TEN

CHAPTER TEN
_______________________________________

Mas maaga pa sa alas singko akong gumising kaya maaga rin akong pumasok sa klase. Lima palang kaming nasa classroom. Ayaw ko namang sisihin ang text ni Azriel kagabi dahil inaamin ko, hindi ako pinatulog nito. I remember every message verbatim. Ano na namang ikinabahala ko?

Kinuha ko ang puti kong headphone at nagpatugtog ng music sa phone. Nakapalumbaba ako at tinatapik ang aking daliri sa wooden armchair. Pumasok si Terrell na animo'y nakalamon ng pep pill dahil palagi nalang nakangiti. Ngunit ito pa ang nagugustuhan ng karamihan sa mga kababaihan sa kanya di lang ang kanyang height. Halos magkasingtangkad sila ni Azriel.

"Goodmorning Terrell." bati ng babae kong kaklase na kakagaling lang sa paglalagay ng lipstick. Hawak niya pa ito sa kanyang kamay at sa kabila ang compact mirror. Pinindot ko ang pause sa music at pinatili ang pagkakalagay ng earphone sa'king tenga.

Sandali siyang sinulyapan ni Terrell at agad binalik ang tuon sa pagsabit ng kanyang bag sa likod ng upuan. "Goodmorning Ellis."

"Palagi ka bang maaga?" tanong ni Ellis na mas humillig pa sa kanyang mesa.
Mula dito kitang kita ko ang makapal na pagkakalagay ng mascara at eyeliner. Salungat kay Lian na ako pa ang taga lagay ng make up. Kung wala ako, wala siyang make-up. Allergic yun sa blush on.

Nakapamaywang siyang hinarap ni Terrell."Minsan. Maaga ako ngayon dahi maaga akong natulog kagabi."

"Malayo bahay mo?" usisa ni Ellis.

"Diyan lang." tinango niya ang kanyang ulo pakanan. "Dorm."

Dorm? Kung nag dorm siya bakit kasama siya sa pag-aalay lakad ni Azriel noong isang araw?

"Hmm.." tango ni Ellis. "ikaw lang mag-isa sa dorm? Wala kang dorm mate?"

Iba ang pakiramdam ko sa naging tanong niya. There's a sort of hidden innuendo. Muli kong pinatugtog ang kanta at hindi na nakinig sa usapan nila.

Nobody said it was easy...it's such a shame for us to part...

It's been more than a week. Sa kantang pinapakinggan ko ngayon si Riley ang naisip ko. This song has been seemingly made for us. At maiiyak na naman ako kung hindi lang ako kinalabit ng kung sino.

Nakaupo na sa kaliwa ko si Terrell. Kinuha niya ang isang earpiece at nilipat sa kanyang tenga. Napahinto siya, inaalam ang kanta hanggang sa mahinang nag taas baba ang kanyang ulo, sinasabayan ang beat ng kanta.

"Nobody said it was easy...no one ever said it would be this hard, oh take me back to the start..." Pagsabay niya. Tumango siya pagkatapos at sinauli ang earpiece saking tenga.

"Nice choice of song!" aniya.

"Thanks."

Hinayaan ko siyang maupo sa tabi ko. Nagtaka ako sa kabado niyang kinikilos, na parang may gustong sabihin. Nilingon ko siya. Hindi ko kita ang kanyang mukha dahil nakayuko ito't kinukusot ang kanyang buhok. Pinindot ko ulit ang pause sa music.

"Okay ka lang?"

Nagulat siya sa bigla kong pagsasalita. Halos matawa ako sa kanyang reaksyon.

"Uhm...ano kasi..." kinamot niya ang kanyang kilay.

"Ano?" tanong ko. Mukha siyang hirap sa pagsabi sa kung ano man ang ibig niyang sabihin.

"Pwede ba kitang makausap?" nahihiya niyang ani.

"Tungkol saan? kay Lian?" pang-aasar ko. Umakyat ang dugo niya sa buong mukha. Kitang kita ito dahil sa kanyang pagka mestizo.

