Chapter 17
Mia Jasmin's POV.
"When did it happen? i-i mean how?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Dr.Yasmine is your Spy.. Nang dumating ka sa hospital na pinagtatrabahuan mo hindi pa man nag tatagal dumating siya bilang may PTSD hindi ba?" na patango ako sa sinabi ni daddy.
"Hindi talaga alam nila Luke at Zai yon, not until mahuli nila ito at pinabantayan namin sa kanila." dagdag pa ni daddy.
"Kung ganun daddy, Matagal niyo ng alam na buhay si Luke?" kwestyon ko.
"Later yan." saad niya.
"So i'll start na." saad pa ni daddy at tumikhim.
"That's why Masked Man, Execute her." mahinang sabi ni Daddy.
"Alam ba nila na wala na si Luke?"
"No, hindi namin kinalat ang balita na yon. Dahil pag nangyari yon hindi na makababalik si Luke sa kung ano man siya, nang umalis ka doon sumunod rin siya kaagad pero ang rason ay may sakit ang kaniyang ina." tumango ako at dahil sa katamaran naupo na kami sa carpet.
"Wala sa plano lahat, pero nakilala ni Yasmine si Zai at si Luke as Masked Man. Luke got no choice, ginawa niya sa mismong Kwarto ni Yasmine doon sa kwarto nila ni Shane." nakinig lang ako sa kwento ni daddy.
"I can't believe this." sagot ko.
"Kami rin, pero huli na bago naawat ni Zai." natulala ako sa sobrang pag iisip.
"Spy ibig sabihin non may kinalaman si yasmine sa hiwa ko sa leeg?" tanong ko pa.
"About that, after Luke investigated he found out that Yasmine is acting so Suspicious. Hindi pa man namin alam na espiya siya ng kalaban ay nawiwirduhan na talaga si Luke sa Actions niya." nalingon ko si Zai lumapit siya sa'kin at inabutan ako ako ng tasa ng Kape.
"Salama--" umawang ang labi ko ng kunin yon ni Luke ng walang paalam ay alanganin akong ngumiti ng titigan ako nito ng makahulugan.
"That's why, before Dr.Shane came.. pinakiusapan ako ni Luke na sumama sa Misyon niya at doon na nag simula ang lahat dahil kahit maingat si Yasmine, mabusisi itong si Luke." Tango lamang ang naging sagot ko.
"She's your first victim then?" Luke nodded as his eyes met mine.
"Who's second?" tanong ko.
"The one who sliced your neck like a freaking roll cake," umawang ang labi ko sa sagot niya at nasiko ko siya kaagad.
"Natakot naman leeg ko sa sinabi mo," sa sinabi ko ay hindi siya tumugon at seryoso lang akong tinitigan, masked man na masked man psh.
"My question is, how did this happened?" ng itanong ko yon ay parang lahat sila nasamid.
"Kailan niyo pa alam ang tungkol sa pag katao ni masked man?" tumikhim si kent.
"Sa hotel natin sa Isla, Bumaba ako non kasi kailangan kong Kumuha ng gamit then I caught him on the bathroom i guess he's talking to mom that time." sa sagot ni kent ay halos banatan ko siya.
"Why didn't you tell me?"
"Because the plan will be ruined, Kahinaan mo siya in short sa oras na labanan at maipit siya dapat wala kang pakialam sa kaniya. Para matapos na ang misyon na 'to at mabuhay ka." explain ni Kent tila tinatapos na ang diskusyon.
"How about you mom and dad? when did you found out?" tanong ko.
"Matagal na, kung magagalit ka sa'min Go on and satisfy yourself." mariin at nag mamatigas na sabi ni mom.
"Una pa lang, ilang linggo bago umalis si Luke. Nag pakilala siya sa'min bilang masked man at isinagawa ang Plano dahil ikaw ang Target ng system." mariin akong pumikit sa sinabi ni Dad.
"How about that Island scene, kung saan sinaksakan si Luke?" tanong ko.
"It's all our plan upang palabasin sa'yo at sa Kalaban na wala na ang kahinaan mo. Kilala lang nila si Luke bilang nobyo mo at isa sa anak ng mga Mayamaman pero hindi bihasa sa labanan kaya inaka nilang siya ang puntirya ng ibang kalaban." bumuntong hininga ako hindi ko lubusang maunawaan ang lahat si dad ang nag eexplain ngunit naiinis ako.
"Ngunit papaanong Master ni Luke ang Espada gayung hindi naman siya madalas malayo sa'kin noon?" tanong ko sa kanila.
"Ng panahon na nasa Korea kayo, Hard training at isinabay ko sa pag aaral ang lahat." si Luke ang sumagot.
"My mom is The last founder before me, Ito yung sinasabi sayo nila dad at lolo ng mga oras na nag kaharap tayo noon." dagdag niya kaya punong puno ako ng pag tataka.
"Na isa akong halimaw sapagkat kaya kong manakit ng manakit habang bumubuhay ng pasyente sa Ospital," bumuntong hininga ako.
"Bakit pakiramdam ko ay pinaglaruan niyo akong lahat?" kwestyon ko.
"Everything felt so real, para akong tanga na nadepress sa inaakala kong pag kawala ni Luke, mom, dad I even tried to take my own life because of the pain--" hindi ko na tapos ang sasabihin at nasapo ang sariling mukha at lumuha sa palad ko.
"Kaya ko namang sakyan ang plano,"
"At ano Mia? pag nasa kapahamakan si Luke paiiralin mo ang galit at basta bastang susugod ng walang plano?" sumbat ni mom.
"Mom, why do you act like you never acted recklessly before?" hindi ako makapaniwalang tinitigan ni Mommy.
