16. Orders from the Principal

Sinalubong kami ng pang-aasar ni Zeldrick nang makarating kami sa guild. Matapos ang pagyayabang ni Law na kami ang maauna ay kami ang pinakahuling nakabalik sa guild.

"Ha? Ano ulit 'yong sinabi mo Law? Ah, hindi ka namin kayang unahan." Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Zeldrick na kinairita ni Law.

Hindi lang si Law ang naiirita, kung hindi kahit si August na partner nito ay bakas rin ang pagkaiirita sa pagkaisip bata ng partner niya.

"Grabe Law, nahirapan ka ba?" Walang tigil ang pang-aasar ni Zeldrick.

"Folle," nakasimangot na bulong ni Lemon sa gilid ko. Nilalaro nito ang alagang pusa niya.

Tulad ni Law ay naiirita rin ito kay Zeldrick. Pangalawa silang nakarating matapos din niyang magyabang kaya iritado rin siya sa pagyayabang ni Zeldrick.

"Oh? Miss Lemon, our great senior! Kumusta ka na? Kumusta 'yong mission? Mahirap ba?"

Hindi pa rin tumitigil si Zeldrick sa pang-aasar niya. Mukhang hindi niya pa rin mabasa 'yong sitwasyon niya ngayon.

"Okay lang 'yan. May susunod-"

August's eyes changed. The next thing we knew, tumilapon na sa gilid si Zeldrick. Mukhang si August ang unang napuno sa kanila.

"Asshole." Rinig kong sambit ni Law.

"Tsk. Nasaan na ba si Gin?" pag-iiba na tanong ni August.

No'ng kumpleto na kaming nakabalik sa guild ay sinabihan kami ni Gin na magtipon-tipon sa guild at hintayin siya.

Bakit kaya? Anong meron?

"Tsk, mas gusto ko pang kumain ng cakes kasama si Chelsea kaysa tumambay rito," sambit ni Lemon.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "Chelsea?"

"Oh, hindi ko pa ba nababanggit sa'yo?" Hinarap sa akin ni Lemon ang puting pusa niya. "Her name is Chelsea!" pagpapakilala niya.

I looked at her, dumbfounded. Come to think of it. Kayang kontrolin ni Lemon ang kahit anong hayop na hawakan niya. Pero bakit laging si Chelsea lang ang kasama niya? Ito rin ang sinama niya sa misyon.

"Tsk. Ang tagal ni Gin," pagrereklamo ni Law.

"Bakit niya-"

"Yosh! I'm back!"

Biglang bumukas ang pintuan ng guild. Napunta ang lahat ng atensyon namin sa lalaking kanina pa namin hinihintay.

"Oi, oi. Bakit ang tagal-"

Natigilan si Law sa pagsasalita nang makita ang taong kasunod ni Gin. Kusa kaming napatayo nang makita rin ito.

Suddenly, we all felt intimidated with just her mere presence.

The freaking Principal is here. Anong kailangan sa amin ni Helena?

"P-Principal Helena," hindi makapaniwalang sambit ni August. Hindi namin inaasahan na pupunta siya rito.

"W-What brings you here, Miss?" dagdag niya.

Nilibot ni Helena ang tingin niya para makita kung kumpleto kami. Nang makitang nandito kaming lahat ay dere-deretso itong pumunta sa harap namin.

Hindi ko mapigilang kabahan dahil tila seryoso ang ekspresyon niya. Kahit na rin sila August ay bakas rin sa mukha ang pagkakaba.

Pare-pareho na lamang kaming napapikit nang biglang tinaas ni Helena ang kamay niya.

Hinintay kong may sumakit sa katawan ko pero walang nangyari. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nabigla na lamang ako nang makitang isang poster ito.

"E-Eh?" pagtataka ko.

Pinakita sa amin ni Helena ang isang poster.

"Clash of Guilds," basa ni Zeldrick dito.

Kumunot ang mga noo namin nang mabasa kung ano ang nakasulat. Anong meron diyan?

"A-Ano pong meron diyan?" tanong ni August.

Tinignan siya ni Helena na parang may sinabi siyang mali.

"Isn't obvious? I want you all to join," sagot niya.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan para maproseso namin ang sinabi niya. Pare-pareho kaming napanganga nang matauhan.

Ha?!

