T W O

"Ate wait lang! Ang bilis mong tumakbo!" My little brother said as he breathed heavily. Nakalimang ikot na kasi kami ngayon dito sa subdivision naming at malapit na ring magtanghali. Alas siete kami kaninang umalis kami sa bahay.

"If you want to be a policeman, you should exercise more, brother," I stated as he looked at me with his lips push forward.

"But Ate, you run faster than me." I laughed at him and raised my hands, like I am surrendering.

"Okay, okay. You can go home now if you want. I'll take one more jog." I smiled at him while patting his head. My brother is growing up. I wish he could stay as my little brother, but that's impossible. He grows up.

"Ate sasama pa ako! Ayoko pa umuwi!" Tapos sinabayan niya ako sa pagtakbo. Oh, I thought he's tired already?

Habang nagja-jogging kami ay may napansin ako sa katapat na sidewalk ng subdivision. Dalawang bata na siguro ay mas bata lamang ng kaunti sa kapatid ko. They are about ten meters away from us. There are also some kids who were trying to provoke them. They look scared to them probably because those kids might be doing that to them each day.

"Ate, kawawa naman sila," my brother stated with pity. I feel him. Why can't our government can't see them? Can't see the real situation of the people here in our country? Nagbubulag-bulagan lang ba sila? O sadyang tyaka lamang sila tutulong kapag alam nilang babango ang pangalan nila?

I can’t help but question how our government works. There are a lot of things they must prioritize, yet they choose to ignore the important things, and that is their people. Inuuna nilang pagandahin ang bansa para lamang dayuhin ng mga banyaga at hindi na nila pinapansin ang tunay na kailangan ng nasasakupan nila. Oo alam kong kailangan ng bansa natin ng turismo subalit mas kailangan ng bansang ito—ng mga tao ng atensiyon mula sa gobyerno.

Just look around you, around us. Look at those kids in the sidewalks. In an early age, they are forced to face the cruel world that they shouldn’t in the first place. They are still kids, and what they deserve is to enjoy their youth, yet it was not given to them because of the status of their lives. A lot of people are still living under the bridge, in the sidewalks, in the park, in every place you don’t expect.
Sabay-sabay tayong aangat sabi nila pero bakit tila sila lamang ang umaangat at naiiwan na ang mga mahihirap?

Only those people who have an eye to see these side of the country will care, but those blinds will stay as blind because they choose to ignore. That is how fuck up this country is. Not only this country, most countries.

"Let's go near them." Nauna na akong maglakad palabas sa subdivision at sinundan naman ako ng kapatid ko. I smiled to the guard standing in the guard house. I asked him if we can go out using the smaller gate and he said yes. He already knows us since we have been staying here for seven years.

"Hey," I said and the two little boys look at us with their defense mode. They look scared. Maybe, some kanto boys are threatening them every time like what we saw earlier. Kahit bata pa lamang ay natutunan na nilang lumaban para mabuhay sa tunay na mundo na hindi lahat ng tao ay nakikita ito.

Fuck this kind of cruelty to them. Ang babata pa nila para maranasan ang mga ito—ang ganitong klaseng buhay.

"Huwag kayong mag-alala, mabait kami ng kapatid ko," then we smiled at them-- assuring them that I'm telling the truth.

"Nasaan ang mga magulang niyo?" Tanong ko sa mga ito pagkaraan na kumalma silang dalawa.

"Wala na po," sagot ng isa sa dalawang bata. Halata sa kanila na natatakot pa rin sila sa amin ng kapatid ko.

"Iniwan ba kayo dito?"

"Hindi po," nauutal pa sila kaya alam kong naka defensive mode talaga ang katawan nila base na rin sa ipinapakita nila. Takot ang nakikita sa mata nilang dalawa.

"Patay n-na po sila." sagot ng mas bata sa kanila.

"Oh sorry," sagot ko sa mga ito habang unti-unting napupuno ng emosyon ang mga mata ko. They are so young to suffer. Mas deserve nila na i-enjoy ang childhood nila but fuck, this world took that thing from them.

"Ate..." Tawag sakin ng kapatid ko. I looked at him and saw his eyes glimmering with sadness. He was about to cry. I know my brother. He's too soft for people. My brother maybe tough looking but he's sensitive.

"Bakit?"

