36

Third Person POV

Napatanga si Catherine sa nakakatandang pinsan niyang nakaupo ngayon dito sa sofa ng kanyang condo.

"Come again?"

Naupo siya sa kaharap nitong upuan habang hinihintay ang magiging sagot ng pinsan niya sa kanya. It was so unusual for Blaze King to visit other people's home or talk to one of their cousins. If they can't find him on his headquarter, they'd probably find him in business meetings or in his house. He rarely bonds with them during family dinners or reunions. Kakain lang ito ng kaunti, makikipag-usap tungkol sa negosyo sa kanilang mga pinsan at uuwi na.

Not until recently. After he sent his own father and fiancee to jail, he began to open up to them. He'd see him laugh with her guy cousins. She can tell he's slowly changing.

"Help me court someone," ang pag-uulit nito. Bahagya pang napaatras ang ulo niya nang salubungin nito ang kanyang mga mata.

He looked deadly serious and determined. He looked tensed as well. He may look all that dominant and dignified but she can see through him.

She began to relax on her sit. He wanted her help? It was her first time to help a relative catch someone's attention. Masyado siyang nasanay na ang mga pinsan at kapatid niya ang hinahabol-habol. The Kings never chase. They loved to be chased by women and men. Ngunit iba si Blaze. She can see it. She can feel him.

She crossed her legs and smiled at him. "Why?"

Napakunot ang noo nito sa tanong niya. "What do you mean why?"

"Why do you want to court her? You're a King. Hindi ka ba kasali sa mga pinsan nating ang motto sa buhay ay: A king never chase?"

The side of his lips lifted a bit after hearing her ridiculous statement. "Well, first of all that's stupid. I'm going to court a guy not a girl. I'm not going to chase him, I'm going to court him, Cath."

Siya naman ngayon ang napataas ng kilay sa sinabi ng kanyang pinsan. She's not really surprised with his gender preference. Mas nasurpresa siya sa huling sinabi nito.

"What's the difference? You chase when you court," she countered.

Blaze shook his head in disapproval. "Chasing is a never-ending hunting game, Cath. You chase someone simply because they got something you like and you wanted that. You wanted that something to be yours. You wanted to possess that. At kapag nakuha mo na ang gusto mo, that excitement fades. It never lasts. You'll be back to feeling empty again. But I'm done with that shit. I want to court him. I want to build a relationship with him that can last for a lifetime. I don't want to possess him anymore, I just want him to feel secure when he's with me. I want him to accept me. I want to learn more about him para alam ko kung ano ang mga dapat kong baguhin at ayusin sa sarili ko. "

Hindi mapigilan ni Catherine ang pag-usbong ng malawak na ngite sa kanyang mukha. She's starting to see Blaze in a new light. Hindi niya inaakalang kay Blaze pa talaga niya maririnig ang mga bagay na 'yon. She's impressed.

Kahit hindi ito malapit sa kanila, hindi naman ito nagpapahuli pagdating sa pambabae. Now, she's becoming more and more curious kung sino at anong klaseng tao ang napupusuan nitong pinsan niya. He's lovestruck.

"Tell me more about that guy, kuya. Hindi kita matutulungan kung hindi ko alam kung anong klaseng tao ang liligawan mo."

He shifted on his seat. "Well," napakamot pa ito sa batok nito. "He's extremely beautiful. He's kind and loves helping people. He's a good cook and very talented. He's patient but can get sassy sometimes. I love hearing him hum everytime he comes out of the shower. He's a brave and strong man. He fought and beat cancer almost four years ago while he was pregnant with our twins. He is the perfect parent my kids could ever have."

Agad natigilan si Catherine sa sinabi ng pinsan niya. Namimilog ang kanyang mga matang napatitig sa lalaki. "He was pregnant with your kids?! So may mga anak na kayo?! Hindi lang isa, dalawa pa?" Ang manghang tanong niya.

Tumango ito. "Actually, tatlo na ang anak namin. We had a kid 11 years ago."

Napatakip siya sa kanyang bibig dahil sa rebelasyon ng pinsan niya. "A-Alam ba 'to nila lolo?"

Tumango ito. "They do."

"So you were already together before? Bakit may ligawan ulit na mangyayari?"