"Ha? Hindi." nagkamot siya sa batok. "palagi niyo nalang kaming inaasar. Friends lang naman kami eh."

"Type mo ba siya?" muli kong asar. Mas lalong pumula ang kanyang mukha. Pinigilan kong matawa.

"W-well..." hindi siya makatingin sa'kin habang pinaglalaruan niya ang kanyang tenga. "Maganda siya, simple at saka...mabait."

"Type mo?" patuloy kong panunudyo.

Bumuntong hininga siya at pumikit. Sa kanyang pagdilat ay desperado siyang tumingin sa'kin.

"We're not going to talk about us. I want to talk to you about AJ."

Napawi ang aking ngiti. Ginapangan ako ng pagtataka at kuriosidad. "Bakit? anong tungkol sa kanya?"

"May pakiramdam kasi ako eh, pero sa'kin nalang yun."

Nanlaki ang mga mata ko. "May feelings ka sa kanya?"

"Wala!" agaran niyang iling. Taranta siyang sumenyas. Tumingin siya sa iba naming kaklase dahil paniguradong narinig nila ang malakas kong pagtanong. Nanatili ang tuon ko kay Terrell. "May nao-obserbahan lang ako at you know, some theories. But I'm just going to keep it privy. I'm not sure but I'm positive about it."

"And?..." nanliit ang aking mga mata. I don't know kung saan ba papunta ang usapang 'to. I still don't get it.

"At yun nga, dahil sa pakiramdam ko na yun, it triggers me to say this for you to know him more." Inusog niya ang upuan palapit sa'kin, siniguradong ako lang ang makakarinig. "Pasensyahan mo sana ang ugali niya. And I hope you'd understand. He doesn't have a pleasant childhood. Iniwan siya ng mama niya noong bata pa. Yung dad nya naman hindi na siya sinusustentuhan sa kanyang pag-aaral."

"Ha? Eh paano siya nakapag-aral? Bakit ganon?" usisa ko. This is a revelation. I had no idea!

"Ayaw kasi ng dad niya na umuwi siya dito sa Pinas, sa Australia siya nagtapos ng highschool. Dito niya gustong mag-aral ng college. Ayaw niya sa pagtrato sa kanya ng ibang pamilya ng ama niya doon."

So he has stepbrothers or stepsisters? Nag-iba ang tingin ko sa kanya. Parang pinagsisihan ko ang pagkainis ko sa kanyang ugali. All I want to do now is to understand him, and be a very good friend to him. Ano kaya ang ginawa sa kanya ng ibang pamilya sa Australia? And why did his mother left him?

"Sinong nagpapa-aral sa kanya ngayon?" nanghina ang aking boses. Ayaw ko na tuloy awayin si Azriel. Pakiramdam ko kasalanan ang ginawa kong pag-ikot ng syringe.

What if inabuso pala siya doon? What if he was a battered child tapos ginawa ko pa yun sa kanya! Did he associate me as one of his tormentors kaya hindi niya ako pinansin nun?

"Tito niya ang nagsusustento, kapatid ng kanyang dad." sagot ni Terrell. Tinignan ko siya. May pag-aalala akong nababasa sa kanyang mga mata at lungkot. He feels for his friend too.

"Ikaw lang ba ang kaibigan niya? Doesn't he have like a head-nod friendship to others?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "ilap siya sa iba eh."

Ilap? He has trust issues too? Siguro nga'y inabuso siya doon sa Australia. God! I can't even imagine. Azriel's image for me is strong and mysterious.

"Hindi naman siguro siya bakla di ba?"

Hinampas niya ang armrest ko sa pagtawa. "Yun bakla? Baka pagsisihan mong sinabihan mo siya niyan? Nasuntok na niya ako ng isang beses kaya hindi ko talaga masabing bakla siya. His fist felt like iron and steel during the punch!"

"Wala siyang gf?" kinabahan ako sa tanong ko. It seems like I was interested. Pero curious lamang ako. I don't intend to invade on his lovelife, if ever he is capable of loving.

"Noong highschool. Ngayon wala naman siyang pinapansin na babae." Tumingin siya sa'kin. "Well, ikaw."

