40

P.S Sorry po sa mga wrong grahams, spellings, kulang-kulang antok na po talaga ako hahahaha.

Gabrielle Ray Lexington

"Papa, is daddy's house big?" Mula sa butones ng damit ng aking anak, umangat ang paningin ko sa gwapong mukha ni Grayson.

Saglit kong pinagmasdan ang maliit niyang mukha. Now that I've seen Blaze once again, mas lalo kong nakitaan ng pagkakapareho ang mukha nila ng kambal. Gabby do have features he got from Blaze but the twins were like a carbon copy of their other father. Sometimes their eyes would look so cold and indifferent when they're looking at other people.

They are good leaders at school and are very smart as well. May pagka-strikto din sila at pagka-bossy. Actually, silang tatlo talaga ang ganyan. Gabe and the twins possess personalities and traits that Blaze has.

"Daddy's rich so he should have a big house," ang pagsabat ni Gabe na kakatapos lang magdamit sa sarili niya.

He yawned silently before slumping on his seat. He closed his eyes and curled into a human ball. Napailing na lang ako at napatawa sa trip ng panganay ko.

Today's the day kung kailan dapat ay isasama ko sila sa gala namin ni David but they kept on begging me na pupunta sila sa daddy nila ngayon. I can never resist their puppy eyes kaya bumigay kaagad ako. Kaya ayon, ang ending puro kwentuhan lang ang tatlo kagabi at nahirapang makatulog dahil sa excitement. As much as I hate sharing my kids' attention and time with Blaze, I know they want to share moments with their other father as well. At Sino ba naman ako para ipagkait iyon sa kanila 'di ba?

Blaze and I might never become a complete family but atleast we could agree to become good parents to our three kids. When it comes to our kids, I should let go of our issues and focus my attention with their needs and wants at kung paano namin sila palalakihin.

I can never take away his rights as my kids' other father. Bali-baliktarin ko man ang mundo, hindi ko maipagkakailang may contribution si Blaze kung bakit may mga gwapo akong mga anak. He will always be their daddy.

"Papa?" I snapped out of my thoughts and looked at my son. Ngumite ako sa
kanya habang inaayos ang magulo niyang buhok.

"Behave, okay? Don't cause your daddy so much headache," ang pagpapaalala ko sa kanya kahit alam ko namang hindi naman talaga nila kayang magpasakit ng ulo. Bigyan mo lang sila ng laruan at hindi ka na nila giguguluhin. They'll entertain themselves until you're free and ready to play with them.

Bumukas ang pintuan ng kwarto at naglakad papasok si Jayhane na nakasimangot.

"Nasa baba ang manliligaw mo, kuya," ang sabi niya bago bumaba ang paningin kay Gustavo na yumakap sa bewang niya. Hindi nagtagal ay binuhat na rin niya ang anak ko.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at pinagpagan ang likuran ng pantalon ko. "Manliligaw? When did I have one?"

He rolled his eyes at me and huffed. "Duh? Sino pa bang ibang lalaki bukod kay Blaze King ang dalawang araw ng nagpapadala ng bulaklak tuwing umaga at bumibisita gabi-gabi dala-dala ang mga paborito mong pagkain aber?"

Inirapan ko siya at mabilis na tinalikuran. Baka kasi mapansin niya ang namumula kong pisnge. I don't even know why I'm blushing after being reminded with Blaze's actions these past two days since his first visit ended.

"Let him chase you for awhile. Pahirapan mo rin siya kagaya ng pagpapahirap niya sa'yo noon."

Dinampot ko ang duffel bag na naglalaman ng mga gamit ng mga bata at saka muling hinirap ang kapatid ko. "Walang ligawang nangyayari, okay? Stop putting malice over those things. Tayo na nga. Tulungan mo 'kong ibaba ang mga bata."

"O-kay. Sabi mo eh." I couldn't stop myself from glaring at him when he gave me a taunting smile.

Walanghiya talaga ang lalaking 'to. Kaya siguro walang nagkamaling pumatol sa kanya hanggang ngayon dahil masyadong mapang-asar at sarkastiko.

When we went out of the house, Blaze's flashy black car was already waiting in front. He was leaning on it while he busy himself with his phone. Hindi naman nakalagpas sa paningin ko ang ayos niya ngayon at ang boquet ng bulaklak na hawak-hawak niya.

