TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FOUR
Azriel:
As much as I want you to stay
And how much I don't want you away
I have to let you go, because you won't allow me to be into you
And you can't be into me because you don't want to.
Makailang beses kong binasa ang huling text niya sa'kin. Natanggap ko ito habang nasa taxi noong pauwi ako galing sa dorm nila. Maganda ito sa pandinig dahil magkatugma ang mga huling salita kahit masakit ang mensahe sa likod nito. Di ko alam kung dapat ba akong ma-guilty.
May mga pagkakaton talagang pakiramdam nating sisihin ang mga sarili dahil nakasakit tayo ng ibang tao kahit hindi naman sadya. We blame our feelings, not blame ourselves as a person. Para sa iba, sinisisi na ang kabuuang pagkatao when it should have been the feelings that has to be blamed, not blame ourselves as a person.
Nagbalik kami sa 'walang pansinan' mode ni Azriel. Hindi na rin siya tumatabi sa'kin at hindi na rin sila sumasabay sa amin mag-lunch. Sa mga sumunod na duties ay wala namang by partners na nangyayari dahil hindi na kami nagbalik ulit sa pag-duty sa mga special areas. Puro wards nalang.
Kakatapos lang namin sa defense sa unang part ng aming thesis. Makapasa man o hindi, makakaabot pa naman siguro kami ng fourth year dahil doon magaganap ang final defense.
Nakaupo kami sa sahig at nakasandal sa pader sa labas ng classroom kung saan nagpe-present na ang group 2. Suot naming mga babae ngayon ang CHN uniform na blue pants at white polo blouse na ginagamit sa CHN duties at sa Psych ward. Ito na rin ang official uniform ng mga fourth year nursing sa mga babae. As is ang uniform sa mga lalake.
Kinalabit ako ni Lian na tumayo at pinapagpag ang likuran. Tinuro niya ang bakanteng armchair malapit sa nakasarang pinto ng classroom saka siya umupo. Ako nama'y umupo sa armrest.
Sinundot niya ang aking tagiliran saka ninguso ang direkyon ni Azriel na nakaupo sa sahig at nakasandal ang likod sa pader ng katapat na room. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin pagkatingin ko sa kanya at pakunwaring kinakausap ang katabi niyang si Terrell na naka headphone habang may kinakalikot sa cellphone.
"In bad terms pa rin ba kayo?" tanong ni Lian.
Inasahan kong may isa sa kanilang itatanong ulit ito. Paulit ulit lang naman ang aking sagot."Hindi naman kami nag-away."
Umismid siya, hindi naniniwala. "Eh bakit hindi na kayo nag-uusap? You used to be close."
"Nag-uusap lang kami pero hindi kami close." Kinuha ko ang maliit na nail cutter sa bulsa ng aking blouse at pinagpatuloy ang pagputol sa mahaba kong kuko.
"Pansin ko nag-iiwasan kayo. You were not used to be like that to each other." Wika ni Lian.
Hindi talaga ako makakaiwas sa kanyang pagiging observant. Hindi lang kilos ang binabasa niya, pati yata isip.
"Wala. Nagsusuplado lang 'yan." pakunwaring mapait kong sabi.
Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kaibigan ko, hindi ko lang masabi sa kanila na umamin sakin si Azriel dahil mas lalo nila kaming ipagkakanulo na hindi dapat mangyari. Baka ano kasi ang iisipin ng iba. It's been months since my break up with Riley at ilan lang ang nakakaalam. They might assume the wrong situation.
"I don't think so. Itanong ko nga kay Terrell."
"Try mo kung may makuha kang sagot." bahagya kong tawa. Sigurado namang walang maisagot si Terrell dahil malihim ang kaibigan sa kanya. "Nasaan pala sina Kelly?"
"Sa eight floor sila."
"Ang layo. Hintayin nalang natin sila dito." pinagpagan ko ang aking pants at nagpatuloy sa pag nail cutter.
Kinuha ni Lian ang kanyang red folder laman ang maraming papel at payment slips. Sandali kong tinignan ang pag-check niya ng mga requirements para sa clearance.
"Haaay...after nito clearance signing---"
"Extension duty pa." putol ko sa kanya. Nagdala ito ng pagkabahala sa'kin dahil ayaw ko talaga ng extension duties.
"Wala ako. Ikaw meron kasi naka-absent ka." panunuya niya.
Ngumuso ako. "Oo nga. Pupunta pa ako sa faculty room, aalamin ko kung naging valid ang absent ko't ginawang one day ang extension."
Abala kasi ang mga teachers ngayon dahil sa nalalapit na pagtatapos ng semester kaya malamang walang katao tao sa faculty maliban sa mga working students.