He sighed loudly. "We had a complicated past. Hindi masyadong maganda ang naging nakaraan naming dalawa. Gusto kong bumawi. Marami nang oras na nawala sa amin."

She smiled knowingly at him. Inabot niya ang kanyang kamay dito. "It's a deal. I look forward to working with you, kuya."

Blaze King smirked at her and reached for her hands. "Same."

Nang maghiwalay ang mga kamay nila siya naman ang napangise. "That guy you're inlove with is a carrier. Dalawang pamilya lang naman dito sa Pilipinas ang kilala sa pagkakaroon ng mga carrier. It's either he's a Carvajal or... a Lexington. "

Gabrielle Ray Lexington. Ang bulong ni Catherine sa isipan. The quiet Lexington with an angel-like beauty. Narinig niya mula kay Lorraine na nagpunta daw ang pinsan niya sa ibang bansa para magpagamot. Now she knows.

               HINDI MAGAWANG MAPAKALI ni Blaze habang nakatayo sa harapan ng pintuan ni Gabrielle. His grandfather texted him awhile ago na ihatid sa bahay ni Gabrielle ang naiwan nitong gamot sa bahay niya. 

He missed him so bad.

Noong masilayan niya ito sa pintuan kanina mula sa sasakyan niya, labis ang pagpipigil niya sa sariling huwag itong lapitan at yakapin. Walong buwan na niya itong hindi nakikita dahil sa trabaho and now that he's able to see his face again parang may kung bumalot sa puso niya.

His phone vibrated on his pocket again. Hinugot niya ito mula sa bulsa ng kanyanf pantalon at binasa ang text mula sa lolo niya.

Daddy, lolo asked me to tell you to bring his meds fast. He's about to die na po. Don't take too long daw po, daddy, kasi isasama ka raw po niya sa hukay.

Hindi niya namalayang nakangite na pala siya habang binabasa ang text ng anak.

Another message arrived from the same sender. He tapped it open at mas lalong napangite. His son sent another message with his twins' image attached on it.

Daddy, what's hukay?

Ring the doorbell lang po if you're here already.

Mahina siyang natawa at umiling bago ibinalik sa kanyang bulsa ang cellphone.

He puffed some air and fixed his hair unconsciously. Pinagpagan niya rin muna ang suot-suot na damit at pantalon bago pinindot ang doorbell.

His hands were shaking habang hinihintay niyang pagbuksan siya ng kung sino man sa loob. He held his breath when he saw the knob move. He was wishing it was Gabrielle Ray. Kahit sandali lang gusto niyang masilayan ito ng malapitan.

Parang umaayon rin sa kanya ang panahon dahil, ibinigay kaagad sa kanya ang hiniling niya.

Gabrielle's beautiful face appeared before him. Nakita niyang natigilan ito nang masilayan siya. Ganoon rin naman siya. Parang biglang huminto ang oras para sa kanila. Everything around him seemed to pause and fade. Tila iniwan silang dalawa ng mundo para mapag-isa.

Time made him even more beautiful. He was breathtaking.

"Gab—" He was about to reach for him when Gabrielle slammed the door on his face.

Mapait siyang napangite at napabuntong hininga.

Gabrielle Ray Lexington

"Sino iyon, ijo? Mukha kang nakakita ng multo," ang komento ni lola nang makabalik ako sa kusina.

Multo? He's more than just a ghost. He's a demon I can never forget no matter how much I tried to.

Tinitigan ko siya. Sila ba ang nagpapunta kay Blaze dito? Did he followed them? Alam na ba ni Blaze ang tungkol sa mga bata? What did he came here for? To see the kids? To take them away from me? Get back at me?

"Okay ka lang ba talaga, ijo?"

Tumango ako at mariing pumikit. Pilit akong ngumite kay lola nang makita ang pag-aalala sa mukha. "Okay lang po. Maupo na po kayo. Tatawagin ko lang po sila lolo."

"O, siya, sige. Ako nama'y iihi muna saglit."

Una kong pinuntahan ang kwartong inuukupa ni Jayhane. Naabutan ko siyang natutulog sa loob ng kwarto kaya hindi ko na ginising. Nakakain na naman siya kanina.

Sunod ko namang pinuntahan ang playroom kung saan nandoon sila lolo at ang mga bata. When I walked inside the room, Grayson was already shouting and running around while Gustavo and Gabe were busy keeping the chess board on the floor. Tumatawa lang naman si lolo.

