17
Gabrielle Ray Lexington
"Kuya, what do you want for dinner?" Napalingon ako sa may pintuan nang marinig ko ang boses ni Jayhane.
Ibinaba ko muna ang hawak-hawak kong lapis at tumayo.
"Ako na ang magluluto. You already cooked for us kaninang breakfast at lunch. Nakakahiya na sa iyo. Anong gusto mong dinner natin ngayon?" Ang tanong ko pabalik sa kanya at nag-inat. Kaninang umaga pa kasi ako nakaupo dito sa kwarto habang gumagawa ng mga sketches at nagbabasa ng mga e-mails.
"Akala ko hindi ka na tatayo diyan sa upuan mo. You've been working all day. You okay?"
Mahina akong natawa saka tinapik ang kanyang balikat. One month of living with him without the presence of my grandmother made me learn more things about him. He's unexpectedly an annoying nagger if he wanted to, a very good cook and a major clean freak.
"I'm fine. May hinahabol lang akong deadline." Sinabayad niya akong maglakad nang maisara ko na ang pintuan ng kwarto.
"Deadline? Bro, you're the boss. Why do you need a freakin deadline?"
I rolled my eyes at him. "I have my clients, Jayhane. I'm craving for some pork and vegies. Ikaw?"
"Anything but vegies, kuya. You know I hate those things. Sana hindi na lang kita tinanong."
Napailing na lang ako. Sa isang buwan rin namang pagsasama sa iisang bahay, I learned about his unhealthy diet. Napag-alaman ko kay tita na puro mga fast foods, junk foods at meat lang ang kinakain niya lately.
Pero ever since na nagkasama kami, unti-unti ko na siyang napilit kumain ng mga gulay. Kahit pinipili niya, at least kumakain pa rin.
"Samahan mo muna si Gabby sa sala, ako na ang bahala sa kusina."
Isang simpleng sinabawang gulay at ginger pork and cabbage stir fry lang ang niluto ko. Kaming tatlo lang naman ang magsasalo, hindi rin kalakihan ang mga kain namin.
"Gabe, Jayhane, hapunan na!" Ang pagtawag ko sa dalawa na tutok na tutok pareho sa pinapanood na anime.
Oo, anime. Jayhane introduced those japanese style cartoon to Gabe na kaagad din namang nagustuhan ng anak ko. Pakiramdam ko nga mas close na silang dalawa kesa sa akin. My son loves hanging out with his tato. Doon na nga rin siya natutulog sa kwarto ni Jayhane minsan.
"Gabe, can you pleas lead the prayer, baby?" Ang pakiusap ko sa aking anak nang maka-upo ito sa harapan ng hapag.
Tumingin ito sa akin at tumango. We waited for Jayhane to settle down before he began praying. Hindi namin mapigilan dalawa ni Jayhane ang mapangiti sa buong durasyon ng pagdadasal niya. Ang cute kasi. Haha!
"Kuya, kailan kayo mananatili dito ni Gabe?" Ang biglang tanong ng kapatid ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.
I looked at his direction with a confused face. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"I know you're not living here."
Nagitla ako sa sinabi niya. I was at a loss for words and was silenced for a few minutes. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin sa kanya. How did he knew? When? Where? Should I tell him the truth?
"I don't want to pry with your personal business but I hate seeing you like this." He placed his fork and spoon down and looked at me with worried eyes.
I shifted on my chair uncomfortably and cleared my throat. "Pwede bang mamaya na natin 'to pag-usapan? Let us eat our food in peace."
"Okay."
Simula noong encounter namin ni Blaze sa simbahan, hindi na kami umuwi ni Gabe sa bahay niya. I changed my number para hindi na siya makatawag sa akin o maka-text. Inaya ko si Jayhane na tumira muna dito sa bahay na binili ni tita sa akin para hindi ako mapuntahan diti nu Blaze. Alam ko kasing ayaw niyang may makakaalam sa kung anong nangyayari sa pagitan naming dalawa. Lalong-lalo na ngayon. Lalong-lalo na sa pamilya ko.
Pagkatapos naming maghapunan, hinintay muna naming makatulog si Gabe bago kami nagpunta sa maliit na back porch ng bahay.
Dahil nasa elevated part ng village itong bahay ko, ramdam na ramdam ko ang ginaw na dala ng hangin ngayong gabi.
No one dared to break the silence between us. Tahimik lang naming tinanaw ang mga sumasayaw na ilaw na nanggagaling sa mga matatayog na gusali at mga kabahayan sa ibaba.
"So you're living with Gabe's father," ang panimula ni Jayhane.
