THIRTY FIVE

CHAPTER THIRTY FIVE

Nakasunod kami sa tour guide---na siyang taga-picture na rin namin---at pinakita ang mga transparent frames ng iba't ibang pakpak ng butterfly. Pinapunta niya si Noemi sa harap ng frame saka inanggulo ni kuya tour guide ang pakpak sa kinatatayuan niya.

Pagkakita namin sa shot, may pakpak na si Noemi. Na-engganyo si Carlo at sumunod rin ang iba. Nag-jumpshot si Kelly kaya mistula siyang lumilipad.

Nakatayo kami sa may kubo at pinanood sila. Inaasar ni Kelly si Brennan dahil ginaya nito ang kanyang pag-jumpshot.

"Pwede ring couple dito." ani ni kuya tour guide.

Maingay nilang pinagtutulak sina Terrell at Lian. Sina Archer at Kelly ay lumingon dito sa likod at hinila ako at si Azriel. Panay ang atras namin pabalik sa kubo. Kiniliti ako ni Kelly dahil sa pagtanggi kaya tumakbo ako palayo sa kanila.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko dito sa tabi ng mga halaman na may malalaking bulaklak. Nagpitas ako ng petal habang pinagmamasdan sina Lian at Terrell na naka pose na. Nakisali ako sa panunudyo sa kanilang magholding hands. Mas lumakas ang aming hiyaw sa kanilang paghahawak kamay.

Natagpuan ako ni Lian na nasa di kalayuang harap nila. May panggigigil niya akong tinuro. "Dapat kayo rin ni Azriel! Ang daya mo!"

Natatawa akong umiling at dinilaan sila.

Pagkatapos picturan ni kuya tour guide, aalis na sana sila ngunit pinigilan ko.

"Isa pa daw kuya! Ibang pose naman." malakas kong deklara dahilan upang habulin ako ni Lian.

Dumaan kami sa Loboc River, sayang hindi kami nakasakay sa floating restaurant. Ubos na rin siguro ang mga pagkain dahil tapos na ang lunch. May nadaanan kaming mga bahay na naapektuhan ng lindol, ang iba ay bagong tayo at mga renovations naman ang ilan. Huli naming destinasyon ang Sandugo shrine. Hindi na ako bumaba dahil sa antok. Sinubukan kong umidlip sa van habang hinihintay sila.

Nakabukas ang mga bintana kaya umabot dito ang mga boses at tawa nila sa labas.

Bahagya akong napadilat dahil parang may bumubuga ng hangin sa mukha ko. Pagkadilat, nakaharap na ang mukha ni Azriel sa'kin habang nakatungo rin ang ulo sa likod ng upuan sa harap, hawig sa posisyon ko.

Pinigilan ko ang paghikab habang umayos ng upo. Sumunod siya't hinila ang aking ulo sa kanyang balikat. Ramdam ko ang pagsandal ng ulo niya sa ulo ko.

"Sisitahin ka ni Kelly kung diyan ka uupo." nakapikit kong sabi.

"Hindi niya ako mapapaalis."

Mahina ang nagawa kong paghampas sa kanyang binti. Naging komportable ako sa ganoong posisyon kaya hinayaan ko ang sariling makampante't makalma sa balikat niya't bisig.

Sunod kong namalayan ang maingay nilang pagpasok sa van. Natunugan ko ang halakhak ni Kelly na bigla nalang natigil.

"O?"

"Doon ka." ma-otoridad na ani ni Azriel.

"Makautos 'to." reklamo ni Kelly.

Ramdam ko ang hangin sa pagbuntong hininga ni Azriel sabay kuha ng kung ano sa kanyang likod, marahil bag ni Kelly. "Please?"

Bahagya akong dumilat upang tignan ang kanyang reaksyon ngunit nagtungo na siya sa dating inupuan ni Azriel. Muli akong pumikit at natulog sa buong biyahe namin pabalik sa bahay.

