24

Gabrielle Ray Lexington

"Hello, sino 'to?" Ang tanong ko sa unknown number na tumawag sa akin.

We were just eating our breakfast awhile ago when my phone rang. Mas lalo pa akong nagtaka ng makitang unknown number iyon. As much as I wanted to put it down, ayaw ko namang magpadalos-dalos at baka potential customer iyon.

May instances kasi na nire-refer ng mga naging kaibigan kong customer ang bridal house sa kakilala nila and sometimes iyong personal number ko ang naibibigay nila.

"It's Blaze," ang sagot nito sa kabilang linya. Para namang may kung anong bumara sa lalamunan ko ng marinig ko ang boses niya.

"Y-Yeah... bakit...bakit ka nga pala napatawag?" I stuttered a bit dahil sa pagkabigla. I thought he won't call me until matapos ang kasal nila ni Victoria.

"You can go back to work tomorrow. But you're not allowed to fetch your son anymore. Si Carlos na lang ang pwedeng magsundo at maghatid sa kanya. Change your cars everyday when you go to work. Get the garage key on my office. You know where I put my car keys."

"Ah, okay?" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. I want to ask questions but my mind went blank as I listen to his instructions.

"Papa, is that mister? I want to talk to him." Napatingin ako kay Gabe sa aking tabi na ngayon ay nakatingala sa akin. May kanin at sauce pa sa gilid ng kanyang labi. Napatawa na lang ako.

"Mister is busy, baby. Hindi siya pwedeng tumawag ng matagal. Sa susunod na lang ha?"

Nagkasalubong ang mga kilay niya at saka ngumuso sa akin. "I won't take long, papa."

"Gabe..." I helplessly sighed.

"Just give it to him," ang narinig kong sabi ni Blaze sa kabilang linya.

Napailing na lang ako at saka inabot koy Gabe ang cellphone. Sinigurado ko munang naka-loud speaker iyon.

"Uh, um, Mister, when are you coming back here in your house?" Ang agad niyang tanong kay Blaze sa kabilang linya.

"Next week. Why?"

"Teacher told me I'll receive a gold medal po."

"I know you'll get that."

"Yeah, I know too." Tumango-tango pa siya habang nakapikit.

Napanganga na lang ako sa pinagsasabi at pinaggagawa ng anak ko.

"What kind of reward do you want? Hindi ko pa nabibigay sa'yo ang regalo ko. I'll give it to you when I come home."

"Okay. Um, I just want to tell you that I want a baby sister and a baby brother, mister. Please make it with papa when you come home."

Napasinghap ako sa sinabi ni Gabe Blaise. Mahina kong kinurot ang tagiliran niya pero hinampas niya lang iyong kamay ko.

Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Blaze. "They are not toys, kid. How many times do I have to tell you that?"

"But I want it..." Ang malungkot niyang saad.

Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ni Gabe ang magkaroon ng kapatid. Naiinggit ba siya sa mga kaklase niyang may mga kapatid?

"Why? If you can give me a good explanation I might consider it."

"Because it's lonely here. I have lots and lots of toys but I don't have someone to play it with. I want to play hide and seek but I'm the only one here. Papa is... papa is busy with work sometimes and nanay is old. I only see you at night. Maxi is friends with his neighbors but we don't have neighbors, mister."

Parang may kung anong sumaksak sa puso ko habang pinapakinggan ang anak ko. He's always quite and rarely shows his emotions kaya hindi ko kaagad nasasabi kung nalulungkot ba siya o ano. Gabe Blaise is unpredictable. But I am glad that he's able to speak what's on his mind now.

"So you just want a playmate?"

"No," umiling pa siya kahit hindi naman siya makikita ni Blaze. "I want a baby brother and a baby sister."

"Hm... we'll see. I have to go now. My meeting's about to start."

"Okay. Bye-bye."

Pagkatapos n'on ay agad ng naputol ang tawag sa pagitan namin. Hindi ko alam kung ano una kong dapat na maging reaksyon. Matawa ba dahil sa kabaliwan nitong anak ko? Ma-proud dahil sa matatas nitong pananalita? Matuwa dahil sa magandang relasyon ni Gabe kay Blaze? Malungkot dahil hindi ko maibibigay ang hinihiling ni Gabe?

I cannot have more children with Blaze after Gabe lalo na ngayong mas lalong nagiging malabo ang ugnayan namin ni Blaze. I promised I'd end everything with him kung itutuloy na niya ang kasal. I have to pay every penny that I owe to him before his wedding day.

The fight is not yet over, I still have a little chance pero kung hindi... kung hindi then I accept it. Hudyat na 'yon para ang sarili ko naman ang punan ko ng pagmamahal. A sign that I should love myself more before others.