I reached for the glass of wine on the table and held it by the base. I flick my wrist to set the wine in motion. I watched the liquid silently as it swirl inside the glass.
"Are you... Are you in a relationship with him, kuya?"
Huminga ako ng malalim at tumingala. "No, we are not, as far as I know. Our affiliation with each other is kinda complicated. This whole set up began when he offered me something I cannot refuse."
"Did he blackmail you?"
Tumingin ako sa direksyon niya. "Did he? Siguro nga gan'on ang nangyari. I had no way out. Walang-wala ako that time and he knows my weaknesses. I had no other option but to agree with his offer. I'd rather be his sex slave than be separated with my son, Jay. Ayokong mawalay sa akin ang anak ko pero kung ipaglalaban ko naman siya wala akong laban kay Blaze.
Blaze was already a powerful man back then. Ano namang laban kong bastardo lang ng pamilya natin? I had nothing. Kakarampot na lang ang savings ko at alam kong malaking pera ang kakailanganin kung ihaharap niya ako sa korte. I had to pay for the hospital bills para sa panganganak ko. I had to provide everything my son needs at wala akong trabaho. Walang trabahong gustong kunin ako dahil kay lola." Tumingin ako sa kapatid ko para bigyan siya ng isang maliit na ngite.
I can not tell what he's thinking right now. Walang ekspresyon ang mukha niya habang nakatitig sa akin.
"That Blaze, si Blaze King ba 'yan?"
Tumungga ako sa wine glass at saka ibinalik ang paningin sa aking harapan. "Are you surprised?"
"Nah. Not really. I saw you guys making out sa rooftop noong in-announce si Blaze bilang bagong CEO ng kompanya nila. I did not tell you because I don't think that's any of my business. Malaki ka na at sigurado akong alam mo ang mga ginagawa mong desisyon, kuya. I understand your situation back then. All of us had a fair share of hardships sa kamay ng lola but yours was worst nga lang."
"Thanks for listening to me. Thank you for not judging me."
"Back when we were kids wala akong magawa para tulungan ka tuwing inaaway ka ng lola. Until now, I still feel guilty. I snatched daddy from you and your mom tapos inaaway ka pa ng lola sa kasalanang wala ka namang kinalaman. This is nothing compared to what you have done for me. You're a good man, kuya, you deserve every good things in the world."
Good man? Can I still consider myself a good man kung nang-aahas na ako ng fiancee ng iba? Am I still a good man kung alam kong makakasira ako ng relasyon ng iba?
"You like him don't you?"
"Sino?"
"Ang daddy ni Gabe."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano mo naman nasabi iyan?"
"'Yong mga flowers na pinapadala ni Blaze dito tinatago mo 'yong petals sa isang jar. Tinutupi mo iyong mga naka-wrap sa boquet at nilalagay mo sa box ang mga stems ng flowers. And I saw you crying many times."
Mapakla akong napangite sa kawalan at saka tumingala sa kalangitan. The stars twinkled above the sky like expensive diamonds. I got too caught up with my life these past five years that I forgot to look up and appreciate the stars that have been my source of peace and tranquility.
Naalala ko dati, tuwing sukong-suko na ako sa buhay at nami-miss ang mama naglalagi ako sa pavilion at tinatanaw ang kalangitan. I always talk to the skies as if it's my mom.
"Blaze is the most selfish and cold-hearted man I have met in my life, Jayhane. Kung gusto niya, kukunin niya, wala siyang pakialam kung sino ang makakabangga niya. He can destroy someone's life in a snap of his fingers and I hated that. I hate how he makes people feel so weak and vulnerable. Bukod sa yaman at panlabas niyang anyo wala na akong ibang maisip na kagusto-gusto sa kanya. And yet I became stupid enough to fall for him. I woke up one day looking for his presence, seeking for his attention, and wishing for him to love me back.
And that's how I become the mistress. The kept man. Kabit. Kerida. You name it. Pare-pareho lang naman ang ibig-sabihin n'on."
Parang may nakakamatay na lason sa bibig ko habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Hindi ko rin namalayang umiiyak na pala ako. I feel so guilty and ashamed. Sinubukan kong pigilan ang sarili na mahulog kay Blaze pero ang hirap.
"So you wanna live like that forever?"
"N-No..."
"You know, kuya, people makes stupid mistakes because of love. People do things that are questionable to others because of love. Love makes people good and bad. Love makes good people look bad. Love makes bad people good. Most of the times love makes people selfish, vulnerable and blind.