Ilang oras ang aming hinintay bago natapos ang defense ng huling grupo. Halata ang magkahalong stress at relief sa kanilang mga mukha pagkalabas nila. Binomba din sila ng mga tanong katulad namin.
Naglabas ng inis sa sarili ang leader ng group two sa leader naming si Camila. Hindi niya kasi nasagot ng maayos ang tanong ng isang jury.Sino bang hindi mase-stress kapag tatlong jury ang kaharap mo at puro pa mga strikto at maliliit magbigay ng grado? Kaya hindi na akong umasang papasa kami.
Pinabalik sa loob ang grupo namin upang ipaalam ang aming mga errors at ianunsyo ang aming grade. Nakita ko ang isa kong kagrupo na nag sign of the cross habang papasok kami.
Tensyonado at kabado ang karamihan sa'min. Ewan ko kung bakit hindi ako kabado. Naging kampante yata ako sa kaalaman na kung sakaling bagsak ang grade, bagsak kaming lahat, so hindi ako mag-iisa na babagsak.
"Kinakabahan na ako." pahayag ng kaklase kong nasa likuran.
"Be positive guys! Papasa tayo." pampalubang loob ni Camila.
Nakatayo kaming lahat sa harap ng mga juries di katulad kanina na ang mga magrereport lang sa particular topic ang nakatayo. Tinakpan ko ang aking paghihikab. Nagtago ako sa likod ng kaklase kong may kapandakan.
Nawala na ako sa pag-intindi ng mga sinasabi ng isang jury tungkol sa thesis kaya tumatango lamang ako kapag nakikita kong tumatango rin si Camila. Panay ang aking paghikab na tinatago ko sa pagtatakip ng aking kamay.
Kinalabit ako ni Terrell na di ko namalayang katabi ko pala. Nasa kaliwa ko si Lian na nakapulupot ang malamig na braso sakin. Nagtatanong ang mukha kong nilingon si Terrell. Inabutan niya ako ng iced coffee in can.
"Para saan yan?" tanong ko.
"Sa'yo." aniya, na nakatingin sa harapan.
"Sinong nagbigay?"
"Ako." maikli niyang tugon.
May pagdududa ko siyang tinignan. "Sure kang para sa'kin? Baka para kay Lian?"
"Sa'yo nga." Nilapat niya sa balat ko ang malamig na iced coffee.
May pag-aalinlangan ko 'tong kinuha. "Thanks."
Nakatingin ako sa harap habang maingat na binubuksan ang can. Medyo nahirapan pa ako dahil kaka nail cutter ko palang. Patuloy ang constructive criticisim ng mga juries lalong lalo na ang fourth year clinical instructor na nasa gitna na balita ko'y terror ng fourth year.
Nang mabuksan, mas umusog ako sa likod ng kaklase ko't nagtago habang umiinom. Bahagya kong tinagilid ang aking ulo upang sana'y sulyapan siya ngunit wala siya sa gilid. Sanay kasi akong hindi sila mapaghiwalay ni Terrell kaya imposibleng magkalayo sila ng kinatatayuan.
"Nasa likod mo." mahinang sabi ni Terrell.
"Ha?"
Pigil ngiti siyang umiling. "Wala."
Binalewala ko nalang ang reaksyon niyang parating nakangiti. Nangangalahati na ako sa pag ubos ng iced coffee. Inabot na ang aming thesis draft na kinuha ni Camila. Nagkumpulan ang mga nasa harapan sa pagtingin ng resulta.
"Congratulations. You passed." anunsyo ng isang jury na gumamit pa ng microphone.
Ingay ng pagbunyi ang nanaig habang ako'y hindi alam kung matutulala o tatalon rin kagaya nila. Niyuyugyog ako ni Lian na nagtatatalon at tumitili. Ang baritonong boses ni Archer ang nanaig sa pagbunyi ng mga lalake. Panay naman ang pagpasalamat ng karamihan sa mga juries.
Patuloy na nagtatalon ang mga lalake sa hallway pagkalabas namin. Binabati kami ng ibang groups at section at sinasabihan naman namin sila ng 'goodluck'.
"Yes! Nangangamoy toga na!" deklara ni Archer na sinamahan ng pagtaas ng mga kamay.
"Nalalanghap ko na ang pag-graduate ko!" dagdag ni Terrell.
"Wala pa ngang enrolment graduation na ang iniisip niyo!" natatawang ani ni Camila na siguradong sayang-saya dahil siya ang leader, mas marami siyang na-contribute, at siya ang mas naghirap.
"Magko-call center na ako!" sigaw ng isang barkada ni Archer.
Inayos ko ang pagkakalagay ng mga gamit ko sa bag . Sinilid ko ang aking folder, ayaw kong magdala ng extra na gamit.
"Pasado kami!"