"Papa!" Ang sigaw ni Grayson nang tumigil siya harapan ko. He hugged my thighs and looked up to me.

"Hi, babe. You look so happy. What happened?" I brushed my hands on his damp hair.

"Gustavo won, papa. Grampy will buy three goldfish po."

"Really?!" Ang pagulat ko kunong tanong sa kanila. "Ang galing naman ng mga baby ko. At dahil diyan may ice cream kayo mamaya. Let's go. Kumain na tayo ng dinner."

Habang naghahapunan kami, si Grayson ang panay kausap kina lolo at lola. Si Gustavo at Gabe naman ay tahimik lang na kumakain. Nagsasalita lang sila kapag tinatanong namin.

Umalis lang sila lolo at lola matapos naming mapatulog ang tatlo. Medyo gabi na rin kaya hindi na kami nabigyan ng oras para makapag-usap ng mahaba.

"Maraming salamat sa araw na 'to, ijo. Masaya akong makasama ang mga bata. Nakikita ko kung gaano kahusay mo silang napalaki sa kabila ng mga dumaan sa buhay mo," ang madamdaming pasasalamat ni lola nang humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Maraming salamat din po sa pagbisita ninyo sa amin ngayong araw."

Lola Madeline and I hugged each other again bago siya inalalayan ng kanyang bodyguard papasok ng sasakyan.

I looked at lolo na nakasunod din pala ang tingin kay lola Madeline hanggang sa tuluyan nng mawala na ang sasakyan nito.

"Gabrielle, ijo, Blaze is here." Sinundan ko ng tingin ang mga mata ni lolo. Nakita ko ang isang itim na sasakyang nakaparada sa kabilang bahagi ng daan.

"You had a complicated past ngunit sana huwag mong ipagkait sa kanya ang pagiging magulang sa mga anak ninyo, ijo."

Umiling ako at mapaklang tumawa. "He's not interested with our kids. Ayaw nga po niyang angkinin si Gabe dati."

He pat my shoulders. "I know you're doubting but I'm hoping you'd give him a chance. Five years have passed. Marami ang pwedeng magbago, ijo."

Mahina akong napailing. "I don't know, lo."

"I'll see you next week, ijo. Nandito na ang sundo ko. Nasa iyo pa rin ang desisyon kung hahayaan mo siyang makilala ang mga anak niya. Ano mang desisyon mo, rerespetuhin ko."

Hanggang sa makaalis si lolo, nanatili lang akong nakatitig sa sasakyang nakaparada sa harap ng bahay ng kapitbahay namin.

Posible nga ba talagang magbago si Blaze? Kikilalanin na ba talaga niya ang mga bata?

Napahilamos na lamang ako ng mukha bago tumalikod. I should not stress myself over this. Mas mabuti pang matulog muna ako bago mag-isip.

Ngunit bago pa man ako tuluyang makapasok ng bahay, may magaspang na kamay ang humagip sa mga braso ko.Hindi pa man ako nakakaangal nang hatakin niya ako papalapit sa kanya at ikinulong ang katawan ko sa kanyang matipunong mga braso.

"Blaze, ano ba! Bitawan mo ako!" I tried to push him away ngunit mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin.

"Saglit lang. Saglit lang, Gabrielle." He whispered with a shaky voice. Para akong naparalisa sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang pagpatak ng tubig sa balikat ko. "I miss you. I miss you guys so fucking bad, baby."

Pinigilan ko ang sarili na huwag maiyak sa sinabi niya pero hindi ko kaya. Bakit ganito? Bakit apektadong-apektado pa rin ako sa kanya? Bakit ang hirap-hirap niyang palitan at kalimutan?

Bakit sa kabila ng lahat ng nangyari, mahal na mahal ko pa rin siya?

"Please let me go, Blaze. Bitaw na."

-----------------------------------------------------------

Orayt! HAHAHAHAHA Maraming salanat po sa pagbabasa! Maraming salamat din po doon sa nag-load ng 30 pesos sa akin hehe. Stay healthy, keep safe and God bless you ol powzsz. Labyu ol! Mwua Mwuah! Ciao!

VIVA PIT SEÑOR! MGA KAPWA KO CEBUANO DIYAN!😍

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top