THIRTY THREE

CHAPTER THIRTY THREE
______________________________________
Maingay silang nagkukuwentuhan sa hapag kainan kahit kakagising palang. Pero mas maaga talagang nagising ang mga katulong dahil sa pagbaba namin, nakahanda na ang agahang pandesal, kanin, hotdog at sunny side up.

Nakahanap ako ng choco powdered drink sa counter. Naalala ko yung pinainom sa'kin nun ni Azriel yung pinapares sa suman. Wala siya sa dining table, siguro tulog pa iyon.

"Ba't dalawa ang tinimpla mo? Para kanino 'yang isa?"

Napahinto ako sa tanong ni Lian. Tinignan ko ang tinitimpla ko saka ang katabing tasa. Ako ang nagtimpla sa isa? Bakit hindi ko namalayan? Wala naman ito kanina pagdating ko kaya ako nga siguro ang nagtimpla.

"Sa'yo ." sabi ko. Parang hindi ako sigurado sa sinabi ko. Sige Amber, isipin mo pa si Azriel!

"Sure ka?" kahit hindi ko siya tignan , halata ang pagdududa sa kanyang tono.

Tumango ako habang nagtitimpla pa rin sa tasa. Iinumin ko na ba 'to? Hindi ko pa nga tinikman, baka matabang o sobrang tamis.

Kita ko sa gilid ng aking paningin ang pag-iling ni Lian.

"Alam kong hindi sa'kin iyan." kiniliti niya ako. " mag usap tayo mamaya."

Hinarap ko siya na akma nang babalik sa hapag kainan. "Wala naman tayong pag-uusapan."

"Tayong apat ang mag–uusap." balewala niya sa sinabi ko saka umupo sa tabi ni Terrell. Gumaganti 'to panigurado. Iyan, mang–asar ka pa sa kanila Amber!

Nahagip ng paningin ko si Azriel na nasa terrace at nakaupo sa marbled ledge. Nakaharap ang katawan niya dito sa loob pero ang ulo niya'y nakamasid sa labas, parang malalim ang iniisip. Nakasando na naman siya kaya nalantad ang hulmado niyang biceps. Kinuha ko ang dalawang tasa at pinuntahan siya sa labas.

Bahagya siyang nagulat sa pag abot ko sa kanya ng tasang may choco drink. Kumalas siya sa pagkakahalukiphip at tinanggap ang tasa.

"Thanks." aniya, maingat siyang humigop sa inumin. Inaantok pa ang kanyang mga mata. Ang gwapo talaga niya.

"Hindi ka nag exercise." puna ko.

Lumunok siya saka pinatong ang itaas niyang labi sa ibaba niyang labi. "Terrell told me."

Kumunot ang noo ko.

Tinignan niya ako na may aliw sa kanyang mga mata. Ngumisi siya nang mas lalong nakapinta ang pagtatanong sa'king mukha. Anong sinabi ni Terrell? May dapat ba siyang sabihin?

"Tinitigan mo ako habang nagpu-push up. Is it true?" naaliw niyang pagtanong.

Unang naisip ko ay ang kalbuhin si Terrell ngayon. Makahiram nga ng gunting kay Lian.

Tinikom ko ang aking bibig at hindi pinahalata ang pagkakapahiya at guilt, pero
nahalata niya yata dahil nanginit ang pisngi ko, paniguradong namula ako!

"Hindi. Huwag kang maniwala dun sa kaibigan mo." tinalikuran ko siya't bumalik ako sa loob. Umalingawngaw ang kanyang halakhak kaya napahinto sa kwentuhan ang mga nasa hapag kainan, na curious sa kung anong ikinatawa ni Azriel.

Nagtungo ako sa counter upang ilapag ang hindi ko naubos na inumin saka ako umakyat sa kwarto. Sinara ko ang pinto at padabog na dumapa sa kama. Binaon ko ang mukha ko sa unan saka tumili sa kahihiyan at hinahampas hampas ang kama.

Gusto kong magmura! Bakit ba kasi kailangang sabihin ni Terrell yun! Hindi naman yun ikakaunlad ng Pilipinas! Pwera nalang kung naging sila na ni Lian dahil sa sinabi niya.

