THIRTY EIGHT

CHAPTER THIRTY EIGHT

Ginabi ako ng uwi dahil nag-insist akong manglibre kina Lian para itigil na nila ang planong mag bar kami ngayong Sabado. Sa isang foreign foodchain sa Ayala kami kumain. But they still push their plan kaya sa huli ay pumayag nalang ako.

I know, parang napilitan lang ako pero malay natin baka magbago 'yung negative vibe ko ngayong weekend.

Hindi ko nasabi sa kanila ang pagkakatanggap ko ng tatlong roses. Wala naman kasi akong maisagot sa kanila kung itatanong nila sa'kin saan galing. At ang ipinagtaka ko, paano nakapasok yun dun eh nasa'kin lang ang susi ko sa locker buong magdamag.

Dalawang araw nang wala sa bahay sina Mama at Papa. They had this emergency meeting sa isang branch ng negosyo nila sa Manila so they went there as soon as possible. Okay din yun para mabisita nila si kuya. I know they miss his presence sa bahay, especially si Mama.

Dati, noong halos isang taong nasa States si Kuya, napaluha si Mama nung tumawag siya. Sinanay naman kasi na lambingin ni kuya si Mama kaya ganon nalang siya ka-emosyonal.

They sent me their birthday greetings earlier. That was lunch time. Wala naman sa'kin kung wala sila sa bahay. They've given me everything I want so wala akong karapatang magreklamo kung wala sila sa kaarawan ko. I still feel blessed to have them. At kahit hindi ako hinihingi ay binibigay nila.

Tamad kong pinipindot ang remote control ng tv, naghahanap ng magandang palabas habang hinihintay si Riley. It's fifteen past eight, kapag ganitong oras ay nakarating na siya sa bahay nila pero noong third year pa 'yun, nung alam ko pa ang class schedule niya.

Nasurpresa ako pagkakakitang may cake sa hapag kainan. Isang kandila ang nakailaw sa gitna. Kinantaha ako ni manang Terry pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi sabay bati sa'kin.

"Thank you po Manang..." sabi ko. Inihipan ko ang kandila.

"Spaghetti lang ang naihanda ko. Ayos lang ba sa'yo?" nilapag niya ang malaking plato laman ang niluto niya.

"Oo naman po." kahit galing ako sa kainan, hindi ko matanggihan ang luto ni manang. Expert siya sa pagluto ng pasta.

Napalingon ako sa pagbukas ng pinto sa pag-aakalang pumasok si Riley. Pero ang naka chef uniform pang si Lavinia ang bumungad. Nakapusod ang kulot niyang buhok at naka-bow bandana headband.

"Hoy ganda! Happy birthday! Naamoy ko palang ang luto ni manang alam ko nang kaarawan mo. O regalo ko, pinaghirapan ko 'yan."

Natatawa kong tinanggap ang paperbag. "Makikikain ka lang eh."

Tamad siyang magbalot sa gift wrapper kaya palaging paperbag ang pinambalot niya sa mga regalo.

"Stress ako sa OJT, pakainin mo naman ako." hingal siyang umupo sa upuan at pinagmasdan ang pagsandok ni manang Terry ng spaghetti sa plato niya.

"Saan ang mga kapatid mo Lav? Marami 'tong niluto ko kaya hindi namin mauubos 'to ni Amber." Inabutan niya kami ng tinidor saka kami nagsimulang kumain.

"Wala ba kayong bilib sa'kin manang Ter? Sa stress ko sa pagluto namin kanina, ay mauubos ko 'yan." ani ni Lavinia.

"Tawagin mo sila Lav." sabi ko.

"Kuya Trent! Kilmer! Kakain na!" sigaw ni Lavinia. Napailing si manang Terry.

"Baliw! Tawagin mo 'don sa labas! Hindi ka nila naririnig dito!" natatawa kong sita sa kanya sabay tulak. Napaubo siya sa ginawa ko.

"Wait!" uminom siya ng tubig at tumayo. Isang beses pa siyang sumubo bago tumakbo palabas at tumawid sa katabing bahay.

Kasama na niya ang dalawa pagkabalik ni Lav. Umingay ang bahay dahil sa kanila, at ubos rin ang lahat ng hinanda ni manang. Mabuti na rin para walang masayang na pagkain.

Pagkatapos magdinner, dumiretso si kuya Trent sa sala at binuhay ang video player. Rinig ko ang paghahanap niya ng mga cd's doon. Ilang sandali lang ay tumunog ang matinis na pagfeedback ng microphone kasunod ang pag-kanta niya ng 90's na kanta.

"Yo, I'll tell you what I want, what I really really want, so tell me what you want, what you really really want. I wanna, I wanna, I wanna, I wanna, I wanna really really really wanna zigazig ha."

Humagalpak si Lavinia samantalang hiyawan kami ni manang, ngumisi lang si Kilmer at napailing sa kuya niya. Sinabayan na namin si kuya Trent sa sala. Nakakanta kaming lahat lalo na si kuya Trent na palaging inaalaska ni Lav.

Nasa ganoon kaming eksena nang makarinig ng pagdating ng sasakyan. Inunahan ako ni Lavinia sa pagdungaw sa bintana.

