SIXTY
CHAPTER SIXTY
_____________________________________________
Napag-alaman kong tumigil na sila mama sa paghahanap sa'kin. I don't know if they have already had a clue on my whereabout, basta 'yon ang sabi ni kuya one time when we had our chat. I want to let them know that I'm safe and okay, pero wala akong tapang na magpakita sa kanila lalo na kay dad.
I have accepted everything, but I'm not ready to face him just yet. Hindi ko alam kung ano ang iaakto ko sa oras na magkita kami knowing he has played a big part of my cop-out.
I have sent messages to my friends. Bumaha kaagad ang mga replies. Ngunit niisang reply ko ay wala pa rin akong binanggit kung nasaan ako. I don't know, I just prefer for them not to have any clue. Kung dati ay lumayas ako upang makaiwas, the reason has all changed. I wanted to explore, kaya kung saan saan ako napupunta dito sa Korea. Sa pagtatagal ko rito, nasanay na sa'kin si Halmeoni to the point na ako na ang gusto niyang mag-alaga sa kanya. If ever uuwi man ako ng Pilipinas, I'm going to bring her with me.
Sa loob ng mahabang panahon, ngayon ko nalang ulit nakikita si Nikolina kahit sa chat man lang. Hindi man siya artista, but her name is all over the media dahil sa pagkakalink niya umano sa isang kontrobersyal na bachelor icon dagdagan pa ng sikat niyang kapatid. Not to mention sikat ang pamilya nila.
"How are things with Riley?" tanong niya. Tinatanggal niya ang tali sa kanyang buhok saka sinuklay ng isang beses.
Kung may isang mang hindi nagbago sa kanya ito ay ang pang-shampoo commercial niyang buhok. Mas lalo lang siyang gumanda, and she became slightly matured compared last time noong schoolmates pa kami sa college.
"Long story." sabi ko.
Pinatong niya ang kanyang mga paa sa mesa na pinaglagyan niya ng laptop. "I have all day. Shoot."
I narrated everything na parang kahapon lang nangyari ang mga kaganapan. I don't mind at all dahil ngayon nalang ulit kami nakakapag usap, maliban sa mga pagbati niya sa'kin tuwing birthday ko.
"So this Azriel guy...nasaan na siya?"
I shrugged. "Maybe making up for his son."
Minsan na rin akong natuksong tanungin si Terrell kung kamusta na ang kaibigan niya ngayon na marahil nasa Australia. I just like to evaluate my feelings for him, na posible bang may nararamdaman pa ako sa kanya sa mahabang panahon na wala man lang kaming komunikasyon, at hindi naging maganda kung paano kami nagtapos. Pero mas mabuti na rin sigurong wag na.
He has probably moved on. Though I still want to know kung kamusta na siya for old time's sake. Na-miss ko na rin si Maddox. There are situations where three years are enough to let go of someone that used to be so special.
"Mahal mo pa?" tanong ni Nikolina.
Napangiti ako sa tanong niya. Dati nahirapan akong sagutin 'to, pinag-iisipan ko pa. But now...
"It doesn't hurt anymore." sabi ko.
"How 'bout Riley? Bumalik ba?" halata sa mukha niya ang pang-aasar.
"He's been courting me for three years."
Suminghap si Niknik. Mabilis niyang nailapit ang mukha sa screen na para bang para sa kanya'y kulang pa ang volume ko sa laptop kaya gusto niyang rinig na rinig ko talaga siya.
"Ganon katagal?" she scoffed in frustration saka umirap. Suko niyang tinaas ang mga kamay sa ere. "Why didn't you just pick up where you left? Sandali lang naman kayong naghiwalay then bakit kailangan ka pa niyang ligawan? Ganon ba katindi ang feelings mo dun kay Azriel?"
"He's been giving me time to heal okay? Then while doing that, sinusuyo niya ako. Alangan namang maging kami agad eh kakagaling ko lang nun sa break up."
Humalukipkip siya at bumalik sa pagsandal sa kanyang upuan. "So what were his smooth moves?"
Natatawa ako sa tuwing naiisip ang mga pagbisita niya rito. Pinanindigan niya ang kanyang sinabi dati. "Ginawa pa namang Ayala to SM ang Cebu to Korea?"
