THREE

CHAPTER THREE

Tumingala ako upang pigilan ang nangingilid kong luha sa pagtulo. Kinakapa ko ang aking puting panyo na nasa aking bintI upang dampian ang gilid ng aking mga mata.

Naiintindihan kong sa ngayon masakit pa rin damhin kapag may mga nakakapag-alalang mga bagay sa kanya. Kahit sa kaliit liitang detalye basta ay patungkol sa isang taong lubos na mahalaga ay hindi makakatakas.

Ayokong sisihin si Riley. Wala siyang kasalanan. Ang pagkakataon at kapalaran ang kaaway namin. We're just victims of a wrong time.

Wala na sa quiz ang buong atensyon ko. Masyadong distracting ang pabango ng aking katabi. Gusto ko siyang paliguan ng pambabaeng pabango!

Tinatakpan ko ng panyo ang aking ilong habang nagsasagot. Ngunit nanatili pa rin ang amoy at dumidikit sa aking ilong. Why haunt me with your scent Riley?

Wala sa loob kong binilugan ang sa tingin kong tamang sagot. Dumedepende nalang ako sa aking instinct. Pakiramdam ko nga ako ang unang natapos. Dumungaw ako saking relo. Wala pang twenty minutes na natapos kong sagutan ang quiz.

Binaliktad ko ang papel saka tinungo ang aking ulo sa arm rest at pumikit. Ginawa kong unan ang aking braso. Naglakbay ako pabalik noong Lunes ng madaling araw. Naiiyak kong inalala ang huling halik namin at ang mga salitang binitawan niya. Nangibabaw doon ang sinabi niyang 'mahal kita'.

Pinigilan kong ang paghikbi. This is not the perfect place and time to bring my personal issue. Pero paano ako makakawala kung mismong sa eskwelahan na ito rin siya nag-aaral? We're stepping on the same cement floor, the same ground. Hindi rin namin maiiwasang magsalubong sa hallways at corridors.

"You have ten seconds remaining." anunsyo ni Mrs. Delfin. "make sure you have reviewed your answers."

Natunugan kong ako ang tinutukoy niya na i-review ang mga sagot. Pero wala na akong balak tignan pa ang aking test paper. Inaasahan ko na ang aking pagbagsak.

"Stop writing. Raise your black pens."

Pinunasan ko ang aking mga mata bago nag-angat ng ulo. Tinaas ko ang aking kamay na may ballpen katulad ng ginagawa ng mga kaklase ko ngayon.

"Put them down. Bring out your red pens and exchange papers with your seatmates."

Matamlay kong binigay ang aking papel sa katabi kong di ko pa rin kilala. Ayaw kong makita ang lalakeng may kaparehang pabango ng ex ko.

Kinuha ko ang red ballpen na nakasabit saking uniform. Binaligtad ko ang papel ng aking seatmate upang simulan na ang pagsusulat ng 'corrected by'.

Azriel James Fontaneza.

Kilala ko ang pangalan ngunit di ko pa nakita ang mukha. Or maybe nakita ko na pero nakalimutan ko lang o kaya'y di napapansin. Ang tanging alam ko, siya ang tinanghal na Mr.Nursing last year.

Sinimulan na ng pagdeklara ng mga tamang sagot. Check lang ako ng check at kapag mali ay binibilugan ang letrang naglalaman ng tamang sagot. Isang mali lang ang naitala ko sa winawasto kong papel.

"Nine over twenty? Ito ba ang epekto ng break up? Thank God I'm not into commitments." bubulong bulong ng seatmate ko habang nakatitig sa'king papel. Inis kong kinuha ang papel ko at padabog naman na nilagay ang almost perfect score niyang testpaper. Edi siya na!

Doon ko na siya tinignan. "Paano mo alam?"

"Oh, so it's true. Mukha ka kasing brokenhearted kaya nasabi ko."

Nanigas ako sa kinauupuan pagkaharap ng mukha niya sa'kin. So this is him, the majority of the university girls are head over heels with.

