Chapter 3


Isinabit ni Maddalena ang talisman sa leeg ni Luna. Kagabi ay kinuha nito ito mula sa kanya at inilagay sa ilalim ng sinag ng buwan para i-recharge ang kapangyarihan na pumuprotekta sa kanya. Bata pa lang siya ay suot na niya ang talisman na ito. It was different from other amulets. Normal amulets were charged with a general, impersonal spell and do not have an ‘expiration date’ the way talismans had. Talismans were always customized to the individual who will bear it, like the one she was wearing na mismong si Maddalena ang nagbigay ng malakas na kapangyarihan para sa kanyang proteksiyon. Sabi ni Maddalena ay proteksiyon niya ito para sa panganib, pero hindi katulad ng amulet ang talisman na may expiration date. That was why she needed to leave it where the moonlight could bathe it on the night of the full moon, in order to recharge it and ensure that it stayed potent. Hindi pa full moon kagabi pero gusto ni Maddalena na iwan niya na roon para kahit paano ma-recharge dahil nga hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mailagay noong huling full moon dahil sumabay ang malakas na ulan.

She reached for the pendant and stared at the beautiful moonstone carved into an oval shape with a vintage ornate frame surrounding the stone. Nakakamangha ang ganda nito lalo kapag nasinagan ng full moon. Medyo iba na ang kulay nito nang mga nakaraang araw. Nagkukulay abu na ito, parang madilim kalangitan, pero ngayon ay medyo gumanda ang kulay, hindi nga lang kasing ganda kapag galing sa sinag ng full moon. It had a blue sheen, perfect clarity, and a colorless body. It had a silvery light that seemed to come from within when the moonlight bathed it on the night of the full moon.

Nag-angat ng tingin si Luna nang maramdaman ang kamay ni Maddalena na dumampi sa kanyang pisngi. Agad siyang sumimangot habang hinahayaan si Maddalena sa paghaplos sa kanyang mukha.

“Okay na. Perpekto,” anito na marahang hinaplos ang kanyang ilong.

“Aalis na po ako.” She gave Maddalena a peck on the cheek before grabbing the bag from the center table. She slung it over her shoulder and walked to the door.

“Take care, Luna.”

Itinaas niya ang kamay nang hindi humaharap habang papalabas ng pinto. Patakbo niyang tinungo ang malaking gate kung saan ay naghihintay sa labas ang kanyang sundo. Nakangiti niyang binuksan ang gate tinungo ang nakaparadang sasakyan.

“Magandang umaga, Mang Bart!” magiliw niyang bati sa singkwenta anyos na driver. Driver ito ni Beatrix. Nakikisabay lang siya. May driver naman sila pero pumayag naman si Maddalena na si Mang Bart na lang sumundo sa kanya para sabay sila ni Beatrix sa pagpasok.

“Magandang umaga, Luna,” balik na bati ni Mang Bart.

“Magandang morning, frenny!” Hahalik sana si Luna sa kaibigang si Beatrix pero agad itong umiwas. Tumawa si Luna.

“Ang arte, ah?”

“Kaloka talaga ang tiyahin mo. Ang higpit. Ayaw ka talaga yatang paasawahin, ano?”

“Wala rin naman sa plano ko. Saka wala naman magkaka-interes sa ganitong itsura ko.”

“Wala talaga!”

Tumawa siya sa eksaheradang pagsalita ni Beatrix.

“Tingnan mo sa ‘kin, ang dami-daming nagkakagusto. Kasi maganda ako.”

“Beauty eventually fades so it’s useless. It would be better if you develop your personality because that is more important than physical appearance.”

“Duh! Physical appearance is often seen as desirable in women—even in men. Iyon ang nagiging dahilan kaya nagkakaroroon ng attraction. Personality is important, of course, kasi doon na naba-base ang ending ng isang relasyon.”

Tumahimik na lang si Luna. Hindi rin naman siya mananalo sa babaeng ito na gandang-ganda sa sarili. Pero hindi naman niya ito masisisi, maganda naman talaga si Beatrix. Mestiza ito kaya naman marami talaga ang naa-attract. Ewan ba niya sa mga tao rito. Humaling na humaling sa mapuputi. Hindi siya maputi pero maganda siya. She had perfect tan skin, a curvy body, voluminous hair…hindi nga lang pang-beauty queen ang height niyang limang talampakan at apat na pulgada, pero ang kanyang mukha naman ay masasabi niyang maganda.