Gumawa ng ingay si Kelly na nagtatakbo saming direksyon. Nakasunod sa kanya si Noemi na magaan ang mga paghakbang, halata sa mukha niya ang magandang balita na pasado rin sila.
Tinalon ni Kelly ang distansya't bigla nalang sumakay sa likod ko. "Pasado kami! Ako kasi nag report!"
Ininda ko nalang ang kaunting bigat niya.
"Ano bang nireport mo?" tanong ni Lian.
"Yung Introduction! Nakadagdag ang boses ko sa grade namin. So they should thank me."
"Kapal mo Kelly! Nag report din naman ako. Ako nga sumagot sa pinakamahirap na question." angal ni Carlo na dumaan sa likod namin at kiniliti si Kelly kaya napapilipit.
"Eh ang hina ng boses mo kaya pinaulit ni Mam! Mabuti nalang binawi sa boses ko kaya pumasa tayo!"
Patuloy ang mapaglarong bangayan nila ni Carlo habang nasa likod ko pa rin siya. Siya rin naman kasi ang nagdala ng bag ko kaya walang kaso sakin.
"Tara kain na tayo libre ni Kelly." deklara ni Noemi.
Sa isang fastfood chain kami kumain na katapat lang ng university. Wala namang naging pag-angal si Kelly sa panglilibre kaya sinamantala na namin. Good mood siya dahil hindi na mapapadalhan ng letter ang kanyang parents. Last year kasi ay bagsak siya sa isang major subject kaya ganito nalang siya kasaya ngayong pasado siya.
Maaga kaming bumalik upang makapagpapirma sa clearance. Mabilis lamang ang pagpapapirma sa nursing lab, library at sa Dean kaya yun ang uunahin namin. Sa ganitong paraan, mapadali rin ang aming pagpa-enrol next week. Kami ni Lian ang nagdadala sa mga clearances dahil hindi makakapasok sina Noemi at Kelly na ang babagal kumain ng ice cream.
Pagbandang hapon ay tumambay kami sa isang de-aircon na classroom sa fifth floor. Kung sa regular schedule, dito ang aming lecture room sa MedSurg ngunit ngayon ay naghihintay ang buong klase sa idi-distribute ng aming adviser na requirement para sa enrollment. Hinihintay nalang namin siya ngayon kasama ang aming class president.
"Hindi ako sure kung uuwi akong Leyte." rinig kong ani ni Noemi. Kanina pa nila pinag-uusapan ang plano nila sa mga araw na walang pasok bago magsimula ang bagong semester; bago kami mag fourth year.
"Ako dito nga lang sa Cebu. Sana babalik si ate sa Singapore dahil sasama talaga ako sa kanya. Kahit one week lang ako doon okay na." ani ni Kelly. Nilagay niya ang walang lamang cup ng kakaubos niyang sundae sa ilalim ng upuan.
"One week talaga?"
"Oo. Minimum three days. Ikaw Lian, di ka uuwi ng Bohol?"
"Uuwi ako after enrollment. Tapos na daw kasi yung bahay na pinatayo nila mama doon. Tsaka babalik din silang Dubai, two weeks lang kasi ang leave nila."
"Talaga? nakita mo na ang bahay?" manghang ani ni Kelly.
"Hindi pa nga eh. Kaya nga ako uuwi. Pero sabi ng kapatid ko two storey daw kaya excited ako." bigla siyang suminghap at nanlaki ang mga mata na parang may napagtanto ."Sama kaya kayo! Doon na kayo magbakasyon kahit three days lang!"
"Oo nga!" masiglang pagsang-ayon ni Kelly.
Napaangat ng tingin si Noemi galing sa pagtitipa sa cellphone. "Maganda kung marami tayo! Parang class outing na rin. Kaso ang iba may mga probinsyang uuwian."
"Eh yung mga gusto nalang sumama." sabi ko.
Sana payagan ako ni mama at dad. Kailangan ko rin ng bakasyon galing sa stress sa school at bago magsimula ang panibagong stress na guaranteed sa fourth year.
"Ano yan? ano yan? anong gustong sumama?" biglang sumulpot si Archer na ngumunguya ng cheese flavor na junk food.
"After enrollment! Kina Lian sa Bohol! Wanna come?" nagtaas baba ng kilay si Kelly.
"Sama ako!" taas kamay na tumili si Carlo habang tinakbo ang distansya ng pwesto namin.
Nagsitayuan ang iba naming kaklase na naging interesado sa pagsama at nagsilapitan. Naging kumpulan ang pwesto namin at panay ang mga pagtanong at usisa. Nagmistula kaming nasa ticketing office na namimigay ng libreng travel ticket.
Lukot ang mukhang tinaas ni Lian ang mga kamay niya upang patahanin ang nagugulong kumpol. "Hoy kayo magbayad sa pamasahe niyo ha? Tirahan at pagkain lang ang maii-contribute ko!"