Nikolina's jaw just dropped to the floor. Parang mas nakita ko ang kulay ng irises niya dahil sa sobrang panlalaki ng kanyang mga mata. Miski ako, kung hindi lang ako si Amber, ganito ang magiging reaksyon ko.
Hindi makapaniwala siyang umiling.
"Alam mo namang gagawin lahat nun para sa'yo. His love is undying and will never falter. Parang hindi nga nabawasan pagmamahal nun."
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango. I couldn't agree more with her.
Noong una niyang punta rito last year, nagustuhan agad siya ni Halmeoni. Naging malapit siya kay Sunjin at natulala si Yuna. Simula nun, kada buwan na yata siya bumibisita at panay pa rin ang mga pagpapadala niya ng mga bulaklak at letters. I have never taken Riley as someone poetic , pero sa nababasa kong mga sulat niya sa'kin, he definitely has a potential.
"So what will you do? Sasagutin mo ba? Three years of courtship is something Amber. Ang tiyaga niya, grabe! Kung ako ang lalake, baka naghanap na ako ng ibang nililigawan. Ibang klase ka ring magpahabol noh? Dati wala pang taon sinagot mo na, tapos ngayon pinaabot mo ng three years? What the hell is your problem?"
Napangisi nalang ako sa paghihisterikal niya. Hindi naman sa pinapahirapan ko si Riley, he doesn't deserve that. He has waited long enough to put up with another patience-related situations. Ang sa'kin lang ayaw kong magmadali and he has understood that.
Nakukunsensya man ako sa madalas niyang pagbisita rito, he said he doesn't mind. It's his will.
Pagkatapos ng chat namin ni Nikolina, nagpatuloy ako sa pag-browse ng mga newsfeeds sa Facebook. Halmeoni's asleep, habang ako'y nandito sa veranda. It's my third winter year here in Korea at kahit malamig, ninanamnam ko ang snow na nagsihulugan. Hindi ito pang-habangbuhay kaya lalasapin ko na ang sandaling makaramdam ng niyebe.
Nahinto ako sa pagbrowse pagkakita sa post ni Terrell. Paminsna minsan lang siyang nagsta-status at kung mag post man siya ay may katuturan kundi ay puro mga biro. But this time, it's different. Bakit ngayon lang siya nagpost ng ganito?
Like father like son. Happy 7th birthday to my inaanak.
Maddox Everard Fontaneza.
How I wish masasabi kong may namana ka sa'kin in the hot and handsome department. But undoubtedly, you look like the long lost twin of your father. I'll status this dahil hanggang ngayon wala pang Facebook ang Dada mo at hindi siya makakapag-comment dito. Hindi katulad mo inaanak na mas marami pang social networking sites. And you're just f*cking seven!
May picture sa ibaba ng kanyang caption. Hindi ko alam pero napaluha ako habang hinahaplos ang kanilang imahe. It's not a painful cry, naluluha ako sa saya na kahit sa picture manlang ay nakita ko siya, sila ng anak niya.
Mas nagiging magkamukha na talaga sila. Parang magkapatid lang kundi ay kambal. Para akong baliw na tumatawa mag isa habang naiiyak. My god! And he's so tall! The adorable cute kid before now looks like a man. Lagpas baywang na siya ni Azriel.
And Azriel...nothing has changed except na naging mature ang mukha niya. His stubble is more evident. Maintained pa rin ang matipuno niyang pangangatawan. His obsidian eyes are dancing with joy habang nakaakbay kay Maddox. I guess nasa Australia sila nito dahil nasa likod nila ang Opera House. Parehong nililipad ng hangin ang hawig nilang mga buhok. It's just that Azriel's remained jet black and Maddox's is ash brown.
And this time, hindi na tipid ang ngiti niya. The both of them are smiling showing their perfect teeth and charming identical dimples. Di ko alam na pati pala dimples ay namamana.
Bumaba ang tingin ko sa mga comments. Una kong nakita ang kay Lian at karamihan ay sa mga kaklase namin sa college.
Lian Corteza: Ang gwapo talaga!!! Kamukhang kamukha! Parang pina- photocopy lang. I wanna see you again Maddox. You're so tall being just seven.
Mikelly Villegas: Hihintayin ko yang batang 'yan!