"Pwede bang iuwi nalang natin sila? Hindi naman siguro magagalit sila nanay, hindi ba?" How I love my brother. Alam niyang magmalasakit sa kapwa niya. I smiled at him. Iyon din ang ninanais ng puso ko. Gusto ko silang tulungan at kahit tahanan man lang ang maibigay ko sa kanila. I don't care whoever they are. All I care is they are children who needs a home. Our home may not be that big but it is full of love and care.

"Gusto niyo bang sumama samin?" Tanong ko sa magkapatid? Nagtinginan naman sila. Siguro mga ten to twelve years old lang sila. My brother is already fourteen.

"Nakakahiya po at tyaka hindi niyo naman po kami kaano-ano. Batang lansangan lang po kami at marumi." Nahihiyang sambit ng mas matanda sa kanila. I can also notice that they are hesitant with our offer.

"Huwag kayong mahiya. At tyaka, wala akong nakikitang mali sa inyo, kahit na sabihin niyo pa sa akin—sa amin na batang kalye kayo. Lahat tayo dito sa mundo ay pantay. At tyaka, hindi kami masamang tao ng kapatid ko." Ngumiti naman silang dalawa sa sinabi ko. Hindi ko naman sila nakikita na nagpapaawa lamang sa amin. Iba sila sa ibang bata na namumuhay para sa sarili nila.

Some kids that were raised or left outside a home choose violence for them to survive. They don’t care even though they are risking their life for it. Violence is the only thing they can lean on to survive from cruelty.

"Salamat po ate, kuya," sabay nilang sambit at unti-unting napuno ng luha ang mga mata nila na agad din nilang pinunas na tila ba hindi ko nakita.

"Ano'ng pangalan niyo?" Tanong ng kapatid ko.

"Ako po si Rie at siya po ang nakababata kong kapatid na si Reiko," sabi niya. Naalala ko ang ibig sabihin ng pangalan nila. Rie means valued blessing at ang Reiko means lovely child. I know some japanese names because I was once been in Japan for work.

"Tara na?" sabi ko at inakay na sila papunta sa bahay. Tiyak na matutuwa sila Nanay kapag nalaman nilang may bago kaming aalagaang bata. My parents loves to take care of children. They are so fond with them kaya alagang-alaga si Assi, itong kapatid ko, kila nanay at tatay. Kaya naman kapag wala silang magawa sa buhay ay ako ang nakikita nila.

Bumibisita rin sila sa ilang mga bahay ampunan para makipaglaro sa mga bata. Isinasama rin nila si Assi minsan kaya ganito na lamang ang pagmamalasakit ni Assi sa kapwa niya bata.

Habang nasa daan kami papuntang bahay, pansin kong magaan ang loob ni Assi sa kanilang dalawa. Friendly ang kapatid ko kaya hindi na ako magtataka na close na agad silang tatlo. Nagkaroon tuloy ako ng mas magandang rason para ampunin silang dalawa. Gusto ko silang bigyan ng panibagong buhay. Naaawa ako sa kanila dahil maaga silang naulila sa mga magulang nila at nasa lansangan pa sila. Ayokong danasin nila ang mga iyon sa murang edad. They don't deserve it. They deserve a home.

Kung papagalitan man ako nila nanay at tatay, bahala na. Pero paano ko sila aampunin? Oh, I think I know how.

"Here we are. Nanay! Tatay!" Tawag ko sa mga magulang namin.

Lumabas naman sila tatay at nanay galing sa kusina. Nag-aasaran pa ang mga ito kaya hindi kami napansin na nasa tapat lang nila.

"Ano ba Yuls tigilan mo ako. Mas masarap kaya ang luto ko kaysa diyan sa luto mo." pilit ni nanay habang magkasalubong ang kilay.

"Anong mas masarap? Pinaka kaya sa'kin," sagot naman ni tatay sabay irap kay nanay. Para silang mga bata.

"Da da da," parang bata talaga si nanay minsan kaya hindi na ako magtataka kung kanino nagmana si Assi.

"Nanay, Tatay, may bago po kayong aalagaan." pagputol ko sa landian este lambingan nila.

"Anak..." Gulat na sambit ni nanay. Si tatay naman inirapan lang si nanay. Parang alam ko na ang kahihinatnan ng isip ni nanay. Napakamot nalang ako sa braso ko dahil sa inaakto ni nanay.

