11. He's back
"Tell her I'm sorry... I'm really sorry."
A woman with a black hair continued crying. Who is she?
"I'm sorry ******."
Hindi ko narinig mabuti ang sinabi niya. Why is she crying? Who is she apologizing to?
Nagising akong habol-habol ang hininga ko. Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito.
What... the fuck was that?
Inaalala ko pa ang paniginip ko nang nabulabog ako ng malakas na pagkatok sa pintuan. Kunot noo kong sinilip ang bintana at hindi pa gaanong maliwanag.
Who the fuck is knocking loudly early in the morning?!
Naiinis akong bumangon sa kama at binuksan ang pintuan. Napanganga na lamang ako nang makitang si Zeldrick ito.
"W-What the fuck?! Anong kailangan mo?! Ang aga-aga pa eh!" giit ko rito.
Nakasimangot siya sa akin na parang ako pa 'yong mali.
"Ikaw! Anong ginagawa mo ha?! Bumangon ka na at i-summon ang familiar mo! Ngayon na darating si Law! Yari ako kay Gin kapag wala akong naiharap sa kaniya na familiar! Alam kong mahirap but try practicing! Baka magkaroon ng himala hindi ba?" mahabang aniya.
Hindi ko mapigilang mainis rito. Nagbubulabog siya nang maaga rito para lang ipag-practice akong i-summon ang familiar ko? Gano'n na ba siya kadesperado? Rather, gano'n ba ang takot niya kay Gin?
"Dalian mo na apple head! Don't waste-"
"I already summoned it," deretsong sagot ko rito.
Natigilan si Zeldrick sa sinabi ko. He looked at me, dumbfounded.
"H-Huh?"
"I said, I already summoned it."
Tumagal ng ilang segundo bago iproseso ni Zeldrick ang sinabi ko.
"H-Huh?!"
₪₪₪₪₪₪₪₪
Matapos kong mag-ayos at mag-agahan ay agad akong dinala ni Zeldrick sa likod ng guild. It's still early in the morning, mukhang kami pa lang ang gising sa guild dahil hindi ko nakikita ang iba.
"This is not a funny joke apple head. Malilintikan ako kay Gin, kaya umayos ka."
Sinamaan ko ng tingin ang kasama ko bago maghanap ng pwesto. This jerk is too anxious, parang gusto ko tuloy siyang pagtripan.
"Tsk, you better thank me grape head. Hindi ka malilintikan kay Gin," nakangising sambit ko rito na kinaismid niya.
"Meet my familiar." Umangat ang tingin ko sa kalangitan na hindi pa gaanong maliwanag.
"Killer!"
Pareho naming inabangan ni Zeldrick ang pagdating ng familiar ko.
We heard a loud roar in the sky, kasabay n'on ay ang pagsulpot ng familiar ko. His long big wings started flying towards us. Kitang-kita ang pulang scales nito sa katawan. Kasabay ng paglipad niya ay ang pagbuga niya ng maliliit na apoy.
Hindi makapaniwala si Zeldrick sa nakikita niya, kaunti siyang napaatras. Not only I summoned my familiar but I also have an amazing one.
Nanatili siyang nakatulala hanggang sa mapunta si Killer sa harapan namin.
"Anong masasabi mo?" nakangising sambit ko. I looked at Zeldrick, full of myself.
"W-What-"
"Eh? A salamander huh?"
Naglaho ang ngisi ko sa labi sa isang iglap. Tila bumigat ang pakiramdam ko nang bigla akong nakaramdam ng ibang presensya. Kahit si Zeldrick din ay agad na natauhan nang biglang may magsalita. Napakurap-kurap ako sa pwesto ko.
Parehong napunta ang atensyon namin sa lalaking bagong dating. He has a black hair and black sharp eyes. He's wearing a black shirt that is unbuttoned in the first 2 buttons, slightly showing his chest.
He fucking looks like an evil prince straight from a book! A prince that steals your princesses with just a fucking look!
Who the hell is he?!
"L-Law?!" biglaang sambit ni Zeldrick.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Zeldrick. Siya si Law?! He's nothing like I've imagined! He looks more like a prince than a monster! Ano ba ang kwentong pinagsasabi ni Zeldrick sa akin?!
"B-Bakit ang aga mong nakabalik?" hindi makapaniwalang tanong ni Zeldrick.
"Oi, oi. Wala namang bago, hindi ba?" natatawang sagot ni Law rito. Napunta ang tingin niya sa akin.
"Who is she?"
"A-Ah, a new student. Also a new member of the guild. Your new partner, Scarlet," pagpapakilala sa akin ni Zeldrick.
Pinagmasdan ako mabuti ni Law. I felt the shivers when his cold eyes met mine. Parang tinitignan nito ang buong pagkatao ko.
The look in his eyes... it's enough to feel intimidated.
"Oh? Scarlet huh? Follow me."
Nabigla ako sa sinabi niya. Agad siyang pumunta sa gubat sa gilid ng Guild. Pati rin si Zeldrick ay nabigla sa sinabi niya.
Ito ang unang beses na nagkita kami tapos hindi man lang siya magpapakilala sa akin?
"E-Eh? Law wait!" pagtawag ni Zeldrick.
Hindi pinakinggan ni Law ang tawag sa kaniya ng kasama ko at nagpatuloy lang siya sa paglalakad papalayo. Napasinghap si Zeldrick dito.
"And there he goes..." aniya habang malayo ang tingin. "Hays, sundan mo na lang apple head. Pupuntahan ko lang sina Gin."
Hindi na 'ko nakasagot nang iwan ako ni Zeldrick at pumasok na sa loob ng guild. Hindi huminto sa paglalakad si Law kaya wala na 'kong nagawa kung hindi sundan siya.
