17. A reason

Matapos kaming kausapin ni Helena ay hindi rin ito nagtagal at umalis din ito kaagad sa guild. She left us all hanging, dumbfounded.

"Yosh! You heard the Principal. The event is on the day after tomorrow. Magpahinga na muna kayo." Ang boses ni Gin ang bumuhay sa silid.

Kani-kaniyang buhay ang mga kasama ko—para bang baliwala lang ang nangyari. Lumabas kaagad si Lemon kasama si Chelsea para siguro kumain, sina Law at Zeldrick ay pumunta sa kung saan, si August ay pumunta sa isa sa mga kwarto ng Guild, at si Elroy naman ay nagpatuloy lamang sa paglalaro.

I was still confused and shocked, but I have no choice to move forward with them—act like it's not a big deal. Hindi rin ako nagtagal sa Guild at lumabas din ako. Pumunta ako sa likod nito kung saan may malawak na lupain.

I glanced at the sky, and clenched my fist. My mind is still processing what happened, I mean, it's too fast!

Ang bilis nilang bumigay sa gusto ni Helena, at wala na 'kong magagawa roon.

Napatingin ako sa mga palad ko.

There is an event coming. Kahit na galing ako sa misyon ay hindi sapat na dahilan 'yon para hindi mag-ensayo.

At isa pa, I'm completely useless during my first mission.

Napapaismid ako sa sarili ko kapag naaalala ko iyon. Natatandaan ko ang unang pagkikita namin ni Helena kapag nangyayari 'yon.

A time where I'm completely hopeless. A time where I can't use my gift.

Hindi pwedeng gano'n na lamang 'yon. Tama si Helena. I hate to admit it pero marami pa 'kong gifted na hindi nakikita o nakakaharap.

Iba-iba ang mga gift nila... mga gift na pwedeng makatalo sa gift ko. So I really need to be stronger. For my family...

"Oh? Already training?"

Napunta ang atensyon ko sa lalaking biglang sumulpot din sa likod ng guild. May hawak-hawak itong libro at umupo siya sa damo.

I didn't even noticed his presence.

"Do you mind if I stay here? Hindi ako makabasa sa ingay ng laro ni Elroy eh," sambit ni Gin.

Isang tango ang sinagot ko sa kaniya. As long as he won't bother me, then I won't mind.

Nagsimula ng magbasa si Gin at nagsimula na rin akong mag-ensayo.

It happened too fast, Gin didn't even had the time to open the book. And I didn't think twice.

I took my gun and shot myself.

Parang bumagal ang oras nang marinig namin ang pagputok ng baril at ang pagtalsik ng dugo sa balikat ko. Nabigla si Gin sa ginawa ko dahilan ng biglaang pagtayo niya.

"H-Hey! What the heck?!" hindi makapaniwalang aniya.

I blinked my eyes thrice, confuse. Tinignan ko siya na para bang walang masama sa ginawa ko. Why? Natamaan ba siya?

"Stupid! Use your gift!"

Agad akong nilapitan ni Gin at tinakpan niya ang balikat ko na patuloy sa pagdurugo. "Hey, what the fuck Scarlet?!"

Napabuntong-hininga na lamang ako rito. He's overreacting. Hindi ko maintindihan kung bakit-

Biglang may pumasok sa isip ko. Nabigla si Gin nang mabilisan kong inalis ang nakalagay sa ilalim ng skirt ko at tinutukan ko siya ng pocket knife ko.

Our eyes met. He's confused and dumbfounded, while I'm serious.

"Fight me, Gin," seryosong sambit ko.

There was a sudden silence, enough for him to process what I said. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "What the fuck? Are you nuts?! Stop the bleeding!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya, bagkus ay seryoso ko siyang tinignan.

"If you won't do anything, then I will strike you first."

Hindi nakapag-react kaagad si Gin sa sinabi ko. Agad ko itong sinugod habang nakatutok sa kaniya ang kutsilyo. Kahit nararamdaman ko ang pagkirot ng tama ko ay hindi ko 'to inalintana.

Nang akala ko ay mapupuruhan ko si Gin ay agad itong umiwas. Mabilis ko namang nabasa ang galaw niya at agad kong nailipat ang atake ko papunta sa kaniya.

Pero hindi ko inaasahan na hahawakan at didiinan nito ang sugat ko.

Agad kong nabitawan ang kutsilyo at napasigaw sa sakit.

"FUCK!"

Napaawang ang bibig ko at mabilis akong napaluhod sa sakit. Parang maiiyak ako sa sobrang sakit ng ginawa niya

"T-That's fucking unfair!"