Kalahating oras din ang binyahe nila mula sa kanilang village hanggang sa St. Louis University. Maraming nagsasabi na dapat mag-dorm na lang sila sa mismong university kaso mahigpit ang kanyang Tiya Maddalena, pati na rin ang parents nitong si Beatrix. Kaya nga hatid-sundo sila ni Mang Bart. Kalahi rin nila itong si Mang Bart, pero mas namumuhay ito ng normal katulad din ng pamilya ni Beatrix.

“Maraming salamat, Mang Bart. Ingat sa pag-uwi.” Isinara niya ang pinto ng sasakyan at sabay na silang pumasok ng university ni Beatrix.

Medyo mahaba pa ang lalakarin nila para marating kung saan ang school buildings. Maaari naman pumasok ang sasakyan sa loob. Bawat sasakyan na allowed pumasok sa school ay may school stamp, kaso mas gusto nilang naglalakad ni Beatrix. Masarap maglakad-lakad dito. Kahit minsan mataas ang sikat ng araw ay hindi mo mararamdaman ang init dahil natural na malamig ang klima sa Benguet, at higit pang malamig sa lugar na ito kaysa sa ibang parteng lugar ng Benguet lalo na sa city na pabawas nang pabawas ang mga puno. Sinasakripisyo ang matatandang puno para lang sa mga establiyemento kaya apektado ang kalikasan.

Tiningala niya ang bughaw na langit. Ang ganda ng panahon. Patak-patak na puting ulap lang ang makikita sa langit and the rest was clear blue sky. Lumanghap siya ng sariwang hangin bago inilibot ang tingin sa paligid. The St. Louis University featured plenty of green space, manicured landscaping, and an abundance of varying tree types. Pero higit na marami Siyempre ang pine trees. Pine trees lined up on both sides of the campus road with beds of different flowers in the middle. Ito ang naghahati sa daan. The right side was for the exit and the left side was for the entrance. There were pedestrian corridors on both sides.

Kahit nasa liblib ang unibersidad na ito ay marami ang estudyante. St. Louis University was one of the most prestigious schools in the country. Lagi pang nanalo sa mga kompetisyon ang estudyanteng galing dito. Laging nagta-top rin sa licensure examination.

“Sayang ‘no? Sana pwede tayong mag-practice ng witchcraft.”

She gently elbowed Beatrix on her side to shut her up.

“Sorry!” She sighed.

Mahigpit na ipinagbabawal kahit ang pag-usapan ang bagay na iyon. Maraming taga-village ang hindi alam ang tunay nilang pinanggalingan. Siya, nalaman lang niya iyon noong dose anyos siya. Napilitan si Maddalena na sabihin sa kanya ang totoo dahil ayaw niyang umuwi ng Pilipinas noon. Ayaw niyang mawalay sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ina at kapatid. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan siyang isama sa Pilipinas at maiwan ang kanyang magulang at kapatid na si Aurora sa New York. Ipinaliwanag naman ni Maddalena sa kanya ang lahat-lahat kaya tinanggap na lang niya.

“We are witches, Luna.”

“Witches?” Hinawi ng batang si Luna ang pulang buhok habang naguguluhang nakatitig kay Maddalena na nakaupo sa kanyang harapan.

“Yes.”

“Like Scarlet Witch?”

“Yes, Luna. And our enemies are chasing us, so we need to hide and I need to protect you or else they will hurt you…us.”

“Who are our enemies?”

Hinaplos ni Maddalena ang mukha ni Luna. “A monster. Isang nakakatakot na nilalang na kung tawagin ay Lycan.”

“Lycan?”

“They are human beings that change into humanoid wolves. Malakas sila. Ang gusto nila ay lipulin ang ating lahi para sila ang maghari. Kapag nakita nila tayo, papatayin nila tayo. Hindi mo naman iyon gusto ‘di ba?”

Mabilis ang ginawang pag-iling ni Luna.

“Kaya susunod ka sa lahat ng sasabihin ko, Luna. Wala kang ibang susundin kundi ako. At hindi mo maaaring ipagsabi sa kahit na kanino na witch tayo.”

Inilagay ni Luna iyon sa kanyang isipan hanggang sa unti-unti niyang maunawaan ang lahat habang lumalaki siya. They were Paganus. Paganus was a complex religion that was often associated with witchcraft. Their religion was worshipping nature and using spiritual forces to get results but avoiding harming others. Labag sa batas ng Paganus ang manakit ng kahit anong nilalang na may buhay. Tao man o hayop. Paganus didn’t even eat meat in the past. Nagbago lang paglaon nang mabuwag ang relihiyon.

