PROLOGUE
Pagkababa ko sa kotse ni kuya Ansel ay agad ko nang dinukot ang aking ID sa shoulder bag. I checked my white blouse uniform upang tignan kung nakadikit ang aking nameplate. Nakipila na ako kasama ng iba pang mga estudyante papasok sa University.
Naghagdan ako paakyat sa fifth floor kung nasaan ang kabigan kong si Nik. Nanghiram kasi ako ng dress sa kanya para sa debut ng pinsan ko na dinaos noong Sabado. Wala na akong oras upang bumili, at nag-suggest naman si Nik na pwede akong manghiram sa kanya. Di na ako tumanggi.
Limang tao lang ang nadatnan ko sa room. Puro pa tulog maliban sa isang nagsa-soundtrip. Wala sa kanila ang kaibigan ko.
Dinukot ko ang aking phone sa bag upang siya'y tawagan.Hindi ko inaasahan ang ingay sa kabilang linya. Nagtatawanan at sigawan na di ko maintindihan.
"Nikolina! Nasan ka ba? Nasa room niyo ako." mas dinikit ko ang cellphone sa aking tenga. Mukha kasing hindi kami magkakarinigan.
"Nandito ako sa students' lounge!" malakas ang boses niyang tugon. May panibagong pangkat na naman ng hiyawan.
"Anong meron jan? ba't ang ingay?" tanong ko.
"NBA finals! Nagpupustahan ang mga tao. Nakisali ako!"
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi siya ang taong inaakala kong sasali sa mga ganitong bagay. She's finesse!
"Saan ka nakapwesto? Pupuntahan kita." nagsimula na akong maglakad papunta sa faculty room ng mga freshmen at sophomores kung saan sa harap nito matatagpuan ang elevator.
"Sa pinakaharap ng TV."
"Okay."
Binaba ko na ang tawag at binalik na ang phone saking bag. Pinindot ko ang down button ng elevator. Habang naghihintay, tinatapik tapik ko ang aking paa at dumudungaw ako sa labas ng malaking bintana na nasa gilid ko. Kita ko mula rito ang madalang na takbo ng traffic.
Umabot hanggang dito sa taas ang ingay na nagmumula sa students' lounge. Mga nagsasapawan sa pagsigaw ng Heat at Lakers. Pati mga estudyanteng dumadaan sa floor ay walang ibang bukambibig—lalo na ng mga lalake—kundi mga pangalang Wade, Lebron, Bosh o ang dating tinagurian nilang big three.
Ang students' lounge ay nasa gilid lang ng gym. Kasama sa nakapalibot sa gym ang canteen, cr, accounting office at registrar's office. Parehong sa ground floor sila matatagpuan.
Humina ang mabilis kong mga hakbang pagkakita ko kung gaano karami ang mga nagkukumpulan sa harap ng TV sa student's lounge. Sumilip lang ako sa gilid ng pintuan at nagbabakasakaling agad kong mahanap si Nikolina.
Nakita ko siyang nakaupo at ninga-ngatngat ang kanyang kuko. Ang isa niyang braso ay namamahinga sa pink niyang bag na nasa arm rest ng puting plastic arm chair.
Titig na titig siya sa pinapanood. Pumapalakpak kasabay ng karamihan sa mga tao kapag nakakapuntos ang kanilang pambatong team. Nag-alinlangan akong puntahan siya.
Ang daming tao. Nahihiya ako. Nasa harap na ako.
Text ko sa kanya.
Sumilip muli ako. Sinilip na niya ang kanyang cellphone. Isang angat lang niya ng kanyang ulo ay nagsalubong na ang mga tingin namin. Minuwestrahan niya akong lumapit. Umiling ako sabay ismid.
She mouthed 'please'. Nagmadali akong naglakad at kaagad umupo sa tabi niya kahit walang upuan.
"Okay ka lang jan? hanap ako ng upuan o share nalang tayo sa chair."
"Di, ayos lang." tanggi ko.
"Mamaya mo na isauli ang dress pagkatapos nito. Fourth quarter na rin naman." aniya.
"Di ka ba male late?" tanong ko.
"Ala una pa klase ko."
"Ha? Bakit ang aga mo naman yata rito?" tinignan ko ang aking relo "Wala pa ngang alas dose."
"Alam mo naman si mommy, ayaw niya akong nanonood ng mga guy sports. She wants me to be demure, sophisticated and feminine. She wanted me to be someone that I'm not." pabulong niyang sabi. Binalik niya ang focus sa panonood ng laro.