Gin scoffed. "Jeez, do you really think that you'll have a fair fight if you're up against a criminal?" sagot niya.

I bit my lower lip to shut my mouth. Tsk. He has a point.

"Your have your gift for a reason, stupid. Use it," dagdag niya.

Napaismid ako rito bago gamitin ang gift ko. In the end, umasa pa rin ako sa gift ko.

Muling bumalik sa pagkakaupo si Gin sa harap ko at binalik ang tuon nito sa libro.

"Rather than practicing fighting without your gift, why don't you practice in mastering your gift instead?" muling aniya.

Nagpatuloy siya sa pagbabasa habang nakasimangot naman ako. Then a question popped up in my mind. Wala sa sarili akong napatanong.

"Hey, Gin. Can I ask a question?"

Nanatiling nagbabasa si Gin ng sinagot ako nito. "I don't mind."

Huminga ako nang malalim bago magtanong. Hindi nawawala ang tingin ko sa kaniya.

"What's the reason why you joined this Academy?"

He was taken aback by my question. Hindi inaasahan ni Gin ang tanong ko at bigla itong natigilan sa pagbabasa.

"Oh? Why suddenly interested?"

Iniwas ko ang tingin ko rito bago ko siya sagutin.

"Law told me..."

"The reason why he's here."

Gin's eyes widened because of shock. "E-Eh?! He did?!"

Hindi makapaniwala si Gin na sinabi sa akin 'yon ni Law. Kahit ako rin naman ay hindi rin makapaniwala.

"Woah. I didn't expect that. Tsk. Andaya mo naman. Dalawang buwan pa ang lumipas bago sa akin maglabas si Law." Gin said while pouting. Pero kaagad din itong nasundan ng ngiti.

"But I'm happy. At least other than me and Helena, may napagsabihan na siya," nakangiting sambit niya.

He closed his book. "Well, the answer to your question."

Nag-isip nang mabuti si Gin sa isasagot niya sa akin na para bang nakalimutan na niya ito.

"A reason, huh?"

"I guess I joined here to find that."

Natigilan ako sa sinabi niya at agad ko siyang tinapunan ng tingin.

"H-Huh?!" pagtataka ko.

Isang tawa ang sinagot niya sa 'kin. Anong klase sagot 'yon?

"The reason you joined here is to the find the reason?!" nakakunot noo kong tanong sa kaniya.

He chuckled. "That's not what I mean."

Gin's expression suddenly changed. Pati rin ako ay natigilan nang magbago ang ekspresyon niya.

"I joined here to know the reason why I'm still here... still here and alive—to find my purpose."

Both of my eyebrows rose, I was stunned. Hindi kaagad ako naka-react sa sinabi niya. For a minute, I felt Gin's emotions.

"Well, just like Law. I don't also have a good childhood you know," natatawang sambit ni Gin. Pero bakas ang lungkot sa pagtawa niya.

"I-It's okay. You don't have to tell me. I'm sorry for being so insensitive," mahinang sagot ko.

Tumawa siya sa sagot ko. "Hindi naman sa ayaw ko na 'yong maalala. To be honest, ayoko ngang kalimutan 'yon. I mean, 'yon ang rason kung bakit ako nandito ngayon."

Sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko sa sinasabi ni Gin ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya.

"Hm, I could say that I'm still pretty lucky though. I mean, unlike Law, I still had my father. I guess?"

The way he talks is like he's just telling a joke. But his eyes can't lie. He can't hide the sadness he've had.

"I'm not really a fond of my father. And I also think the feelings was mutual. I think he hates me for being a gifted." Natawa sa sariling kwento niya si Gin.

"Alam kong masamang magreklamo kung anong meron ka. Pero walang akong ibang hiniling no'ng bata ako na kung hindi sana si mama na lang ang kasama ko. Maybe she'll understand me. I mean, sa kaniya ko nakuha ang gift ko."

"But I guess I was asking too much. There's no way to bring someone from the dead, right?" Gin faked a smile.

"My father used me as much as he wanted. Made me do things I didn't want. He even taught his own son how to kill."

"Ang lagi niyang sinasabi sa akin ay utang na loob ko daw sa kaniya ang buhay ko. It's thanks to him that I'm alive."

"And I believed him..."

"But guess what, heroes does exist."

Gins flashed a smile. Walang bahid ng lungkot o galit. He just smiled.

"I've met Helena. A crazy old woman in a body of a little girl who likes teas."

"Then I realized."

"The difference between being alive and living."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top