"Mia," naninitang sabi na ni Daddy.
"Nang si dad ang nasa kapahamakan, sumugod ka ng walang plano mommy." ang mata ni mommy ay tumalim na para bang kaya akong sugatan ng mga titig na yon.
"That's why we're doing this Mia Jasmin, to prevent those reckless actions that i know it may harm you," mariing sabi ni mommy.
"We're protecting you because you're my daughter hindi lang dahil founder ka ng Sanez Underground, nagagalit ka? why?" galit na tanong ni mommy.
"Kase nag lihim kaming lahat? I already told you, satisfy your anger because i know that soon you'll understand this. Don't question what kind of parent we are," bumuntong hininga ako at pinahid ang luha ko sa mga pisngi.
"Luke risked his life just to save you, magagalit ka sa kaniya? magalit ka sa'min wag sa kaniya." dagdag pa ni Mom.
"I don't know mom, hindi ko lubusang maunawaan lahat." sagot ko.
"Naiinis ako dahil sobra sobra ang galit ko at ninais na bawiin ang katawan ni Luke buhay naman pala, just-- never mind." mariing sagot ko at tumayo na.
"Ready, sa Maldives muna kayo manuluyan." saad ni mommy pero hindi na ako nag salita at dumeretso sa kwarto.
Masaya akong buhay si Luke, pero hindi ako natutuwa na kailangan ba talagang umabot sa punto na ikapapahamak nila ang gagawin mabuhay lang ako. Ngayon si buhay ni Luke ang kapalit para lamang mapanatili akong buhay, pumatay siya just to keep me safe na sobrang labag sa batas kahit sa pinakamataas na batas.
Hindi ko matanggap, ng marinig ang pag bukas ng pinto ng kwarto ay nag kumot ako at tinakpan ang mata kong lumuluha. Ng maramdaman ang pag lubog ng kama ay alam kong si Luke na ito, ng maramdaman ang kamay niya sa balikat ko ay hindi ako tumugon.
"I'll wake you up, later." mahinahon niyang sabi.
"Rest well, baby." mahina niyang sabi kaya mariin kong ipinikit ang mga mata.
Sandali akong nagising ng marinig ang pang gigising sa'kin ni Luke kaya naman naupo ako, nakaayos na ang gamit namin at dahil malapit na raw ang pag latag ng chopper ay nag shower lang ako at nag bihis ng maayos na damit.
"Ayos na?" tanong ni Luke pero hindi ko siya pinansin at basta basta na lang na naglakad.
"Noona, galit ka sa'kin?" tanong ni kent pero niyakap ko lang siya at ginulo ang kaniyang buhok ngunit nilampasan ko lang si mommy at daddy ngunit binati at nag paalam ako sa paraan ng pag yuko upang mag bigay nang galang.
Ng makasakay sa chopper ay hindi ako nag paalalay o kung ano man, naupo si Luke sa tabi ko, napapansin ko ang palingon lingon niya ngunit hindi ko yon ininda. Ng umangat ang chopper ay kumuha ako ng Sunglasses at sinuot yon sumandal ako sa kinauupuan at pumikit.
"You can use my shou--"
"I'm fine." sagot ko na kaagad at pumikit.
Makalipas ang oras ay inanunsyo ng Piloto ang pag lapag ng chopper sa ibabaw ngisang hotel rito sa Maldives, kaya naman bumuntong hininga ako at hindi sadyang nalingon ang kasamang si Luke na nakatitig lang sa akin.
Nang marating ay naunang bumaba si Luke sa Chopper at sumunod ako kaya naman hinayaan ko ang ibang crews na buhatin ang gamit ko bukod sa sariling katana na hindi ko na bibitiwan.
"Follow me ma'am, sir." saad ng Crew na mukhang pilipino rin ang lahi.
Nang marating ang kwarto ay isinara na yon ni Luke kaya naman tinalikuran ko siya at nag alis na ako ng Jacket. "Order some food if you're hungry." paalala ko kay Luke.
"Do you want to eat anything?" He questioned.
"I don't want anything, I'll sleep." walang gana kong sago at dumapa sa malaking kama upang mag pahinga.
"Arasseo.." mahinang sagot niya kaya umirap ako ng palihim.
"Hoy." dineadma ko siya at nakapikit pa rin ako habang nakadapa.
"MJ." pag tawag niya sa Initials ng pangalan ko.
"Wag mong antayin na patungan kita diyan bago mo 'ko pansinin," sa pag kainis ay nilingon ko siya.
"What?" nagulat ang abo niyang mata tapos ngumisi.
"Samahan mo akong kumain." umirap akong muli at umiling.
"I'm tired."
"I want to sleep, mag pahinga muna tayo pwede!?" napipikon kong pakiusap sa kaniya.
"O 'di sige," sagot niya at mabilis na nahiga rin sa kama inayos pa ang Conforter dahilan para pati ulo ko matakpan kahit na siya hanggang leeg lang naman ang kinumutan.
"Restwe— ano ba," sita ko at bahagya siyang tinulak.
"Tulog diba? Bakit mo ako tinutulak?" hamon niya at mas hinigpitan ang yakap sa akin dahilan para mapairap na lang ako sa kalokohan niya nakakainis.
"I know you're mad, so let me just do this.." mahinang sabi niya.
"Kase, pagod rin ako Mia." mahinahon man yun ngunit may pinang huhugutan ang Pagoy niya.
√√√
@/n: Sorry natagalan tinatapos ko na po kasi ang Stolen heart ♥ kaya sa mga hindi pa po nakabasa it's a Story of Len Vion and Austin Mozeran Keep safe and Godbless!
Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top