Chapter 15
Mia Jasmin's POV.
Titig na titig ako kay Masked Man ng dahan dahan niyang kalasin ang proteksyon ng Maskara. "Pucha! Hindi pwede!" sigaw ni Zai, Nag wawala.
"Hannah! Patayin mo na lang ako!" sigaw pa ni Zai.
"Pipiliin mong Iligtas ang babaeng ito kesa sa sarili mo, Kataka taka kung sino ka ngang talaga." saad ni Hannah nakatitig lang ako kay Masked Man na nag hahanda ngunit biglang may dumating dahilan para hindi niya maituloy ang gagawin.
"Shit! Dapat tumakas na lang siya!" aniya ni Kent.
"Kilala niyo siya?" tanong ko sa kanila.
"Hindi siya pwede makilala dahil ikaw ang aatasan na pumatay sa kanya noona!" inis na sagot ni kent kaya takang taka ako.
"Nahihibang na ako sa Naiisip." dismayado kong sabi.
"Pakiramdam ko baliw na ako, Ang hirap maniwala sa mga tao." Saad ko.
"He's torn." mahinang sabi ni Zai kaya naituon ko ang atensyon kay Masked Man, ng abutan siya ng damit ay sinuot niya yon.
"Take off your mask." utos ni Hannah.
"Hindi mo nanaising makilala siya hannah! Mag sisisi ka!" sa sigaw ni Dad ay litong lito ako.
"Bakit ako mag sisisi!" bulyaw ni Hannah.
"Hibang ka na!" dagdag pa nito.
"Bakit? Sino ba si Hannah?" tanong ni Masked Man nagtataka.
"Stupid! Huwag kang maniwala sa kanila!" sigaw ni Hannah.
"Ngayon Alisin mo na ang Maskara mo!" sobrang kinakabahan ako ngayon, kung sino si Masked Man, kung kilala ko na ba siya noon o hindi pa..
"Shit."
"Lintek na babae, di pa mamatay." alam kong naririnig ni Hannah ang lahat ngayon.
"HUWAG MO KONG SAGARIN MASKED MAN! YUNG PASENSYA KO KONTNG KONTI NA LANG!" kinabahan ang lahat nang mapasigaw ako dahil sa pagsabunot niya sa akin nakatingala ako ngayon ay sobrang lapit nag kutsilyo.
"Huwag mo siyang Saktan." saad ni Masked Man.
"Gagawin ko yung gusto mong mangyari, ngunit tatanungin kita. Matapos mo akong makilala anong Plano mo sa amin?" tinitigan ko si Masked Man sa Mahinahon niyang pananalita.
Ang mata niyang abo ay nakatitig kay Hannah, napalunok ako. "Magiging ligtas si Mia." sagot ni Hannah.
"Papaano ang iba?" nag tatakang sabi ni Hannah.
"Madali lang, Kilala kong malakas ang Sanez. Kaya sa Oras na mag reveal ka papakawalan ko si Mia." ng sabihin niya yon ay nag karoon ako ng pag asa.
Pag asang mailigtas ang lahat sa paraan ko, sa paraan na hindi sigurado, sa paraan na hindi ko mawari kung saan papunta. "Alisin mo na." mariing sabi ni Hannah at na padaing ako nang higpitan niya ang sabunot.
Sinilip ko pa rin si Masked Man na marahan ang pag alis at lahat nang atensyon ay nakatuon sa kanya.
"I'm ready to face all the consequences." aniya ni Masked Man at ng makita ko ang pagkalas nang maskara sa Mukha niya ay hindi pa niya iyon basta bastang Ibinaba.
"BILIS!" sigaw ni Hannah.
"Pucha, Wala na." inis na bulong ni Zai.
Napatitig ako kay Masked Man. "Mission Abort." malakas niya iyong sinabi at pinakaba ako non ng todo.
Ng alisin niya ang Maskara ay nanlaki ang mata ko at tila binagabag ako ng pakiramdam. "I-imposible." mariing sabi ko.
ang luha sa mata ko ay derederetsong Tumulo. "But you're already dead!" sigaw ni Hannah.