"Oh sure. Walang problema!" hindi ako sigurado kung sino ang nagsalita.
"Manahimik kayo utang na loob hindi 'to sabong! Walang manok!" sigaw ni Kelly na gumana naman dahil sa bahagyang pagtahan ng ingay ng mga kaklase ko. Natawa kami nina Noemi.
"May Chocolate Hills pa ba doon Lian? Baka naging choco crumble na dahil sa lindol."
"Buhay pa ang Chocolate Hills. Akyatin mo pa dun eh." pamimilosopo ni Lian kay Archer.
"Bibilhin namin ang kamag anak doon ni Carlo, yung tarsier."
Mataray na pinaikot ni Carlo ang mata niya. "Excuse me? Nandoon ang mga alagad kong butterflies."
"Doon ba yung kalamay? Yung nasa ba-o?"
"Punta tayong Panglao!"
"Teka ilang days ba tayo doon?"
"Pwedeng three days or four."
"Four nalang."
Naghalo at sabay ang mga boses nila sa pagtanong kaya hindi alam ni Lian kung sino ang sasagutin.
"600 hundred back and forth. Dala nalang kayo ng extra money baka may magustuhan kayong bilhin na souvenir items." anunsyo ni Lian. "O sinong sasama ifa-finalize ko na! Pakilista ng pangalan niyo para hindi ako ma-confuse! Noemi alam kong marami ka pang supply ng yellowpad. Pahingi."
"Malamang, kailan pa ba yan nauubusan si Noemi?"
Tawa ang sinagot ni Noemi kay Terrell habang nagwaksi ng isang one whole sheet yellowpad. Sinulat niya ang pangalan niya kaya siya ang nangunguna sa listahan na sasama. Pagkatapos niyang magsulat ay nilapag niya ito sa armrest ni Kelly. Ako ang ikatlo sa listahan saka ko pinasa sa iba na gustong sumama.
"Sino bibili ng ticket?" tanong ng isang kaklase ko.
"Ako. This week ako bibili para mas mura." sagot ni Lian na matiyagang hinintay ang listahan. "kaya bukas ako maniningil ng six hundred."
"Sama ako Lian!" deklara ni Terrell. Nilingon ko siya na nakaupo sa likod, nagsusulat sa yellowpad.
"Ikaw lang?" ewan ko kung sino samin ni Terrell pinaparating ni Lian ng tanong niya. Sa'kin kasi siya nakatingin kaya pagtataka ang ginawad ko sa kanya.
"AJ, sama ka?" rinig kong tanong ni Terrell. Nagkusa ang pagkabog sa dibdib ko. Nandito na pala siya?
Inikot ko ang aking paningin upang hanapin ang kanyang presensya. Nahinto ang mga mata ko pagkakitang nasa pinakalikod at pinakagilid siya ng classroom katabi ng bintana. May puting headphone na nakapasak sa isa niyang tenga.
Nagtama ang paningin namin na nagpatigil sa kanya sa pagtapik ng kanyang mga daliri sa armrest at pagpadyak ng isa niyang paa na nakaapak sa sahig. Nakadekwatro siyang nakaupo.
"Di ba sasama ka Amber?" malakas na pahayag ni Lian.
"Ay oo! Final na sasama si Amber." sumunod ang malakas na boses ni Kelly na mistulang nagpaparinig.
"Ano AJ, you're going with us?" nahihimigan ko ang panunudyong tono ni Lian.
Nahalata ko ang palihim nilang pang-aasar. Nasanay na ako, palagi naman kasi nila itong ginagawa at kadalasan hindi na rin pinapatulan ni Azriel. Nananahimik lang din ako.
Mas umusbong ang aking kaba sa hindi pagkalas ng titig ni Azriel. Seryoso at parang malalim siyang nag-iisip.
Pinag-iisipan niya? Bakit kailangan pa niyang pag-isipan? Oo at hindi lang kung gusto o ayaw niyang sumama. But somehow, I want him to go with us para naman magkaroon siya ng social life. Gusto kong makita siyang nakikihalubilo sa iba. Gusto ko siyang sumama. Gusto ko siyang pumunta.
Pakiramdam ko'y nahahalata niya ang umaasa kong ekspresyon. Pero ayaw ko namang sasama siya nang dahil lang sa kagustuhan ng iba. It should be from his own decision, not just because of the influence of others.
But knowing Azriel for a span of less than six months, siya ang tipong hindi nagpapa-impluwensya. He's a leader himself.
Sa pagbukas ng kanyang bibig ay sinadya kong hindi muna huminga upang marinig ang kanyang tugon.
"Pakilista ng pangalan ko Terrell." ani niya, saka bumaling muli sa labas ng bintana.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top