Chapter 47

Luke's Point of View.



I was hugging Mia when the door opens out of the blue. "S-Sorry.." Mahinang sabi ni Tito Vince.

"Pasok po," wika ko at umayos ng upo. Huminga ako ng malalim ng ihiga ko si Mia ay sandaling magtama ang mga mata namin.

Nginitian ko siya at sinabi ko ang 'I love you' ng walang tunog. "May problema po ba Tito--"

"Dad." Pagtatama niya sa akin kaya matipid akong ngumiti sa kaniya.

"Dad," sambit ko.

"Kamusta ang nararamdaman mo anak? May gusto ka ba at uutusan namin yung guards natin para bumili ng kagamitan." Maayos na sabi ni dad at ibinulsa pa ang kaniyang dalawang kamay.

Magsasalita pa sana siya ngunit malakas na bumukas ang pinto dahilan para tamaan siya sa likod. "Aray naman." Sambit niya kaya mahina akong natawa ngunit agad na natigilan ng makita ko si Mom at Dad yung mga magulang ko mismo.

'But why are they together?'

The look in their eyes started to pity me. "Anak, are you still eating? You need rest anak. Look at you oh my god.." Lumapit sa akin si mom at hinawakan ang mga pisngi ko.

"Look at that oh god why is this happening.." Maluha luha niyang sambit at tinignan ang kalagayan ko tapos ng malingon si Mia ay nag-aalala siyang lumapit dito.

"Hija kumusta ka? Anong nararamdaman mo? Huli na ng makarating sa akin ang balita. Hindi ako hinayaan ni Luke na puntahan kayo at nalaman ko na lang sa Main Underground na umalis kayo ng bansa kung ka--"

"Mom 'wag na muna nating pag-usapan yan n-ngayon. H-Hindi ko wari kung ano ang makasama sa kaniya gayung hindi pwedeng magbago bago siya ng emosyon." Mahinang explain ko at ipinatong ang kamay ko sa balikat ni mom.

"You should have told me Luke, I was worried." Nginitian ko si mom tapos ay tumango tango.

"I'm sorry mom."

"B-But why are you with that man?" Mahinang tanong ko tapos ay nang magkatinginan kami ni Mia tumango tango siya.

"Mag-usap po muna kayo d'yan. Gagamit na lamang ho ako ng musika upang 'di kayo mag-alala." Sabi ni Mia.

"Maupo muna kayo." Mahinang sabi ko ng gumayak doon si mom ay niyuko ko si Mia at walang ano-anong hinalikan siya sa kaniyang labi. Ipinikit ko ang mata at hinawakan ang kaniyang pisngi nahaharangan ko naman kung kaya't walang makakakita.

Matapos no'n ay bahagya akong lumayo at tinitigan ang kaniyang mukha dahan dahan niyang iminulat ang mga mata at tila may nais sabihin ngunit umiling na lang siya.

"Go baby." She whispered.

Hinaplos kong muli ang kaniyang pisngi bago lapitan sila mom at ang dad ko na hindi ko mawari kung bakit nandidito.

"What are you doing here?" I questioned.

He looked so tense that made me sighed. "Is no one will really answer me?"

"He's sorry.. He wants everything back the way it used to be," wika ni mom na ikinatigil ko.

"You can't just have everything back the way it used to be because you ruined it." I rebat.

"I already forgot the fact that you are my father, I still hate you. You planted a bomb in me, take a look if you can still stop its time from exploding." Mariing sabi ko na damang dama ang sama ng loob sa sarili kong ama.

Napayuko siya kasabay ng mabigat na paghinga, may nais isawika ngunit hindi na lang niya ginawa. "Nauunawaan ko," wika niya at tumikhim ng sandaling tumayo siya ay napatayo rin si mom ngunit nanatili akong nakaupo.

"I'll be leaving first, a-ayoko namang dumagdag sa problema mo anak." Hindi ko na siya sinagot at iniiwas lang sa kanila ang aking mga mata.

Nang makaalis sila ay napayuko ako sa mga palad bahagya kong minasahe ang sintido dahil sumasakit na ito. "You should calm yourself baby." As when I heard her soft voice I immediately fix myself an instant and stood up.

"I'm okay, don't worry about me baby." Pinilit ko pang ngumiti at humakbang papalapit sa kaniya.

Nang makalapit sa kaniya ay ngumiti siya sa akin, pagod na pagod ang kaniyang mga mata at maitim ang ibaba ng kaniyang mga mata. Sapat man ang tulog ay dahil ito sa kaniyang sakit, inangat niya ang mga kamay upang haplusin ang aking pisngi.

"A planted bomb can be defused, Don't let anger push away the person who wants to change and who wants to make it up with you." Mahina niyang saad na nagpasingkit ng mga mata ko.