"My heart already stopped, Once." nakita kong inalis niya ang Device from changing his voice. Nakatingin siya sa akin, kinakabahan.
"Kalokohan." natatawa kong saad tapos pumikit sandali dahil hindi ko magawang punasan ang luha at pinalalabo non ang mata ko.
"Release me." saad ko kay Hannah, nang gamitin niya ang espada para alisin ang Kadena na nakatali sa akin.
Nang maalis niya yon ay mabilis kong hinablot ang leeg niya at gamit ang paa ko ay sinipa ko ang Espada para Lumipad ito. "I'm glad, ako ang napili mong pakawalan." nakangisi ngunit lumuluha kong sabi.
"Pick it up, Masked Man." mariing sabi ko tinutukoy ang Espada, Sakal sakal ko si Hannah na nag pupumiglas sa akin.
Nang magsubok lumapit ang lahat ay sumigaw ako. "SUBUKAN NIYONG LUMAPIT AT GALAWIN ANG ISA SA MGA KASAMA KO! LALAGUTAN KO NANG HININGA ANG GAGONG ITO AT KAHIT KAMATAYAN ANG KAPALIT." gigil kong sabi.
"I still don't understand everything, but i know something." mariing saad ko.
"B-bita—ah!" na pasigaw siya nang diinan ko.
"Kapos na kapos na ang pasensya ko sayo." sa Gigil ko ay Matapos pakawalan ni Masked Man ang lahat ay Ibinwelo ko ang Siko at saka pagkabitaw ko sa Leeg niya ay malakas kong siniko ang mukha niya.
"Boom! Bagsak! Kingina mo ha!" nilingon ko si Zai a tinaliman ang tingin sa kanya.
Ng lumapit sa akin si Masked Man ay napaatras ako at dineadma siya. "Punyeta." mahina kong bulong.
"Para akong Niloko." mahina ko pang sabi, nakakasama nang Loob.
"Mia." pagtawag niya sa akin at hinawakan ako sa Kamay, tinitigan ko siya tapos ibinaba ang tingin.
"Let's not talk about it now." sagot ko tapos kinakabahang binawi ang kamay ko, humanap ako ng Armas ngunit Panyo lang ang napulot ko kaya Inirolyo ko yun sa Kamao ko.
"Tapusin na natin to!" sigaw ko.
"Call security." saad ni Mom kay Dad kaya naman ng sumugod sa akin ang isa sa kanila ay Sinapak ko na lang ito.
"Yung kamay mo Mia!" sita ni Daddy kaya ngumuso na lang ako at saka ko malakas na Sinipa ang sunod na susugod at saka ko naisipang Umikot yung gawin ang Butterfly kick sa kung saan one 360 degree twist.
"Oohh hot." ng sabihin iyon ni Zai ay nakita kong malakas siyang tinamaan ni Masked Man sa Ulo kaya ngumiwi na lang ako.
Pansin na pansin kong lahat sila ay lumalaban para protektahan ang sarili nila, kaya naman prinotektahan ko ang mga hindi ganun kalakas.
"Ate Brianna." tawag ko sa kanya.
"Keep Masked Man safe, Siya na ang main target ng system ngayon. Gustong ipasabi ni Tito Vince." mahinang sabi niya sa akin kaya napalunok ako at luminga sa Paligid.
'It's my turn to do the favor, Kahit pa punyeta kayo.'
Pinakiramdaman ko ang hangin, ang kapaligiran sa paraan ng pagfofocus sa paraan na mababalewala ko ang maingay na kapaligiran.
••FLASHBACK••
"Make yourself deaf! Feel the wind! Gamitin mo ang lahat nang senses bukod sa Hearing!" inis na inis akong nagmaktol sa Trainor ko.
"Lola Jessie, I'm just 11 years old." nakanguso kong reklamo.
"Ang mommy mo ay nag simula sa mas batang gulang pa Hija! Huwag mo akong sagarin at baka mas pahirapan kita!" ngumuso na lang ako at pinilit kong mag concentrate.
"Concentrate! Focus! Paulit ulit mong sabihin sa utak mo na wala kang maririnig!" nakagat ko ang ibabang labi at mariin na pumikit.
