14. His first target

Wala akong magawa habang hila-hila ako ng mga lalaki papunta sa isang elevator. Nanghihina na 'ko dulot na rin siguro ng paggamit ko sa familiar ko nang matagal at ang walang tigil na paglabas ng dugo galing sa binti ko.

Fuck. Hindi ko matiis ang sakit! This is one of the disadvantages of having regeneration powers. Dahil hindi ako nakatatanggap ng sakit ay hindi ko matiis kapag nasaktan ako.

That fucking jerk. Ano ang ginamit niya sa akin?! Kung tinuloy niya ang pagputok n'on sa noo ko ay paniguradong patay na 'ko. Masyado na naman akong nagpabaya.

Base sa sinabi nila ay mukhang pupunta kami sa boss nila. That must be our target. Ibig sabihin lang n'on ay hindi pa rin siya natatapos ni Law. That useless lunatic!

Hindi nagtagal ang paghihila nila sa akin nang makarating kami sa dulong silid sa pinakamataas na palapag.

Mariin ang pagkakagat ko sa ibabang labi habang mahigpit ang pagkasasara ng kamao ko. Nang pinasok nila ako roon ay sumalubong sa akin ang isang lalaki.

A freaking fat pig.

Kahit lumobo pa ito lalo ay hindi ako nagkakamali na ito ang target namin.

He has a psychotic smile on his face while he walks towards me. Nabigla ako nang hawakan niya ang mukha ko at pinagmasdan ito nang mabuti.

Dahan-dahang naningkit ang mga mata niya. "Eh? Hindi ikaw 'yong dati ah," aniya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at inalis ang mukha ko sa kamay niya. Anong pinagsasabi ng baboy na 'to?

"Hindi naman na mahalaga 'yon. Itali niyo na 'yan."

Muli akong hinila ng mga lalaki at dinala sa isang etablado sa gitna ng silid. Walang ibang kagamitan sa loob kung hindi ang entablado na 'yon at ang mga kumukurap-kurap na bombilya.

They handcuffed me and tied me in the stage. Nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sa kanila.

Tsk! Bwisit. Hindi ko pa rin magamit ang gift ko. Kapag nakatakas ako rito ay sisiguraduhin kong puputulin ko ang mga kamay nila na pinanghawak nila sa akin.

"Boss! Parating na siya!"

Nakuha ang atensyon ko sa sinabi ng lalaking bagong dating sa silid.

Bigla akong kinabahan nang pumwesto ang mga lalaki na may dalang mga baril at nag-abang sa pintuan. Isa sa kanila ang bumaril sa akin at dala-dala pa rin nito ang baril na ginamit niya sa akin.

I felt the chills and... I'm suddenly worried. Kailangan... kong balaan si Law!

"Teka-"

Agad akong natigilan nang may naglagay ng panyo sa bibig ko. Tanging pagmilog ng mga mata ang nagawa ko.

This fucking fatass!

"Now, now. Hindi mo kailangang makielam girly. It's payback time."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Payback?

Hindi nagtagal ay may lalaking tumalsik papasok sa loob ng silid. Kasunod na pumasok dito ay ang lalaking kasama ko.

Lahat ng mga lalaking nag-aabang ay tinutok ang baril kay Law.

"Wah! Law, long time no see!" bungad ng target namin. He even opened his arms to welcome my partner.

Hindi ko napansin na wala na pala sa gilid ko si baboy. Bagkus ay pumwesto siya malapit sa pintuan upang salubungin si Law.

"Oi, oi. Jimmy pumayat ka ata?" natatawang sagot ni Law na hindi alintana ang mga baril na nakatutok sa kaniya.

I was taken aback by what he said. He fucking knew our target? How?

Mukhang hindi natuwa ang target namin sa sinabi ni Law at nagbago ang ekspresyon niya.

"Alam kong darating ka Law. Kaya naghanda ako para lang sa'yo. Babawi ako sa nangyari nakaraang taon," sambit ni Jimmy.

I looked at them, confused. Nakaraang taon? Don't... tell me?

"Alam ko na ang kapangyarihan mo Law. Totoo ngang ibang klase ang gift na meron ka. Pero tulad ng ordinaryong tao, nasasaktan ka rin."

Nanlaki ang mga mata ko nang kinasa na ng mga lalaki ang mga baril nila.

"No'ng una ay takot kaming makalapit sa'yo. Pero ngayong alam na namin ang kapangyarihan mo, baliwala ka na lang," nakangising sambit ng target namin. "You're just an ordinary person if you can't touch us."

Law looked at them, with his cold and blank eyes.

Imbis na kabahan. Walang bakas ng takot sa mukha niya. Kung tutuusin ay natatawa pa nga siya. He's really a fucking lunatic.