He's wearing a gray collared shirt that hugged his muscular arms really well, tucked in a fit jeans and finishing it with his classic loafers and Rolex watch I gifted him back when we were still living together.

"Daddy!" Ang tili ni Gabe at patakbong tinungo si Blaze. Grayson wiggled from Jayhanes arms and followed his brother. Si Gustavo lang yata ang kalmadong makita si Blaze.

Jayhane patted my shoulders as he walked pass by me. Naiwan kaming lima dito sa labas.

Blaze looked at me and nodded. He placed his phone back to his pocket and walked towards me habang karga-karga si Grayson.

"Morning," his deep voice almost made me melt on the spot "I passed by a flowershop on my here and I saw this on display. It kinda reminds me of you. I hope you like it," ang paliwanag niya habang inaabot sa akin ang boquet ng magkahalong geranium, peony, cosmos at protea.

"Erm.." tinitigan ko saglit ang bulaklak sunod ang mga anak naming nakasandal sa daddy nila habang nakatingala sa akin. "T-Thank you dito. Hindi ka na sana nag-abala pa."

"Making you smile never troubles me, babe," ang mahina niyang sagot habang titig na titig sa akin.

Napalunok ako nang hawiin niya ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha ko. I let him tuck the strands of hair at the back of my ears while I hold my breath.

The corner of his lips lifted upwards as he meet my gaze. "Mas lalo yatang gumanda ang umaga ko."

Iniwas ko ang paningin mula sa kanya at tumikhim. "S-Sige na. Umalis na kayo. I also have to go. Please take care of them."

He nod his head. "I will. Take care of yourself too."

"Daddy no kiss papa?" Ang kunot-noong tanong ni Grayson.

"Kiss! Like lolo and lola!" Ang segunda pa ni Gustavo. Magkasalubong ang kilay niya at seryoso akong tinitigan.

I looked at Gabe helplessly to ask for his help. But the little devil blinked at me innocently and said,"Mommies and daddies kiss when they say bye po. You should kiss daddy, papa."

Sabay kaming napatingin ni Blaze sa isa't-isa at sabay ring nag-iwas ng tingin "Ano kasi, baby..."

Ano bang sasabihin ko? Parang biglang na-blanko ang utak ko sa sinabi ng mga anak ko. How should I tell them that we're not together so we can't obviously kiss?

I hate to break their expectation but-

"Gabrielle," ang tawag ni Blaze sa akin.

Bago pa man ako tuluyang maka-react namalayan ko nalang na natawid na niya ang kaunting distansya sa pagitan namin. I could feel his hot breath fanning on my cheeks before completely closing the dangerously minimal distance. Tila bolta-boltahing kuryente ang kumalat sa buo kong katawan nang lumapat ang malambot niyang mga labi sa pisnge ko.

Akala ko ay tuluyan na siyang lalayo pagkatapos n'on ngunit gumapang ang braso niya sa aking likuran at hinapit ako papalapit sa kanya.

"Blaze!" Gulat akong napakapit sa balit niya.

"Last," ang bulong niya bago dinampian ng halik ang noo ko. That same electrifying sensation scattered all over me even after he pulled away.

"Very good, daddy! Good job! Good job!"

Nakatanga lang ako sa kinatatayuan ko habang hawak-hawak ang pisnge kong dinampian niya ng halik kanina. Lutang na pinagmasdan ko ang papaalis na sasakyan ni Blaze.

"Pst!" Napalingon ako sa likuran ko.

I saw Jayhane leaning against the gigantic door with Jon beside him. "What does it feels like to be kissed by that yummylicious fafa ha, Gabby? Should I expect another nephew na ba?" Ang mapanuksong tanong ni Jon sa akin.

"Sayang, bumili pa naman ako ng condom. Pero wag na lang. Sayo na lang 'yon, Jon," ang dagdg ng magaling kong kapatid. Nakangiseng demonyo na naman siya.

"Fuck off!" Isa-isa ko silang sinamaan ng tingin. I stomped my foot on the marbled floor before turning my back on them.

Bwiset talaga! Kasalanan 'to ni Blaze! He could have said something to the kids but he chose to kiss me anyways.