"Magbabato ako ngayon Pumikit ka at piringan ang iyong sarili, dalawa na ang aalisin natin!" hindi ko inaasahan na ganito kastrikto si Lola sa akin.
"Kent Axel! Ano't nguya ka nang nguya diyan. Jusko, kayong mga bata kayo." nang wala na akong nakikita ay para akong bulag ngunit sinusunod ko si lola Jessie.
"I'm just eating to be strong lola." sagot ni Ken Axel.
"Lauren Hija, What are you doing? Punch it, don't hug it!" itinagilid ko ang ulo ng sandaling maramdaman ang kakaibang Presensya.
Mariin akong napapikit at halos mapahawak ako sa Ulo nang may tumama doon. "Ouch!" reklamo ko.
"I told you to focus!" I heard lola jessie.
"But you didn't tell me to Iwas it." reklamo ko.
"Let's Go." ng hawakan ako ni lola jessie sa kamay ay nagpatangay na lamang ako.
Ng bitiwan niya ako ay kinabahan ako nang marinig ang pagsarado ng pinto, wala akong ibang naririnig kundi ang sariling pag hinga.
"Lola?" pag tawag ko.
"Lola!" kabang kaba ako ng walang sumagot, naramdaman ko ang pag sikip nang dibdib dahilan para alisin ko ang Piring ngunit dilim ang aking nakita.
Takot na takot ako sa Dilim. "Lola! Ano to lola?!" hindi ko rin makita ang pinto ngunit inalala ko ang narinig na tunog kanina at bumalik ako sa unang pwesto.
Saka ako umatras upang makapa ang Pinto ng mapagagumpayan ay binuksan ko ngunit wala! Ayaw!
Mabilis akong napalingon sa kanang gawi ko nang maramdaman ang kaluskos! "SINO YAN?!" sigaw ko.
Mabilis kong sinundan ang tunog sa paraan ng paglingon ko rito. "Sino yan?!" malakas kong sigaw.
"Nararamdaman ko kayo!" malakas kong sigaw at saka matapang na humakbang.
Wala akong nakikita ngunit sa dilim ay gumana ang Pakiramdam at tenga ko. Nang may maramdaman akong presensya sa Likod ko ay mabilis ko itong nilingon kasabay nang pag sipa sa kanya ngunit ako ang tumumba.
"Sino ka!?"
Sobrang bilis ng tibok nang puso ko.
"Magaling Anak." nang bumukas ang ilaw ay para akong nasilaw ngunit nakilala ko ang boses ni Daddy.
"Daddy naman!" reklamo ko pa.
"Luh, Aarte pa yung anak natin Wife, wag pakainin ng matami—"
"Joke daddy!" sagot ko.
••END OF FLASHBACK••
Bumalik ako sa Reyalidad ng marinig ang tunog ng kakaiba sa Tenga ko, masakit!
Napatingin ako sa Gawi ni Masked Man. Mabilis kong tinakbo ang gawi niya tapos saka ko siya tinulak kasabay ng pag bagsak namin sa sahig. "Ano ba! Focus!" inis kong sabi at iniwasan ang tingin niya.
Nakita namin ang pagbaksak nang bala sa Sahig, Tumikhim ako at Itinayo ang sarili ko tapos Inalok ang kamay ko sa kanya para makatayo siya. "Observe." bilin ko nang maitayo siya.
Ngunit kasasabi ko lang ay Hinila ko na naman siya at sinipa ang nasa likuran ko. "Lagot ka sa akin." inis kong singhal sa kanya pero tipid siyang ngumiti.
"Wag mo kong ngitian, Luke Garcia. Lahat kayo lagot sa akin." umawang ang labi ni Luke at saka tinitigan na lang ako.
√√√
@/n: Sa mga nag cocomment po na Hindi naman Luxians, Kantiin mo na ako Wag lang ang Luxians. Kasi sa oras na gawin mo yun? Hindi kita palalampasin. Laitin mo ko, apakan mo ko (kahit hindi ako tiles, semento o sahig) hindi po kita papatulan kahit Iprivate message mo ako. Yun lang God bless you. Para sa Luxians ko, Thank you so much 💜
Webnovel: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top