SEVENTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
Naghahanap ako ng kalinawan sa kinikilos niya sa tinging ginagawad ng kanyang mga mata. But all I could see are his glossy obsidian orbs.
Magtatagal pa sana kaming ganoon kung hindi lang kami sinita ng working student na inaayos ang mga librong wala sa ayos ng shelf. Sa pagluwag ng hawak ni Azriel, sa kanyang pagbitaw, ramdam ko pa rin ang init ng kamay niya.
"Bumalik na tayo. Saka nalang natin hanapin ang isang book." Mahina niyang ani bago ako tinalikuran.
Nahirapan pa rin akong makagalaw. Bakit ganoon si Azriel? Why did he stop me? Bakit ko siya sinunod at hindi ko sinundan si Riley? Marahas akong bumuga ng hangin, inaasahang mailabas ko rin ang aking pagkainis.
Hindi ako sumunod at basta nalang lumabas ng library. Hinagilap ko si Riley sa buong corridor ng third floor bago nagtungo sa gilid ng ledge upang hagilapin siya sa ibang palapag ng university building. Inulit ko pa ang paghahanap at katulad kanina, katulad niya, bigo ako.
Bababa na sana ako ng hagdan upang ituloy ang paghahanap sa ground floor ngunit tumunog ang bell. Gulat akong napaatras sa akma kong paghakbang pababa.
"Punta na tayo sa room."
Nilingon ko ang malamig na boses. Nasa nameplate niya ang tingin ko. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya kanina. I could've had a talk to Riley kung hindi lang niya ako pinigilan!
"Your bag." inabot niya sa'kin ang aking shoulder bag. Padabog ko itong kinuha saka ko siya tinalikuran at nauna nang umakyat sa fifth floor kung saan ang sunod naming klase. Mamaya ko nalang siya pasasalamatan sa pagdala ng bag ko kapag nawala na ang inis ko sa kanya.
Buong araw kaming walang imikan. Nilapit niya ang kanyang upuan ngunit hindi ko pa rin siya pinansin. Ni hindi ko siya nilingon ng isang beses at tanging sa clinical instructor lang nanatili ang tuon ko. Sinadya niyang isagi ang kanyang braso sakin, pero hindi ako napalambot nito.
Hangga't hindi ko nakausap si Riley, this vexation won't dissolve.
Hanggang sa pag-uwi ay umaasa pa rin akong makikita ko siya. Pinuntahan ko siya sa kanilang classroom. Nakita ko ang isa sa mga kaibigan niyang si Paul na papalabas ng room. Sinalubong ko siya.
"Oi Amber. Musta?" nag-tataka niya akong tinignan. Marahil alam na niyang wala na kami ng kaibigan niya.
"Si Riley?" umaasa kong tanong. Tumingin ako sa loob ng kanilang classroom.
Nagkamot siya ng buhok. "Ay...nauna na. Sana inagahan mong magpunta rito."
"Umuwi na ba?"
Sandali siyang umiling. "Parang hindi eh. Sabi niya may pupuntahan daw. Baka sa dad niya. Sa tuwing nagmamadali kasi siyang umalis ay sa daddy niya siya pumupunta."
Baka tungkol sa business na naman siguro. Parang ako ang nahihirapan sa sitwasyon ni Riley. He's the only son kaya sa kanya lahat ng responsibilidad.
"Mmkay. Salamat." Tipid akong ngumiti bago ako tumalikod.
"Itext mo nalang. Agad magrereply yun, panigurado." pahabol ni Paul. Tinanguan ko na lamang siya. Nawalan ako ng lakas na magsalita.
Sa pag-commute pauwi ay tinext ko na si Riley. Sana lang ay ginagamit pa rin niya ang dating number. Hindi man kailangan ay gusto ko pa ring ipaalam sa kanya na wala lang yung nakita niya kanina.
That was nothing Rai. He's a classmate.
Pagkarating sa bahay ay wala pa akong natanggap na reply. It's either he's using another sim, busy or ayaw niya akong replayan. I tried not to mind. Atleast nasabi ko sa kanya ang ibig kong iparating.
