Helena, pero hindi ko rin maiwasang mainis sa sarili ko.
Nakakahiya ang posisyon ko ngayon. Ni hindi ko man lang nahawakan ang target ko, maski ilabas ang sama ng loob ko gamit ang mga salita. All my life, I've been training to be stronger. Yet, wala akong laban sa babaeng kaharap ko ngayon.
Is it just... because her gift? Or I'm really... just weak?
"What a disappointment," walang kaemo-emosyong sabi ni Helena.
Para na lamang akong nanghina sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Magagalit ba 'ko o maawa sa sarili ko?
Muli niya akong pinagmasdan. She's probably having fun mocking me.
"It seems like you still don't have your familiar," pag-iiba niya.
Naguluhan ako sa narinig. Ano 'yon? Requirement ba 'yon para maging malakas? Kung gano'n nga eh wala pa nga ako n'on. I'm still weak.
"Meteor," malamig na bigkas ng batang kaharap ko.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Sinabi na lamang 'yon bigla ni Helena na pinagtaka ko. Inaasar niya ba 'ko?-
Nabigla ako nang may narinig akong malakas na dagundong sa gubat. Kasunod n'on ay ang pagyanig ng lupa.
Hindi ko magawang ilibot ang tingin ko dahil literal na naestatwa ako ngayon sa pwesto ko. Pero hindi ko na kinailangan gawin 'yon nang dahan-dahan, sumulpot ang dahilan ng pagyanig.
Kahit hindi ako makagalaw, dahan-dahang umangat ang tingin ko sa malaking nilalang na nasa likuran ng kalesa. Nang makita ko ito ay parang nanlambot ang buong katawan ko. Kung naigagalaw ko lang ito ay paniguradong natumba na 'ko sa takot.
What...the fuck?!
Anong ginagawa niyan dito?! I thought that they're already extinct!
A freaking T-rex just appeared!
"You like it?"
Imbis na matakot ay nagawa pang ngumiti ni Helena.
Seryoso ba 'to? O baka kanina pa 'ko pinatay ni Helena? Imposibleng magkaroon niyan dito!
"He's my familiar," muling sambit ng babaeng kaharap ko.
Lumapit ang ulo ng T-rex sa bungad ng kalesa, sa mismong harapan ko. Nararamdaman ko ang paghinga nito sa malaking bibig niya, at kitang-kita ko rin ang naglalakihan niyang mga pangil sa bawat pagbuka ng bibig niya.
Nagawang hawakan ni Helena ang halimaw sa harap ko. Familiar?! What the fuck is that? A kind of dinosaur?!
Sa kabila ng takot ko ay hindi pa rin nawawala ang tingin ko kay Helena.
So, ganito siya kalakas huh? She can fucking control a T-rex. Ganito ba talaga ang mga gifted sa labas? Ibang-iba sa mga nakalakihan ko. Papa didn't told us that gifteds can control a dinosaur!
"You also have your own," biglaang ani ng kaharap ko.
I was taken aback by what she said. Helana gave me a serious look.
"Though I'm not sure kung ano ang sa'yo."
Kumurba ang isang ngisi sa labi niya.
"Gusto mo rin bang malaman?"
I don't know what she's plotting. Kung bakit niya pa sinasabi 'yon at bakit niya pa pinakita sa akin 'yan. Bakit hindi niya na lang ako patayin? Kagaya ng ginawa niya kay Addi.
"I like you, kid." Helena smirked.
"Come to my Academy."
Natigilan ako sa sinabi niya. Hinintay kong tumawa siya at bawiin ito pero hindi iyon nangyari.
"I'm serious," walang ganang sambit ng batang kaharap ko.
I just looked at her, dumbfounded.
Gusto kong murahin siya ngayon. Nasisiraan na ba siya? I just fucking tried to kill her. Anong pinagsasabi niya?! Is she really having fun mocking me?!
She took a sip before spouting nonsense once again.
"Come to my Academy, kid."
"Summon your familiar."
"Join a guild."
"And do missions."
Sunod-sunod na sabi ni Helena. Para akong nabibingi sa mga sinasabi niya. She's out of her mind!
"And malay mo, magawa mo pa 'kong mapatay hindi ba?" She chuckled—amused and teasing me.
I gritted my teeth and I looked at her dead in the eye. Ano ba ang pinaplano niya?
"I'll be waiting for you."
For the last time, Helena went closer to me, making our eyes met. She plastered a smile—a cunning one.
"Come to Lunar Academy, school for the hunters."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top