"Oi, oi. Stop joking Helena, alam namin kung ano 'yan. Anong sinasabi mong sumali?" nakasimangot na sambit ni Law.

"O-Oo nga Principal! Every year ginaganap 'yan. Pero hindi sumasali ang guild namin diyan!" dagdag naman ni Zeldrick.

Napabuntong-hininga si Helena na para bang inaasahan niya na ang mga sagot nila.

Wait, bago pa lang ako rito! Hindi ako makasunod sa usapan!

"That's the point. It only happens once a year. Kaya sumali na kayo," muling ani ni Helena.

Kani-kaniyang pagmamaktol ang mga kasamahan ko rito. Habang nagrereklamo sila ay binulungan ko sa gilid ko si Lemon.

"Pst. What's that?" marahang tanong ko.

Agad akong pinansin ni Lemon nang mapagtanto din nitong bago pa lamang ako at walang alam.

"Oh, it's an event for all guilds. Whether it's a dark guild, open guild, or guilds from the Academy. Any guild is free to join. That is the event to know who are the top guilds," pagpapaliwanag ni Lemon.

"Ahh, then why are they acting like that?" sunod na tanong ko rito. Totoo naman kasi. Sobra silang maka-react eh normal lang naman pala 'yong event na iyon.

"Well, never pa kasing sumali ang guild natin diyan. It's just a waste of time. Kaya hindi kami makapaniwala na pinapupunta tayo ni Principal Helena."

Tumaas ang dalawang kilay ko. Oh, a waste of time huh?

"Come on, Gin, ikaw na nga magpaliwanag," sambit ni Law.

Patuloy pa rin ang pakikipagtalo nila. Dinamay na rin nila pati ang Guild's Master namin.

"What's the big deal? It's an opportunity to show your powers! Iba't ibang gifted ang mga nando'n," muling sambit ni Helena.

"Oi, oi. We don't need to do that. We're strong and smart enough to know the difference between us and those losers in the Stadium," nakangising sagot ni Law.

Helena gave him a teasing look. "Eh? Or you're scared of knowing that there's someone who's much stronger than you?" pang-aasar niya.

Tila nagkaroon ng tesyon sa silid. Pare-parehong naging seryoso ang mga ekspresyon ng mga myembro ng guild sa sinabi niya.

"What are you talking about, Miss Principal?" may tonong tanong ni Zeldrick na hindi rin gusto ang sinabi ni Helena.

Our principal heaved a sigh. "All I'm saying is, you're not the only monsters here. There are more outside—more stronger and fearsome," taas noong sagot niya.

"Bakit mo ba kami gustong isali riyan? At bakit ngayon?" giit ni Law.

"Oh come on, sawa na kasi akong nalalamangan ng Nocturne Academy. The Avelites are always the S class guild. It's not fair!" Pagdadahilan ni Helena.

Everyone here knows she's lying. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mga kasama ko.

"Give us the true reason, Helena," seryosong sambit ni Law.

Muling nagkaroon ng sandaling katahimikan. Humampas ang malakas na hangin galing sa labas ng pintuan dahilan ng pagbukas nito lalo. Kumurba na lamang ang isang ngisi sa labi ng batang kaharap namin.

"Kayo ang mga batang pinili ko. Even the portugals' acknowledged you. Masama bang ipakita sa amin na tama ang desisyon namin?" nakangising tanong ni Helena.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko.

"Portugals'?" bulong ko kay Lemon.

"They are the leaders of the Academy. Or should I say, Principals and officials. Sila ang tumayo ng mga Academy, together with Helena," sagot niya.

"Sir Cael is also a Portugal," dagdag naman ni August na narinig ang tanong ko.

Napaisip ako nang malalim sa mga sinabi nila. The portugals', huh?

Kahit hindi nakumbinse sa sagot ni Helena sina Law ay napabuntong-hininga na lang ang mga ito.

Kumurba ang isang ngiti sa labi ni Helena nang mapagtanto niyang panalo siya.

"Tsk, kahit ayaw naman namin ay wala kaming magagawa kung 'yan ang utos mo. Mukhang napapayag mo na rin din naman si Gin," walang ganang sagot ni Law.

"Very well! See you in Friday at the Stadium." Helena's smile widened.

"Show us the powers of the Grim Reapers."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top