"Guys! uuwi na tayo bukas kaya sulitin na natin 'to." deklara ni Carlo pagkarating namin. Pagod silang nagsiupuan sa sofa habang ang iba'y dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig.

Nag inat si Archer saka humikab. "Let's party!"

"Mamaya, ang aga pa e."

Tinignan ko ang wallclock sa gilid ng full body mirror sa tabi ng pinto. Quarter to six palang.

Ako ang unang umakyat sa kwarto at nagmadaling kumuha ng towel para ako rin ang maunang maligo. Nawala ang kaunting antok at pagod ko sa pagtama ng tubig sa'king katawan.

Iniisip ko ang mga mangyayari mamaya. Last night na namin ngayon. Parang nakaramdam ako ng pait sa sinabi ni Carlo kanina.

Nadatnan kong nakahilata si Noemi sa kama at gulo gulo ang buhok. Suot pa rin niya ang sinuot namin sa pamamasyal. Kinuha ko muna ang aking cellphone at charger saka nag-charge sa bakanteng outlet. Tumabi ako sa kanya habang may nakapulupot pang tuwalya sa'king ulo.

"Ang bango...buti ka pa nakaligo na." inaantok niyang ani.

"Maligo ka na."

"Maya. Tinatamad pa ako." tinakip niya ang isang braso sa kanyang mata. Pinagigitnaan namin ang kanyang eyeglasses.

Bumaling ako sa kisame habang inaalam ang pinapanood nilang palabas sa baba. Parang foreign film dahil sa english ang dilalogue na naririnig ko. Wala manlang silang kapaguran? I wonder if Azriel's with them. Sleeping beauty pa naman yun kaya magtataka talaga ako kung nasa baba din siya't nanonood.

"Wala palang  FB si Azriel?" tanong ko nang may maalala.

Neweweirduhan pa rin talaga ako. I find it hard to believe na wala siya niisang social media account. Parang napag iiwanan siya ng mundo at sibilisasyon.

C'mon! We're living in a world of technology! Four years old na bata nga may IPAD na. Mga aso nga may Instagram tapos siya 'tong tao wala? Naisip ko rin na baka niloloko lang niya ako. But he seems serious when he said it.

"Ngayon mo lang alam?" gulat ang mukha niyang nakatingin sa'kin nang bumaling ako sa kanya. Bahagyang naningkit ang kanyang mata pagkatapos. Baka dahil sa panlalabo ng kanyang paningin.

Ako rin ay di makapaniwala. So it's not a joke? He's not kidding me? "Alam mo?"

Halos matawa siya. "Oo kaya. Matagal na. Fan page lang meron siya, pinsan ni Ellis ang founder. Palibhasa deboto ka pa kay Riley nun kaya wala kang alam sa pangyayari sa paligid mo."

"May alam din naman ako." depensa ko.

"Meron nga, pero wala kang alam kapag ibang lalake na ang pinag-uusapan."

Napaawang ako't napabuga ng hangin. "Alangan namang magkaka-interes ako sa ibang lalake kung may boyfriend naman ako."

"Kaya nga, deboto ka pa kay Riley noong mga panahong yun. So you cared less about other guys besides him and your kuya."

Deboto talaga? Ano yun, poon?

Hindi na ako umimik. Totoo din naman kasi ang sinabi niya. I didn't check out other guys. What's the point if I had the best boyfriend? Who is now my ex.

Isang oras yata ang lumipas bago kami bumaba para magdinner. As usual, ang dami na namang niluto ng mga katulong at ni ate Gwendolyn. Parang hindi pa nga natunaw yung kinain ko nung lunch kaya kaunti lang ang kinain ko ngayon.

Hiniram ko ang DSLR ni Lian para tignan ang mga kuhang pictures namin kanina. Hindi napawi pawi ang ngiti't tawa ko kada browse sa mga shots. Napahagalpak ako pagkakita sa mga stolen. Ang epic ng mga mukha!