Naging alerto ang mga tauhan ni baboy nang biglang umupo si Law. Sumunod sa kaniya ang mga nguso ng mga baril.

"But what if I touch this?" sagot ni Law habang nakahawak sa lapag.

Pare-pareho kaming natigilan sa sinabi niya. Kapag sinira niya ang tinatapakan namin ay siguradong madadamay ang estraktura ng building na 'to at pare-pareho kaming mamamatay.

"With just a snap... what do you think will happen?" natatawang tanong ni Law.

"I'm faster than a bullet. You know that Jimmy. You can't-"

Tila natigilan si Law nang magtama ang tingin namin. His smile faded and his expression changed.

As if time slowed down when our eyes met. Kahit ako ay natigilan.

Nang mapansin 'yon ni Jimmy ay umalingawngaw ang nakaiiritang tawa niya.

"Bakit hindi mo ituloy, Law?" natatawang sambit ng target namin.

Nanlumo ako nang pumwesto sa likod ni Law ang isa sa mga tauhan ni Jimmy at sinipa siya.

What is he doing?! Bakit hindi niya na lang gawin 'yong plano niya?!

Wala akong magawa kung hindi magpumiglas. Napaismid ako habang mariin ang pagkakakagat sa panyong nakatakip sa bibig ko.

I have no choice then. Binali ko ang hinlalaki ko upang matanggal ang kamay ko sa posas. Sunod na ginawa ko ay ang pagkalikot sa lubid na nakatali sa akin.

Habang ginagawa ko 'yon ay hindi mawala ang tingin ko kay Law. My heart is starting to beat fast and I'm suddenly anxious.

That fucking lunatic. Ano ba ang pinaggagawa niya?!

I panicked when I saw the guy with a golden gun walks towards him. Tinutok nito ang baril sa balikat ni Law at walang pag-aalinlangang pinutok ito.

I lost the hope I have left.

Fuck! Wala na! 'yong plano na nga lang niya ang pag-asa namin! Tsk!

"Anong problema, Law? Tayo! Akala ko ba nandito ka para patayin ako?" natatawang sambit ni Jimmy.

That fucking fatass. Ako ang papatay sa kaniya!

"Why? Oh! Alam ko na!"

Napahinto ako sa pagkalikot sa lubid nang lumapit sa akin si Jimmy. Hindi mawala ang tingin niya kay Law habang lumalapit sa akin.

"You can't just leave your partner, right?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Nang tignan ko si Law ay muling nagbago ang ekspresyon niya.

His eyes...

Parang wala na itong nakikita.

"Of course! Gano'ng klaseng lalaki ka!" Jimmy's voice filled the room.

"Hindi mo pinababayaan ang partner mo!"

"Hindi ba Law?-"

"Shut up," may diin at malalim ang pagbanggit ni Law.

Kahit mahina ay sapat na ang sinabi ng kasama ko para mapatahimik agad si Jimmy.

"E-Eh? Why?-"

"Oh! Don't tell me, hindi niya alam?" pang-aasar lalo ng target namin.

Mas lalong natawa si Jimmy. Tanging ang boses niya lang ang nagsisilbing ingay sa silid. Ano ba ang pinagsasabi nito?

"Well then, allow me to tell her!"

Tila natauhan si Law sa sinabi niya at agad itong napatayo. Hindi alintana ang patuloy na pagtulo ng dugo sa braso niya. Pero hindi nagawang makalapit ni Law sa amin nang harangan ito ng mga tauhan ni Jimmy.

"Come on, I'm doing you a favor. You should be nice!"

I can see Law's expression. It's filled with anger, hatred... and a hint of sadness.

Natigilan na lang ako nang humarap si Jimmy sa akin. Nagbago ang mga mata niya nang magtama ang tingin namin.

No, fuck! Nabasa ko ang gift niya sa information na binigay sa amin.

Hindi dapat tumingin-

Huli na nang matauhan ako.

Nang muli kong imulat ang nga mata ko ay nasa ibang lugar na 'ko. Shit!

That damn pig has the ability to show you a memory from someone! Tsk.

Inilibot ko ang mga mata ko para tignan ang paligid. Walang tigil ang pag-ulan. Mukhang nasa labas ako. Nararamdaman ko ang pagtama sa 'kin ng malamig na tubig ng ulan.

Sinubukan kong makatayo pero hindi ko magawa. Nabigla na lamang ako nang may lalaking sumugod sa akin at may dalang patalim.

Napapikit ako at hinintay ang sakit na mararamdaman ko. Pero wala akong naramdaman.

Bagkus, pagmulat ko ay nanatiling nakatayo sa harap ko ang lalaki.

And there's a fucking hole in his chest.

Sa likod nito ay si Law.

No... si Law nga ba talaga 'to?

His eyes.... Parang nakatingin ito sa kawalan.

"Are you hurt, Kana?"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top