Carla Jeremiah: Oh em! another Fonta baby! kung hindi ko nakuha si papa A, anak nalang niya mismo ang pipikutin ko. Huehuehue.
Mikelly Villegas: Hahaha! Carla Jeremiah bet ko yan!
Noemi Fay Rosa: Cute ^^ ganyan height ko nung first year highschool ako. Ba't siya seven palang ganyan na katangkad?
Mikelly Villegas: Kahit hanggang ngayon yata Noemi ganyan pa rin height mo. Haha! Peace!
Maddox Everard Fontaneza: :D You're crazy ninong. But Thanks! I play basketball a lot ninang Noemi. See you soon, too ninang Lian!
Terrell Carson Benitez: You understood my status?
Maddox Everard Fontaneza: Dada translated it for me.
Natawa ako sa isang comment na anak daw namin siya ni Azriel. Binalik ko ang pagtingin sa picture. Malakas ang dugo ni Azriel. Pati yata kilos nito ay nakuha niya. I could say that he's a great father. Napalaki niya ng maayos si Maddox, hindi siya bugnutin.
Malaki ang ginawa kong pagtango ngayon sa napagtanto. Na tama ang naging desisyon niya.
Sa bawat nangyayari sa buhay, may rason. Noong una wala akong maisip kung ano ang sa amin ni Azriel. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyari ang mga bagay na ayaw naming mangyari.
We can't always get what we want. Alam ko na ang bagay na 'yon. It's the hackneyed truth at alam kong ganoon talaga sa buhay. Hindi natin nakukuha lahat ng gusto natin. At kahit alam ko na ang katagang 'yon, sa buong buhay ko ngayon ko lang ito naranasan. Dahil dati palang palagi ko nang nakukuha ang gusto ko hanggang sa dumating ang araw na nakapagpabago sa lahat.
I wanted him, but it doesn't mean that I can have him. I had him once, he used to be, but just for a short while. At ngayon ko naisip na siguro he's not the best. He's better for me but definitely not the best.
Kung babalikan ko ang mga nangyari sa'min, imbes na maiiyak sa sakit ay mapapangiti nalang ako. At ito nga ang nangyayari sa'kin ngayon. It doesn't hurt anymore. It doesn't hurt thinking about him anymore. Hindi na masakit sa'kin tanggapin na hindi talaga kami para sa isa't isa.
We were better for each other, but life wants the best for us. And he's not it. And I'm not it for him.
"Are you still not in good terms with your father? It's been three years Amber."
Kung walang palya ang mga pagpunta rito ni Riley sa Korea, wala ring palya ang pag Skype namin. Sobrang sagana niya sa internet connection. Hanga ako sa time management niya dahil sa kabila ng mga inaasikaso sa kanilang kompanya ay may oras pa siyang makipag chat sa'kin. This year ay hindi na siya nakabisita. Six months na yata nung huli siyang nagpunta rito.
"I'm not mad at him. Nagtampo lang ako. Gusto ko na ring umuwi, na miss ko na si mama." sabi ko.
Tatlong taon akong walang kontak sa kanila. But there was one time na nakapagtext ako. Maikling "I'm okay and I miss you" lang. Pinatay ko na ang phone ko pagkatapos nun.
"I saw him." seryosong sabi ni Riley, na para bang labag sa loob niyang ipaalam sa'kin ito. I know who he's talking about.
"Saan?" tanong ko.
Nag-inat siya bago sumagot. "Sa Cebu. In a resto bar."
Nakabalik na pala siya? So the picture na pinost ni Terrell...that wasn't a recent picture I guess.
"I had almost knocked him down."
"Rai!" bulalas ko. Parang wala lang sa kanya ang sinabing muntik na niya itong lusubin.
Tamad siyang ngumisi. "Pinigilan ako ni Scarlet nun. Buti nalang."
Humawak si Riley sa kanyang batok saka inikot ang kanyang ulo. Kinusot niya ang kanyang mga mata. Mukha siyang pagod o inaantok pa. Pansin ko ring maliwang ang background niya samantalang gabi na rito sa Korea.
"Nasaan ka? Bakit parang umaga yata jan?"
"I'm in London." humikab siya. Naluluha ang mga mata niya akong ningitian.
"Bakit?"
"Evan and Scarlet's wedding."
Napasinghap ako. "They made it!"