"Tag mo ako nito Lian ha?" ani ko.

"Oo naman."

Bahagya kong binaba ang camera nang maramdaman ang pagdungaw ni Azriel. Pansin kong ganito siya, hindi nanghihingi ng permiso na makitingin katulad nung nakikibasa siya sa libro ko. Anyways, I find it cute.

Sa gilid ng aking paningin, kita ko ang paglagay niya ng isa niyang braso sa sandalan ng aking silya. Mas nilapit niya ang kanyang mukha sapat na upang maramdaman ko ang kanyang paghinga at umabot sa mukha ko ang tuktok ng kanyang nakatayong buhok. Binalewala ko lang yun pero sa totoo lang, namamawis na ang mga palad ko.

Sabay kaming nagtawanan pagkakita sa picture ng nakangangang stolen shot ni Carlo. Paniguradong si Terrell ang kumuha nito. Mahilig din yun mang-asar eh. And speaking of him, hindi ko pa siya na-confront dahil sa ginawa niyang pagsumbong. Gusto ko siyang i-blackmail.

Napawi ang ngiti ko at napalitan ng pagnguso at marahil panginginit rin ng aking mukha pagkahantong sa picture namin ni Azriel. Ito yung kuha ni Kelly sa'min sa park. Para kaming mga bakasyunista sa ibang bansa.

Akmang ililipat ko na sa susunod na picture ngunit hinawakan niya ang daliri ko't nanatili doon, pinipigilan ako. Nagtatanong ko siyang nilingon. Nakatitig siya sa picture namin. I noticed the longing in his eyes.

"Bakit?" tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin saka ngumiti. Umiling siya bago binalik ang tingin sa camera.

"Ito lang ba ang picture natin?" tanong niya. Nakapatong pa rin ang thumb niya sa thumb ko pero siya ang nagpipindot ng button sa pag-browse.

"Meron sa phone ko." ani ko.

Lima nalang kaming nasa dining table. Kumakain pa si Aria samantalang may pinag-uusapan naman sina Brennan at Kent tungkol sa basketball.

"Here."

Muli akong napatingin sa camera. May kuha ulit kaming dalawa pero ang ikinagulat ko ay tulog kami pareho sa picture. Ito yung natulog ako sa balikat niya sa van!

"Sinong kumuha nito?"

Nagkibit balikat lang si Azriel at nagpatuloy sa pagbrowse kaso last na yung kaming dalawa.

"It's nice."aniya habang nakatingin pa rin sa picture. Inalis ko na ang daliri ko sa DSLR.

"So nagustuhan mo?" sarkastiko ang aking tono.

"Bakit naman hindi? Ipadevelop ko pa e." ngumisi siya.

Nag-iwas ako ng tingin. Dapat sanay na ako kapag ganito si Azriel. Well yes, I am gradually  getting used to him like this. Ang ikinaiwas ko lang ay ang epekto nito sa'kin.

His effect on me is so intense that I want to jump away from it like I was being touched by a burning flame. Ewan ko ba kung dahil ba sa mga nakakapaso niyang pagtitig. Basta! He's just so intense-looking for me. You'd be a slave by his stares in  no time.

"Magpanggap ka namang nagustuhan mo. Ano, ako lang yung may gusto?" may bahid ng paunudyo ang kanyang tono.

Napairap ako. "Oo na. I like it."

Kumunot ang noo ko sa kanyang pananahimik. Walang emosyon ang mukha niya pagkabaling ko sa kanya. Anong nangyari? Why the sudden change of mood?

Nagbaba siya ng tingin at tipid na ngumiti. He looked hurt. Parang may naghiwa sa puso ko't pinagpira-piraso ito. Binalikan ko ang huli kong sinabi. Right, para akong napilitan. Jeez Amber! Why so insensitive?

"I mean it." malamyos kong sabi, pambawi sa pagtataray ng boses ko kanina.