Tamad akong humiga sa sofa sa sala. Hinintay kong dumaan si manang Terry na galing sa kusina.
"Saan sila mama, manang? Wala kasi ang sasakyan." ani ko.
Pinunasan niya ang kanyang kamay sa kanyang damit. "Kaninang umaga pa sila umalis."
"Bakit daw po?" tanong ko.
"Nagpunta silang ospital. Nandoon kasi ang kuya Ansel mo."
"Ano?!" Napaupo ako sa sofa. Nawala sa isang iglap ang pagod ko't natakpan ng matinding kaba. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang aking phone saka dinial ang number ni mama.
"Hello Ma. Si kuya?!" halata sa boses ko ang pagpanic pagkasagot niya sa pang-apat na ring.
"He's here." sumisinghot siya. Shizz what's wrong? Halos nahihirapan na akong huminga dahil sa sobrang kaba!
"Ano pong nangyari? ba't kayo nasa ospital?" tumayo na ako. I can't sit still. Inalog alog ko ang aking isang kamay sa panlalamig. I hope kuya's okay.
"Your ate Mauryn got into an accident last night." Narinig ko ang boses ni dad sa kabilang linya na nagtatanong kay mama. Binanggit niya ang pangalan ko.
"Si kuya?"
"Hindi siya kasali. Only Mauryn." ani ni mama.
"And? How is she?" kabado kong tanong.
Hindi kaagad siya nakasagot. Nauna ang paghikbi bago ang kanyang pagsasalita.
"S-she's gone...the doctors were not able to revive her."
Napatakip ako sa'king bibig. Oh my God. Ayaw kong isipin kung ano man ang itsura ni kuya ngayon. I'm sure he's shattered. And Ate Mauryn...ang hirap paniwalaan. Kaka-engage palang nila! She's a bride to be and kuya's wife to be.
"Your kuya's mourning. Hindi namin siya makausap ng maayos." dagdag ni mama.
Kausap niya muli si dad ngunit di ko makuha kung ano ang sinasabi nila. Ang naging klaro sakin ay ang pagsinghot ni mama.
"Hello Amber?" boses ni dad.
"Dad! Can I go there?" matinding pamamanhid ang nararamdaman ko.
Ayokong paniwalaan ang balitang 'to.
"Just stay there at home. Kailangan kami ng kuya mo rito. I hope it's okay with you."
"Opo naman. Tell kuya I called." Nanginig ang tuhod ko habang humahakbang pabalik sa sofa.
"Alright. I love you. That's from me and your mom."
"Love you, too. And also to kuya." sabi ko.
"I'll tell him."
Pagkaputol ng tawag ay napahilamos ako sa'king mukha. I mouthed God's name several times dahil sa nalaman. I can't believe ate Mauryn is gone. Parang nawalan na rin kami ng isang kamag-anak. And kuya...gusto ko siyang puntahan. This must have been so hard for him. He lost not just a fiancée but also a best friend.
"Ano daw ang sabi iha?"
Humiga ako sa sofa, hindi pa rin makapaniwala. Ang hirap isiksik sa isip ang katotohanan. Death is merely unpredictable. Walang pinipiling tao at oras.
"Wala na si ate Mauryn manang. Kuya is devastated." ani ko, nakatingin lamang sa kisame. Nasa noo ko ang isa kong braso.
"Diyos ko po!" bumubulong siya ng dasal saka nag sign of the cross. Nagtungo siya sa taas, marahil pupuntahan ang altar.
Nanatili akong nasa ganoong posisyon hanggang sa tawagin ako ni manang upang maghapunan. Ni wala akong ganang kumain dahil sa balita. Pinasabay ko na si manang sakin dahil ang tahimik at lungkot ng dating ng buong bahay.
Pumasok na ako sa kwarto at tinapon ang sarili sa kama. Nakakapagod ang araw na ito. Nakakalungkot at nakakadismaya. Hindi ko namalayan ang pagkahulog ko sa mahimbing na pagtulog na hindi manlang nakapagbihis.
