Chapter 40

Mia Jasmin's POV.



Nagising akong nakakumot at may nakayakap sa akin dahilan para pilitin ko ang sariling sulyapan ito ng mapagtanto ko na si Luke ay napabuntong hininga ako.

Nawalan na naman ako ng malay ng hindi ko namamalayan at mukhang lumipas na ang oras kaya natulog na si Luke.

Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap niya at tumayo upang tumambay sa maliit na mesa sa kung saan maari kong buksan ang bintana upang makahinga ng maluwag.

Naupo ako sa harap ng mesa at tumingin sa liwanag ng buwan na nagsisilbing ilaw ng kalawakan, habang tumatagal mas humihirap.

Nang bata ako gusto ko lang lumaki para maintindihan ang lahat pero ngayong lumaki na ako parang gusto ko na lang maging bata.

Ang responsibilidad ko lang ay ang mag-aral at sundin ang mga nais ng magulang ko. Pumikit ako ng marandaman ang hangin sa mukha ko ngunit kasabay ng pagpikit ko ay ang pagbugso ng damdamin.

Naramdaman ko ang pagluha ng mga mata dahilan para mas naisin ko na yumuko sa mesa at doon umiyak.

"B-Baby?" Mabilis kong pinunasanan ang luha ng marinig ko ang tinig ni Luke na halatang kagigising dahil mamaos maos pa ito.

"Hmm?" Tanong ko at nilingon si Luke.

"Let's sleep," aniya niya at tumayo upang lapitan ako.

"I just woke up.."

"Then let's get back to bed, I'll make you sleep." He commanded and stretched his hand to hold mine.

Dinala niya ako sa kama at pinahiga sa kaniyang tabi ngunit inis niyang tinignan ang bintana at muling tumayo upang isarado yon.

Tapos ay bumalik siya sa tabi ko at inunan ang ulo ko sa kaniyang braso habang ang kamay niya ay nasa bandang likuran ko at hinahaplos.

"I'm so sleepy.." Bulong niya at hinalikan ako sa noo.

"Don't stress yourself baby, baka mapano rin si baby." Sabi niya kaya naman napalunok ako at iniyakap na lang sa kaniya ang braso ko.

"I love you." Bulong niya at hinayaang nakadampi sa noo ko ang labi niya.



Luke's POV.



Nasa labas ako ng kwarto ngayon dahil tulog pa rin si Mia, magpapahanda lang sana ako ng umagahan niya yung makakatulong sa puso niya at healthy para sa baby namin.

Habang naglalakad kami ay natigilan ako ng makita si Lauren dahilan para mapabuntong hininga ako. "Mag-usap muna tayo Kuya." Mahinang sabi niya kaya wala akong nagawa kundi sundan siya.

Nang makarating sa dulo ng hallway ay tumayo ako tapos huminga ng malalim. "Kung galit ka sa akin ka na lang magalit huwag sa noona mo." Panimula ko.

"Why did you do it po? Papaano po pag napano si noona?" Kwestyon niya.

"I know you'll blame me." Mahinang sabi ko.

"I know that you'll get mad because you love your noona so much." Tumitig siya sa akin at nag-iwas tingin.

"Bakit hindi mo naisip?" Kwestyon niya dama ko ang pinapahatid niyang galit at sama ng loob.

"Hindi ko naisip pasensya na," aniya ko.

"Hindi ko alam kung bakit ang laki-laki ng tiwala sayo nila mom at dad pagdating sa ganitong bagay but in the end you both failed." Napalunok ako sa kaniyang sumbat.

"H-Hindi nila isinumbat sa amin yan kaya sana huwag kang ganiyan magsalita." Mahinang sabi ko at tinitigan siya.

"Pinaiiral niyo kasi ang init ng katawan. Hindi pa nga tapos ang buong problema ganito pa ginawa niyo." Nakagat ko ang ibabang labi at sarkastikong natawa.

"Hindi ko maunawaan kung saan galing ang galit mo, Lauren." Mahinang sabi ko at ngumisi.

"Hindi ko lubusang maunawaan ang mga sinasabi mo kung saan mo kinukuha dahil si Tito Vince mismo hindi sinabi yan." Nag-iwas tingin siya.

"Iniisip ko lang si Noona." Mariin na sabi niya.

"Really? Then why does it look like you're mad at her too?" Sa kwestyon ko ay nangunot ang kaniyang noo.

"I'm not."

"Really?"

"I said I'm not." Madiing sabi niya kaya ngumiti ako.

"Spill it all kahit ang para sa noona mo tatanggapin ko na," aniya ko.

"Never mind." Mariing sagot niya at tinalikuran ako kaya napangisi ako ngunit mabilis na inalis yon ng mamaramdam ng kakaibang inis sa kaniya.


'I don't easily judge someone but I can read their actions.'


Sumipol ako at ibinulsa ang dalawang kamay ko dumeretso na akong maglakad papunta sa dapat kong tunguhan.

Nang makarating sa kitchen ay mabilis na yumuko ang iba dahilan para bigyan ko sila ng ngiti at iling. "Breakfast lang, for two." Sagot ko.

"Yes Masked Man." Mabilis na sagot nila at yumuko.

"Sundin niyo na lang yung sa list, salamat." Nakangiti kong sabi.

"Mas guwapo ka hijo pag nakangiti." Natigilan ako at napatingin sa matandang nagsalita.

"N-Nay bawal po yan." Mahinang bulong ng isa na katabi nito.

"It's not a problem." Nakangiting sagot ko.

"Ihahatid ko na lang po ang umagahan niyo doon sa kwarto niyo." Tipid akong ngumiti at bahagyang yumuko tapos ay naglakad na papalabas ng kitchen.

Habang naglalakad papalabas ay nadungaw ko si Mia na naglalakad habang nakatingin sa kaniyang binabasa na hindi ko mawari kung newspaper ba o magazines.

"Baby." Nang tawagin ko siya ay mabilis siyang nag-angat ng tingin dahilan para mapansin ko ang pagiging puffy face niya kahit na ang mga mata.

"Luke." Bati niya kaya naman medyo binilisan ko ang paglapit sa kaniya upang mabati na siya.

"Good morning nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong ko at niyuko siya upang halikan sa labi.

"Hmm I did, saan ka galing?" Maayos niyang tanong kaya naman inakbayan ko siya at tsaka namin tinahak ang daan pabalik sa kwarto.

"Galing ako sa kitchen, let's wait for our breakfast." Sagot ko at binuksan ang pinto.

"Ganun ba."

"Mm yeah?"

"Do you want something?" Dagdag tanong ko sa kaniya.

"I want banana with chocolate ice cream." Mahinang sagot niya kaya napangiti ako.

"Is that all?"

"Gusto ko rin ng chocolate na mas marami ang milk yung malamig." Muli akong tumango sa kaniyang sagot.

"Kain ka muna breakfast and then we'll eat that," aniya ko at inayos ang kaniyang buhok.

"I love you so much baby."

"I love you too, parang inaantok na naman ako." Natawa ako sa tugon niya.

"Go to bed, I'll wake you up." Ngumiti siya at hindi maayos na nahiga basta niya lang kinuha ang unan at inulo sa kung saan.

Nang sulyapan ko siya ay nakapikit na siya.


'Seryoso ba siya?'


Dahan-dahan akong lumapit upang tignan siya at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makitang tulog nga ito base sa mabibigat niyang paghinga.

Kaya naman huminga ako ng malalim at pinanood na lang siya habang nakapikit.


'We'll make this work baby, Kahit gaano pa kahirap hinding hindi ko kayo pababayaan ni Baby..'




√√√

Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top