"You wore that piece of shit just to eavesdrop baby, Wrong." Galit ko kunong sabi pero natawa siya at kinindatan pa ako.

"I miss your lips baby, Can you kiss me? H-Hindi ko kasi alam kung magagawa ko pa bang halikan ang mga labi mong 'yan." Natigilan ako sa kaniyang winika ang ngiti ko ay nabura kasabay ng kaniya.

"I won't kiss you long then." Mahinang sabi ko at mabilis lang siyang niyuko upang bigyan ng mabilis na halik.


***


Kinagabihan ay nandito kaming lahat sa buong kwarto ni Mia walang absent lalo na si Kent na dito mismo sa ospital nag-aaral. "Oh goddamn this book sucks!" Inis niyang sabi at basta bastang binagsak ang makapal na libro ng medicine.

"Kung codal book 'yan natapos ko na sana." reklamo niya kaya natawa ako.

"Stupid, ang dami mo kasing gusto sa buhay just to look good and be professional." Singit ni Lauren na ikinasama ng mukha ni Kent.

"Stop messing with my life and just be a professor, NOONA." Diniinan niya talaga ang noona at lalakeng umirap.

"Huh! look at him dad, he answers me like  a freaking old man." Sumbong pa ni Lauren kaya napa-iling na lang ako at tinignan si Mia.

"Something wrong?" Tanong ko sa kaniya at nilapitan siya nilingon naman ako ng mga kasama at pati sila Dr.Romeo ay lumapit.

"My heart feels so heavy, I feel so sleepy.." Mahina niyang sabi hindi pa man nagsasalita si Dr.Romeo ay kinuha ko na ang stethoscope at pinakinggan ang tibok ng kaniyang puso.

"Doctor L." Pagtawag nila sa akin mariin kong nakagat ang ibabang labi at wala pa mang minuto ay bigla na lamang nahirapang huminga si Mia.

"I-I ca--" 

"Nurse Jill the oxygen, now." Mabilis na utos ni Dr.Romeo at tsaka ng iabot 'yon ay naikuyom ko ang mga kamao.

"M-Masakit.." Hirap na hirap niyang sabi at kinakapa ang dibdib.

Dama ko ang pagkataranta ng puso dahil alam kong kahit gaano kasakit ang maramdaman niya ay oxygen lang ang kaya naming I-provide because of the baby. "Doc w-what should we d-do?" Naramdaman ko ang panginginig ng labi at kamay.

"Wala, Wala tayong pwedeng gawin. Dahil ang makakapagpatigil sa ganitong sakit niya ay ang gamot na hindi maari sa ngayon." Mahinang sabi ni Dr.Romeo dahilan para mapahilot ako sa sariling sentido.

"Humihina ang tibok ng puso niya Doc." Aniya ni Nurse Chi kaya mas kinabahan ako dahil kitang kita ko ang hirap ni Mia.

"Doc.." Hirap kong sabi at napahilamos sa sariling mukha.

"Kumalma ka.."

"Doc alam niyo ang mangyayari." Mariing sabi ko kay Doctor Romeo parang maiiyak.

"Doctor L kumalma ka." Maawtoridad niyang sabi at tinitigan si Mia.

"Its getting worst doc.." Anunsyo ni Nurse Jill.

"Doctor Romeo.." Sambit ko tinitigan niya lang ako kaya naman hinawakan ko ang kamay ni Mia.

"Baby breathe.." Bilin ko sa kaniya.

"D-Don't d-do anyth--"

"Doc  please." Pakiusap ko kay Dr.Romeo ngunit inilingan niya ako dahil alam niyang wala kaming magagawa at alam ko rin.

"Doc its getting bad.." Anunsyong muli na mas nakapagpataranta sa akin.

"Doc." Pagtawag ni Nurse Chi habang binabantayan ang machine.

"K-Kung h-hindi matitigil ang pag-atake sa loob pa ng dalawang minuto. Choose Doctor L." Pinipilit ni Dr.Romeo na tatagan ang kaniyang boses ngunit luha ko ang kumawala at umiling.

"We already know the consequences.."

"Manganganak siya ngayon kung ang bata ang pipiliin mo at magiging CS ang pamamaraan na 'yon--"

"Doc naman." Galit kong sabi.

"I-Ilalabas niya ang bata ng hindi na siya humihing--"

"D-Do it." Mabilis kong tinignan si Mia at ng tignan niya ako ay mabilis ko siyang inilingan.

Lumuluha.

"No." 

"No, hindi natin gagawin ang sinassabi mo." Pagtanggi ko.

"D-Do it, w-wala na akong oras.." Hirap na hirap niyang sabi sobrang putla ng kaniyang mukha at ang labi niya ay nagiging kulay blue.

"Zai.." Mariing sabi ko sa pangalan ni Zai.

"B-Bro.." Kinakabahan niyang sabi halatang pinipigilan ako.

