12

Gabrielle Ray Lexington

"Gabe, brush your teeth na. You're going to be late na sa school." Ang utos ko sa aking anak na humihikab pang naglalakad patungo sa sink dito sa kusina.

Tinulungan ko siyang makaakyat sa kanyang stool para makapag-sipilyo. It's already nine in the morning at nine-thirty magsisimula ang klase niya.

"Papa, don't want school." Ang narinig kong buntong hininga niya habang inaabot mula sa akin ang tootbrush niya.

Tinaasan ko siya ng kilay ng nakasimangot itong tumingin sa mukha ko. "And why is that?"

"Evo always sits beside me and eat papa's food. I don't like it a lot." Ang sumbong niya sa mahinang boses bago dinala ang toothbrush sa bibig niya.

"You should not be madamot, babe. I made you a lot of snacks naman eh. You can't finish those alone kaya instead of throwing it on the garbage, you share it nalang okay?" Kinuha ko mula sa kamay niya ang toothbrush at saka sinimilang sipilyuhin ang maliliit niyang ngipin.

Another two years have passed. Five years old na ngayon si Gabe Blaise. This will be his third day in kindergarten two at the same school na pinapasukan niya when he was still in stepping stone. Ever since din n'ong tumuntong siya ng kindergarten, gumagawa na ako ng baon niya at snacks.

Naikwento niya kasi noong kinder one pa lang siya na ginagawan daw ng baon ng mommy niya ang kanyang kaklase. He didn't ask for one but it made me think. Hindi ko naman kasi palaging nalulutuan si Gabe, kumukunti na lang din ang oras naming dalawa dahil sa pagdami ng workload ko. Kaya simula n'on nag-aral ako kung paano gumawa ng mga cute na mga bento box at snacks.

Nang matapos kaming dalawa sa pag-aayos, dinala ko na siya sa sasakyan para ihatid siya sa kanyang school.

"Gabe, tito Mhara will be the one to take you to papa's office later. Papa will finish making the sparkly dress for tita Loraine." Ang pagpapaalam ko sa aking anak na nakaupo sa kanyang baby seat at nakatulala sa kawalan.

"Papa, bug bite." Ang sabi niya habang tinuturo ang leeg

Kumunot ang noo ko.

"Bug bite?" Mabilis na umangat ang kaliwang kamay ko mula sa manibela para sapuhin ang aking batok at marahang hinagod.

"Hm. Like last week."

Chikinini!

Kamuntikan ko ng maapakan ang break sa gitna ng daan nang marinig ang sagot niya. Walanghiya talaga 'tong si Blaze kahit kailan. He don't want me to cause trouble to him but he can't even do the same damn thing for me. Jerk. Asshole. Selfish mtherfckr.

Two years ago, nalaman kong ang fiancee pala ni Blaze ang kausap ko n'on sa cellphone niya. The girl thought I was his woman, na hindi ko maintindihan kung bakit, dahil hindi naman ako tunog babae. My voice is neutral. It's not too high but not too low either. Siguro ay inaantok pa rin siya sa araw na 'yon.

Sa loob ng isang taon naging madalang ang pagkikita namin ni Blaze. He came to see me once or twice every month and then fuck me hard. As years pass by, I came to realize that I was becoming more of a personal dump hole than his whore. Nakakawala ng pride at dignidad. Nakakahiya.

But I have to do it.

I have to do it for my son na lumalaki sa bawat araw na dumadaan. The more Gabe Blaise grows up, the more I want to get away from Blaze. Mahal ko si Blaze. Kahit ayaw tanggapin ng isipan ko, hindi ko napigilan ang puso. It was hard not to fall for him during the past five years that we've been together.

Despite Blaze being a grade A asshole,
t

here's something in him that keeps on pulling me towards him. Hindi ko alam kung ano. Pero hindi ba't gan'on naman talaga ang puso? Sometimes we don't really know why we continue to love that person. Siguro merong nare-recognize ang puso na'tin na hindi natin napapansin, o napapansin naman pero hindi lang talaga natin ine-entertain. Because it's hard to admit that you love a person who fucked you up.

Kahit mahal ko si Blaze hindi ibig sabihin makokontento na ako sa ganitong set-up. Of course, like everyone else, I also wished he'd reciprocate my feelings, marry me, create a family with me but more than that I know kung gaano kaliit ang tyansang mangyari 'yon.

Kung hindi mabibigay ni Blaze ang gusto ko, aalis at aalis ako. Five years is enough for me to save up. Habang nagsasama kami ni Blaze, palihim akong gumawa ng listahan ng mga ginastos niya sa akin at sa anak ko. Malaki-laki rin iyong pera, pero kahit papaano ay makakaya ko na itong bayaran. Kaunting push nalang. I can also ask for dad's help at ng mga pinsan ko.

"Bye, Gabe. See you later. Love you." Hinalikan ko muna siya sa kanyang noo bago ibinigay ang kanyang bag.

"Bye, papa. I love you, too."

