FOUR
Maaga kaming dinismiss ng minor subject teacher namin. Nag quiz lang kami at bukas pa niya ibig mag lecture para dire-diretso ang flow ng topic discussion.
Natagpuan ko si Kelly na nauna nang naghihintay sa ledge. Simangot siyang sumandal rito habang nakatingin sa baba. Nasa fifth floor ang classroom namin. Pinuntahan ko siya at sinundan ang direksyon ng kung sino mang tinitignan niya sa basketball court na nasa pinakagitna ng university building. Nasa likod ko si Noemi.
"Di ba pumasa ka? Bakit ka nakasimangot?" tanong ko. Wala namang naglalaro sa court. Mga estudyante lang na dumadaan papunta sa registrar o di kaya'y sa canteen.
"Absent kasi ang crush ko. Na perfect ko sana ang quiz kung sumipot lang siya." ngumunguso niyang sabi.
"Malamang exempted yun kaya umabsent." singit ni Noemi. Nilapag niya ang mabigat na MedSurg book sa ledge. "Na perfect niya kasi yung last quiz natin."
Luminga ako sa paligid. "Saan si Lian?" tanong ko sa kanila.
"Nauna na." sagot ni Noemi. "Alam mo yun, malayo ang bahay. Bakit kasi hindi nalang siya mag dorm. Di ba may vacant bed pa tayo sa room natin?" baling niya kay Kelly.
Hindi nagbago ang pinta ng mukha nito habang tumango. Hindi na muli nagsalita pa si Noemi. Kapag ganito ang mood ni Kelly, wala kaming mahihithit na matinong sagot.
At kapag yung crush niyang si Azriel ang pinag-uusapan, hirap na siyang bitawan ang topic na parang kasali ito sa pointers sa board exam at dapat pag-aralan.
Speaking of him, nagtataka talaga ako kung bakit nito ko lang siya nakita sa classroom. Hindi ko naman siya napansin last semester.
"Kaklase ba natin yung crush niyo?" tanong ko. Nagsimula na kaming bumaba sa hagdan. Ilang segundo lang ay nag ring ang bell hudyat ng dismissal o pagsisimula ng ibang klase.
May nakasalubong kaming clinical instructor kaya bumati kami sa kanya bago pinagpatuloy ang aming usapan.
"This sem lang siya nagstart na maging classmate natin, kasama yung dalawa pa. Si Benitez at Sanchez." ani ni Noemi habang may tinitipa sa cellphone.
"Bakit?" tanong ko.
"Na-dissolve kasi ang section nila dahil maraming bumagsak. Twelve nalang yata silang natira kaya dinistribute sila sa ibang sections. Thank God sa section natin siya tinapon!" napairap ako sa pagfa-fangirl niya.
Bigla namang suminghap si Kelly at niyugyog ako ng walang kahirap hirap sa kabila ng dala niyang libro.
"Magiging magka-groupmates kayo sa duty! J ka, F siya!" pumalatak siya. "Ngayon ko lang kinakamuhian ang apelido ko. Bakit pa ako naging Villegas! Ang layo ng F sa V!" maktol niya.
Tinawanan ko ang halos pagwawala niya. Sinabayan siya ni Noemi sa pagsimangot dahil siya rin ay malayo ang letra ng apelido sa F. Maganda rin na may ganito akong distraction. I think I should spend more time with my friends often. Sa ganitong paraan, malalayo ako sa pag-iisip kay Riley.
It's been days since our last encounter. At sa mga araw na nagdaan ay isang beses ko pa lang siyang nakasalubong. Hinahanap siya ng mga mata ko pero naisip kong siya ang umiiwas. Alam kasi niya ang schedule ko. Nakakasalubong ko ang mga kaklase niya. May oras pa na parehas kami ng dismissal at floor ng classroom pero hindi ko siya nasusulyapan. Isang beses lang noong may binili ako sa pharmacy. Kasama niya ang dalawa niyang kaibigan.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking phone sa breast pocket ng aking uniform blouse. Tumatawag si kuya Ansel.
"Hello kuya?"
Parang mga sundalong sabay na naglingunan ang mga ulo nina Noemi at Kelly sa'kin. Sabi ko na nga ba.
"Nasa school ka pa?" tanong niya. Hula ko'y nagmamaneho siya dahil sa ingay ng pagraragasa ng mga sasakyan sa kabilang linya. Hindi manlang niya isinapuso ang 'No using of cellphone while driving'?
"Opo bakit?"
Nagsidikitan ang mga tenga nina Noemi at Kelly sa phone. Natatawa ko itong iniwas. Pumagilid kami sa ledge sa mezzanine.
"Madadaanan ko ang school niyo. I'm going to pick you up. Tell Lavinia na rin." aniya.
"Okay."
Pagkababa ko ng phone binombahan na agad nila ako ng tanong.
"Pupunta ang kuya mo rito?"
"Hinahanap ba niya ako?"
"Ako? Kinamusta niya?"
"Ihahatid ka ba niya? Sama kami!"
Hindi ko na alam kung sino sa kanila ang nagtatanong dahil sa cellphone ko ako nakatuon. Tinext ko si Lavinia kung saang room siya.
"Sino ba talaga? Azriel o si kuya?" tanong ko habang nagtitipa.
"Both!" sabay nilang sagot na sinamahan ng malaking ngisi.