Lumangitngit ang pinto at hinihiling kong kahit sino sa kanila ang pumasok huwag lang siya. Maingat ang mga hakbang, so hindi maaaring ibang tao ang pumasok.

Wala akong maisip kung paano pa ihahanda ang sarili ko, wala akong magawa kundi ang tiisin ang pagsiksik ng mukha ko sa unan.

Tumalbog ako sa pagsampa niya sa kama. Sumiksik sa ilong ko ang bango ng kanyang deodorant kaya napagtanto ko ang lapit niya sa'kin.

Hinaplos niya ang aking buhok tapos ay pinaglaruan, ngunit hindi pa rin ako nag angat ng tingin. Hinarap ko ang aking mukha sa may pader----yung hindi nakaharap sa kanya----upang makahinga. Bahagya siyang tumawa. "Okay lang naman na gawin mo yun, kasi ganoon din ako sa'yo. Tinititigan kita. Palagi."

Binaon ko muli ang mukha ko sa unan. Mas lalo siyang humalakhak.

"That's enough Amber. Ashtmatic ka, baka hindi ka na makahinga." pinaharap niya ako ngunit hindi ako sumunod kaya kiniliti niya ako. Mas tinakpan ko ang aking mukha.

"Shy baby." pakanta niyang ani habang hinahawi ang buhok na dumidikit sa'king mukha.

Iniwas ko ang mukha ko sa kanya. "Inaantok pa ako."

"No you're not. Nahihiya ka lang, but you don't have to. Ako ba nahihiya kapag nahuhuli mo akong tinitignan ka?"

Tinanggal ko ang pagkakatakip ko sa'king mukha. "Oo! Nag iiwas ka kaya ng tingin!"

"That was one time!" tumawa siya.

"Maraming beses kaya!"

Umabot yata sa labas ang tawa niya. Ngayon ko palang narinig na tumawa siya ng ganito. May drugs yatang nahalo sa choco drink na tinimpla ko sa kanya kanina. He seems ecstatic and...bubbly.

"So...ayaw mo akong mag-iwas ng tingin?" nanunya niyang tanong. Tinignan ko na siya. Nakadapa rin siya sa kama at nakapalumbabang nakatingin sa'kin na may aliw sa mga mata. "Okay. If that's what you want. Gusto ko rin naman yun."

Inikutan ko siya ng mata na muli niyang ikinatawa.

Nanatili lang kami sa bahay ngayong araw. Bukas pa namin napagdesisyunang pumasyal sa mga tourist spots sa Bohol. Ewan ko kung ano ang ginagawa ng mga lalake ngayon sa labas dahil umalingawngaw ang mga tawanan nila at sigaw nina Archer at Carlo.

Maraming oras ang ginugol ko sa pagtulog. Wala nag-akmang gumising sa'kin maliban nalang kung pababain ako para kumain. May salin pa ang pagod ko sa mga nangyari kahapon at nagiipon din ako ng lakas para sa pagpasyal namin bukas.

Magtatakipsilim na nang magising ako. Dumungaw ako sa baba ng kama nang may napansin at nakita si Aria na mahimbing ang tulog sa foam mattress. Maingat akong bumaba sa kama upang hindi siya magising.

Hindi pa ako nakababa ng tuluyan sa hagdan ay nilapitan na ako ni Lian at hinigit pabalik sa taas. Kasunod niya sina Kelly at Noemi. Naalala ko ang sinabi niya kaninang may pag-uusapan kami.  Dinala nila ako sa balcony.

"Ano na kayo ni Azriel?" biglang tanong ni Lian. Seriously? Ito ang pag-uusapan namin?

"Wala. Friends." kaswal kong ani. Umupo ako sa sahig ng balcony na gawa sa Red Oak wood saka sumandal sa pader.

Rinig hanggang dito ang kaingayan nila sa sala na mukhang naaaliw sa pinapanood sa tv.

"Hindi friend ang turing niya sa'yo. " akusa ni Noemi na nag-squat na rin sa sahig at sumandal sa balcony railing na gawa sa kahoy katabi si Kelly. Nasa tapat ko naman si Lian na mukhang inahing lawin na binabantayan ang paglipad ng kanyang anak.