Ano kaya ang problema niya sa utak? At saan naman niya 'ko balak idala?
Ilang minuto kami naglakad ni Law at hindi ko na rin makita ang pinanggalingan namin nang huminto siya. Nasa harap ko siya at nakatalikod sa akin habang nakapamulsa.
Suddenly, I felt uneasy.
"Hmm, oi."
Nakuha ang atensyon ko nang magsalita siya.
"You see, I encountered some people during my mission," pag-uumpisa ni Law.
Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. Bakit niya sinasabi sa akin 'yan? Anong pinupunto niya?
"Some mafias," dagdag niya.
I was taken aback by what he said. Bumigat ang pakiramdam ko at natigilan ako sa narinig. Kusang bumaba bigla ang ulo at tingin ko.
Huh... what?
"Wala naman silang kinalaman sa mission ko but I couldn't help but to ask."
"Their boss was killed. And they said there were two culprits."
"Hindi nila makilala 'yong isa. Pero nakita naman nila 'yong isa pa.... A girl wth a red hair."
Tumaas ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Napalunok ako nang malalim. Don't fucking tell me... 'yon 'yong pinakahuli kong mission?
Fuck! Nalintikan na! Bakit niya ba sinasabi sa 'kin 'to?! Bwisit na coincidence 'to.... But he doesn't have any evidence—kaya ko itong lusutan!
"And why are you telling me this? It's because I have a red hair?" taas noo kong sagot dito. Umangat ang tingin ko sa kaniya.
I heard him chuckled.
"Nah, I'm not that kind of person na mangbibintang dahil lang pareho kayo ng kulay ng buhok," aniya.
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Hindi naman niya talaga pwede akong pagbintangan... dahil lang sa kulay ng buhok ko.
"But you see, the blood of the corpse that I smelled. Naamoy ko rin sa 'yo."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Tumama sa 'min ang malakas na hangin at ang paghampasan ng mga dahon sa mga puno ang tanging naging tunog.
Pigil hininga akong nakatayo sa pwesto ko. Dahil sa biglaang pagtahimik ay parang naririnig ko na rin ang pagtibok ng puso ko.
That's... fucking stupid! Ilang araw nang nakalipas no'ng natapos namin ang misyon! At isa pa, I made sure na hindi ako natalsikan ng dugo! Paano niya nalaman yon?! Is he an animal?!-
No—even an animal can't do that.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. This guy... is fucking dangerous.
"Pero hindi naman ako pwedeng bumase lang do'n hindi ba?" muling sambit ni Law habang natatawa.
Pasimple kong kinuha ang pocket knife ko sa ilalim ng skirt ko. Patuloy ang pagtulo ng mga pawis ko at ang pagtibok nang malakas ng puso ko.
"Pero hindi lang 'yon ang nalaman ko eh. They also told me another thing."
Parang sumabay sa hangin ang boses ni Law. At nanatili ang mga katagang binitawan niya sa mga tenga ko.
"That girl turned into a phoenix."
As if time slowed down. At that moment, I knew...
This person cannot be trusted.
Natawa si Law sa sinabi niya. "Funny right? Pero dahil do'n nakumpirma kong tama ang hinala ko."
"The culprit was a gifted."
"Well, I'm sorry kung iniisip mong pinagbibintangan kita."
"Pero kung sakaling ikaw nga 'yon. I need to dispose you right now."
"Well, I can't let a wild beast wander around the campus freely, right?"
"So what are you gonna say? Can I see you your gift?-"
I felt my eyes changed. N'ong naramdaman kong lilingon na si Law ay agad akong sumugod dito hawak-hawak ang kutsilyo ko.
Sobrang bilis ng pangyayari, pero parang bumagal ang oras.
I'm sure... that I stabbed him. I was fucking sure!
But instead, I saw him smirked. Imbis na sa kaniya, natagpuan kong nakasaksak sa akin ang kustilyo.
"Oi, oi. Attacking someone from behind? Don't you have any pride?" walang ganang sambit ni Law.
Magkakrus ang kilay ko at mariin akong napaismid. "I'm a fucking assassin, jerk. That's what we do."
Huhugutin ko na dapat ang kutsilyo na naksaksak sa akin pero natigilan ako nang makaramdam ako ng likido.
Nanlumo ako nang makita kung ano ito. That liquid is fucking blood.... I'm fucking bleeding. My face turned pale in an instant.
Parang umiikot at nanlalabo ang paningin ko habang nakatingin sa dugong nasa kamay ko.
Pero... bakit? Paano?
I'm using my gift-
Natauhan ako at agad akong napalingon kay Law. Nagtama ang mga tingin namin, at muli kong nakita ang mapanlinlang niyang mga mata.
His eyes changed—it turned into a fucking clock.
"Why?- oh, can't use your gift?" Kumurba ang isang ngisi sa labi ni Law.
"Aw, that's bad, you're bleeding."
Hindi ko mapigilan ang panginginig ko pati na rin ang ang paghigpit ng pagkasasara ng kamao ko.
Bwisit! Bakit umabot sa ganito?!
"You shouldn't have had resisted. I was planning to kill you fast, para naman hindi ka na masaktan. Hindi ba?"
He started walking towards me with a grin on his face.
Who knew... that behind that beautiful face of his... is a fucking lunatic?
"Too bad, you can't kill me."
"I inherited Cronus, the time God's gift."
"I have the ability to destroy anything I touch, and cancel any powers I see."
He went closer to me, I can feel his breath on my face.
"I'm Law Amano, the destroyer. Nice to meet you, Miss Scarlet."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top