Marami na akong naririnig tungkol sa kanya through word by mouth at sa mga kaibigan kong patay na patay sa kanya. Inignora ko lang ang tsismisan nila patungkol sa taong kaharap at katabi ko as if he's a celebrity. In love na inlove ako kay Riley kaya wala akong panahong tumingin sa ibang lalake.

They weren't wrong. Hindi binigyang hustisya ng malaking tarpulin laman ang kanyang mukha na nakapaskil sa mezzanine ang nakikita ko ngayon sa personal. Una kong napansin ang natural na talim na titig ng kanyang mga mata, and the blackness of his irises. Pero bakit ngayon ko lang siya nakita?

I kept a bitch rest face despite of my thoughts about him. Binalikan ko nalang ang papel kong balak kong paglamayan dahil sa aking score.

"Who's the highest?" tanong ni Ms. Delfin. Walang nagtaas ng kamay.

"Nobody got perfect?" sunod niyang tanong. Inisa isa niya kaming tinignan. Palinga linga naman ang iba sa mga kaklase ko upang maghanap ng kahit sinong nagtaas ng kamay.

"How about nineteen? One point five?" the same scene. Nagtaka ako. Nilingon ko ang aking katabi. Parang wala lang siyang nakasandal sa kanyang upuan at nakadekwatro, pinaglalaruan ang kanyang red ballpen at tinatapik tapik ang kanyang isang paa. He remained poker face.

Kinalabit ko siya. Taas kilay niya akong nilingon. Ninguso ko ang kanyang papel saka minuwestra ang ulo ko sa harap. Nag kunot noo siya at muling bumaling sa harap ang kanyang ulo. Suplado!

Tinaas ko ang kaliwa kong kamay.

"Yes Miss Jang?" nagliwanag ang mga mata niya. " you got one point five?"

Hindi ako nagsalita. Tinuro ko ang aking katabi na ngayo'y nagtataka sa tingin ng mga kaklase namin sa kanya.

"What's with Mr. Fontaneza?" tanong ni Ms. Delfin.

"He got nineteen. One point five." anunsiyo ko.

Otomatikong naglikha ng kinikilig na ingay ang mga babae. Nagsundutan sina Kelly at Lian na sinabayan ng kanilang mga bungisngis. Si Noemi na nakaupo sa ikalawang upuan galing saking katabi sa kaliwa ay tinapunan ng nilukot na papel sina Kelly.

"Mr. Nursing, come here infront. Bakit nanahimik ka lang jan?"

Sinamaan niya ako ng tingin bago siya tumayo at nagpunta sa harap dala ang kanyang testpaper. Ano bang problema niya? Every single one of us inside this room would die to get that score tapos siya, hindi magiging proud? If pa humble lang ang peg niya, ay hindi siya credible. He seems arrogant and proud for me.

Pumalakpak ang bakla naming kaklase. Panay ang pag-aasaran ng mga kaklase ko sa isa't isa sa pagbanggit ng mga pangalan na may gusto sa seatmate ko na ngayo'y naglalakad na pabalik sa kanyang trono.

"Who got eighteen to sixteen?"

"Fifteen Miss!" sabi ng isa kong kaklse habang may isang nagtaas ng kanyang papel. Dalawa lang sila. So the rest, bagsak? Tatlo lang ang pumasa?

Pinapasa na niya sa harapan ang ibang mga papel. Inaayos na niya ang mga testpapers para ma record na niya ang aming mga scores.

"Anong nangyari sa inyo? kinalawang na ba ang mga utak niyo noong Sinulog?"

Kung sasabihin mong brokenhearted Miss at kakagaling lang sa break up, magtataas ako ng kamay.

"Review Chapter 18, may pre-test tayo bukas." Deklara niya bago lumabas ng classroom.

Sabay nag-ingay ang ang mga tao nang nakababa na siya papuntang faculty room. Hindi nila pinag-uusapan ang kanilang bagsak na score kundi ang karanasan nila noong sinulog.

Ang suplado kong seatmate ay may arteng kinuha ang kanyang bag at sinuot ang isang strap sa kanyang balikat habang naglakad palabas. Kasabay nito ang pag-anod ng pabango niya sa direksyon ko. Tinakpan ko ng panyo ang aking ilong.

