6

Warning! There might be grammatical errors and misspelled words aheas po. Please feel free to correct if you find one. Thank you!❤

Gabrielle Ray Lexington

3 YEARS LATER...

Napaungot ako nang maramdaman ang medyo may kabigatang bagay na nakadagan sa akin. Hinampas ko ito saka muling sinubukang matulog. Pagod na pagod pa ang katawan ko at gusto ko pang magpahinga. Umaga na nang tigilan ako ng walangyang Blaze kaya gusto kong bumawi ng lakas.

Warm air fanned my cheeks as I hear someone breathing hard beside me.

"Wake up, Gabrielle," ang utos sa akin ng isang mababang boses na pamilyar na pamilyar sa akin. It's hard not to remember this voice lalong-lalo na kung ito na ang halos naririnig mo sa loob ng tatlong taon.

Umiling ako at saka tumagilid ng higa.

"Wake up and cook for me," ang muli nitong utos.

Cook for me? Am I his maid to do that for him? I am his personal whore not his personal maid. Hindi sakop ng trabaho ko ang magluto at magpakain sa kanya.

"Nandoon si manang sa ibaba. Ask her," ang sagot ko sa kanya at saka muling isinubsob ang mukha sa malambot na unan.

"It's her day off."

Mabilis akong bumangon pagkatapos niyang sabihin 'yon. Shit! Day off nga pala ni manang ngayon. Siguradong maaga iyong umuwi sa bahay nila. Nakalimutan ko talaga. Hindi ko na pinansin kung kaninong damit ang napulot ko sa sahig. Patakbo kong tinungo ang kwarto ng anak ko.

"Gabe?" Napakunot ang noo ko nang makitang dumedede na ito sa feeding bottle niya habang nakahiga sa kanyang kama. Naka-on rin ang TV sa kwarto niya.

Naupo ako sa tabi niya at saglit siyang pinagmasdan. Nandoon pa rin sa TV ang buo niyang atensyon. Yumukod ako para mahalikan ang noo niya.

"Good morning, baby. I'm sorry. Papa woke up late," ang paghingi ko ng paumanhin habang hinahaplos ang buhok niya.

Hindi pa rin niya ako pinansin. Nandoon pa rin sa TV ang atensyon niya but his little hand stopped my hands from stroking his hair. He stopped it from moving but he did not let go. Nakayakap lang siya sa kamay ko habang nanonood.

Umayos ako ng higa sa tabi niya at saka siya pinanood dumedede. Two years of sacrifices for this little one is worth it. When he came in to my life two years ago, I have never felt so complete. Parang may kung anong nabuo sa akin nang una ko siyang ikarga sa mga bisig ko. He gave me purpose to live. He's the source of my happiness. He's basically my life now.

I am not alone anymore because I have him. This child made me stronger and braver. Kaya kong isugal ang lahat-lahat para sa kanya.

"Are you done? Do you want to go down with me?" Ang malambing kong tanong sa kanya habang sinusundot ang kanyang malamang pisnge.

Tumango siya sa akin at ngumite.

Gabe Blaise King is already two but he rarely talks. Isa ito sa ikinababahala ko sa kanya. He have more than three or four words that he says but never consistenty. Sometimes, itinuturo niya ang mga bagay-bagay kung may gusto siya.

Hindi ko alam kung minana niya sa akin ang pagiging hindi palasalita o kay Blaze. Pero tuwing nagkakasama kaming dalawa ng anak ko, pinipilit ko talaga ang sarili na magsalita at makipag-usap sa kanya. Sabi kasi ng therapist, mas makakatulong daw ito.

"Baby, we will go to papa's work later okay?" Ang paalala ko sa anak ko habang karga-karga ito papunta sa kusina. Hindi naman siya gaanong mabigat, may kaliitin kasi siya.

Nang mapadaan kami sa may sala ng bahay, nadatnan ko doon si Blaze na may kausap sa cellphone. He's already dressed in one of his expensive suits that he keep here in my house. Well, not really mine because he bought this house para pagtaguan sa amin.

Ibinaba niya ang tawag nang makita niya kaming paparating sa kanya.

"Thank you for feeding him," ang pasasalamat ko dito.

"He keeps on pestering me so I had to do it. Aalis na ako," ang paalam niya saka kami tinalikuran.

"Hindi ka ba muna kakain?" Ang mahinahon kong tanong sa kanya nang mabuksan niya ang pintuan.

"I'm late for work," sagot niya bago tuluyang lumabas ng bahay.

Napatingin naman ako sa anak ko nang kurutin niya ang pisnge ko. Nakaturo ang isa niyang kamay sa pintuang dinaanan kanina ni Blaze.

"Mister is going to work, babe. Tayo nalang ulit ngayon."

Gabe doesn't know na si Blaze ang isa pa niyang ama. He had always known him as the 'mister' who sleeps at his papa's room. The both of them rarely had moments together. Dumadating kasi si Blaze dito tuwing hating gabi at mostly ay umaalis around two or five in the morning. Ni minsan hindi ko pa nakita si Blaze na nilalambing ang anak namin.