Malaki ang ngisi siyang tumango. "They did. I don't know how he proposed though. Ayaw sabihin ng pinsan ko. Confidential daw."
Humalakhak ako. "Baka ayaw niya lang gayahin mo ang paraan ng pag-propose niya kay Scarlet."
"Hindi naman ako manggagaya. I was just curious. I have my own style of proposal. You want a preview?" pilyo siyang nagtaas baba ng kilay.
Tumawa ako. "Surprise me."
Unti unting napawi ang ngisi niya. Kumunot ang kanyang noo at bahagyang yumuko. Nagtatalo sa maingat at umaasa ang kanyang ekspresyon.
"Is it paying off, Amber? You know..." naging bulong ang pagbanggit niya sa dalawang huling salita.
Ngumuso ako at nanunuyang ngumiti. "Yes."
Nanlaki ang mga mata niya. Halos tumayo siya sa kanyang upuan. "You're mine again?"
"Yes."
Nilapit niya ang kanyang laptop sa mukha niya kaya ang laki ng imahe niya sa screen ko. Parang hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. "For real?"
Tumawa ako sabay tango. Sa tatlong taon at lagpas ilang buwan, unti unting binabalik ni Riley ang porsyentong naramdaman ko sa kanya na nawala at pinalitan ni Azriel. I don't know if it was way too fast but I'm totally sure of this, I have no doubts. I'm over him and I'm falling again to the first one. I fell for him again just like the first time.
Naisip ko rin na baka nangyari 'to dahil wala si Azriel but no, it's not like that. I have just voluntarily thrown away my feelings for him dahil alam kong wala na akong babalikan sa kanya maliban sa pagkakaibigan. At kung makahanap man siya ng iba, I'd be really happy for him.
Kung sasabihin man ng iba na ginawa kong panakip butas si Riley, I don't think so. Him and his efforts are not hard to fall again for. Sa ganitong paraan ako napamahal sa kanya at hindi imposibleng mapamahal ulit ako sa parehong paraan na ginagawa niya dati.
Tulak tulak ko ang wheelchair ni Halmeoni habang nasa gilid ko naman si Yuna at Hyemi. Sila ang gustong sumama sa'min sa pag uwi dito sa Pilipinas. It's been three and a half years.
Kinagabihan bago ang flight namin, tinext ko si mama na bukas ako babalik ng Pilipinas. Doon lang din niya nalaman na sa Korea lang ako nagtatago. Nakuha pang makipag chat ni Lavinia upang sabihin na umiyak si mama nang malaman 'yon. Dad was teary eyed, too sabi niya. Hindi ko rin mapigilang mapaluha. I missed them too.
"Is this your first time here in the Philippines, Halmeoni?" tanong ko habang hinihintay sina Yuna na makuha ang baggage namin sa baggage claim area.
"No...second. Many changes." nililibot niya ang tingin dito sa loob ng airport.
"It's our first time here, Unnie. Do we have to speak tagalog?" sabat ni Hyemi. Nakuha na niya ang kanyang luggage. Nasa likod niya si Yuna.
"English will be fine." sabi ko.
Lagpas hatinggabi na kami nakarating sa Mactan Airport kaya inaasahan kong sina mama at dad lang ang susundo sa'min. Di ko inasahang nandoon si kuya at si Lav. Hindi pa kami nakalabas sa arrival area ay nakita ko na ang pag-iyak ni mama, sapo niya ang kanyang bibig habang tumatalon si Lavinia habang nakaturo sa'kin. Si kuya ay dalawang kamay niya ang kinakaway.
"It's them Unnie." turo ni Yuna sa kanila. "I saw Oppa."
Unang sumalubong sa'kin ang iyak ni mama na di nagtagal ay naging hagulhol. Pinigilan kong hindi maiyak. Si kuya ang pumalit sa pagtulak sa wheelchair ni Halmeoni. Nakita ko ang pag bow nina Yuna at Hyemi kay dad.
Kinuwadro ni mama ang mukha ko.
"Ang ganda ganda mo na anak." naluluha niya akong sinuri. "Mas pumuti ka yata doon. Humahaba na rin ang buhok mo."
"Nag artista ka ba doon insan?" tanong ni Lav. Siya ang sunod na yumakap sa'kin. "I miss you ganda! Ang tagal mong nagtago nakakagaga ka!" nagtawanan kami.