Tinawanan niya ang pag-ikot ko saking mga mata.

Sunod sunod na ang pagpasok ng aking mga kaklase sa classroom. Unti unti na ring naging maingay ang mga corridors at mga hakbang sa hagdan. Mas nanaig ang aking pagiging maingat upang iwasang marinig ng iba ang aming pinaguusapan. Para kasing gusto itong itago ni Terrell.

"Gusto niya talaga ng nursing noh? Ang laki ng mga scores niya eh." ani ko. At mas madaling intindihin ang kanyang mga paliwanag lalo na sa Med Surg. Magaling din siya sa anatomy. Sa pharmacology ay binigyan niya ako ng abbreviation ng mga gamot upang mas madaling matandaan.

Mapait siyang tumawa. "Kung alam mo lang, hindi siya ang pumili ng course. He likes business."

"Bakit siya nag nursing?" pagtataka ko.

"Tito niya ang nagpumilit, kung ayaw niya edi hindi siya susustentuhan. Although yung kapatid niya ang nag business ad."

"May kapatid siya?" Sinilid ko pabalik sa bag ang aking headphone at mas naging interesado sa usapan.

"Mhm. Half brother. Kapatid sila sa ina. Dito rin nag-aaral, sophomore. Magkaugali sila minsan. Iba nga lang nagpalaki doon, kapatid ng kanyang mama."

Kung magkaugali, magkamukha din kaya sila? Maybe may similarities. Wait, kung nakukuha nung kapatid niya ang gusto niyang kurso...why can't Azriel have what he wants to take?

"Bakit hindi siya doon manghingi ng sustento sa kapatid ng mama niya?"

Maingat siyang lumapit sa'kin. "Galit ang pamilya ng kanyang mama sa dad ni AJ. I don't know the whole story, yun lang ang nasabi niya sakin." mahina niyang ani. He really wants to keep this a secret to everyone. Observing Azriel, masasabi mo talaga sa una palang na ayaw niyang may malaman ang ibang tao tungkol sa kanya.

"Paano mo nalaman lahat ng ito?"

Natatawa siyang tumingin sa isang pader, mukhang may naaalala.

"He was drunk. I took advantage. Tinanong ko lahat ng gusto kong malaman. He piqued my curiosity way back you know. I was nerdy before, tapos ako ang sinasamahan niya. I had talked about almost everything habang siya'y wala manlang kinukuwento sa'kin. "

"You took advantage of his inebriated state? So hindi niya alam na..." I trailed off.

"Yep. Hindi niya alam na alam ko." nilapit niya ang kanyang mukha at nilagay ang hintuturo sa kanyang labi. "Secret lang natin yun ha?"

"How about Lian? Alam ba niya?"

Nagkamot siya sa batok. "Amber naman eh..."

Tumawa ako. "Oo na promise. Secret lang."

Kumagat ang pagkirot saking dibdib sa nalaman ko kay Azriel. He may not be super good, he may be mean sometimes but he doesn't deserve the raw deal that he has been experiencing. I'm sure there's goodness within him, so being punished like this is unfair.

I want to do something good to him. If ever he was being maltreated, dapat maranasan niyang may nagpapahalaga rin sa kanya. I am thankful right now for having a generous family, and I want Azriel to feel that way.

Yung iba kasi mabait lang sa kanya dahil sa kanyang itsura. That's taking advantage of him. He's popular! At kung makikisama ka sa isang sikat, sikat ka rin. That's still a malreatment dahil ginagamit siya. He doesn't deserve that at all.

Pero ano pa bang alam ko? Kung magtatanong ako sa kanya baka hindi niya sagutin. It's his nature. That's a hint that he doesn't want to talk about it so how am I suppose to know what he likes and what can make him happy?

"Ano pang alam mo sa kanya?" tanong ko kay Terrell matapos makapag-isip.

Inasar niya si Archer na kakapsok lamang habang kinakain ang ferrero chocolate na bigay ni Ms. Alevaro. May chocolate pang nakadikit sa kanyang ngipin.