Nang mai-lock ko ang pintuan, dire-diretso na kaming dalawa ng anak ko sa kusina. Magsisimula na kami ngayong maglinis ng aking bridal boutique. Hindi para sa opening kung hindi para sa closing ng business ko.

It was unfortunate to close it down but keeping the shop alive cost me more than what I earn. It's very hard to keep it alive lalo na kung inaagaw ni lola ang mga potential customers ko. That old witch won't leave me alone. Hindi ko alam kung bakit obsess na obsess siyang pabagsakin ako. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto niyang hilahin ako paibaba. Kaunti nalang at iisipin kong ako nga talaga ang favorite apo niya.

It was already eleven in the morning nang makarating kaming dalawa ni Gabe sa boutique. Isang empleyado nalang ang natira para tulungan akong tapusin ang mga natitirang. trabaho at para maglinis ng studio-ng binili ni Blaze para sa akin. Nagpatulong ako sa mga pinsan ko para mahanapan ng bagong trabaho iyong mga empleyado ko.

"Good morning, Gab. Good morning, inaanak. Dumaan na kanina si Ms. Powell para kunin iyong in-order niyang mga gowns. Nakahanap na rin ako ng mga pwedeng pagbigyan ng mga gowns
na hindi mabebenta ngayong week," ang bungad sa amin ni Criselle pagkapasok namin sa loob ng boutique.

"Thank you, Cel. Babawi ako sa'yo. Promise!" Itinaas ko pa ang kamay ko sa harap niya.

Criselle Amor Castor is my cousin from my mother's side. Isa siya sa nnak siya ng namayapang tita Anna. Kagaya nila Morgan, naging malapit na rin kami sa isa't-isa. The both of us share the same interest for gowns and fashion kaya madali kaming nagkakasundo. Tumutulong din siya sa akin sa pagpapalaki kay Gabe.

"Nako wala 'yon. Ang laki na nga ng naitulong mo sa akin at sa mga kapatid ko. Hayaan mo namang makabawi ako sa'yo kahit papaano."

"Thank you."

"Oh siya, mamaya na tayo mag-drama. May trabaho pa tayong tatapusin."

Pagkatapos naming mag-usap, tumulong ako sa paghahanda ng mga in-order na gowns na ide-deliver niya mamaya. Iyong mga papeles din na kakailanganin namin para sa pagsasara ay tinatapos na namin. It was hard doing all of these. I tried to act like this didn't bother me but it's so hard to deceive myself.

Pangarap ko 'to eh. Pangarap namin to ng mama at ang mawala ito ng ganito na lang? I still remember how I ask my cousins and my parents to lend me some money so I could start this business. I remember asking Blaze to help me financially because I have none. I remember all those sleepless nights I spent for all of this to happen. It is heartbreaking but my business is dying and I have to accept that fact.

Habang inaayos ko ang mga damit sa front window ng boutique, panaka-naka ko namang sinisilip ang anak kong gumagala sa loob. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapansing ginagaya niya ang mga ginagawa ko.

"Are you having fun, Gabe?" Ang tanong ko sa aking anak nang tumabi siya sa akin at sinimulang inspeksyunin ang tela ng wedding dress.

Kagaya ng lagi nitong ginagawa tumango siya bilang sagot.

Nakangiti naman akong napatingin sa labas ng bintana nang mapansin ang isang pares ng magkasintahan na nagmamasid sa mga naka-display-ng damit sa bintana. Naka-angkla ang kamay ng babaeng may suot na scarf sa ulo sa lalaking katabi niya habang nakahilig sa balikat nito.

I have seen them stop by in front of our store para pagmasdan ang mga naka-dislayng gowns at suits. The guy is quite attractive. May pagka- kayumanggi ang kulay ang balat nito na bagay na bagay sa kanyang manly features. And the woman beside him is undenianly gorgeous. Despite looking weak and pale, maganda pa rin ito.

Mas lalong lumaki ang ngite ko nang pumasok silang dalawa sa boutique. I stepped down from the stool to meet them.

"Good afternoon, welcome to Gabriella Angeline bridal house. I'm Gabrielle." I extended my hands towards them for a handshake.

"Hi, uhm, I'm Katelyn and this is Eliot, my fiancee. Nabasa kasi namin na nagse-sale daw kayo nagbabakasakali kami na may dress na makakapasok sa budget namin."

"Magkano po ba ang budget ninyo?"

"Uh..." May pag-aalala sa mukha ng babae nang tingalain niya ang kanyang nobyo. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagpisil nito sa balikat ng babae at ang matamis nitong ngite.

The guy is clearly in love with this woman. Gan'on din naman ang babae sa kanya. And for some reason, it made my heart melt.

"Ten...Ten thousand," ang sabi ng lalaki na may ngite sa kanyang mukha.

Nanlaki ang mata ng babae sa narinig. "Eliot, no! Ang laki n'on. Five thousand is enough. Please?"

She looked at me with pleading eyes. How could I say no to that? Ngumite ako sa kanya at nag-thumbs up.

"So what do you want your wedding dress to look like, Katelyn? Mga off-the-rack wedding dresses na lang lahat ng natira dito so let's try our best na mahanap ang dream dress mo, alright?"

