9
Gabrielle Ray Lexington
"Hello, Meddy? How's the store? Pasensya na kung hindi ako nakapasok ngayon... Ano... I might be away for days. I tried to contact Criselle and Mikhaul pero hindi sila sumasagot."
Mula sa reflection sa salamin, palihim kong sinilip ang ginagawa ni Blaze at ng anak ko. It's not like I don't trust Blaze with my child ...I really don't, to be honest. Tuwing naaalala ko ang sinabi niya doon sa bahay, palagi kong naiisip na baka may hindi magandang gawin si Blaze sa anak ko. I still can't trust that man kung tungkol sa anak ko na ang pag-uusapan.
"Don't worry, we can handle this. Busy sila Criselle at Mikhaul kaya siguro hindi nila nasagot kaagad ang phone. By the way, your parents passed by, hinahanap ka nila. May importante daw silang sasabihin sa iyo."
"Gan'on ba? Sige, I'll contact them later. Ingat kayo diyan. Love you."
Pagkatapos kong magpaalam sunod ko namang tinawagan ang school ni Gabe para ipagpaalam siya. Habang nagmamasid sa reflection nila sa salamin, hindi ko maiwasang hindi mapataas ng kilay nang makita ang ginawa ni Gabe at Blaze.
Hinubad isa-isa ng anak ko ang suot-suot niyang mga saplot at saka lumapit kay Blaze bitbit ang bag niya. He pulled out his diaper, then his clothes from his bag. Nilalagyan ko talaga ng ganyan ang bag niya kasi tuwing dinadala ko siya sa office pinapalitan ko siya ng damit.
Iniabot niya ang lahat ng 'yon kay Blaze at pagkatapos ay kusang nahiga sa sofa. Blaze turned his head towards my direction kaya mabilis akong umakto na nakikinig pa rin sa principal. Nang makita niyang hindi ko sila pinapansin, muli niyang hinarap ang anak ko.
Itinaas niya ang maliliit nitong mga binti at saka ekspertong isinuot ang diaper. Pinatayo niya ito sa sofa saka tinulungang isuot ang shorts at t-shirt niyang may naka-print ba crown at word na KING.
Pagkatapos siyang palitan ng damit, muling nahiga si Gabe sa sofa at nanood ng cocomelon na para bang walang nangyari. Si Blaze naman ay tumayo at umalis sa living room. Gabe acted like he was used to it. Para bang sanay na siyang humihingi ng tulong kay Blaze.
"Thank you, Mrs. Andrews. See you soon."
I pressed the end button on my phone then walked back towards my child whose busy watching his favorite cocomelon. Kaninang umaga pa 'yan naka-play sa TV dito. It's already past three in the afternoon. Kagagaling lang din ni Blaze sa meeting niya. After he came back, he asked us to change our damn clothes dahil may lakad daw kami.
Magrereklamo pa sana ako sa susuotin ko pero mukhang nakita yata niya akong gumagawa ng laundry kanina bago siya pumasok ng trabaho. I did not wear the same tops I wore yesterday, kumuha ako ng damit sa kanyang closet at iyon ang ipinares sa pants ko.
Matapos kong tulungang magsuot ng sapatos si Gabe, sakto namang dumating si Blaze. He's wearing an all black outfit. Itim iyong t-shirt na suot-suot niya, pati iyong pants at shoes niya ay black. Even his cap is black. Hindi naman gaanong halata na obsess siya sa black, ano?
"Are you done?" Ang tanong niya sa akin nang mapansing nakatitig ako sa kanya.
"Yes, we are. Saan mo na naman kami dadalhin?"
I picked up my bag from the sofa at saka hinawakan si Gabe sa kanyang kamay at inalalayan itong makatayo.
"Just... Somewhere."
Sa halip na magtanong, mas pinili ko nalang manahimik at sumunod sa kanya palabas ng unit. Habang naglalakad kami sa lobby, hindi ko maiwasang mapansin na walang men-in-black ang nakabuntot sa amin. Hanggang sa makarating kami sa parking lot, wala talagang nakasunod.
Nakakapagtaka rin na hindi gaanong magara ang sasakyang ginamit ngayon ni Blaze. Isang itim na BMW X1 ang dala-dala niya ngayon.
"Where do you want to go?" Ang tanong niya sa akin sa kalagitnaan ng byahe.
