1. Where she grew up

"'W-Wag, please wag! B-Babayaran kita! Babayaran kita nang malaki!-"

Tanging ang boses ng lalaking kaharap ko ang nagsisilbing ingay sa silid. The night is young, and the moonlight is our only light.

Nakaluhod siya sa akin at magkadikit ang kamay. Nagmamakaawa na 'wag kong kunin ang buhay niya. Punong-puno ng takot ang mga mata niya.

Nakatutok ngayon sa ulo niya ang baril ko at hinihintay ko na lang ang signal para kalabitin ang gatilyo.

"P-Parang awa mo na-"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang tuluyan na siyang barilin ng kasama ko.

I gasped as my eyes widened. "Tsk! Liev anong ginagawa mo?!" giit ko. Kunot noo akong napatingin sa kaniya. Wala pang signal na barilin ang target namin!

"We have no time left. Umalis na tayo," he answered in a monotone voice. Mabilis siyang tumalon sa bintana.

Napaismid ko siyang pinanood na umalis. Wala rin akong magagawa kung hindi sumunod. Hinawakan ko ang gilid ng bintana at naghandang tumalon.

"Hanggang diyan na lang kayo!"

Isang malakas na tunog ang narinig ko nang malakas at sapilitang binuksan ang pinto sa silid. Kasunod nito ay ang tunog ng mga pares ng sapatos na nakapasok.

Bago ako makatalon ay naramdaman ko ang pagtutok ng baril ng mga lalaking kararating lang sa silid. They must be the useless bodyguards.

"I-Itaas mo ang mga kamay mo! Kung hindi, babarilin kita!" nauutal na sambit ng isa sa kanila.

Kumurba ang isang ngisi sa labi ko sa sinabi niya. "Then shoot me."

I grinned when I saw the terror in their faces, seeing that I'm confident even though there are guns that are pointed at me. Kahit nanginginig ang mga kamay, nagawa akong barilin ng isa sa kanila.

"Scarlet!" Liev shouted.

Sumabay ang putok ng baril sa paghampas ng hangin. My crimson red hair flew with the wind. I felt my eyes changed. And the next thing I knew, nanginginig at napaluhod ang mga bodyguards sa nakita nila.

"I-Iyong bala, t-tumagos 'yong bala!" hindi makapaniwalang sambit ng isa sa kanila.

Hindi ko mapigilang matawa sa mga reaksyon nila. Kasabay n'on ay ang pag-apoy ng buong katawan ko.

"H-Halimaw! Halimaw!" sabi ng isa.

"Ouch, masakit 'yon ah." Nagawa ko pang hawakan ang puso ko na parang bang kumikirot ito.

"Tsk! Scarlet tara na!" Rinig kong tawag ni Liev.

Nakita kong tumatakbo na ito sa hindi kalayuan. Ngumiwi ako nang hindi man lang niya ako hinintay.

Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras at umalis na rin ako. Hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa bintana, hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi. Bago ako tuluyang bumagsak sa lupa, nagbago ang mga kamay ko. With my wings made of fire, I flew towards Liev.

"Tsk! Anong ginagawa mo?! Bakit mo pinakita ang gift mo sa kanila?!" naiinis na sambit sa akin ng kasama ko.

I smirked. "So what? Do you think someone will believe them if they tell it?" sarkastikong sagot ko.

Isang simangot ang pinakita sa 'kin ni Liev. Hindi na siya nakasagot sa sinabi ko at nagpatuloy na lang kami sa pagtakbo.

Mas lalong lumawak ang ngisi ko. I won the argument, as always. Totoo naman ang sinabi ko. Walang maniniwala sa kanila kahit sabihin pa nila 'yon.

Who would believe them if they said that they saw a phoenix?

₪₪₪₪₪₪₪₪

"S03! L04! Welcome back! As usual, nagawa niyo na naman 'yong mission niyo!"

Sinalubong kami ni Liev ng mga bati nang makarating kami sa base namin. Lagi na lang nila kaming inaabangan kapag galing kami sa misyon. Dahil na rin siguro na kami ang tumayong mga ate at kuya sa kanila.

Other than Papa and the nannies, kaming mga code 1-9 ang mga nakatatanda rito. Or known as the one digit codes.

Every one of us have our own codes. First letter ng name mo at ang number mo. Most likely, mas maliit ang number ay mas malakas ang gift. And my number is 03.

"Scarlet! Kwentuhan mo naman ako kung anong nangyari sa mission niyo!" sambit sa akin ng isa.

Code W28, wyatt. 7 years old. Heir of Apollo.

I smiled as I walked towards him. "Sige, mamaya ha? Pupunta lang kami kay Papa," sagot ko.

Hindi ito umangal bagkus ay nginitian ako nito. "Okay!"

Nagpaalam na kami ni Liev sa mga batang nag-abang sa amin sa bungad ng base at nauna na kaming pumasok sa loob. As I entered inside, I was greeted with a familiar feeling.

A feeling where home is.

This is the place where we grew up. Ang lugar na tumayong tahanan namin. Kung saan lahat ng kasama namin dito ay tinuturing naming mga kapatid.

Dito na 'ko nagkaisip kaya ito na rin ang tinuring kong tahanan.

Malaki ang pasasalamat namin kay Papa, ang lalaking tumayong magulang sa aming lahat. Binigay niya ang pangangailangan namin at minulat ang mga mata namin sa lahat.