Saan papunta yun? Same room lang ang sunod na klase namin a?

Binulabog ang pagtatanong ko sa sarili ng mga tili nina Kelly at Noemi na nag-unahan sa inupuan ni Azriel kanina. Dumating si Lian at pinagkikiliti silang dalawa kaya siya ang nakaupo.

"Ang swerte mo Amber! Sa'yo siya tumabi!" tili ni Kelly na sinamahan ng pagyugyog ng aking braso.

"Sa tabi ko lang naman ang bakante." walang ganang sabi ko.

"Meron pa kaya sa likod."

"Baka tinamad." Wala ngang balak tumayo kanina para ipangalandakan ang score niya.

Kinuha ko ang aking bag upang ilabas ang libro ko sa susunod naming subject. Hindi ko ito matagpuan, marahil naiwan ko sa locker.

"Baba muna ako, kukunin ko yung Research book." tumango sila saka nagpatuloy sa tsismisan.

Ang locker sa university ay nasa basement na inookupahan ng parking lot. Maliit lang ang espasyo nito kaya limited lang ang mga estudyanteng nagkaka locker. Paminsan minsan nakikishare si Lian sa'kin, malayo kasi bahay nila kaya tinatamad siyang magdala ng libro araw araw unlike Kelly at Noemi na nagdo- dorm malapit sa school.

Nakita ko sa isang room sa fourth floor ang isa kong kaklase na nakipagkwentuhan sa kanyang boyfriend. Kinawayan niya ako, tinanguan ko siya.

Pababa na ako nag hagdan nang makita ko si Riley na di rin inaasahan ang aming paghaharap.

Bumaling ako sa katabi niya, siya yung babaeng may pulang buhok na nililigawan umano ng kanyang pinsan. She's wearing a nursing uniform for senior year levels which is blue slacks and white blouse. Muli kong tinignan si Riley, at hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha ko. I miss him so damn much.

Nag-bawi ako ng tingin bago pa niya makita ang paglandas ng luha. Mabilis ang aking mga paghakbang pababa sa hagdan. Taas noo kong tinatahak ang dinadaanan sa kabila ng sumasakit kong lalamunan sa pagpigil ng hikbi.

Hingal akong napasandal sa nakahilerang mga locker. Napahawak ako sa'king dibdib dahil sa panunuot ng kirot. Hinintay ko ang taong nasa harapan na makalabas bago ako tumalikod at tinukod ang aking ulo sa isang locker.

Nanghihina ako at nahihirapan sa paghinga. Sa pakikipaglaban ko sa'king panghihina ay nagdudulot ito ng panginginig ng aking mga tuhod at kamay dahilan upang mabitawan ko ang susi. Wala akong sapat na lakas upang buksan ang aking locker. Hinahampas ko na ito animo'y magbubukas ito ng kusa. Naiiyak na ako sa takot na baka hindi ko na ito kakayanin hanggang mamaya.

"Amber!"

Sa boses na iyon nahihimigan ko ang pag-asa. Lumundag sa galak ang puso ko ngunit di pa rin naibsan ang hirap ko sa paghinga.

"Rai..." hikbi ko.

Taranta niyang hinila ang upuan na may sandalan saka niya ako pinaupo "Shit. Where's your inhaler?" tinuro ko ang aking locker. Natagpuan niya ang susi, muntik na niya itong maapakan . Mabilis niyang binuksan ang locker at may kinuha na maitim na pouch bag na pinaglalagyan ng aking inhaler.

"Breath." Huminga ako tulad ng iniutos niya. Alam niya ang tamang paraan, parati niya itong ginagawa sa tuwing inaatake ako ng asthma.

Ilang beses akong umulit hanggang sa bumuti ang aking pakiramdam. Binuksan niya ang kanyang bag. Naglabas siya ng kulay asul na tumbler at pinainom ako sa laman nitong tubig.

Habang kinakalma ang sarili, hinahagod niya ang aking likod. Hinawi niya ang takas na buhok saking mukha at gamit ang kanyang panyo ay banayad niyang pinunasan ang pawisan kong noo at leeg habang hinihipan niya ang aking mukha upang mahanginan. Napapikit ako sa kanyang ginawa. Palagi rin siyang ganito kapag ako'y inaatake. Na miss ko na kung paano niya ako alagaan ng ganito.