"Are you attracted to him, too?" napairap si Lian sa sarili "I guess that's a rhetorical question. I mean, sino bang hindi maa‒attract sa kanya?"

"Ayaw ko." walang emosyon kong sabi.

"But you are."

"I can't betray Riley." giit ko. Wala akong tinitignan sa kanila. Nahihiya ako sa
sarili ko. Ayaw kong nasasaksihan nila akong ganito, at mailalantad ko sa kanila at sa sarili kong kaya ko palang manakit. Pakiramdam ko hindi ako mabuting tao.

Inaamin ko naman na may katotohanan ang kung ano sa tingin nila ang nararamdaman ko ngayon. May kaibigan ka pa namang pinaglihi yata sa manghuhula at mambabasa ng utak.

"Amber wala na kayo ni Riley. Free yourself from him." mahinahong wika ni Noemi.

"Magkakabalikan pa kami." kulang sa conviction ang aking tono. Pati paniniwala ko sa gusto kong mangyari ay nanghihina na. Ito ang ikinakabahala ko.

"Pero hindi expected na porket magkakahiwalay ay paniguradong magkakabalikan talaga. A lot can happen Amber. Azriel happened! Maybe you're just stuck with the memory of being in love with Riley. Nasanay ka sa kanya, at masyado kang mabait upang panindigan ang pangako mo kahit wala naman talaga siyang hinihiling sa'yo."

"Pero umaasa siya!" naluluha kong tinignan si Lian. Ayokong tanggapin ang mga sinasabi niya!

"Let's say umaasa nga siya, pero hindi naman lahat ng expectations natatamo di ba? We disappoint people. And I know you know that you also felt that you have disappointed not just other people but yourself, dahil umaasa ka rin sa sarili mong si Riley lang but..." nagkibit balikat siya. Kahit hindi na niya ituloy, may ideya ako sa kung ano man ang susunod niyang sasabihin.

Tinupi ko ang aking mga tuhod at sinandal doon ang aking baba. Niyakap ko ang aking binti. Bakit ba kasi may ganitong kakayahan si Lian? Why does she always say the right things?; She speaks for my inhibitions, she speaks for my inner turmoils and emotional dilemmas, she speaks for everything that I couldn't even admit to myself. She speaks for my blind and close side of things.

I don't hate her. I love her because she's one of my bestfriends. Ang ayaw ko lang kasi ay ang mabilis niya akong nababasa. Nahawaan na rin sa kanya si Noemi na kalmado lang. And Kelly, nanonood lang siya sa'min at panay ang tango.

Kanina pa siya hindi nagsasalita. Maloko siyang ngumisi saka hinila ang manggas ng kanyang shorts sa pag-aayos niya ng upo.

"I'll keep my mouth shut dahil alam kong wala nang kahinaan ang boses ko baka marinig pa nila sa baba.  Makikinig lang ako sa inyo but let me tell you this, Amber. Agree ako sa kanila." aniya.

"Did Riley assure you na babalikan ka niya?" maingat na tanong ni Noemi. Malabo mula sa kinauupuan ko ang ekspresyon ng kanyang mga mata sa likod ng kanyang eyeglasses dahil sa silaw galing sa fluorescent light.

Determinado ko siyang tinignan. "He will. I know he will. Kilala niyo siya. He's a man of his word."

"But he didn't assure you, right? Hindi malayong inisip din niya ang posibilidad that you two can get attracted to another person besides yourselves. Ikaw lang naman yata ang naglikha ng assurance na sinasabi mo."

Binaon ko ang aking mukha sa gitna ng magkadikit kong mga tuhod. Napahigpit ang yakap ko sa'king binti. Naiiyak na ako sa mga pinagsasbai nila. Naiiyak na ako sa katotohanan. Naiiyak ako sa mga napagtanto. Oo, wala ngang siniguro si Riley. Ako lang.

Don't cry now Amber. Stop being a baby!

"Amber..."

Napaangat ako sa pagtawag ni Noemi.

"You can dictate your choice, but not this one." tinuro niya ang kaliwang bahagi ng kanyang dibdib. Sa pagbaling ko doon, naramdaman ko ang malakas ng pagtibok ng puso ko. Tumibok sa pagsang-ayon, like it's beating for the words that was very well said.