We were told that we were abandoned when we were still a child. Because they are scared of our powers—our gifts.

But this is not an orphanage or something like that.

Hindi kami pinalaki rito para mapunta sa kung kaninong pamilya. Papa trained us. Taught us our gifts and how to use them. And in order to pay him and show him our gratitude, we work for Papa.

We were raised as assassins. To kill anyone who our client told us to kill. Pati na rin ang mga taong sagabal sa plano ni Papa. Ang plano niya para sa aming lahat. Gagawa siya ng future kung saan tatanggapin kami ng lahat at hindi kami katatakutan sa mga kakayahan namin.

"Oh my children! Welcome home!" bungad sa amin ni Papa nang makarating kami sa silid niya.

I flashed a smile. He's sitting in his desk and his hands are resting on the top of the table.

Kagaya nang nakasanayan ay ni-report namin sa kaniya ang lahat ng nangyari sa trabaho namin. We successfully killed our target without any problem.

"I know that you two can do it. Kaya nga sa inyo ko binigay ang trabaho," nakangiting sambit sa amin ni Papa.

"Magpahinga na kayo mga anak ko," dagdag niya.

Isang ngiti ang sinagot namin ni Liev sa kaniya. Sinunod namin ang sinabi niya at nagsimula na kaming umalis sa silid. Naunang lumabas si Liev at no'ng ako na ang palabas ay nahinto ako sa sinabi ni Papa.

"Uhm, wait lang Scarlet."

Napatingin ako kay Papa at napansin kong nagdadalawang isip siya sa sasabihin niya. "Bakit po, Papa?"

He looks troubled. Huminga muna siya nang malalim bago siya nagsalita.

"Alam kong kagagaling mo lang sa trabaho, pero I have a mission for you." Magkadikit ang dalawang kamay ni Papa. "Sa'yo ko gustong ipagkatiwala ang misyon na ito," dagdag niya.

Nanatili akong nakinig sa sinasabi niya. "Anything for you, Papa. Kanino galing ang misyon? Who do I need to kill?"

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa silid. Humampas ang hangin sa bukas na bintana dahilan ng pagsilip ng sinag ng buwan dahil sa pag-angat ng kurtina.

"It's from me, Scarlet."

The atmosphere suddenly changed. Naging seryoso ang ekspresyon ni Papa sa sinabi niya habang natigilan ako.

"So I'm going to kill a gifted huh?" sambit ko.

Tumango sa sinabi ko si Papa. Nanatiling nakapatong ang dalawang kamay niya sa lamesa at seryoso ang ekspresyon.

"Kung hahadlang siya sa plano niyo ay kailangan ko talaga siyang patayin," I said, determined.

Kumurba ang isang ngiti sa labi nito sa sinabi ko. "Kagaya ng inaasahan ko, maipagkakatiwala ko talaga sa 'yo 'tong plano na ito."

Tumayo sa pagkakaupo si Papa at lumapit siya sa 'kin upang yakapin ako. "But she's not an ordinary gifted, Scarlet. Natatakot ako dahil baka hindi mo siya kayanin."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Wala po ba kayong tiwala sa akin?"

Umiling si Papa sa sinabi ko. "Hindi sa gano'n anak..."

Lumambot bigla ang boses niya. Nabigla ako nang bigla na lamang siyang nagpunas ng luha. My expression immediately changed. Agad kumulo ang dugo ko sa taong gustong ipapatay niya sa akin.

Sino ba siya at bakit ganito na lang ang nararamdaman ni Papa sa kaniya?!

"Ayoko lang maulit ang nangyari kay Addi, Scarlet."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Natigilan ako nang banggitin ni Papa ang pangalan ni Addi. "A-Ang ibig niyo po bang sabihin?-"

Hindi pa 'ko natatapos ay tumango na agad ito sa sinabi ko.

"Binigay ko ang misyon na ito kay Addi pero hindi na siya nakabalik pa. T-This woman killed Addi!"

Parang huminto ang mundo ko sa narinig. I literally glitched. Nagkaroon pa lalo ako ng dahilan para patayin siya.

Addi was one of us! She's A08! And it's been a month since she disappeared!

Kung gano'n ay napatay pala talaga siya sa misyon... hinding-hindi ko mapapatawad ang pumatay sa kaniya.

"S-Sobra kong sinisisi ang sarili ko Scarlet. Sagabal siya sa plano natin kaya gusto ko siyang mawala! Pero hindi 'yon nangyari at kinuha niya pa sa atin si Addi!"

Nagsimula ng maluha si Papa. Nanatili siyang nakayakap sa akin habang nanginginig ang mga kamay ko sa galit. Hindi ako makapaghintay na patayin ang taong nasa likod ng lahat ng ito. Mahigpit ang pagkasasara ng kamao ko at mariin akong nakakagat sa ibabang labi.

"Ako na ang bahala Papa. I will finish Addi's job. Hindi na siya sasagabal sa plano niyo," seryosong sambit ko.

In a flash, Papa's emotions immediately changed. Bumitaw si Papa sa pagkakayakap sa akin at nagawa niyang makangiti sa sinabi ko. He patted my head and he gave me a proud look.

"Very well Scarlet, kill this person. Para sa future ng lahat, kailangan niyang mawala." He went closer to my right ear.

"Kill Helena, the Principal of Lunar Academy." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top