Natuwa ako nang lumapit siya sa akin para yakapin ang bewang ko. Hinintay ko muna siyang makapasok sa loob ng kanyang classroom bago ako umalis sa school niya.

Nang makarating ako sa bridal house, agad akong dumiretso sa third floor para i-check ang mga ginagawang damit ng team ko. Maraming nagpapa-customized ngayon sa amin ng mga gowns ngayon. Tumatanggap na rin ako ng mga international clients. Medyo hassle pero masaya naman ako sa ginagawa ko.

"Oh, ijo! Magandang umaga sa iyo." Nakita ko si tatay na papalapit sa akin kaya kumaway ako.

"Tatay! Kamusta na po kayo? Maayos na po ba ang kalagayan ninyo?"

Dahil may sakit si tatay dalawang beses sa isang linggo ko nalang siya pinapapasok dito pero katulad pa rin ang sweldo. Nasabi kasi ni tatay na wala na siyang anak at siya na lang sumusuporta sa sarili.

"Oo, maayos naman. Maraming salamat. Siya nga pala, si Gabe, pupunta ba siya dito mamaya?" Kumikislap pa ang mga mata ni tatay habang tinatanong iyon.

Naging malapit silang dalawa ni Gabe dahil ito ang nakakalaro minsan ng anak ko tuwing busy-busy-han ako sa trabaho dito. Mukhang magaan din ang loob ng anak ko sa matanda. Tinatawag niya kasi itong lolo. Gustong-gusto niya rin ito kasi katulad daw sila ng mata.

"Ah, opo. 'Yong pinsan ko po ang magsusundo sa kanya. May importante po kasi akong kliyente mamaya."

"Pansin ko lang na mga pinsan mo ang sumusundo sa bata kapag may trabaho ka. Nasaan ba ang nanay niya?"

Ngumite lang ako kay tatay bilang sagot. Ako ang nanay ni Gabe pero hindi ako sigurado kung handang tanggapin ng ibang tao ang kagaya ko. They know I'm Gabe's father. They tried to look for his mother but I am both. Ako ang nanay at tatay niya, hindi ko kailangan ng ibang tao para masabing napalaki ko ng maayos ang anak ko. Mapapalaki ko ng maayos si Gabe kahit ako lang mag-isa ang kinikilala niyang magulang.

Nagpaalam na ako kay tatay dahil kinakailangan ko pang tulungan ang team ko sa pagbuo ng gagamiting gown ni Loraine sa kasal niya. Hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na ang bruhang 'yon. Parang kailan lang n'ong hinihila nila ako papasok ng bar dahil kailangan daw namin siyang damayan sa pagiging broken hearted.

"Oh, Morgan, bakit ka nandito?" Ang nagtataka kong tanong kay Morgan nang madatnan itong nakatulala sa harap ng malaking bintana.

God, this kid also changed a lot. He's still the same maarte na Morgan but I know he's changed for the better. Babaguhin at tuturuan ka talaga ng kapalaran.

"Gabby!" Lumiwanag ang mukha niya nang makita ako. "We went to your house yesterday pero wala ka doon. Where did you go ba? May lalaki ka na ba ha? They told me na mostly daw ay wala ka sa house mo. Where ka ba tumutuloy? I wanna go there too."

Napakamot ako ng ulo sa sinabi niya. Ang akala nila ay doon pa rin ako tumutuloy sa bahay na binili nila dad sa akin. Tuwing bumibisita kasi sila ay nandoon ako. Pero noong isang beses na nagpunta sila doon na wala ako, dinahilan ko nalang na dito ako sa bridal house natutulog. May maliit kasi akong kwarto dito sa third floor.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam ang tungkol sa amin ni Blaze. At wala din naman akong balak ipaalam. It's better this way. Matapos ko lang 'tong relasyon na meron kami ni Blaze, I'll make sure na wala siyang iiwang bakas sa buhay namin ng anak ko.

"Dito ako natulog sa bridal house. Hinatid ko lang sa school nila si Gabe. Kailan ka nakauwi? Bakit hindi ko alam?"

Inangkla niya ang kanyang braso sa akin habang naglalakad kami patungo sa manequin kung saan nakasuot ang damit na ginagawa namin para kay Loraine.

"Last week lang, I wanna surprise you guys kasi. Na-miss ko kayong lahat kaya bumalik ako. At ikaw? Bakit hindi ka man lang bumisita sa akin doon. Akala ko ba ako ang favorite mong pinsan."

Mahina na lang akong natawa sa ka-oa-han nito. "Busy kasi akong magpayaman para makabili ng pang-regalo sa iyo. Since nandito ka naman at sinabi mong na-miss mo ako, bakit kaya hindi mo kami tulungan?"

Sumimangot siya ng marinig iyon. Binawi niya ang kanyang kamay mula sa akin at pabiro akong tinulak. "I want to have a lunch date with you kasi and ng iba nating cousins."

"Oo na. Oo na. Dinner date na lang. Invite them later doon nalang tayo sa resto ni Loraine. Pinagbabawalang gumala-gala 'yong gaga kasi nagpa-buntis."