"Bakit 'nay?" Tanong ko. Akala ko ba gustong-gusto nila ng bata? Huwag mong sabihin na tama ang iniisip kong–

"Anak, sino ang ama?" Ha? Sabi na eh! Iyon ang iniisip ni nanay.

"'Nay! Balak ko silang ampunin. Nakita namin sila sa may kalsada sa labas ng subdivision. 'Nay naman!" Soon baka baliw na ako dahil sa pamilya ko. Nakakabaliw ang kabaliwan nila.

Tumawa naman siya bago lumapit sa amin. They all know that I don't have a boyfriend. Ang lakas talaga nilang mang-asar.

"Hindi ka naman mabiro anak."

"Hello little boys! Welcome sa bago niyong tahanan at pamilya. Feel at home mga anak," tapos niyakap sila nila nanay at tatay kahit madungis pa sila. How I love my family. I'm so lucky to have them. Hindi sila tumitingin sa estado ng isang tao o sa anyo nito. Subalit mas binibigyan nila ng pansin ang attitude at character ng isang tao.

"Salamat po," nahihiyang sambit ng dalawa.

"Nanay, tatay! Papahiraman ko po muna sila ng damit! Halina kayo. Doon muna kayo sa kwarto ko. Bibigyan ko kayo ng damit, tara!" Masayang anyaya ng kapatid ko sa dalawa. Kahit nahihiya man ay sumunod parin sila kay Assi.

"Anak, masaya kami ng nanay niyo dahil hindi alintana sa inyo ang pagtulong sa ibang tao. Napakaswerte namin sa inyo ni Assi," Sabay haplos pa ni nanay sa mahaba kong buhok na ngayon ay nakatali ng mababa.

"Anak kung gusto mong ampunin silang dalawa, paano? Wala ka namang asawa?" Natatawang sambit ni nanay. Bakit? Kailangan ba na dapat may asawa ka para makaampon ka?

"Pwede naman po na kayo," sagot ko habang nagtitimpla ng juice para kina Rei, Reiko, at Assi.

"Sigurado ka ba 'nak?" Tumango naman ako pagkatapos ay ngumiti sa kanila. I know that they want to bear a child again but nanay can't anymore.

"Sige. Basta tandaan mo lagi na suportado namin lahat ng nais mo," sabi ni nanay. Sobrang thankful ko talaga dahil sila ang naging pamilya ko.

"Salamat po nanay, tatay," then I hug them both. I'm so lucky that they are my parents.

"Ate! Nandito na sila Rei at Reiko! Tignan mo!" Sigaw ni Assi mula sa taas ng kwarto niya. Natatawa naman kaming sumunod nila nanay at tatay.

Pagkarating namin sa kwarto ni Assi tumambad samin ang dalawang gwapong bata. Oh my gosh! Para silang may lahi at nababagay talaga sa kanila ang pangalan nilang dalawa.

"Ang gwapo niyo na Rei at Reiko! Pa-hug si Ate!" sabi ko at niyakap naman nila ako. Pero isa lang ang nakapagpatigil sakin, samin nila nanay, tatay at Assi.

"Salamat ng marami Ate. Salamat sa bagong tahanan na ipinaglingkod mo samin ni Reiko. Salamat din sa bagong pamilya na ibinigay mo. Balang araw, babawi kami sa'yo ni Reiko." Sambit ni Rei. Umiiyak narin silang dalawa ni Reiko. Pati sila nanay naiiyak narin habang nakatingin sa amin.

"Kayo ang naging bagong pag-asa namin. Salamat po talaga ng sobra." Dagdag naman ni Reiko.

Tumigil ang pagtibok ng puso ko nang sabay-sabay silang yumakap sakin. Sina nanay, tatay, Assi, Rei, at Reiko.

Maybe, the best moment is when you receive a heart-whelming thank you from those people who you love.

Never in my life na naging ganito kami. Like, bigla-bigla nalang silang yayakap sa'kin na umiiyak. Hindi dahil sa lungkot na aalis na naman ako para magtrabaho kundi ay iyak ng pasasalamat at pagmamahal.

If I will be born again, I'll ask God to be with them again, to have a family like this. A family full of love, respect, and care.

"Mahal ko kayo."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top