"Sorry..." malungkot niyang ani.

"Bakit?" halos pabulong kong sabi.

Bumuntong hininga siya."You don't have to see that, she's a friend and Evan's girl-"

Pinutol ko siya ng aking pag-iling at paglagay ng hintuturo ko sa kanyang labi. Inatake ako hindi dahil sa nakita ko. I know Riley, he's not the type na basta nalang makikihalubilo sa ibang babae. Mapili siya kung sino ang gusto niyang kausapin and maybe Scarlet's one of them because she's close to his closest cousin.

It's neither his fault nor Scarlet's.

"Hindi ito dahil doon. I ran kaya nag-trigger ng attack."

"Huwag mo ng ulitin." may pag-aalala niyang hinaplos ang aking pisngi.

"I'll try not to forget."

Ginulo niya ang aking buhok. "Ang tigas ng ulo." tumayo siya. Sumunod ako, inabot ko ang kanyang braso at kinapitan upang mahila ang aking sarili patayo.

Niyakap niya ako nang magkaharapna kami. Suminghap siya saka hinalikan ang aking buhok. Binaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at naamoy ang pabango niya. Naalala ko tuloy yung suplado kong seatmate kanina.

"Miss na kita." muling namumuo ang aking luha. Kumabog ang dibdib ko dahil baka ilang minuto o segundo nalang ay bell na, ayaw ko pa siyang bitawan.

Bumitaw siya at muling hinaplos ang aking pisngi "I miss you too." Nakangiti niyang sabi "You look great with your hair. Bagay sa'yo."

Suminghot ako't tumungo. Seeing him smiling down at me hurts. Matagal pa bago ito maulit o baka hindi na, we'll never know what will happen. Maraming pwedeng magbago. Isipin ko palang, naiiyak ulit ako.

"Sana mabilis tumakbo ang oras at ang araw para graduation na natin." Tinukod ko ang aking ulo sa kanyang dibdib.

"Hey..." he soothingly said. Nasa baywang ko ang kanyang mga kamay "Don't think much about it. Huwag mong bilangin ang oras at ang mga araw, mas madali kapag ganon. Then one day you'll wake up, graduation na. We'll be together again." I heard a slight enthusiasm in his voice. Napangiti ako.

"Magpapaka busy tayo." I supplied his suggestion.

"Right." pagsang-ayon niya.

"Pero sana bukas graduation na."

Tumawa siya sa sinabi ko. He framed my face at pinatingala sa kanya. "How I wish. Pero sa ngayon, kailangan mo nang bumalik, male-late ka na."

I smiled. Memoryado niya ang schedule ko. Hindi ko makalimutan kung paano kami nagpunta sa Copycenter upang ipa xerox copy ang aking studyload.

Kinuha ko na ang Research book ko at sakto naman ang pag bell. Pinauna niya akong lumabas ngunit tumigil ako at muli siyang niyakap ng mahigpt na mahigpit.

"Let's treat each other casually from now on, Amber. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko ngayon but after this onwards, let's act as acquaintances."

Pinunasan ko ang tumakas na luha saka tumango. I faced him. Walang emosyon niyang pinunsan ang panibagong landas na tubig galing sa'king mga mata.

Wala ng mga estudyanteng nakapila sa elevator. May lumabas sa isa at doon kami pumasok. Pinindot niya ang fifth floor at seventh floor.

Wala kaming parehong imik. Hinihiling ko na sana masiraan kami para mas matagal pa kaming magkasama. Bale extension kumbaga, ngunit hindi ako pinagbigyan.

Ako ang unang bumaba. Lumingon ako only to find his face void of emotion. At hindi nakalampas sa'kin ang pamamasa ng kanyang mga mata. I took everything in his blank face habang dahan dahang nagtagpo ang dalawang aserong pinto hanggang sa tuluyan na itong nagsara.

I ignored the reflection staring back at me, dahil ang nakikita ko pa rin ay ang huling alaala ko kay Riley sa likod ng pinto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top