Nagising ako dahil sa pagbusina ng sasakyan. Bumaba ako upang salubungin sila at makikibalita na rin ngunit si dad lamang ang pumasok ng bahay. Pagod ang mukha niya.
"Saan sila dad?" tanong ko, natigil ako sa dulo ng hagdan.
Hinilamos ng kamay niya ang kanyang mukha. "Sinamahan ng mama mo si Ansel. Something to do with Mauryn's wake."
"Ano po bang nangyari? Bakit po siya naaksidente?" tinabihan ko si dad sa sofa.
Dismayado siyang bumuga ng hangin. "Walang malinaw na report dahil halos hatinggabi na nang mangyari ang aksidente. The police are still investigating. But the driver of the other car got away. Naiwan ang kasama sa loob, dead."
"Baka yun ang driver." sabi ko
Umiling si dad. "They don't think so. Nasa passenger's seat kasi. He's too old to transport himself from one seat to the other."
Hindi na ako nakaimik. Wala rin naman akong alam tungkol sa buong nangyari at wala pang kasiguraduhan ang initial reports. Kung sino man yung tumakas, I'm sure siya ang may kasalanan.
Ginulo ni dad ang buhok ko. "Go back to sleep Amber. Bukas pa yata sila makakauwi."
"Is kuya okay?" I want to comfort kuya right now, but I think gusto niyang mapag-isa.
"He's going to be okay. But not for now." Malamyos na ani ni dad saka ako hinalikan sa noo. Tumayo na ako at bumalik sa kwarto.
Nagbihis ako ng pantulog pagkatapos mag-half bath. Kinuha ko ang aking phone na nasa bedside table. Naalala kong nag-vibrate ito kanina hindi ko lang pinansin sa sobrang pagod.
Nabuhayan ako ng loob pagkakitang may message si Riley. Walang paligoy ligoy kong binuksan ang aking inbox.
Riley:
You don't have to explain anything. I'm fine. Don't worry.
Ngunit hindi pa rin ito sapat para sakin hangga't hindi ko siya personal na nakakausap. I wanted to assure him more. Tinanggap ko nalang ang pagiging okay niya kahit sa tingin ko'y hindi naman.
Biglang uminit ang pakiramdam ko pagkakita sa sumunod na pangalan sa unread messages sa inbox. Kanina pa 'to nung nakatulog ako, ilang minuto matapos ang message ni Riley.
Azriel:
Amber...
Azriel:
Amber?
Azriel:
I'm sorry for what I did
Azriel:
I'll talk to him if you want.
Wala akong masabi. Gagawin niya ba talaga? Gagamitin ko ba ang sinasabi niyang ito upang makausap si Riley? Will I use this opportunity? Pero bakit gagawin ito ni Azriel? Para makausap ko siya? He really does like me as his friend, huh?
Nag-vibrate muli ang phone ko sa panibagong mensahe.
Azriel:
What do you want me to do Amber? Talk to me please...
Wala naman akong gustong ipagawa sa kanya. He's not the kind of person na komportable akong hingan ng pabor. Nag-isip ako ng pwedeng ireply. Ano nga bang sasabihin ko? Namili ako sa OK at Goodnight pero ang ikli ng reply na yun para sa limang naging mensahe niya. I don't want to be rude. Okay na rin naman ako sa kanya dahil tinext ako ni Riley.
I did the unthinkable. Pinindot ko ang call button. Sa isang ring palang ay sumagot na siya.
"Hello, Amber?" nasa pagitan ng gulat at kaba ang kanyang tono na para bang hindi niya inasahan ang pagtawag ko at umaasa siyang papansinin ko na siya.
Pero wala akong masabi dahil pinangunahan ako ng aking kaba. Why call him from the very first place then, Amber?
Pinindot ko ang end call.
Mariin kong pinikit ang aking mga mata at tinakpan ng unan ang aking mukha. At kung pwede lang, lamunin na ako ng aking kama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top