Muling bumaling sakin si Terrell na pinaulit ang tanong ko na agad ko namang ginawa.

"I've known him for three years or more since freshmen. So masasabi kong tama ang mga theories ko sa kanya; he can be calm, then in any minute he can transform into a spitfire. If hindi ka niya papansinin, huwag mong pansinin, samahan mo lang siya. That's what he needs sometimes, a company, no need for a conversation, a mere company is enough. That's Azriel James for you." Tinapik niya ako sa balikat.

Tumango ako. Right. A company. A good friend. A trustworthy person. Maging isang tao na hindi siya bibiguin. I may not be able to shatter his walls, at least a little bit of trust is enough for me to say that he has learned to trust people.

"You're sitting on my spot, Terrell."

Sabay kaming napatalon ni Terrell sa malagim na boses. It was my first time hearing that tone.

"Oh! nandyan ka na pala!" tarantang bati ni Terrell. Tumayo siya't minuwestra ang kamay sa upuan saka nag-bow. "The throne is yours prince Azriel."

Padabog siyang umupo, hindi pinansin ang kaibigan. Sinabit niya ang bag sa likod ng upuan sa kanyang harap. Bumalik si Terrell sa kanyang totooong pwesto. Nakita kong halos puno na ang mga upuan. Halos nandito na pala lahat. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa ibabaw ng blackboard, four minutes nalang bago mag-bell.

"Bakit siya tumabi sa'yo?"

Muli akong nayanig sa kanyang tono. He's like going to bawl me out kahit wala naman akong ginawa.

But then I remember my conversation with Terrell. Hindi ako maiinis sa kanya. He's been through a lot regarding his family issues, he needs a friend to understand him at hindi karagdagang tao na gagaya sa ginawa sa kanya ng pamilya niya.

"Wala, may pinag-usapan lang." mahinahon kong sabi.

Kumunot ang kanyang noo. "Ano?"

Nagkibit balikat ako. "Anything." ningitian ko siya.

Lumalim ang kanyang pagsimangot. "Is he courting you? I thought he likes your friend?"

Pinigilan kong matawa. "Kapag tumabi sakin ibig sabihin ba nanliligaw? So nanliligaw ka na ngayon sa'kin niyan?"

"What? No!" Nagulat siya sa sinabi ko. Namula ang kanyang mukha.

Tinakpan ko ang aking bibig kahit alam kong halata pa rin ang aking pagngiti. Kumilos ang mga mata ko sa mga nakatingin sa'min ngayon dahil sa lakas ng pagprotesta ni Azriel.

"Seriously. Anong pinag-usapan niyo?" seryoso niyang pagtanong.

Pinaloob ko ang aking labi at pinilit na magseryoso. Tumikhim ako.

"Nagpapatulong kay Lian." I lied. Hindi naman siguro niya malalaman na hindi totoo ang sinabi ko.

"I don't believe you. He doesn't just ask for someone else's help about anything. Kung kaya niyang gawin, gagawin niya mag-isa." Kahit hindi ko siya tinitignan, ramdam ko naman ang kanyang pagdududa.

And oh! He knows Terrell enough! So somehow he also treasured him, ayaw niya lang sigurong ipahalata.

Pinuwersa kong hindi mapansin ang aking kaba.

"Baka kasi nahirapan siya kay Lian kaya yun." relax kong sabi. Please maniwala ka na!

"I still don't believe you." malamig niyang sabi.

Ang tinding trust issue namang meron siya. But I don't care about that for now. Matutunan mo rin akong pagkatiwalaan. I'll start working to be your friend.

"Edi tanungin mo siya." mapaglaro kong sabi.

Hindi na niya ako nagawang sagutin dahil sa pagdating ng aming clinical instructor. Pagkatapos namin siyang batiin, gumapang ang katahimikan habang hinihintay ang pagsisimula niya ng discusson.

Naramdaman ko ang nakakakiliti at nakakapanindig balahibong hangin na umiihip sa'king tenga.

"Later. We'd be going to lunch with you." bulong ni Azriel.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top