"Hand me.." Sinabi ko iyon at naramdaman ko kaagad ang kamay ni Mia na mahigpit na nakahawak sa  kamay ko.

"L-Luk-- No.." Pakiusap ni Mia pero kinagat ko ang ibabang labi.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Tanong sa akin ni Dr.Romeo kaya huminga ako ng malalim kasabay ng pagtulo ng pinipigilan kong luha.

"Zai bilis!" Malakas na sigaw ko.

"Take them out." Utos ko tinutukoy ang mga nandidito na hindi doctor.

"No, We'll stay." Sambit ko.

"No.."

"Luke no.." Hirap na sabi ni Mia ngunit ng iabot sa akin ni Zai ang nakahanda na ay mariin kog ikinuyom ang isang kamay ko.

"L-Luke I'm b-beggi--"

"I'm doing it.." Sambit ko at sandaling pumikit tapos itinuon ko ang mga mata sa machine kung saan makikita ko ang tibok ng puso ni Mia na unti-unti ng bumababa. 

"F-Fuck.." Hinawakan ko ang kamay ni Mia hinang hina na ang mga 'yon ngayon ngunit ang tingin niya sa akin ay nagmamakaawang huwag ko itong gawin.

"I can't lose y-you.."

"I can't.."

"Mia, please forgive me." Mariin kong ipinikit ang mga mata at sa pagbukas ko no'n ay itinusok ko na ito at marahan na binigay sa kaniya ang gamot ang luha ko ay hindi ko mapigilan.

Ang mga kasama namin ay naririnig kong umiiyak, humihikbi ngunit pag-iyak ni Mia ang pinakamasakit. Nang maibigay ko ang gamot ay inalis ko na iyon at hinang hina kong nabitawan yon kasabay ng pagluhod ko ang pagbugso ng nararamdaman ko.

"She'll fall asleep." Dr.Romeo announced.

Para akong isang lantang gulay na pinanonood ng lahat umiyak ngayon. "N-Nagiging normal na siya u-ulit." Sambit nila dahilan para mas maiyak ako.

"I don't deserve them.."

"Don't lose a hope Doctor L, Let's wait until she gave birth.. Miracles happened." Bilin ni Doctor Romeo ngunit hindi sapat.

"You can't operate on her but you can watch." Hindi ko pinakinggan ang ibang sinabi nila at patuloy lamang na umiyak.



Third Person's Point of View.



An hour past yet Luke is not yet done crying, tulog pa rin si Mia habang si Luke ay paulit ulit na naluluha sa tuwing maalala niya ang kaniyang ginawa.

Isinugal niya ang sariling anak, sa ginawa niyang iyon alam niyang kamumunghian siya ni Mia. "Hyung.. May pag-asa pa naman daw 'di ba?" Tanong ng bunsong Sandoval.

Nag-angat ng tingin si Luke at lumamlam ang mga mata. "I'm so sorry.. K-Kung hindi sana namin g-ginawa hindi sana hahantong sa ganito." Muli ay sinisi ni Luke ang sarili.

"H-Hindi ko na alam ang gagawin ko." Bumuntong hininga si Kent ng marinig ang hinanakit ng kaniyang Kuya Luke.

"Hyung nauunawaan kita. Because I pick the same option." Mahinang sabi ni Kent.

"Either mom and dad.." He added.

"But a mother always chooses her own kid that's why noona did that.." Mahinahong paunawa ni Kent Axel.

"She'll hate me for sure.." Bulong naman ni Luke at pinahid ang mga luha.

"M-My b-baby?" Mabilis na nag-angat ang dalawa ng tingin habang si Luke ay mabilis na tumayo kahit hinang hina dahil sa walong oras ng walang kain at tulog.

Hindi rin siya maaring sumama sa operasyon lalo na't hindi sila maaring humawak ng relatives o 'di kaya pamilya maliban na lang kung emergency.

"A-Ang baby ko?" Tanong ni Mia at hinawakan ang tyan kahit nanghihina ay tinulungan ni Vince ang kaniyang anak na bumangon sa pagkakahiga nito.

Kabadong naglakad si Luke papalapit sa kaniyang mag-ina, nang sandaling magtama ang paningin nila ni Mia ay mabilis na lumamlam ang mata ni Mia kasabay ng pagtulo ng luha niya.

"L-Leave." Mariing turan ni Mia.

"M-Mia I'm so sorry." Mabilis na sabi ni Luke lumuluha at nilapitan si Mia ngunit kahit na hinang hina si Mia ay malakas niyang pinadapo ang palad sa pisngi nito.

"I hate you! Don't you d-dare show up i-in front of me!" Sigaw ni Mia lumuluha habang si Luke ay nanatili sa kaniyang pwesto kasabay ng pagluha.