"Kayo ulit? Nagkabalikan kayo?"

Sumilip ako. Nakaparada na ang black Maserati ni Riley. Lumabas ako at hinayaan silang magpatuloy sa kantahan sa loob.

"Sayang, ubos na ang spaghetti at cake, hindi mo naabutan." sabi ko pagkalapit ko sa kanya. Bahagya siyang umatras. Ganoon pa rin ang suot niya kanina sa suot niya ngayon.

"Okay lang. Hindi rin naman ako magtatagal." sumilip siya sa likod ko. "Sinong nasa loob?"

"Sila Lavinia lang at mga kapatid niya." timing ang pagbirit ni kuya Trent sa kantang 'Alone' na sinabayan ng sintunadong boses ni Lavinia.

Hindi talaga lahat binibigay ng Diyos. Tinakpan ko ang bibig ko upang magpigil ng tawa. Si Riley ay nagpigil ding humalakhak sa pagpapaloob niya ng ibabang labi.

Nanatili kaming tahimik. Pinagmasdan ko lang siya, buong siya, at pinapaalahanan ang sarili ko sa pagmamahal ko sa kanya. Kaso napagtanto ko kanina na wala...walang mabilis na pagtibok. He deserves my love, pero ano na ang nangyayari ngayon? Hindi ko matanggap. But I will always welcome his presence. Riley holding a special place in my heart will never falter, and will never die.

He rocked back and forth through his heels habang nakapamulsa. Nahihiya siyang tumingin sa'kin. Ganito siya noong nanliligaw palang siya, and I always find his shyness adorable.

Tumalikod siya at binuksan ang pinto ng passenger's seat. Sa muli niyang pagharap, inabutan niya ako ng malaking box na may maraming butas. Parang lalagyan ng sisiw. 'Yan ba regalo niya sa'kin?

"Happy birthday. Sana magustuhan mo."

Mabigat ang box, at walang tunog ng mga sisiw. Siguro tulog.

Dahil sobrang curious na talaga ako, at para bigyang pruweba ang hinala ko, binuksan ko ang box. Bumungad sa'kin ang mataba at puting pusa na inosenteng nakatingala sa'kin. Napasinghap ako. Hinayaan kong mahulog ang box sa pagkarga ko sa mabigat na pusa.

"Ang cute!" nagmistula akong bata na unang beses nakatanggap ng regalo.

"You like it?" nakangiti niyang tanong. "I know asthmatic ka, pero sana hindi 'yan maka-trigger sa attack mo. Huwag mo nalang singhutin."

"I love it! I love cats! Meow!" tumatalon talon kong sabi. "Thank you Rai..."

Akma ko siyang lalapitan upang mayakap pero umatras siya. Nagtaka ko.

Naging mapagpaumanhin ang ngiti niya. "I wanted to hug you, so bad. Pero kasi...baka hindi na kita mabitawan kung gagawin ko 'yon. So I'll keep this distance between us." sumandal siya sa pinto ng kanyang sasakyan.

"Can't you get a little closer?" mahina kong pagsumamo. Gusto ko lang siyang maramdaman. Baka kasi nagkamali lang ako sa pagtasa kanina, baka may naramdaman pa ako kay Riley, natatakpan lang ng pag-iisip ko kay Azriel. There's no way for me to fall out of love! There's no definite reason. There should not be!

"Sorry. Ang lapit na nga ng ganito eh." sumenyas siya sa ere sa pagitan namin. "And I'm an inch close of touching your hand. Baka hindi ko mapigilan at mabalikan kita."

Nailawan ang mukha ni Riley sa lamp post namin, and I swear, I saw the pain. At parang nahihirapan din sya. Nahihirapan siyang pigilan ang nais niyang gawin. Katulad sa nahihirapan akong suriin kung ano ba talagang nararamdaman ko.

"Please do it Rai..." mas desperada kong sabi. Napahigpit ang hawak ko sa pusa.

Tipid siyang ngumiti, at nakikitaan ko 'yon ng pag-asa. "Konting panahon nalang. I promise, after we'll graduate."

Hindi ko alam kung anong klaseng ngiti ang naipinta ko sa'king mukha. Because I'm not sure anymore if I can hold on to that promise. At unti unti na akong nawawalan ng kapit sa pangako ko na akala ko'y magagawa kong panindigan sa mahabang panahon.

Gusto kong magalit kay Azriel, he has somehow brainwashed me, because he's right. We break promises. Even our own promise. I broke it! At ngayon palang, nasasaktan na ako para kay Riley. I'm hurting more for him than the thought of us not being together in the end.

"Pusa?" gulat na sambit ni Lavinia pagkabalik ko sa loob ng bahay. Tulad ng sabi ni Riley, hindi siya nagtagal.

"Ang tabang pusa naman niyan. Baka kapag papakainin ko siya aatakihin 'yan bukas ng altapresyon." dagdag niya. Si Kilmer na ang kumakanta ngayon habang nagbubuklat si kuya Trent sa song book.