The next day ay maaga akong nagising para ipaghanda si Gabe ng baon niya at para tulungan siyang mag-prepare para sa school. Hanggang sa sasakyan ko lang siya inihatid dahil bawal na akong sumama kay Carlos.

Pagkatapos kong maligo, napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang sariling repleksyon sa salamin. Pinagmasdan ko ang sariling mukha sa salamin at napabuntong hininga. Hindi naman ako ganoon kapangit. Maayos rin naman ang aking katawan.

Itinaas ko ang aking kamay at sinimulang kapa-kapain ang dibdib ko. It was tender like it had been since a couple of weeks now. I pinched my nipples at agad na napakagat ng labi ng may lumabas mula doon. Muli kong kinapa ang may parteng kili-kili ko at napalunok ng may makapa akong bukol doon.

"It can't be... w-wala lang 'to. I... I can't have this."

I let out a shaky breath at pilit na pinakalma ang sarili. Unti-unti na akong nilulukob ng takot. Mabilis akong lumabas ng kwarto at nanginginig na nagpalit ng damit.

Pinunasan ko ang aking pisnge ng maramdaman ko ang pamamasa n'on. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

I'm scared.

Kinuha ko ang cellphone ko at akmang tatawagan na sana si Doc Carlene nang mag-flash na naman ang isang unknown number. Huminga ako ng malalim bago ito sinagot.

"Sino 'to?"

"What's wrong with you?" Ang diretsahang tanong ng pamilyar na boses sa akin.

"H-Ha?"

"You cried," he answered with with absolute certainty.

Pinunasan ko ang mga mata kong namamasa pa at tumikhim. "I did not. What do you need?"

"Why are you crying?"

I groaned. "Blaze, I'm not crying! Ano ba kasing kailangan mo?"

"Yes, you are." Ang pagkontra pa niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang maisip si Gabe. Kagayang-kagaya niya ito ng personalidad.

"Gosh! I said I'm not. Can't you just tell me what you need at ng makapunta na ako ng trabaho?"

"Nothing. I just don't like their food here."

"And? Tumawag ka sa akin para lang diyan?"

"Yes. I'm starving."

"Edi kumain ka. Problema ko ba 'yon, Blaze?"

"I don't like their food. It's disgusting. "

Napairap ako sa hangin at saka sumandal sa sandalan dito sa sofa ng kwarto.

"I need to eat your food."

Tumikhim ako para pigilan ang sariling mapangite sa sinabi niya. I could feel my cheeks burning. I pulled some strands of my hair and played with it.

"You should get used to not eating my food. Hindi naman ako habang buhay at araw-araw na nasa tabi mo para makapagluto."

Tiningnan ko ang screen ng cellphone para tingnan kung namatay ba 'yong tawag pero hindi naman.

"Cook something for me. I'll send someone to get it."

"Ano bang gusto mong kainin?"

"That sour soup you cooked last time with shrimps. I want that. And my coffee."

Napangite ako ng marinig ang tila excited niyang boses habang nagsasalita. "And?"

"And that tofu and pork."

"Okay."

The fear and worry that I felt awhile ago vanished and was replaced with excitement and joy. It's such a wonder how he could lift up my mood so easily everytime I feel so down. Kung gaano din naman kabilis niya akong napapasaya ganoon din naman niya ako kabilis nasasaktan.

Tinanggal ko muna iyong suot kong heels at nagpalit ng tsinelas. Dumiretso ako sa kusina para ipagluto si Blaze. Mabuti na lang at nag-grocery kahapon si manang kaya kumpleto na iyong mga ingredients ko.

"Oh, ijo? Bakit nandito ka pa? Nagugutom ka ba? Ako na ang maghahanda sa iyo."

"'Wag na po. Nagpapaluto kasi si Blaze ng pagkain."

Narinig kong tumawa si manang, "Ah, naglalambing. Ganyan rin iyong asawa ko dati. Nagpapaluto tuwing naglalambing. Kapag naman nag-aaway kami bjmibili ng mga sangkap sa paborito kong ulam at nagpapaluto."

Tumawa na rin ako, "Naku, nag-iinarte lang po 'yon."

Pagkatapos kong ilagay sa mga lalagyan iyong mga pagkain at inumin ni Blaze, isinilid ko iyon sa palagi niyang dala-dalang itim na lunch bag.
Hindi rin nagtagal ay dumatin na iyong ipinadala niyang kukuha ng pagkain. Isa daw siya sa janitor ng main office ni Blaze.

"Ano 'to?" Ang kunot noo kong tanong habang inaabot ang isang boquet na naglalaman ng mga sunflowers, daisies, at roses. May ibinigay rin siyang paper bag na may lamang mga paborito kong chocolates at cupcakes.

"Eh, sir, napag-utusan lang din po ako."