"Okay! Game!"

Ginugol namin ang aming oras sa paggawa ng wedding dress ni Loraine. Next month na ang kasal nila ng boyfriend niya, by that time, base on experience ay hindi pa kalakihan ang tiyan niya dahil magda-dalawang buwan pa lang naman ito. May ginawa kaming kaunting changes dahil biglaan ang pagbubuntis niya. Hindi rin madaling gawin ang damit niya dahil may mga embroidery at mga intricate designs kaming maingat na nilalagay.

Kinahapunan, kagaya ng usapan naming dalawa ni Morgan, inaya namin ang iba pa naming pinsan na kumain sa labas. Sumama na rin sa kanila si Jayhane, ang kapatid kong minsan lang lumabas sa lungga niya.

"Oh my gosh, you guys are so big na. You make daan sa house ko ha, marami akong inuwing gifts sa inyo." Ang masayang banggit ni Morgan nang dumating sila Mhara kasama ang anak ko at anak niya.

Hindi na sila nakapunta sa bridal house dahil nagkaroon ng emergency si Mhara.

Noong una ay nahiya pa si Gabe at yumakap sa akin. Sa skype lang kasi sila nagkakausap dalawa habang si Maxi naman ay ilang beses ng nagpunta kasama ni Mhara para magbakasyon sa bahay ni Morgan doon sa U.S. kaya kilalang-kilala na niya ang huli.

Kalaunan ay naging komportable na rin naman ang loob ni Gabe kay Morgan, nagpasubo pa nga siya dito.

"Kamusta naman ang U.S., bakla? Saan na 'yong hinihingi kong afam?" Ang tanong ng malanding si Raya Jude sa gitna ng pagkain namin.

"Afam ka diyan! Eh 'di ba nga kalandian mo 'yong baker niyo. Gagang 'to."

Umirap siya sa hangin at saka maarteng hinawi ang imaginary niyang buhok. "Baker? May nage-exist pa lang ganiyan? Tao ba 'yan?"

Nagkatinginan kaming lahat ng marinig iyon at saka nagngisihan.

"Hoy, Jayhane, bakit ang unti lang ng kinakain mo? Inii-stress ka ba ni lola?" Ang tanong ni Loraine sa kapatid kong tahimik lang na kumakain sa tabi ko.

Keme itong ngumite sa amin. "Hindi naman masyado. Nami-miss lang niya siguro kayo kaya sa akin napupunta lahat ng atensyon."

Kagaya ko ay hindi rin pala salita ang isang 'to. Sabi ng tita, may nangyari daw dito noong bata siya. Simula n'ong insidenteng 'yon madalang na lang siyang magsalita.

"Magbalot ka na kasi at lumayas doon. Ba't ka ba nagtitiis sa matandang 'yon? I love lola, okay? But she keeps on suffocating us. Kaya hindi tayo nagkakaroon ng normal na love life kasi palagi tayong binubugaw. Bwiset na 'yan. Kahit wala tayo, kaya namang mabuhay ng kompanya. Nandoon sila Bernard, Kion, Melbourne at Michael." Ang pagra-rant ni Chorie matapos ubusin ang in-order niyang beer.

Nangialam na naman daw kasi si lola sa relasyon nila ng boyfriend niya. Sila Bernard ay mga pinsan ko rin. Si Bernard ang pinakapanganay sa lahat, kapatid siya ni Morgan, si Kion naman ay ang kuya nila Loraine at Chorie, si Melbourne at Michael ay ang kambal na kapatid ni Mhara.

"Nga pala, I heard na bumalik na raw ng Philippines iyong ex-fiancee mo Gabby." Ang sabi ni Azaria na nagpataas ng kilay ko. Ex-fiancee? I don't think that's the right term to use.

"Sino? May ex ka pala, girl? Ba't di mo na-chika?" Ang tanong ni Johan na nagpailing sa akin.

"We never had a thing with each other. Nagkausap lang kami saglit and that's it."

Pagkatapos ng insidente sa bahay, we didn't keep in touch with each other. Nahihiya na rin akong mag-approach sa kanya.

"So, sino nga?" Ang pangungulit pa rin sa akin ni Johan.

"Si David Pharell." Napatingin kaming lahat kay Jayhane ng magsalita ito. Nang magtama ang mga mata namin, binigyan ko siya ng isang maliit na ngite bago binalingan ng tingin ang mga pinsan ko.

"Yes, it's David Pharell." The guy who loves snakes.

-----------------------------------------------------------

I love writing here kaya here's one more update HAHAHAHAHA. Thank you for reading po! Stay healthy, keep safe, and God bless you always. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!❤🌈

This chapter is dedicatet to these following wonderful people:

itsme_jed NoneOfTheAbove_ Ashkyut26 drewparcia JbTrinidad  natale_khurl Lockdown_59. IcaXiopao Xyrine Xierl Corvus and Niño Mangonon

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top