Kinusot ni kuya ang buhok ko. Isa pa 'tong palaging bumibisita sa Korea kaya hindi na niya ako kailangang ma-miss.
Bumigat ang hangin nang magkaharap kami ni dad. Dito ko naibuhos ang luha ko lalo na nang yumakap siya sa'kin.
"I'm sorry dad..." suminghot ako. Hinigpitan niya ang yakap sa'kin. Naramdaman ko ang kanyang pag-iling.
"No...I'm sorry." bumitaw siya at nakita ko ang namumula niyang mga mata.
Umiling ako at niyakap ulit siya. May naging kasalanan din ako. I should take the bigger part of saying an apology. He's just being a father to me kahit hindi ko nagustuhan ang mga paraan niya. I had caused an emotional wreck sa pagtatago sa kanila ng tatlo at kalahating taon lalo na kay mama. She lost some weight and I take the blame for that. I was being selfish with what I did.
Gumaan ang pakiramdam ko pagkarating namin sa bahay. Everything's good. I'm okay with my family. Diniretso ko si Halmeoni sa kanyang kwarto na nakaayos na, alam kong pagod sa sa biyahe. Sina Yuna at Hyemi naman ay doon sa kwarto ko.
"Let's go shopping tomorrow. I heard about the biggest mall here has finally opened." anyaya ni Yuna habang nakahiga kami sa kama. Pinagigitnaan namin si Hyemi.
"Tomorrow or later today? It's three in the morning." sabi ko.
"Later I mean." humagikhik siya.
Hindi kaagad ako nakatulog. Hawak ko ang cellphone ko at nagdadalawang isip na itext ang mga kaibigan ko at si Riley. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nagkita ulit kami. Would they be mad?
Nakadagdag din sa hirap kong pag idlip ang hindi sanay sa klima. Parang wisik ng pamaypay lang ang lamig ng aircon ko dito sa kwarto kumpara sa kalamigan sa Korea. Kaya kinabukasan ay bandang hapon na ako nagising. Ako nalang mag isa sa kwarto.
Bumukas ang pinto at pumasok si Yuna na bihis na bihis. She's wearing a white skater dress.
Dirediretso niyang tinungo ang dresser ko. Hinawi niya ang mga nakahanger kong mga damit doon at parang may hinahanap o pinipili. "You take a bath now, Unnie. We're going to the church."
"Ha?" teka, naaalimpungatan pa ako.
"Church. They're done preparing. You're the only one we've been waiting for downstairs so you go shower. I'll be picking the dress for you."
Di na ako umangal at sinunod siya. Inisip ko kung anong araw ngayon. Hindi naman Sunday. Excuse lang marahil yun ni Yuna para makapunta kami doon sa bagong bukas na mall sa SRP.
Ngunit nagkamali ako dahil sa simbahan nga kami pumunta. Sa Cathedral mismo. Kaming lahat pati sila Lavinia. Wala namang kaso kina Halmeoni, Yuna at Hyemi dahil katoliko sila at kapag hapon ang misa dito ay English ang lenggwahe.
Hindi ko pa na-text si Riley na nakauwi na ako. Naiwan ko rin ang cellphone ko sa kotse dahil walang bulsa ang cream chiffon dress ko. Mukha akong aatend ng cocktail party. Ba't ba kasi ito ang pinili ni Yuna?
Pagkatapos ng misa ay hinila ako ni Yuna papunta sa harap ng altar dahil gusto niya raw kunan ng picture ang mga bulaklak doon. Mabilis nakalapit si Lavinia na nasa isang gilid ko naman at nilingkis ang mga braso niya sa'kin.
"Ang clingy mo Lav." biro ko sa kanya. Ngayon ko lang pansin na nakadress din siya na siyang ipinagtaka ko. Hindi mahilig magdress si Lavinia. She's a skinny jeans kind of girl.
Ngumuso siya't hinilig ang ulo sa'king balikat. "Ngayon ka na nga lang bumalik kukunin ka naman ulit."
"Ha?" naguguluhan ako sa sinabi niya.
Pa-cute siyang ngumiti sa'kin saka binalingan si Yuna. "Yuna let's get back to our seats."
Hinila niya si Yuna pababa. Balak ba naman akong iwan dito mag isa sa harap.