I meant that tone as a joke pero gusto ko naman talaga yung picture namin. No filter. Nahirapan lang akong umamin.

His downcast expression made a sudden turn. Nagliwanag ang mukha niya, ngunit iba ang pinapakita niya sa'kin, mukha siyang nagpipigil ngumiti.

"Y-you do?" alinlangan niyang pagtanong.

"Oo nga."

Dahan dahang nag angat ang bibig niya upang ngumiti sabay gapang ng pula sa kanyang mukha. Inikutan ko nalang siya ng mata sabay tayo. Natatawa akong nagtungo sa sala at sinamahan ang iba sa panonood ng reality show sa tv.

Mag-aalas onse ng gabi ay naghanda na kami sa house party kuno. Hindi ko alam kung may bar dito sa Bohol, kung meron man, sobrang layo kung pupunta kami sa ganitong oras kaya dito nalang kami sa bahay nina Lian. Kumpleto din naman sa drinks at pulutan.

Kung party lang din naman ang pag-uusapan, pinagbihis din kami na pangparty talaga. Yung denim shorts at spare kong ruffle crop top nalang ang sinuot ko. Hapon pa naman daw ang biyahe namin bukas pabalik kaya ayos lang na umagahin kami ngayon.

"Saan si ate Gwendolyn, Lian? Ayaw niyang sumali sa mini house party natin?" inaayos ni Brennan ang buhok niya sa tapat ng full-body mirror.

"Tulog na sa taas. Pero okay lang namang mag-ingay tayo. She won't mind."

Pumalakpak si Brennan. "O'right!"

Sina Kent at Terrell ang nagdala ng mga drinks sa mesa samantalang sina Aria at Camila sa mga chips at ibang pulutan. Na-excite ako pagkakita sa tacos at cheese dip. Iyan ang una kong susunggaban!

Tumungo ako sa kitchen counter upang kumuha ng mga baso. Sinali ko na rin sa pagdala ang nag-iisang wine na nananahimik doon. Nagsibabaan na ang iba naming kasamahan. Nanuot sa ilong ko ang pinaghalong bango ng kanilang mga perfume pagkalapit nila.

May sinalin si Lian na cd sa stereo na pinagiliran ng dalawang naglalakihang speakers. Si Carlo ay pinangunahan ang pagbuhos ng vodka sa baso.

"Let's make the best out of this! After nito magiging busy na tayo sa board exam review, completion of cases at sa graduation!" tinaas niya ang kanyang baso.

Nagsikuha kami ng mga baso't namili ng gusto naming inumin, sa mga boys ay bote ng beer ang inangat. "Cheers!"

Nilakasan ni Lian ang volume ng radyo na nagpapatugtog ng party music. Kanya kanya kaming taas sa mga kamay sabay giling. Hindi lang puso ko ang sumabay sa pagdagundong, ramdam ko ang pagyugyog ng sahig sa lakas ng beat. Buong bahay yata ang yumanig!

Kasabay nito ang pagpatay ng lahat ng ilaw na nagpahiyaw sa'min ng husto.  At dahil parang nasa isolated island ang bahay nila Lian, nagdilim ang buong paligid. Kaunting ilaw lang ang nanaig na galing sa dalawang poste sa labas. Dito sa loob, ilaw galing sa stereo lang ang meron.

"Okay lang magkalat dito Lian? Don't worry, kami rin naman ang maglilinis pagkatapos." tumabi sa'kin si Kelly.

"Ikaw Kelly maglilinis? I don't think so." panunudyo ni Brennan.

"Sabi ko 'kami', kaya kasali ka!" tinaas niya ang umiilaw niyang phone at ginawang disco light.

Naalala ko ang cellphone kong kanina pa naka-charge. Umakyat ulit ako sa kwarto saka tinanggal ang charger sa outlet only to see a text from Lavinia. Two hours ago pa ang message.