"Gan'on ba? Sige, thank you po."

Pagkatapos nitong mawala sa aking harapan, kagat-labi kong inamoy ang mga bulaklak saka nakangiteng napailing.

Iniwan ko na muna sa kwarto ang bulaklak habang dinala ko naman papuntang trabaho iyong mga chocolates at cupcakes.

Habang nasa sasakyan, tinawagan ko si Doc Carlene para sabihin iyong na-obserbahan ko kanina. Unlike kanina, I'm more calm and composed. Hindi na ako masyadong nagpa-panic.

Ikwinento ko kay tita iyong nangyari kanina at kahit may pangamba pa rin sa puso ko, hindi na ito kagaya kanina.

"I see, nandito pa ako ngayon sa Hong Kong, ijo. I'll go next week. Is that fine with you?"

"S-Sige po. Thank you, tita."

"It's nothing. Just stay calm, ijo, everything will be alright."

Naputol lang ang usapan namin noong nakarating na ako sa harap ng bridal house. I miss this place. Ilang araw rin akong nangangating pumasok dito at magtrabaho.

I was greeted by the busy noise of the place when I get in. Si Mikhaul ang naunang lumapit sa akin. As usual may tape measure na naman na nakasabit sa kanyang leeg. Namamaypay pa ito habang naglalakad papalapit sa amin.

"Gabby, I miss you, bakla!" Ang tili niya saka maarteng nakipag beso-beso sa akin.

"I miss you too, Mikhaul. Sila Meddy at Criselle pala?" Ang tanong ko habang nilinga-lingon ang buong paligid.

"May client na ini-entertain si Criselle. Si Meddy busy sa studio niya."

Sinabayan niya ako paglalakad patungo sa office ko habang nagre-report tungkol sa mga naganap dito sa bridal house. May mga important clients akong kailangan ma-meet last week but due to circumstances ay ito at na-push ngayong week ang mga clients na 'yon. Full na naman ang sched ko. Naghilaway lang kami ni Mikhaul nang dumiretso siya sa part ng bridal house kung saan nakalagay ang mga suits at pants para sa groom.

Walang masyadong nakakaalam na ako ang may ari ng bridal house. Si Criselle ang kilalang may-ari ng bridal house dahil siya ang madalas na dumadalo ng mga events. Hindi rin Lexington ang dinadala kong apelyido kapag nagpapakilala sa mga employees, clients and some strangers. Ang apelyido ni mama ang dala-dala ko.

"Sino nga pala una kong client ngayon, Jane? Ang tanong ko sa aking sekretarya ng madaan ako sa table niya."

"Good morning, sir, you have an appointment with Ms. Oiniza at 12
pm po."

"Thanks." Itinapat ko muna ang palad ko sa harap ng scanner na naka-attach sa pintuan ng office ko bago ako nakapasok.

I checked some files for awhile and then kumain ng lunch noong nakatanggap ako ng delivery mula sa isang kilalang resto. Hindi naman nila sinabi sa akin kung kanino nanggaling.

Pagkatapos n'on ay naghanda na ako para sa first appointment ko. When I went to the second floor wala naman akong babaeng nadatnan doon bukod sa isang matangkad na lalaking nakatalikod sa direksyon ko at abala sa pagsipat ng mga damit na naka-display dito sa lugar.

"Good afternoon, sir." Ang magalang kong pagbati sa kanya.

Tumigil siya sa pagsipat ng damit at gan'on na lang ang gulat ko ng makita ko ang pamilyar niyang mukha. He looked shocked too.

"Gabrielle Ray?"

"David? David Pharell, right?"

-----------------------------------------------------------


Jingle bells, jingle bells
Jingle all the way
Oh, what fun it is to ride
In a one horse open sleigh

Hey, jingle bells, jingle bells
Jingle all the way
Oh, what fun it is to ride
In a one horse open sleigh

Jingle bells, jingle bells
Jingle all the way
Oh, what fun it is to ride
In a one horse open sleigh

Hey, jingle bells, jingle bells
Jingle all the way
Oh, what fun it is to ride
In a one horse open sleigh!!!!!!

GCASH:094677042-Charot! HAHAHAHAHA ADVANCE MERRY KURESMAS EVERYONE!!!!!! LOVE YOU ALL! THANK YOU SO MUCH SA MGA READS AND VOTES AND MGA LOAD PO NA IBINIGAY NINYO SA AKIN. KAYO ANG BEST GIFT KO NGAYONG CHRISTMAS HEHE. CHOUR. WISHING YOU GUYS ALL THE BEST.

STAY HEALTHY, KEEP SAFE AND GOD BLESS YOU ALWAYS HEHE. LABYU OL! MWUAH MWUAH! CIAO!❤❤❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top