Napaayos ako ng upo nang marinig ko ang tanong niya. Nandito ako sa backseat habang kandong-kandong si Gabe, siya naman ay mag-isa doon sa harapan.
"I don't know. It's my first time here at wala akong pera," ang sagot ko na lang sa kanya.
"What kind of shops do you want to visit?" Ang muli niyang tanong sa akin.
Blaze is making me uneasy. Parang hindi siya si Blaze na dati kong kilala pero parang siya din naman. Ewan ko. There is something really wrong with him. Malamig pa rin naman ang pakikitungo niya sa akin pero... Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.
Edi magtanong ka! Ang sigaw ng isipan ko na para bang iyon na ang pinaka-obvious na sagot sa problema ko. Dahil iyon naman talaga. Walang patutunguhan ang lahat kung ako ang palaging sumasagot sa mga bagay para kay Blaze.
Diretso akong tumingin sa front mirror at pinagmasdan siya. "What do you really want, Blaze? Anong kailangan mo sa akin at ginagawa mo ang lahat ng 'to? You don't do anything for free."
Saglit siyang natahimik sa sinabi ko. Mas lalo akong kinabahan sa pananahimik niya. They say the more silent a person is, the more dangerous he can get. And Blaze is the living proof. For the past three years of being with him, I have witnessed how ruthless he could get. He have triturate many businesses and dreams like a mad devil with just a phone call.
"You really know me too well."
"I don't." Ang mabilis kong sagot sa kanya. "Everyone knows what kind of evil are you. That's basic knowledge."
I really don't know him. Maliban sa kanyang pisikal na anyo at ang kanyang pagiging ultimate jerk at asshole wala na akong iba pang alam sa kanya. I know his father and mother dahil nakalagay naman iyon sa internet. On a personal level, I really don't know Blaze.
I only see him as my employer. A customer that I need to satisfy. My host.
"You have to choose an engagement ring for me." Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang sagutin niya ako.
Yup. He should only be my employer. I should not feel disappointed with his answer. I should not feel betrayed. I should not be bitter about it. Hindi ako dapat nagpapa-apekto. Pero bakit ganito? Why do I feel so fucking mad at him? Why do I feel so damn disappointed with his answer? Bakit ang sakit-sakit sa puso ng sagot niya?
Matagal ko ng alam 'to. Sa simula pa lang alam ko namang hindi siya magiging akin. Sa simula pa lang alam ko namang imposible. I know all of that pero bakit ang traydor-traydor ng puso natin? Kung ano 'yong bawal, iyon ang gusto. Kung saan ka masasaktan, doon pinipiling kumapit.
Kahit alam mo ng wala kang pag-asa, patuloy ka pa ring nangangarap.
Dahil ba 'yon sa mga commercial ng mga body soap at toothpaste? Dahil ba sinabi nilang 99.9 percent germs lang ang napapatay ng sabon nila kaya patuloy pa rin tayong umaasa sa ptngng buhay na 'to? Hindi naman kasi 100 iyang 99.9 percent. Unless it's one hundred percent sure then maybe we'll stop expecting on things.
There is no certainty on everything. Lahat walang kasiguraduhan. He may love you today, he may not tomorrow. He may be nothing to you today, but he can be your world tomorrow. As long as change is existing, then life will always be uncertain.
And maybe that's the reason why hope exists in our hearts. Kaya siguro tayo patuloy na umaasa kahit halos wala na tayong pag-asa because we know that everyday is not a hundred percent. A mere .1 can change everything. Your mere existence can change someone's life forever. It may not be today, but there will always be a chance tomorrow.
"We're here," ang anunsyo ni Blaze kaya napabalik ako sa reyalidad.
Ibinaba ko muna si Gabe mula sa pagkakakandong bago ko binuksan ang pintuan at bumaba. I picked up my child from his seat and carried him towards Blaze. Kung hindi lang ako sanay magsuot ng heels baka kanina pa kami natumba dalawa.
Nagpalinga-linga ako sa buong paligid habang nakasunod kay Blaze. The place looks breathtaking, even the people here. They all look so gorgeous.
And the buildings around here looks like peices of arts. Nakakamanghang makakita ng paligid na hindi familiar sa iyo. It kinda gave me new perspective and inspiration for my new collection.