"M-Mia pleas—"

"I said leave! Leave me alone! I don't want to see you!" Galit na galit na sigaw ni Mia na nagpaluha at nagpatahimik sa lahat.

"I-It's the o-only way baby I'm sorry." Hirap na hirap na sambit ni Luke at napahawak sa mesa sa gilid ng kama dahil sa panghihina.

"I already told you to save our c-child.. But you're a fucking killer! You killed my baby! You killed my baby! Leave!" Sigaw ni Mia na nagpatigil kay Luke.

Luke bite his lips harder until it bleeds, those words made him hurt so much..

"You killed my baby!" Mia started to breakdown hugging Vince to cry on, to lessen the pain.

But Luke started taste the blood coming from his lips. Ang buong maririnig sa buong kwarto ay ang sakit ng iyak ni Mia.

Ang hagulgol niya habang tinatawag ang kaniyang Ina at Ama na para bang matutulungan siya ng mga itong mabawasan ang sakit na nararamdaman.

"P-Please l-leave.. Seeing you right now is just a pain.." Umiiyak na pakiusap ni Mia kay Luke na nanatiling nakatayo, tumutulo ang luha ngunit kahit pagkurap niya ay bibihira.

"Kent, Zai please help Luke." Bilin ni Miyu ngunit bago pa man ay bumukas ang pinto at nandoon na si Elizabeth ang Ina ni Luke kasama ang ama nito.

"Let him rest first.." Bilin ni Vince sa mag-asawa mabilis naman na nilapitan ni Elizabeth ang anak na nasasaktan.

Nagpa-akay si Luke sa kaniyang magulang papalabas habang nananatiling umiiyak si Mia at bilang respeto sa kanilang magpapamilya ay pinili ng iba na lumabas at umalis na muna.

"Mommy I can't lose my baby.." himutok ni Mia, damang dama ang sakit sa kaniyang dibdib at buong katawan.

"It's alive baby.. It's heart is beating." Pagpapakalma ni Miyu.

"I'm a doctor mommy.. I know that only 2%— the chance of surviving are very low. That liquid can make my baby die after I gave birth.." Umiiyak na explain ni Mia.

Ang mga mata ay pagod na pagod na. "Hinding hindi ko siya m-mapapatawad mommy.. P-Pinatay niya ang anak namin." Muli ay malakas na humikbi si Mia.

"I hate him."

"I hate him so much.."

"I loathe him.."

"He's a monster!" Masama ang loob na sigaw ni Mia na hindi naman nakapagsalita ang magulang niya.

"You're blaming everything on him noona." Hindi na napigilan ni Kent ang pagsingit at sabihin ang kaniyang nararamdaman.

"I know it hurts you right now—"

"What do you know about how I feel! Hindi ka naman mawawalan ng anak!" Galit na sigaw ni Mia, sarado ang isip.

"Yeah, Hindi nga ako nawalan ng anak. But can't you see?!" Balik sigaw ni Kent.

"Kent Axel enough." Pigil ni Vince sa kaniyang bunso.

"Can't you see it noona? He's hurting too! Kung nasasaktan ka papaano pa siya?!" Sigaw ni Kent habang nakaturo ang kamay sa kung saan.

"Tell me noona, Papaano pa siya?!"

"Siya ang nagdesisyon na iligtas ka! Over his own child too! What do you think?" Masamang tumitig si Mia kay Kent Axel.

"Edi sana ako na lang ang pinatay niya!" She shouted back.

"Tangina do you think it's easy?! I even choose you over my pamangkin! Because I can't lose you!" Sigaw ni Kent Axel pabalik.

"Kent Axel your mouth!" Sita ni Vince.

"If you feel terrible now think about this, Hyung made the choice. Even though he knows you'll hate him! Tapos anong isinampal mo sa kaniya bukod sa palad mo sinabi mong mamamatay tao siya—" napatigil si Kent ng maluha siya.

"Tangina noona! Sinampal mo sa kaniyang mamamatay tao siya! Sarili niyang anak 'yon eh!" Naikuyom ni Kent Axel ang kamao habang si Mia ay nakatitig sa kapatid habang lumuluha.

"Ikaw ang ilalagay ko sa sapatos niya, ikaw ang kailangang pumili tell me! Sabihin mo sa akin kung papaano ang gagawin mo." Masama ang loob ni Kent na sumbat.

"You can only view your perspective. I'm the third person point of view. Hindi lang ikaw ang nahihirapan!" Bulyaw ni Kent at tsaka gigil na umalis doon at padabog na sinarado ang pinto.

"M-Mom.." Sambit ni Mia at humagulgol.

"Mom.. I don't know anymore."



√√√

@/n: Wait for my next update, Keep safe and I hope you enjoyed this chapter! Lovelots! 💕 God bless you all good luck sa mga modules niyo or exams!

Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143 / lux.delacruz
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top