"You're back."
Hindi ko natuloy ang pagbaba pabalik sa aming upuan. Hinarap ko ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Nagliwanag ang mata ko at lumaki ang aking ngisi pagkakita sa kanya. Walang sabi sabi ko siyang niyakap. He's still smelled the same. The same perfume, the same affection, the same way in embracing me.
Bumitaw ako't hinarap siya. "You're back, too."
Hindi nga ako dinadaya ng camera ko sa laptop sa tuwing nagsa-Skype kami. I could see his well-built and toned muscles strained in his crisp white button down. Him being a company owner is convincing due to his look. Malayo sa Riley na nanligaw sa'kin noong college pa kami.
Sa anim na buwan naming hindi pagkikita, may napapansin na naman akong iba sa kanya na wala last year sa tuwing binibisita niya ako sa Korea. He has grown a sideburn!
Pinasidahan niya ako. Ngumuso siya't pinaloob ang labi. Binalik niya ang kanyang tingin sa'king mga mata. Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay, na para bang hindi siya makapaniwala na magkaharap na kami ngayon bilang magkarelasyon ulit. Akala ko noong una ay maiinis siya dahil hindi ko siya sinabihang uuwi ako. But Riley, wala akong naaalalang nainis siya sa'kin.
Umiling siya. "Paano kita babalikan, kung hindi naman ako umalis? Ikaw ang bumalik sa'kin Amber. " isang beses siyang humakbang palapit sa'kin. "I have never stepped out from where we had parted our ways. I'm stranded at the same spot and there never was a time that I regret being stranded. You're just like a dream waiting to happen, and I'm willing to wait no matter how long until you find your way back to me. And now you're here. We're here finally..."
"Riley..." wala akong ibang masambit kundi ang pangalan niya. Kumakabog ang dibdib ko sa mga pinagsasabi niya. I try not to look at anywhere but at his face. Bakit dito pa sa harap ng simabhan niya napiling makipag usap sa'kin? Baka sitahin kami ng pari.
Bumaling siya sa altar. Nakangiti niyang tinignan ang imahe ni Jesus Christ. Parang may sinasabi siya sa Kanya sa pamamagitan ng kanyang mga mata. Bumaling din ako doon, baliw na yata ako kung nag expect akong makita na kinakausap din siya pabalik ni Jesus Christ.
"Unang tingin ko palang sa'yo, ito na ang gusto kong gawin." binalik ko ang tingin sa kanya. "And I love how it weirded me out." iling siyang napatawa. "But believe it or not, in all honesty, the second I laid my eyes on you in the student's lounge at the middle of an NBA game finals, I have already seen you and me together with our children. At hanggang ngayon, masasabi kong kahit kailan hindi tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa'yo."
Nanigas ako sa kinatatayuan sa ginawa niyang pagdukot sa bulsa niya sa likod ng kanyang jeans. May ideya na ako kung ano ang kukunin niya. Hindi ako nag-expect pero sigurado ako kung ano 'yon.
Sa pagbukas niya sa velvet box sa harap ko sumabay ang isang impit na tili at ilang bulungan at mga pagsinghot.
Tumingin na ako sa harap. Nakangiti silang lahat. Nagulat ako nang makita sina Lian, Kelly at Noemi na kahanay ng inuupuan nila Lavinia. They knew? They knew all about this? Kinawayan nila akong tatlo. Gosh, I miss them!
"Alam kong kakasagot mo lang sa'kin bilang maging girlfriend ko ulit. But for three years I have never stopped hoping, Amber. We've known each other enough noong tayo pa and I swear, walang nagbago. I am still the Riley you knew then and loved and you're still my sweet Amber."
Naluluha akong tumango. Kailan ba mauubos ang luha ko? Pero kung luha naman 'to dahil sa kasiyahan ay hindi ako mapapagod. I'm willing to shed a sea of happy tears.
Naghalo ang bahagya kong tawa at hikbi sa kanyang pagluhod. Riley's smiling but his eyes are bloodshot and hopeful.
"Please don't say no."
Hindi ko kayang sumagot dahil tanging hikbi ang lumalabas sa bibig ko. But instead, kinuwadro ko ang mukha niya't hinalikan siya habang tumatango. Because I am so sure that I have no reason anymore not to say yes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top