Blaze King's relationship with his fiancee is complicated, kuya. They got engaged dahil sa isang kasinduan hindi dahil mahal nila ang isa't-isa. Na sa mali ka nga ba talaga? Kuya, bastardo ka man kagaya ng sinabi mo, Lexington ka pa rin. Hindi basta-basta nagpapatalo ang mga Lexington. We don't back down until we did our best. Engaged lang sila hindi pa sila kasal. Give everything you can before letting him go para wala kang pagsisisi sa huli."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nilingon ko siya muli at nakitang nilalaklak na niya ang baso ng wine. Kahit dim ang ilaw dito sa labas, pansin ko pa rin ang pamumula ng mga pisnge niya. Namumungay na rin ang mga mata niya habang tinatanaw ang siyudad sa ibaba.
"A-Ano?"
Mahina siyang natawa at saka ikinaway ang kamay. "Wala, wala. Forget abou—"
"GABRIELLE! GABRIELLE RAY! OPEN THIS DAMN DOOR AND SHOW ME YOUR FACE, GABRIELLE!"
Sabay kaming napatayo dalawa nang marinig ang malakas na sunod-sunod na katok at pagkalampag ng pintuan ng bahay. Nagkatinginan kaming dalawa ng kapatid ko bago nagmamadaling pumasok ng bahay.
Tiningnan ko ang monitor na katabi ng pintuan at napakunot ang noo nang makita doon si Blaze.
He looked so wasted. Magulo ang buhok niyang palaging naka-brush up. His clothes were disheveled at sobrang sama ng complexion niya.
Mula niyang kinatok ng malakas ang pintuan namin kaya wala akong choice kung hindi ang pagbuksan siya. I don't want the village's security to get involved, baka mas lalo lang gumulo ang lahat kung may makakakita kay Blaze dito.
"Anong ginagawa mo dito, Blaze? Naligaw ka ba?" Ang mahinahon kong tanong sa kanya nang mabuksan ko ang pintuan.
Sa halip na sumagot ay mabilis niya akong hinila papalapit sa kanya at saka ikinulong sa matipuno niyang mga braso. I could smell the strong scent of liquor and tobacco from his body as he squeezed me tightly in his arms na para bang mawawala ako kapag tuluyan niya akong binitiwan.
"Why are you not going home, Gabrielle? I told you to go home. I told you to never leave our home."
"That's not my home, Blaze. That place was never my home. Umuwi ka na. Gabi na. I'll call your driver para kunin ka. You can't drive while you're like this." I tried to push his body away from me ngunit masyado siyang malakas.
"Blaze, let me go!" Ang bulyaw ko sa kanya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Hindi ako makahinga, ano ba!"
Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin kaya ginamit ko ang pagkakataong iyon para makawala sa yakap niya at makalayo.
"Umuwi ka na, Blaze. I don't want to see our faces on the news tomorrow, kaya tantanan mo na ako," ang kalmado ko pa ring sabi sa kanya at saka isinira ang pintuan. Ngunit mabilis niyang naiharang ang braso niya sa siwang ng pintuan.
"I'm not going anywhere without you and your child, Gabrielle Ray. You can't get away from me after everything that I gave you. Are you unsatisfied with me? May iba ka na bang nahanap na mas mayaman kesa sa akin ha, Gabrielle?! Kulang pa ba lahat ng luhong ibinibigay ko sa inyo ha?"
"Kulang na kulang, Blaze, dahil hindi naman materyal na bagay ang kailangan ko mula sa'yo."
He gritted his teeth and glared at me with his furious, blazing, dark eyes. "Then what?! What do you want from me?!"
"Love. Can you love us, Blaze?"
He laughed bitterly. Kamuntikan pa siyang mawala sa balanse, mabuti na lang ay agad ko siyang naalalayan. "Love? I can't give you that shit, Gabrielle Ray, because that does not exist. I can give you every penny that I have except that."
Napabuntong hininga ako at saka seninyasan si Jayhane na tulungan ako. "Bukas ka na umuwi sa inyo. Dito ka na lang muna matulog."
Rinig ko na ang pagbigat ng kanyang hininga habang nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko.
"Wala...wala kayong ipinagkaiba dalawa." Ang bulong niya bago ko tuluyang naramdaman ang buo niyang kabigatan.
Dalawa? Sino 'yong isa?
-----------------------------------------------------------
Oraytt!!!!!! Nakapag-update rin HAHAHAHA. Gagawa na talaga ako ng mga modules ko. HAHAHA. Back to school na po si aketch at medyo busy-busyhan na. Papasayawin na naman nila kami kaya ito, strezzerr as ever. Thank you po sa pagbabasa. Sana nag-enjoy po kayo sa updetz. Stay healthy, keep safe and God bless you always powxsxz. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top