BADTRIP pa rin ako noong dumating ako sa mall na pagkikitaan namin ni David. It was one of the malls owned by our family na pinapatakbo ng mga kapatid ni Mhara na sila Melbourne at Michael. This one's for the upperclass kaya hindi masyadong matao.

I strutted my way inside with my head held high. I could feel some stares directed on me pero pinabayaan ko na lang. Sanay na ako. Kapag may gandang Lexington ka, masasanay ka na lang talaga.

Just kidding.

Nang marating ko ang cafè na napag-usapan naming paghintayan, I alreasy saw David through the glass window. He was busy typing something on his phone kaya hindi niya ako kaagad napansin.

I pulled out the chair in front of him and placed my bum on the seat. Hanggang ngayon ay nakayuko pa rin siya at abala sa kanyang cellphone. His brows were furrowed and his knuckles are turning white as he held his phone tightly. By the look on his face I could tell he's close to throwing that phone on the floor.

Nagtaka naman ako. David rarely gets angry with something. He was always like a bright sunshine that makes your day lighter and better. The first and last time I saw him get angry was when someone tried to harrass Jayhane when we visited a street market year ago.

"Inaya mo kong gumala then you're going to treat me like this? Really, David?"

Umangat ang tingin niya sa akin at saglit na tinitigan ang mukha ko na para bang pino-proseso kung sino ako.

"Gabrielle?" Ang tila natauhan niyang tanong sa akin.

I huffed and rolled my eyes at him. Humalukipkip ako at sumandal sa aking upuan. "Surprise! Gabrielle Ray Lexington nga pala."

He sighed and scratched the back of his neck. "I'm sorry, I just got too occupied with something."

"Occupied with something? And what else could make you occupied bukod sa mga alaga mong ahas?"

He looked reluctant at first but he eventually gave in. "W-What if you got someone pregnant after a one night stand, a-anong gagawin mo?"

I was shocked when I heard his question ngunit hindi ko na lang pinahalata. Alam ko namang sarili niya ang tinutukoy. Sino kaya ang nadali ng lalaking 'to?

"Edi paninindigan ko. Common sense naman siguro 'yan?"

"'Yon na nga eh!" Ang frustrated niyang sabi. "I should be part of that pregnancy dahil kaming dalawa ang gumawa. I don't understand why they're so desperate to cut me off!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Baka naman may ginawa kang masama kaya ayaw ka niyang maging parte ng buhay niya o ng anak niyo?"

Saglit siyang natigilan sa sinabi ko. His expression became more gruesome and ugly. "May ginawa ka no?"

"I told them to forget that night, that it was a mistake. I told them to fuck off and stop pestering me. Pero hindi ko naman sinasadya 'yon. They were telling me something na ikinagalit ko kaya nasabi ko ang mga 'yon," I could hear the regret and guilt on his voice.

David's a good man. Kaya hindi ako naniniwalang nasabi niya ang mga salitang 'yon dahil iyon talaga ang nasa puso niya.

"I know. Suyuan mo lang and show them that you did not mean those words and you regret saying those bullshits. Be consistent and patient, lalo na pag buntis. They have the worst moodswings," ang paliwanag ko sa kanya. I'm not the one who does the fucking but I could give him some peice of my mind when it comes to getting pregnant by some guy and what I wanted for that guy to do for me.

"Thanks. I was just l-"

Hindi ko na maayos na narinig ang sinabi ni David sa akin dahil nabaling ang atensyon ko sa mga bagong dating na customer. One adult and three kids. The four of them were wearing the same blue shirt, black caps, face mask and eye glasses.

I mentally rolled my eyes at them while I supressed my laughter with a smile. Humarap lang naman kasi ang isa sa kanila sa akin at kumaway. Mabilis namang hinila pababa ng pinakamatangkad sa tatlong bata ang kamay ng batang lalaki.

When the older kid looked at my way agad akong umaktong hindi sila napansin.

-----------------------------------------------------------

Sorry po sa matagal na hindi pag-update. I got really, reallty, really busy these past few days and I will be very busy as well and the next days to come dahil natanggap po ako sa isang part time job. Pero don't worry, I will find ways po na makapagsulat pa rin dito hehe. Stay healthy, keep sade abd God bless you po. Thank you po! Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!❤

P.S. Sa mga taga Davao kong readers I pray to God na hopefully all of you guys will remain safe and healthy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top