"Snowie ang ipapangalan ko. Ang puti kasi." pumipikit pikit siya habang hinahaplos ko. Balak ko siyang suotan ng necklace na may bell.

"Snowie? Parang ice cream." Nakangiwing komento ni Lav. Pinagdiskatahan niya ang buntot ng pusa ko saka inangat ang mga paa nito sa likod. "Lalake 'to eh. Tignan mo."

"Hmm...whitie?" hindi ako sigurado, parang pang-aso naman ang pangalan na 'yon.

Mapangutyang tumawa si Lavinia. "Ang pangit mong makapangalan ng hayop! Paano pa kaya kung papangalanan mo na ang mga anak mo?"

Pabiro akong umakma ng suntok sa kanya. Mamaya ko na nga lang bigayn ng pangalan. Maghahanap nalang ako ng cat names sa internet.

Pumasok ako sa kwarto pagkauwi nila. Diretso akong humiga sa kama katabi ang nameless kong pusa. Ten pa ang klase namin bukas, so may rason akong matulog ng late ngayon.

Sinimulan ko ang pag-search ng mga cat names. Naghahanap ako ng babagay sa kaputian at katabaan niya. Akmang iki-click ko na ang isang site nang makatanggap ako ng mensahe sa FB messenger. Galing kay Terrell.

Terrell Carson Benitez: Hulaan mo kung saan galing.

Sa ibaba ng message ay isang picture ng panga ni Terrell na may nangingitim na pasa.

Hinanap ko ang pangalan ni Terrell sa contacts ko saka siya tinawagan. Sinagot niya sa unang ring palang.

"Kay Lian?" bungad ko. Maingay ang background sa kabilang linya, parang nasa sala siya ngayon at nanonood ng tv.

"Sa tingin mo sampal 'yon? Suntok 'yon Amber! Suntok!" halos histerikal niyang sabi.

"Sinong sumuntok? At ba't ako ang pinahula mo? Do I look like a seer to you?" nilapit ko ang pusa ko sa'king tabi. Tahimik niyang pinatong ang kanyang ulo sa braso ko habang hinahaplos ko ang mataba niyang katawan.

"He punched me! Azriel socked my face!" halos pabulong niyang bulalas.

"Baka naman may ginawa ka?"

"Partly, pero dahil yun sa nakita niya. It's just a hug! Hindi naman kita hinalikan." Rinig ko siyang may ningunguya. Tinignan ko ang orasan sa pader, mag-eeleven na ng gabi.

Bumalik sa isip ko ang pagpasok ni Azriel sa classroom at pagkakita niya sa hug namin ng kanyang kaibigan. Di ko alam pero...masaya ako na naiinis.

"Azriel is a great guy, isn't he?" sarkastiko kong ani saka tumawa.

"May flaws naman ang tao. And you've witnessed one from him." ganti niyang panunuya.

"Iluwa mo yung munchkins at stick-o na libre ko!"

Tumawa siya. "Wala na. Nilabas ko na sa bowl sa cr kani kanina lang. Thanks sa libre."

Napairap ako sa ere at akmang tatapusan na ang tawag.

"Na-receive mo ba yung roses?"

Kumunot ang noo ko. Sana mali ang iniisip ko. "Galing 'yon sa'yo?"

"Hindi. Binili ni AJ kaninang lunchbreak sa flowershop. Nagpasama nga sa'kin eh. Sabi ko nga dapat yellow tulips kasi baka ayaw mo ng rose. Hindi ko kasi nakikitaan sa aura mo ang roses eh, for me you're a tulip type of girl, or white lilies. "

Pagkabanggit palang niya ng pangalan ng kaibigan niya ay hindi ko na nasundan ang sumunod niyang sinabi. Naglikha ng echo ang pangalan ni Azriel sa tenga ko at ang nalaman ko ngayon.

"Uhm...sabihin mo kamo salamat." halos puro hangin ang lumabas sa'king bibig. Parang napunta ang puso ko sa tiyan ko at doon nagsagawa ng malawakang karera.

Narinig ko ang pagngisi niya. "Makakarating." May lumangingit na pinto sa kabilang linya kasunod ang padulas na yapak ng tsinelas. "Oi AJ! Salamat daw."

"Anong salamat?" bumilis ang mga pagkarera sa tiyan ko pagkarinig ng bahagyang baritono niyang boses. Nakikita ko sa'king isip ang pagsasalubong ng kanyang kilay.

"Yung roses."

Sandaling nanaig ang katahimikan bago ko narinig ang pagmumura ni Azriel.

"Bakit mo sinabi?! Dapat hindi niya malaman-"

"Bye Amber! Kitakits bukas sa school!" nagmamadaling sabi ni Terrell.

Mas umingay ang kabilang linya. May padabog na paghakbang kasunod ang parang nagtatakbuhan o naghahabulan.

"Sandali lang-" itatanong ko sana kung paano nila nilagay sa locker ko.

"Huwag mong dagdagan ang suntok mo sa'kin, please!"

Malutong na tunog ng tsinelas ang huli kong narinig bago naputol ang tawag. Terrell's gonna take another punch from him.

But one thing is for sure, galing kay Azriel ang tatlong rosas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top