"Masama ba akong tao?" mahina ang aking boses. Mukhang hindi naging sapat ang buong araw kong pag-idlip.

Umiling silang tatlo. Malungkot na ngumiti si Lian.

"You're too loyal for your own good. Masyado kang loyal kay Riley. Loyalty mo nasa kanya, pero ang puso mo nasa iba."

Napaismid ako at halos matawa. "Puso agad? Girls attracted lang ako!"

"Doesn't seem like it. Pinipigilan mo."

Natahimik ako sa paratang ni Lian at nag iwas ng tingin. Wala na rin naman akong maitatago sa kanila dahil kahit wala akong sasabihin, nababasa nila ako.

At sa nagdaang katahimikan---maliban sa paghahanda ng mga plato't kubyertos sa kusina----napagnilay-nilayan kong aminin sa kanila ang four days deal namin ni Azriel na siya lang naman ang tumutupad.

"So free yourself from all the shitty inhibitions!" madramang komentaryo ni Lian. "Magla-last day na pala kayo so might as well make the best out of it. Kahit ngayon lang. Try mong magpaka‒wild. Detach yourself from your normal innate self at maging ibang tao ka. You can be anyone you want to be, here. Hindi ka namin huhusgahan. Huwag mong dalhin rito ang mga naiwan mo sa Cebu. Lahat ng mga kakilala mo doon kalimutan mo muna ngayon. Think about right now. Think about today. Isipin mong may amnesia ka at ang mga taong kasama mo ngayon ay ang tanging mga kilala mo. This serves as your getaway."

"Kung ano man ang mga nagawa mo rito, mananatili lang din dito." dagdag ni Noemi.

"Kaya halikan mo na si Azriel." ani ni Kelly na pinaglalaruan ang kuko sa kanyang paa. Sinimangutan ko siya, habang sumasang ayon naman ang dalawa.

Ramdam niya yata ang masama kong tingin sa kanya dahil nag angat siya ng tingin. Relax siyang nagkibit balikat.

"Kung gusto mo lang naman. Wala akong sinabing gawin mo." malapad siyang ngumisi saka binalikan ang kanyang kuko.

"Pwede ka namang magmahal ng dalawang tao ngunit sa magka-ibang paraan nga lang. Gaya namin, you love us, but as a friend or more like a sisterly-like love." ani ni Noemi.

"Kayo? Love ko? Huwag assuming." pabiro kong pagtataray.

"Ang sama mo!" hinila ni Lian ang paa ko kaya muntik na akong mapahiga. Tinapunan naman ako ni Kelly ng kakatanggal lang na kuko niya sa paa.  Napatili ako sa pagkiliti ni Noemi sa'kin habang pilit kong hinahawi ang mga kamay nila.

"Joke lang please tama na!" natatawa kong saway sa kanila.

"Oi Ano yan?" hindi pa rin sila tumigil kahit sa pagdating ni Terrell. Bigla nalang pumaligid ang flash na inakala kong kidlat pero nang may tumunog na shutter, napagtanto kong kinunan kami ng litrato.

"Picture tayong apat!"

Hingal akong tumayo at nagtungo sa railing kung saan na sila nakapwesto. Kahit anong pose ang ginawa namin. Nakalimang takes yata kami o sobra pa bago kami bumaba upang makapaghapunan.

Nakaabang na ang mga mata niya sa hagdan pagkababa namin. Tinagpo ko ang kanyang tingin at tipid na sinuklian ang kanyang pagngiti.

Marami na sila ang nagsabi, hindi lang si Azriel, mga kaibigan ko na mismo. At hindi ko ipagkakaila na ako rin, gusto ko ring sundin ang mga pangaral nila. Mahahayaan ko naman ang aking sarili ngunit pinipigilan ko, tinatanggi ko at kinokontrol ko, kahit hindi naman dapat.

Huwag mo munang isipin ang iba Amber. Ikaw muna. Kayo muna.

Lumapit ako sa hapag kainan at ako na mismo ang tumabi sa kanya na walang pag-aalinlangan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top