We went inside a big luxurious jewelry store na familiar sa akin. Paulina Bianchi. Isa siya sa hinahangaang designers nila Mhara. I saw her crafts a lot of times already at alam kong napakaganda nga nito. And remembering Blaze's fiancee's hands... mukhang babagay naman lahat ng singsing na ilalagay doon.
"Ayaw mo bang kumuha ng private jeweler at magpa-customize? I think that would be ideal. They know what to do and you know what you want." Ang sabi ko kay Blaze habang pinagmamasdan ang mga magagandang singsing na nagkikislapan.
It makes me wonder if I could ever wear something like this. I... I don't want to be stuck as Blaze's kept man. Gusto ko ring makahanap ng taong mamahalin ako pabalik at ng totoo. I want to feel what it's like to be engage, to be married and to have a family. I want that one too.
"I don't have time for that. I was supposed to hire one but I forgot, kahapon lang pinaalala sa akin ng lolo. He wants to see the ring immediately." Ang sagot niya at saka naupo sa sofa na naroon. Anong ginagawa niya? "Choose whatever you think fits her. She's a size six. Don't mind the price."
Mukhang hindi nga siya sasama. Kung makapag-utos parang namimili lang kami ng pagkain. This is an engagement ring. This should be special. Everyone deserves an engagement ring that's been picked with sincerity.
Tinalikuran ko na siya't nagsimulang tumingin-tingin sa paligid. Kasama ko pa rin ang anak ko. Ayaw ko siyang iwan mag-isa kay Blaze at saka mas gusto niya ring sumama sa akin. Isa sa napansin ko sa anak ko ay ang pagkahilig nito sa mga feminine na bagay. Wala naman akong problema doon. Kids can like whatever they like. Hindi dapat nilalagyan ng label ang mga kulay, gamit o laruan. You can like feminine things and still be a man.
Hindi ako eksperto sa ganitong bagay. Rings and jewelries are not my forte but with my line of work, may kaunting kaalaman din naman ako tungkol dito. Idagdag pa na mga jewelry designer ang mga pinsan ko kaya confident ako na mahahanapan ko ng magandang singsing ang fiancee ni Blaze.
After more than an hour of checking out everything inside, isang 15-carat round brilliant cut diamond ring na may nakapalibot na three carats round brilliant cut diamonds ang napili ko para kay Victoria, ang fiancee ni Blaze. Gaya ng sabi ni Blaze, don't mind the price, pero mahirap hindi pansinin ang presyo lalo na kung lagpas dalawampong milyong peso ang presyo ng singsing na 'yon.
Habang nagbabayad si Blaze, lumayo ako mula sa kanya at saka nagpunta sa isang parte ng store para masilayan muli ang natipuhan kong singsing. It was one of the cheapest ring inside the store but it's too beautiful for it's price. Isa itong marquise diamond ring na may mga celestial motifs.
I wanna buy it.
But this can wait. I have more important things to spend my money with. Kailangan kong mag-ipon kung gusto kong makawala kay Blaze.
"Tapos ka na ba?" Ang tanong ko kay Blaze nang makalapit ako sa kanya.
"Yeah, let's go."
Sabi ni Blaze ay may dalawang meeting pa raw siya bukas, ang isa doon ay kasama ang lolo niya kaya baka sa susunod na araw pa kami makakauwi. I wanna ask him if he could ask his men to bring us around. Gusto kong gumala bukas sa halip na mabagot doon sa condo niya.
Akala ko uuwi na kami diretso pero nagtaka ako nang i-park niya ang sasakyan sa tabi ng daan at bumaba kaya ganoon rin ang ginawa ko. Around six na dito, medyo marami na rin ang tao sa daan.
Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa pumasok kami sa isang boutique. Anong ginagawa namin dito? Magpapatulong din ba siyang mamili ng pang-regalo kay Victoria?
"Get all the clothes you want and need. I'll pay for it."
"A-Ano?"
"My payment for your service. Go."
Right. Bayad. Ano pa bang ine-expect ko? Na gusto niya kaming igala? Na bukal sa loob niya itong ginagawa? That he wants to spoil us? Why would he even do that.
-----------------------------------------------------------
Okay sabaw po siya HAHAHAHAHA. Bahala na. HAHAHAHAHA. Salamat po sa pagbabasa ❤ Stay healthy, keep safe and God bless you always po. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!
This chapter is dedicated to IcaXiopao and Biningayan. (づ ̄ ³ ̄)づ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top