Lavinia:
Tita said you're in Bohol. You're there without me?!

Naririnig ko ang histerikal niyang reaksyon at nanlalaking mga mata. She always loves to travel, at magtatampo yun kapag hindi siya sinasama sa mga vacation trips.

Me:
Kasama ko classmates ko. :)

Bumalik na ako sa sala. Umupo ako sa isang sofa habang naghihiyawan na sila. Aria and Archer are grinding at each other! Lasing na ba sila?

Lavinia:
Ow. Okay. Pasalubong!

Me:
Name it. Huwag lang tarsier kasi endangered na sila.

Lavinia:
Peanut brittle. Hihi. ;D

Ngiti akong nag reply ng 'ok' kasunod ang thumbs up emoticon at smiley.

"Sino 'yan?" dumungaw si Azriel sa phone ko at akma pang kukunin ito. Natatawa ko itong nilayo.

"Si Lav."

Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay, parang may inaalala. "Yung kulot?"

Tumango ako. Sinilid ko sa bulsa ang aking cellphone.

"Bakit ayaw mo sa kanya? She's pretty." ani ko.

Nasa akin ang mga mata niya habang tinutungga ang bote ng beer. He looks so manly drinking it. Masasabi ko talagang a real man drinks beer.

Maingay siyang nagpakawala ng hangin. "Kasi ikaw ang gusto ko."

Hindi na ako kailangang turukan ng injection laman ang kahit anong droga. Those words, being said by him is enough for me as a drug. And that burning flame stare...Nakaka-high! Pati mga insekto na nagdi-disco sa tiyan ko ay naka-drugs na rin yata.

"She's prettier." napigilan kong hindi mautal.

"Magkaiba kayo ng ganda. She's a wide-eyed beauty while you're...." tinitigan niya akong maigi. Kita ko ang paniningkit ng kanyang mga mata sa kabila ng dimlight. "slightly chinky. May kamukha ka ngang artista. Kaso hindi siya chinita. But you have similar eyes."

"Hmm..Solen Heusaff?" panghuhula ko. Tumawa siya.

"Ha! Nope."

Kunot ang noo ko habang nakangiti. "Sino?"

"Hmm...maputi rin siya, but I don't know her name." umismid siya. "Nevermind. Basta ikaw ang gusto ko."

Hinayaan ko siyang titigan ako, at hinayaan niya akong titigan siya. His beer totally forgotten. But I don't know what's the point of staring at each other. Nawawalan din naman ako ng sasabihin. Basta ang alam ko, sunog na sunog na ako sa titig niya.

Naputol lamang 'yon sa paghila sa kanya nina Archer at Terrell. Pinaligiran siya ng dalawa at sumunod na rin sina Carlo, Aria at Camila. Pinalibutan siya nilang gumigiling.

"He likes you."

Umupo si Kent sa tabi ko, yung espasyong inupuan ni Azriel kanina. Tipid ko lang siyang ningitian. Simula nung umamin siya, naiilang na ako kahit ayaw kong may magbago sa pakikitungo namin sa isa't isa.

"Gusto mo rin ba siya?"

Nag-iwas ako ng tingin saka yumuko. Ang daling tanong, madali lang din ang sagot pero hindi ko masabi. Iling at tango lang naman ang kailangan, pero pati 'yun nahirapan akong gawin.

"Nyetah, naunahan na naman ako." nagsalin siya ng inumin sa kanyang baso. Hindi ko alam kung ano 'yun, mukhang whiskey or rum.

"I'm sorry..." mahina kong sabi. Naiilang ako sa sitwasyon namin.

"Wala namang masama kung crush pa rin kita di ba?"

Nagtaas ako ng kilay. "Ganon ka ka-straightforward?"

Nagkibit balikat siya. "I learned my lesson. Kung hindi ko didiretsuhin, walang mangyayari. Katulad nalang ngayon...it took me long to confess, it took a lot of guts. Kaso nahuli pa rin." kabiguan ang tono sa huli niyang salita.