Agad na lumiwanag ang namumutla niyang mukha pagkatapos marinig ang sinabi ko. "Okay."

Iniwan naming dalawa ang nobyo niya sa waiting area habang nagtungo kami sa petite section ng boutique. She told me she wanted a lace sheath or A-line wedding dress.

"Uhm, Gabrielle?"

Tumigil ako sa paggalaw sa mga damit at nilingon siya. Nakahawak siya ngayon sa isang wedding dress na nakalagay sa isang manequin at marahang hinaplos-haplos ang mga beads at designs doon.

"Yes?"

"Totoo bang magsasara na kayo?" Ang tanong niya sa akin sa malungkot na boses.

Mapakla akong ngumite at saka muling tiningnan ang wedding dress na hawak-hawak ko ngayon. "Parang gan'on na nga."

"Alam mo ba, tuwing matatapos ang check up ko, gustong-gusto kong dumaan sa store niyo. Gustong- gusto kong dumaan dito at saka pagmasdan ang damit na'to. Tapos magi-imagine ako na ako ang nakasuot sa wedding dress na'to katabi ni Eliot. Hiniling ko nga na sana wala munang bibili ng damit na 'to.

I have a stage 4 lung cancer at kaunting oras na lang ang natitira sa akin. But your dresses always give me hope. It makes me want to fight. I was eager to fight because I want to wear your dresses. At noong malaman kong magsasara na kayo, hindi ko na napigilan ang sarili ko. It's now or never."

Maingat kong ibinalik sa lalagyan niya ang hawak-hawak kong dress at saka nagtungo kay Katelyn. Tumayo ako sa tabi niya at saka pinagmasdan rin ang wedding dress.

"I always wonder why this damn dress is still here. Noong binuksan ko ang botique two years ago, ito ang una kong i-d-in-isplay sa harap. Siguro hinihintay lang niyang pumasok ang naka-destined niyang may-ari." Humarap ako sa kanya at ngumite. "Do you want to try this dress?"

"Pero ang budget ko..."

"Okay, una ka na sa fitting room. Tanggalin ko lang 'to." I pushed her lightly at mahinang natawa.

I create wedding dresses because I wanted to wear them myself. I create wedding dresses because I wanted to see these women smile the way my mom did when she tried on a wedding dress for the first time. I create these dresses because I want women to feel like they are the most beautiful human in the world. I want them to be confident. I want those grooms to say, 'Damn, ikakasal ako sa diyosang 'to?' or something like that.

Ang gown na pinili niya ay isang beaded applique wedding dress na may swag sleeves. Ang 3D-floral appliques at intricate beaded lace embellishments ang nagbibigay buhay sa damit na 'to.

"You look beautiful." Ang mangha kong saad habang pinagmamasdan si Katelyn na suot-suot ang damit ko. "Oh wow! Ang ganda-ganda mo."

That dress looks so perfect in her, like it was made for her to wear. "Your husband needs to see this."

Nakangiti niyang sinipat ang sarili sa salamin at saka muling humarap sa akin. "Because of my chemo, naubos lahat ng buhok ko. I always thought I'd look weird wearing this beautiful dress but seeing myself in the mirror... I feel beautiful again."

"You'll look more beautiful if you put these bad girls on." Itinaas ko ang bitbit kong bridal pearl headband na may naka-attach na wedding veil at ang stilettos na hinila ko sa shoe shelf.

Muli ko siyang tinulungang isuot ang mga 'yon bago ko siya inalalayan papunta sa kanyang naghihintay na groom. Pa-sekreto kong minanduhan si Criselle na ayusan din ang nobyo ni Katelyn.

"G-Gabrielle..." humigpit ang kapit niya sa akin pagkarating namin sa platform. Nakatayo kasi doon si Eliot na gwapong-gwapo sa kanyang suot na three peice suit.

Lumapit sa amin si Eliot at saka inalalayan si Katelyn pataas sa platform. Magkaharap silang dalawa habang hawak-hawak ang kamay ng isa't-isa.

"I-Ikakasal sa akin 'di ba? Ako... Ako ang papakasalan mo 'di ba?"

Malakas na natawa si Katelyn habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga pisnge. "Silly! Ikaw nga."

Tumabi sa akin si Criselle at ang anak ko. Sabay naming pinagmasdan ang dalawang tao na kahit papaano ay nagpagaan ng araw namin.

"Gabrielle, thank you for doing all of these. Hindi ako makapaniwalang nakatungtong ako ngayon dito habang suot-suot ang dream dress ko. But as much as I wanted to take this home... the price is just too much for us. I'm sorry."

"Don't be. Please take that dress and all the things you are wearing home. Pati iyang suot-suot na suit ni Eliot. That's my advance wedding gift for you. Thank you for making our day, guys. Gabriella Angeline bridal house has served its purpose."

Ma, are you happy? You did not become the bride you wished to be but you have granted a lot of bride's wish.

"Papa, pwetty!"

-----------------------------------------------------------


Hi guyszez! Thank you for reading po. Stay healthy, keep safe and God bless you always powxszx❤❤ labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!❤



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top