Chapter 2
Sniper's POV
“Mom, Dad, nakakuha po ako ng mataas na marka sa school!” nasisiyahang sabi ko kay Mommy and Daddy habang hinahanda nila ang aming hapunan.
“Wow! Congratulations, my baby girl!” ika ni Mommy at niyakap ako.
“We're so proud of you, Darling! Manang-mana ka talaga kay Daddy—” pinutol naman ni Mommy ang sinasabi ni Daddy at hinila ang necktie nito.
“Anong mana sa ’yo na sinasabi mo r’yan, Dimistro? For your information, sa akin mana ang anak ko.” Hila-hila pa rin ni Mommy ang necktie ni Daddy habang naniningkit ngunit mabilis na nahawi ni Daddy ang kamay ni Mommy at inilagay sa magkabilang gilid ni Mommy ang kaniyang mga kamay dahilan upang makulong si Mommy sa mga bisig ni Daddy.
Bakas naman ang gulat sa mga mata ni Mommy at hindi inaasahan ang ginawa ni Daddy, napansin ko rin ang pamumula ng kaniyang pisngi kaya napahagikhik ako habang nakalagay ang mga palad sa aking magkabilaang pisngi.
Dahil naman sa ginawa ko ay sabay na napatingin si Mommy at Daddy sa ’kin at muling ibinalik ang tingin sa isa't isa ’tsaka tumango. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita tumakbo sila kaya tumakbo ako patungo sa salas. Pero sa huli ay nahuli nila akong dalawa.
“Akala mo ba makakatakas ka sa amin?” natatawang tanong ni Mommy at Daddy sabay pugpog ng halik sa leeg ko at kiniliti ako sa bawat parte ng katawan ko.
“Ahh! M-mommy—s-stop, D-Daddy!” pilit akong kumakawala sa atake nilang kiliti ngunit mas kiniliti nila ako kaya napapikit ako at panay halakhak.
Ngunit ang masayang senaryong iyon ay naputol sa biglaang pag bukas ng pinto na ikinagulat ni Mommy at Daddy lalo na nang makita ang lalaking naka-suite.
Itinago ako ni Mommy at Daddy sa likod nila kaya nag taka ako. “What are you doing here, Zamoro?” pero mas nagtaka ako sa pagbabago ng tono ng boses ni Daddy.
Sumilip ako sa pagitan ng hita ni Daddy kaya nakita ko ang lalaki ngunit hindi ko makita ang mukha nito dahil may suot siyang scary na maskara.
“I'm aware of what your wife did. But if you return my wife's life, I'll forgive you!” nanlaki mga mata ko nang makitang may hawak na siya ng baril. Ramdam ko ang gulat ni Mommy dahil sa panginginig ng mga kamay niyang nakatago sa likod niya.
“Zamoro, you know what you want is impossible! I am not God, and I cannot return the life that God has taken away!” sagot naman ni Dad.
“I know you can because I read your inventions document in my wife's office. It claims that you invented something that can extend the life of a dying person—”
“But your wife is no longer alive! That medication is only for the terminally ill, not the dead!”
“Then, whether you like it or not, you'll come with me in making medicine to save my wife's life!” nanlaki mata ko nang itutok niya ang baril kay Dad. Ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Mom and Dad kaya bumilis ang kabog ng aking dibdib.
Daddy, Mommy...
“Bad ka! Bad ka!” lumapit ako sa lalaki at pinagpapalo ang tyan niya, napapikit naman ako nang makitang hahampasin niya ako ng baril ngunit ng mag mula ng mga mata ay hawak na ako ni Mommy habang si Daddy nakikipag-agawan ng baril sa lalaki.
“Maya, tumakbo na kayo! Tumakas na kayo!” sigaw ni Dad pero umiling-iling si Mommy.
“Hindi! P-paano ka?”