Wala akong ideya sa pag-handle sa ganitong sitwasyon. Sa amin kasi ni Riley noon ay mutual feelings kaya walang ganitong one way infatuation. I don't know how to make it up for someone.

Kay Azriel naman, I am attracted to him already, pero hindi ko 'yun aaminin. But I think may ideya na siya. Kent here...well he's a good person. He's attractive too. Clean cut hair at maamo ang mukha. Naimpluwensyahan nga lang ng kakulitan nina Archer at Brennan pero sa tatlo, siya ang pinakamatino.

"Try mo si Noemi. Mabait siya, and she's smart. You'll like her." wala akong ibang naisip kundi ang ireto siya sa iba. Is that even a better solution? Parang binebenta ko naman ang kaibigan ko dahil nabili na ako o na-sold out na.

"I'll try." tamad niyang sagot.

"Gawin mo hindi dahil sinabi ko. Gawin mo dahil gusto mo." sabi ko. Tipid lang siyang ngumiti.

Tinapik niya ako sa balikat. "Lalayuan na kita, duguan na ako sa nakakamatay na tingin nung isa."

Naguluhan ako sa huli niyang sinabi pero binalewala ko nalang. Natatawa siyang tumayo at lumapit kina Brennan. Nahagip ng mata ko sina Terrell at Lian na nagtatawanan habang sumasayaw sa lumang kanta. Play That Funky Music by Wild Cherry.

Nabigla ako sa pagvibrate ng cellphone ko. Inasahan ko si mama o baka si Lavinia na naman. But it was him. Nasa iisang bahay kami nagtext pa siya? Palibhasa naka-plan.

Azriel:
Bakit ka nakatingin kay Terrell? Do you have the hots for him?

Naguluhan ko siyang hinanap. Nakatayo lang siya malapit kina Terrell at nakasimangot. Kahit madilim halata ko pa rin.

Me:
Hindi porke't tinitignan ko, like ko na. Well...I like him as a friend.

Kahit binulgar niya ang lihim ko.

Azriel:
So you don't 'like' him?

Me:
No

Azriel:
:D

Nag angat muli ako ng tingin sa kanya. Ngising ngisi siyang tumutungga sa kanyang beer. Naramdaman niya yata ang mga mata ko kaya lumingon siya sa'kin. Nilapitan niya ako. Nilapag niya ang halos ubos niyang beer sa mesa bago ako hinila patayo at giniya sa mga nagsasayawan naming mga kasama.

"Oh ayan na ang dancing queen namin!" sigaw ni Kelly kasunod ang kanilang hiyaw.

Pinalitan nila ang music ng 'Dancing queen'. Sinakyan ko nalang din ang trip nila.

"Bakit oldies ang mga kanta?" natatawa kong tanong.

Nagtaas ng kilay si Azriel. "Para maiba?"

Nilingon ko ang iba naming mga kasama na kahit anong old school dance moves ang ginagawa. Para kaming mga sabik tumanda at magbalik sa nakaraan. This is weird in a good way.

Nag-ballroom kami ni Azriel. Eh kung freestyle dance lang naman ang pag uusapan, walang makakapalag sa'min. Wala akong alam sa pagsayaw ng ballroom kaya panay lang ang pag-iikot ikot niya sa'kin. Para lang kaming naglalaro.

Humigpit ang hawak niya sa'king baywang saka niya ako inangat dahilan upang ako'y mapatili. Sumunod ang pag-dip niya sa'kin saka na naman ako pinaikot. Hingal at natatawa kong sinandal ang aking ulo sa kanyang dibdib dahil sa pagkahilo. Umalingawngaw sa tenga ko ang tawa niya. Tinukod niya ang kanyang baba sa'king ulo.

Nilapit niya ang kanyang bibig sa'king tenga. "Thank you for giving me this chance Amber. Thank you for the four days. Masaya ka rin ba? Tulad ko?"