Maraming taon na ang nakakalipas nang ang tahimik na pamumuhay ng mga Paganus ay masira. Ang kanyang pinagmulan ay nagmula pa sa Portugal. Paganus’ life was peaceful and prosperous, exploding in popularity. It started growing fast. Lots of people wanted to be part of Paganus until another religion ruled by powerful men became envious of the attention. Natakot ang mga ito na isang babaeng Paganus ang maaaring kumuha sa kanilang posisyon dahil maging ang hari ng bansang Portugal ay ang namumuno ng Paganus na ang kinukunsulta para sa magiging desisyon nito.

They invaded the nurturing female-led religion. They made people believe that Paganus was the same as Satanism. Nang magkaroon ng hindi maipaliwanag na epidemya sa bansa ay isinisi iyon sa Paganus lalo na sa pinuno nito. A male-ruled religion began a campaign to exterminate the entire Paganus. Hundreds of people were accused and executed by hanging and burning in front of the leader of Paganus. Sa matinding galit ng ancient witch ay isinumpa nito ang mga kasapi sa relihiyon na dahilan nang paglipol sa kanyang angkan. Isang nakakatakot na nilalang ang naging anyo ng mga taong iyon na ngayon ay tinatawag na Lycan.

Kung paano ang naging buhay ng Lycan at paano sila dumami ay hindi niya alam. Wala pa namang nakikita si Luna na Lycan. Ang mga Paganus naman na nakatakas sa prosekyusyon na iyon ay nagpunta ng iba’t ibang panig ng mundo at nagtago. Patuloy pa rin ang komuniskasyon ng ilang matatandang Paganus, pero ang mga bagong henerasyon ay wala ng alam sa existence ng lahi nila. Siya at ang lahat ng hunters na lang ang nakakaalam sa existence ng Paganus at binibigyan ng pahintulot na gumamit ng witchcraft, at itong si Beatrix na hindi sinasadayang masaksihan ang pagbabagong anyo niya kaya wala siyang magawa kundi ang ipaliwanag ang lahat dito.

“Sandali, ah, frenny!” tili ni Beatrix na tinawid ang mababang bakal na pader patungo sa mga estudyanteng nakatambay. Maraming grupo ng estudyante ang nakaupo sa sahig na nalalatagan ng nang pinong damo. Sumimangot siya nang makitang si Kajick ang nilapitan nito. Isa siya sa mga heartthrob kuno sa St. Louis University. He was a varsity player and a senior student habang sila ni Beatrix ay freshmen students, taking up Bachelor of Science in Anthropology.

Nagpatiuna na sa paglalakad si Luna. Susunod na lang ‘yon si Beatrix. Sa paglalakad ay nadaanan niya ang isang itim na Lexus kaya napahinto siya. Hindi siya napatigil dahil sa magandang sasakyan. Hindi lang naman iyon ang una niyang pagkakakita sa ganoong klase ng sasakyan. Halos karamihan sa estudyante sa paaralan na ito ay may sinabi sa buhay kaya naman halos magagara rin ang sasakyan. Nakasakay na rin naman siya ganyang klaseng sasakyan. Marunong nga siyang magmaneho kahit anong klaseng sasakyan pero hindi siya allowed magkaroon ng sariling sasakyan. Hindi siya maaaring magdala ng sariling sasakyan dito sa eskwelahan. Bawal siyang makakuha ng atensiyon. Mahigpit iyong ipinagbabawal ni Maddalena.

Bahagyang yumukod si Luna hanggang magpantay ang kanyang mukha sa backseat window. Pinagmasdan niya ang repleksiyon ng kanyang mukha; ang mukhang siyang nagpatigil sa kanyang paglalakad nang mahagip niya sa salaming bintana ng sasakyan. Her shiny, soft curly crimson hair was gone, replaced with frizzy hair. It seemed like there was no kind of comb or brush, even a hair comb for dogs, that could tame her hair. Mukha itong pinagkaitan ng moisture. Ang kanyang mukha…ito ang pinakapanget na mukhang nakita niya sa buong buhay niya. She had a big nose with a big mole on top. Full, thick eyebrows with their ends touching each other. Droopy eyelids. Teeth sticking out too far she almost couldn’t press her lips together. Kahit na sino ay hindi makikilala ang itsura niya. Napakapanget talaga, at itinatago ng baggy knitted cardigan at mahabang palad ang mahubog niyang katawan.

Ganito sa kanya si Maddalena. Mula nang lumipat sila sa lugar na ito ay ganito ang ginagawa sa itsura niya. Hindi siya maaaring lumabas sa kanilang bahay sa kanyang totoong itsura. Para raw iyon sa proteksiyon niya. Tanging ang mga hunter ang nakakaalam sa kanyang tunay na anyo, pati na rin si Beatrix. Hindi kasi sinasadyang nakita nito ang pagpapalit ng kanyang anyo.