“Ako na ang bahala rito, tumakas na kayo. He won't kill me because he needs me, kaya takbo na!” tumango si Mommy kahit tutol siya kaya hinawakan niya ako ng mahigpit at tumakbo kami patungo sa pinto ngunit nakakailang hakbang pa lang kami nang marinig naming pumutok ang baril at napanganga ako dahil bigla kong naramdaman ang kirot sa dibdib ko.
Nagulat naman ako nang makitang may dugo sa dibdib ko at lumalabas ang dugo sa bibig ko. Humarap ako kay Mommy at Daddy dahil sa pag sigaw nila.
Naririnig ko ang mga sigawan nila pati na rin ang siren ng police habang dahan-dahan akong bumabagsak pero bago ko maipikit ang mga mata ay nakita ko ang isang batang lalaki na nakatingin sa akin, nanlalaki ang mga mata at nanginginig sa takot.
“Ma'am?” agad akong napamulat ng mga mata nang maramdaman may tumapik sa akin. Hinihingal na umayos ako ng upo at tumingin sa flight attendant. “Are you alright, Ma'am?” I nodded and looked around the plane, seeing there were no people.
I sighed as I remembered the catastrophe that had shattered my life.
“Ma'am, all passengers have left. We are currently at Philippine Airlines, and you are the only one left.” Muli akong tumango at inayos ang sarili saka kinuha ang bagahe na dala.
When I eventually exited the airport, the sweltering weather greeted me, so I closed my eyes and continued walking before hailing a taxi.
It just took me 31 minutes from the moment I got a taxi from the airport to my condo here in Makati. Matapos kong mag bayad sa driver ng Taxi ay tahimik na hila-hila ko ang maleta hanggang sa makapasok sa elevator ng condominium, pinindot ko ang 4th floor at sasara na sana ang elevator ngunit isang dalagita ang humabol bago ito sumara.
Nang tuluyang makarating sa 4th floor ay parehas kaming lumabas ng elevator, bagama't nakapikit ay maayos na nakapaglalakad ang dalagita na walang dudang isang high schooler dahil sa suot nitong uniform. Kasabay ng pagtigil ko sa tapat ng unit ko ay ang pagbaba niya sa headphone na nasa tainga niya at tumigil sa katabing unit ko.
Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa kaya nangunot ang noo ko and I found what she did weird pero pinagsawalang bahala ko na lamang at gamit ang key card ay nabuksan ko ang pinto ’tsaka na pumasok sa loob pero bago ko maisara ang pinto may sinabi siya na hindi ko naiintindihan.
“Malupit na kapalaran.”
Magtatanong pa sana ako ngunit nakapasok na siya agad sa loob kaya umiling-iling ako at isinara na ang pinto.
•••
Matapos kong maayos ang laman ng maleta ay humiga ako sa kama. Kinapa ko naman ang phone ko nang mag vibrate ito at nang tingnan ko naman ay isang mensahe mula sa CEO ng modeling agency ang natanggap ko.
As soon as mabasa ko ang laman ng mensahe ay agad akong bumangon at kinuha ang coat ko pati na rin ang susi ng kotse ko. At nang makarating sa parking lot ng condominium ay sumakay agad ako sa kotse ko’t pinaandar ito paalis.
Mahigit twenty-five minutes din ang lumipas hanggang sa marating ko na ang Taguig City. Bago ko ipasok sa parking lot ang kotse ko ay nag-angat ako ng tingin sa nakasulat sa itaas ng building BLOOD MODELING AGENCY.
I got out of the car and parked it. While walking to the building's entrance, I gazed around at the few staff and models walking through the lobby. The elevator opened, revealing two familiar faces. The first has brown curly hair and wears sunglasses even inside the elevator, while the second has a blank expression and her arms crossed.
Sabay silang napatingin sa akin habang palabas ng elevator. Saglit na huminto ang naka-shade at bumulong sa akin. “Ravel doesn't want to be kept waiting any longer, so you better hurry up.” Matapos niyang sabihin iyon ay bahagya niyang ibinaba ang shade niya at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. A woman, Jang, sighed because of Venisse's behavior.