Tumango ako. Walang inhibitions. Last night na 'to. Bakit parang ang sakit. We didn't have something pero parang binagsakan ng malaking bato ang dibdib ko. Ang huling gabi na ito ay isang pamamaalam. At itong wakas ang nagsisilbing pesticide sa mga insekto sa tiyan ko. Nawalan na ng pakpak ang mga paro-paro. They're dying!

"Hindi ko man gusto na ito na yung huli, ayaw naman kitang pilitin. Alam kong siya pa rin. Masaya na akong ganito sa mga araw na magkasama tayo. Sa mga araw na hinayaan mo ako sa gusto ko."

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya na agad niyang tinumbasan. Hindi halatang may seryoso kaming pinag-uusapan dahil sa lakas ng music. Nagsasayaw pa rin naman kami ni Azriel. Slow dance nga lang.

Pinapanatili niya ang lapit ng kanyang bibig sa'king tenga.

"Hindi ko maisaboses kung gaano kasakit sa parte ko, Amber. He pulled you to him without effort, habang ako'y marami pang dapat paghirapan mahila ka lang sa'kin. Sa huli siya pa rin ang pinipili mo. No question that needs to be asked, right? It's always going to be him. Sa kanya pa rin ang inuuwian ng puso't isipan mo. I don't want to be hurt further, Amber. So I hope you'll just let this go. We were just until the memories. We would never be a reality. I think you can never be my reality."

Mas binaon ko ang aking mukha sa dibdib niya. Naikuyom ko ang aking kamay sa kanyang shirt. "I'm sorry. I'm so sorry."

"Please don't be sorry. Mas aasa lang kasi ako. It just means you can love me, but you won't."

"You lo---"

Binalik niya pagkakabaon ng mukha ko sa kanyang dibdib nang gumawa ako ng kilos upang siya'y matignan. Hindi ko alam pero parang may nagtulak sa'king magulat sa sinabi niya.

"It hurts to know that you can't say it back. At kahit wala kang sasabihin pabalik, alam ko na ang sagot. Silence doesn't always mean yes. Sometimes, silence hurts."

Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya dahil sa katotohanang nakapaloob doon. Sa hindi pagbigkas ng sagot, aakalain nating mas ligtas itong paraan upang hindi makasakit, pero hindi sa lahat ng oras maiibsan ang sakit sa pananahimik.

Pinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg. "It's like we're breaking up."

Narinig ko siyang ngumisi. But I know better. He's hurt. He's hurt like me. "Hindi naman naging tayo. Pero kung nagpanggap ka lang na may feelings ka sa'kin, at naging tayo, then maybe, we would have had a fake break up."

Bahagya akong natawa at ganon rin siya. Hinila ko ang sarili upang matingala siya.

Hindi man sapat ang liwanag galing sa poste sa labas, malinaw pa rin sa'kin ang mukha ni Azriel at ang kanyang ekspresyon. This is our last night, kaya babalewalain ko ang kung sino mang nakatingin sa'min ngayon. I won't care for tonight. Just for tonight.

Kinagat niya ang kanyang labi saka pumikit ng mariin, na parang nahihirapan siya sa kanyang ibig gawin. Dahan dahan niyang binaba ang kanyang mukha papalapit sa'kin hanggang sa nagdikit ang aming mga noo.

"Can I do this, Amber?" bulong niya.

Tumango ako. Of course you can Azriel, for as long as you want.

Mas nilapit niya ako sa kanya. We're still dancing opposite to the beat of the song.

"Ang sarap sabihin na sana ako nalang. Naitanong ko rin sa sarili ko kung bakit ikaw pa. Why do we have to feel this towards someone who can't reciprocate?"

Mahigpit kong pinikit ang mga mata ko sa natunugang sakit sa kanyang boses. Kung alam mo lang Azriel. Kung alam mo lang...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top