Naikuwento nga niya sa akin na ang mama niya palagi ang nasusunod. She's been living by her mother's rules.Pati sa mga lalakeng dapat niyang i-date ay pinanghihimasukan ng mama niya. Yung damit nga na hiniram ko ay gawa daw ng isang French designer. I swear hindi ko talaga alam! I chose the dress dahil maganda ang disenyo nito. Later did I know that it was created in Paris.
Her mother is a socialite while his father is a famous business tycoon. Ang kuya niya naman ay isang sikat na artista at heartthrob so talagang na pe-pressure siya sa kaniyang pagiging public figure.
Nakilala ko si Nikolina dahil isa siya sa mga ex-girlfriends ni kuya out of three. Their relationship didn't work out so they ended it mutually. No hard feelings. They remain good friends at ngayon, kami na ang close.
Nabanggit ni kuya sa'kin na-iintimidate siya kay Nik. Maganda naman kasi siya. She's morena and makinis like her kuya. May kalakihan ang kanyang mga mata at mahaba ang maitim niyang piluka. Straight at malambot ang kanyang buhok na hanggang baywang at pang shampoo commercial. She's got the looks of a beauty queen kaya marami ang nago-offer sa kanyang sumali sa mga beauty pageants at mag-artista katulad ng kuya niya. Pero tinanggihan niya lahat. She hates fame salungat sa gusto ng mommy niya.
Namanhid na ang binti ko sa pag-upo na hindi abot ang pwet ko sa sahig. Puti kasi ang uniform ko kaya ayokong mag squat.
Nilibot ko ang tingin upang maghanap ng bakanteng upuan pero okupado lahat. Tumayo nalang ako at nag-flex ng aking paa upang matanggal ang pamamanhid.
"Dito ka Miss." rinig kong nagsalita sa likod. Inikot ko ang aking ulo at nakita ang lalakeng nakapang-business ad na uniform. Maliit ang kanyang mga mata ngunit hindi tipong singkit. Maganda ito at misteryoso ang dating. Makitid ang tulay ng kanyang ilong at tantiya kong matangos ito.
Sa paglalakbay ng mga mata ko sa kanyang mukha, kasabay ng mga paglalarawan ko sa kanya ay ang paninigas ko saking kinatatayuan salungat sa reaksyon ng puso ko.
Bakit ngayon ko lang nakita ang taong 'to? Hindi naman ako umaabsent sa mga klase kaya imposibleng hindi kami nagkakatagpo ng landas sa pagdaan sa hallway o sa corridor. Kahit magkaiba kami ng course, dapat matagal ko na siyang nakikita.
Tipid siyang ngumiti at nilahad ang upuang inupuan niya kanina.
"Dito ka. Puti ang uniform mo madumihan pa." matagal ko pa siyang tinitigan. Gumalaw ka Amberlyn!
Matangkad din siya at palagay ko'y maganda ang kanyang katawan sa loob ng uniform.
Yumuko ako nang napagtantong matagal kaming nagkatitigan. Umupo ako sa nilahad niyang silya. Hindi pa rin napawi ang aking kaba. Ang pamamanhid ng binti ko kanina ay napalitan ng panghihina na para akong tinanggalan ng buto.
"T-thank you." nauutal ako sa kaba. Palagay ko nga hindi niya naranig ang boses ko sa sobrang hina.
"You're welcome." nanindig ang balahibo ko sagot niya. So narinig niya ako?
Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya na nakatayo sa aking tabi.
Nagpipigil siya ng ngiti habang sa TV siya nakatuon. Bago pa niya ako muling lingunin ay nag-iwas na ako ng tingin at nilagay ang mga palad ko saking magkabilaang pisngi. Tinukod ko ang aking siko sa arm rest. Tinatakpan ko ang aking pamumula at ngiti na hindi ko napigilan.
Ito ang una naming pagkikita. Second year college. Sa students' lounge. Sa fourth quarter ng NBA finals. Sa harap ng maraming estudyanteng nanood. Sa gitna ng mga sigawan, hiyawan at pagdiriwang ng nanalong team.
Ang buo at mga pinong detalye kung paano umusbong ang aming pagkakaibigan at nauwi sa isang relasyon na alam kong hindi ko makakalimutan.
Naiintindihan niya ako. Hindi siya nakikipag-away sakin. Nilalambing kapag nagtatampo ako. Seloso siya, pero tinatanggi niya kahit obvious. Makulit pero hindi palasalita. A man of few words but a man of his words. May mga pagkakataong napapaiyak niya ako at may mga pagkakamali siya but he never broke my heart.
Pinaparamdam niya sakin na ako lang. And I felt it along the journey of our almost one year relationship.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top