Hindi ako umimik at hindi man lang nag-aksaya ng oras para pansinin sila kaya bago ako makasakay sa elevator ay nakita ko ang pagkuyom ng mga palad ni Venisse.
She loves to compete.
After entering the elevator, I pressed the hidden button towards the bottom of the building. Yes, the underground headquarters of the Blood Maple Association, for whom I am an agent, is right here at the Modeling Agency.
Sino ba naman ang mag-aakala na ang BMA ay nasa ilalim lang pala ng isa sa mga popular na modeling agency dito sa pilipinas? At sino ba naman ang mag-aakala na ito ang cover ng BMA? The Blood Modeling Agency was formed to serve as a screen for the Blood Maple Association, which is understandable given the organization's privacy, as well as to ensure the protection of secret agents. BMA is an organization of secret agents under a Private Intelligence Agency (Non-governmental)
BMA has three branches: the main one in the United States, the second in South Korea, and the third here in the Philippines.
“You have arrived.” Umayos ako ng tayo matapos marinig iyon. Saktong bumukas na ang elevator at iniluwa ako sa masikip na pasilyo na tamang isang tao lamang ang maaring kumasya.
Diretso ko lang na tinahak ang mahabang pasilyo hanggang sa marating ko ang end spot. Kung isa kang intruder ay iisipin mong dead-end corridor na ito at pipiliing bumalik sa dinaanan mo ngunit dahil isa akong agent sa BMA ay alam ko kung paano matagumpay na makakapasok sa HQ.
This place was not like this back then. Ravel recently changed it when a model inadvertently pressed the hidden button and was transported to this area. It almost made it into the headquarters, but the system caught it just in time. Ravel has altered the way to enter here at HQ since then. I'm in favor, but the others are embarrassed every time they enter the HQ because of the method they got here.
I stood up straight, removed my shoes, and put my right foot on the hallway wall. I performed the same thing on the left that I did on the right. I next placed both palms on the ceiling, which was followed by pressing my face to the ceiling. Then, on the wall of the dead-end passageway, a screen appeared.
Umayos ako ng tayo at naglakad palapit dito. Nang makalapit na ako ay itinapat ko ang mukha sa screen at makikita rito ang scan. Kasalukuyan pa itong nag-lo-loading hanggang lumitaw sa screen ang “Access Granted” at magkulay berde ang buong lugar, sa ibaba nito nakalagay ang image ko at ang nakasulat na Agent Sniper.
Five seconds lang ay nahati sa gitna ang wall. Pumasok ako at bumungad sa akin mga stuff na abala sa kanilang trabaho. Sa sobrang busy nila ay hindi na sila nag abalang tapunan ako ng tingin na ipinagpapasalamat ko.
I hate being the center of attention, anyway.
Lumiko lang ako at diretsong tinahak ang daan patungo sa office ni Ravel. Muli akong lumiko and after twenty steps you will see a staircase going down. Nang makababa sa hagdan ay dalawang pathway ang bumungad sa akin, matapos ko namang kumanan ay narating ko na ang office ni Ravel.
Bago pumasok ay kumatok muna ako. “You arrived as soon as I messaged you. As expected from the workaholic Agent Sniper.” Pagkapasok ko ay iyon agad ang narinig ko sa kaniya kahit pa nakatalikod siya sa akin.
Paano naman niya nalamang ako ito?
I guess I shouldn't be surprised, considering she is the weirdest person I know. She's Ravel Zin Blood, the BMA's Head Agent.
Kasabay ng pagharap niya ay ang paglapit ko’t pag-upo sa upuan na nasa harapan niya. “Here,” ipinatong niya sa table ang black folder na naglalaman ng details about sa new mission ko, “your new mission.”
Tumango ako at kinuha ang folder saka binuksan ito. Pagbukas ko ay una kong nabasa ang C.P.O's Mission which CPO means Crimson Pheonix Organization.
“Liga Unida De Mafias?”
~ To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top