Unti-unting umawang ang bibig ni Luna nang biglang bumaba ang salaming bintana. Gusto niya biglang mapapikit nang masamyo ang napakabangong amoy na sigurado siyang ngayon lang niya naamoy sa buong buhay niya. Pero sa halip na ipikit ang mata namilog lang iyon nang ang panget na repleksiyon niya sa salamin ay napalitan ng napakagwapong mukha. A blue-eyed man with strong brows that made his eyes set deep in his skull. Those blue eyes that accentuated dark lashes and thick eyebrows seemed to be able to hypnotize a person. It was proof of how she was gaping at him right now and she couldn’t help it. She was more amazed when a gold ring around the irises appeared, but it was quick at nawala rin agad. Guni-guni lang niya siguro.

He had a nose that worked in harmony with his other facial features. Too perfect—as if it were carved by a great sculptor. Aristokratang ilong; iyon ang tapang paglalarawan sa ilong nito. Her gaze had drifted down, continuing study his facial features. Dumako ang mga mata niya sa mapupulang labi ng lalaki. Those lips looked soft and kissable. There was a small mole on the center of his full bottom lip. It was imperceptible because it was too small and faint. Kung talagang tititigan lang saka mahahalata. Tumaas ang sulok ng mga labi nito na para bang naaaliw. Nang tuluyang kumawala ang maliit na tawa ay tuluyang nahimasmasan si Luna at napatuwid mula sa pagkakatayo.

“S-Sorry. Nakikisalamin lang.”

“Sorry for interrupting you, young lady.” His voice. It was deep and hoarse, perfectly matching his strong features. Nasapo niya ang kanyang puson nang may maramdamang kakatwa roon. Napahugot siya nang marahas na paghinga nang ang kakatwang nararamdaman ay bumaba pa haggang sa maramdaman niya ang tila pagpintig ng kanyang pagkababae. Shocks! Hindi ba dapat puso ang pipintig at hindi ang keps niya? Ano ang nangyayari sa kanya?

“Um…sorry for blocking your view with my ugly face. Not my intention.”

He chuckled again. “You’re cute. Don’t be hard on yourself.”

“Let’s go!” Hindi na siya nakapagsalita pa nang bigla na siyang hilain ni Beatrix palayo.
Well, wala rin naman siyang maisip na isasagot sa sinabi ng lalaki. Cute? Paano siyang naging cute sa ganito niyang itsura? Pero sabagay, cute naman talaga siguro siya. Mukha siyang pet. She liked him for being nice. Hindi ito harsh. He was trying to boost her confidence. Natutuwa siya sa ganoong tao pero hindi niya rin naman kailangan ‘yon. May kumpiyansa siya kahit ganito ang itsura niya. Her ugly appearance couldn’t reduce her confidence. If you had no confidence in yourself, then consider yourself defeated. At hinding-hindi niya 'yon pinapahintulutan.

“Hey!” Nakakunot-noong nilinga ni Luna si Beatrix. Itinulak siya ng katawan nito kaya kamuntikan pa siyang matumba. “Tulala ka! Kanina pa ako nagsasalita wala ka man lang reaksiyon.”

“Sorry. May iniisip lang ako. Ano ang sinasabi mo?” Muli silang sabay na naglakad.

“Ang sabi ko, Kajick asked me out tomorrow. Since hindi naman ako pwede sa gabi, lunch na lang. Kaya hindi muna kita masasabayang kumain, friend, ah?” Ang lapad ng pagkakangiti nito. Kitang-kita sa mga mata na masaya ito. Sana lang seryosohin ito ni Kajick.

“Bakit ganyan ang itsura mo? Aren’t you happy?”

“Masaya naman, kaso nag-aalala lang ako sa 'yo. Alam mo naman ang reputasyon niyan—”

“Hep, hep, hep! Ayaw ko ng nega, please. I know his reputation with girls, but playboys can change once he finds the one. Alam mo ‘yon…kapag nagmahal, magseseryoso na sila.”

“Sana nga.”

“Huwag ka ngan nega riyan. Kainis naman, e!”

“Fine!”

“Good. Anyway, alam mo ba na hindi raw muna magtuturo si Professor Suarez. May ibang papalit muna sa atin pansamantala.” The most boring professor she had ever known. Sana naman okay itong papalit para naman hindi nakakatamad, at para naman mas may matutunan sila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top