Napailing ako at ngumiti. Tanging magagawa ko nalang ay iregards sila kay kuya Ansel kasi hindi naman type ni kuya ang mga mas bata sa kanya. It's either ka edad niya, o mas matanda sa kanya ng isa o tatlong taon ang kanyang mga tipo. I don't know what's with his fetish of not liking younger girls. I tried asking him.
Ang sabi niya...
"Kapag papatol ako sa mas bata, maaalala kita. You're my younger sister. Like Ew!"
Kaya hanggang tingin nalang sila kay kuya. I couldn't blame them though. Ako nga proud na maraming naghahabol sa kuya ko. Hindi kami magkamukha. Mas singkit ako sa kanya. He's not super chinito. Pero may hawig siya sa ibang mga koreano na napapanood sa mga koreanovela. He even has the hairstyle. Pero pinapanatili niya ang itim nito, unlike sa iba na nilalagyan ng kulay o highlights.
"Susunduin niya lang kami ni Lavinia. At hindi niyo na kailangang magpahatid. Ang lapit lang ng dorm niyo utang na loob aksaya sa gas!" Sabi ko. Muli kong sinulyapan ang phone nang matanggap ang text ng pinsan ko.
"Sabihin mo bibisitahin namin siya sa inyo. Dalhan ko siya ng ulam anong gusto niya?" umaasang tanong ni Noemi. Namilog ang inosente niyang mga mata.
"Mahilig ba siya sa kimchi? O bulgogi?" habol ni Kelly.
"Wala! Mahilig siya sa liempo!" natatawa kong sabi. "Puntahan ko pa pinsan ko. Bye!"
Sinuklian ako ng kaway ni Noemi. Si Kelly ay pabiro akong pinanliitan ng mata. Hindi ko mapigilang matawa sa itsura niya hanggang sa'king pagtalikod. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang seven na button.
May kausap siyang HRM student nang matagpuan ko. Marahil isa na naman sa mga manliligaw niya. Habulin din si Lavinia. Sa tingin ko ang pinaka-asset niya ay ang kanyang kulot na buhok, nagmumukha siyang popstar. At sa liit ng kanyang mukha, bilugan na mga mata at mahabang piluka, maihahalintulad siya sa isang barbie.
Unang lumingon si Lavinia sa gawi ko. Muli niyang nilingon ang kanyang kausap at tinuro ako. Sinenyasan niya ito ng pagtext sa phone habang nagsasalita. Tumatango-tango ang lalake. Gwapo siya, nakatayo ang buhok at tuwid ang tindig. Bahagya siyang kumaway rito bago ako sandaling sinulyapan , at pabalik na naman sa pinsan ko saka siya tumalikod na nakapamulsa.
Nilapitan ako ni Lavinia na parang wala lang. Kalaunay mapaglaro itong ngumisi.
"Wala na kayong klase?" tanong niya. Kumapit siya sa braso ko saka binuksan ang zipper ng aking shoulder bag, naghahanap na naman ng pagkain.
"Wala na. Susunduin ako ni kuya, sasabay ka ba?" tanong ko.
"May class pa ako eh. Six thirty pa uwi ko. Kainis, minor lang naman! Gusto ko ngang umabsent." maktol niya. May tinanguan siyang kaklase bago ako nagsalita.
"Yari ka sa papa mo. So mauna na ako?"
Ngumuso siya. "Wala ka manlang tirang snacks?. Ang mahal ng tinda sa canteen eh." Sinara na niya pabalik ang bag.
Dumukot ako sa isang bulsa ng aking bag at may nilahad sa kanya. "Candy lang."
Pumalatak siya at kinuha lahat ng candy. "Sige, okay na 'to. Thanks!"
Dalawa ang sinubo niya bago ngising kumaway. Hindi niya pansin ang ibang lalakeng sinusundan siya ng tingin. Di ko alam kung nagmaang maangan siya o ayaw niya lang talagang mamansin dahil gutom siya.
Bumaba na ako papunta sa parking lot at agad natagpuan ang Buick Enclave ni kuya. That car was the product of his hardwork. Mahilig siya sa pag handle ng busniness pero ang mas pinagtutuunan niya ng husto ay ang bar sa Manila kaya minsan ay wala siya rito sa siyudad. Kasama niya sa pag manage ang dalawa pa niyang mga kaibigan.
Pagbukas ko ng pinto, may brown paperbag nang nakalapag sa passenger's seat. Amoy burger at fries. Ngiti ngiti ko itong kinuha. Naalala ko ang kagutuman ni Lavinia. Gusto ko siyang puntahan at ibigay sa kanya ang fries kaso nakakapagod umakyat pabalik sa seventh floor.
"Where's Lav?" tanong niya. Casual ang kasuotan niya ngayon at nakasabit sa kanyang puting shirt ang mamahalin niyang rivet sunglasses.
"May class pa hanggang six thirty.Bakit bigla mo akong sinundo?" never pa niya akong nasundo sa buong college life ko. I usually commute. Pero may instance naman na hinahatid niya ako sa school.
"I'll go to Mauryn. Since madadaanan ko naman ang school mo at ang bahay..." nagkibit balikat siya.
Ate Mauryn is kuya's bestfriend. I met her noong college pa sila. Nagpunta sila sa bahay namin kasama ng iba pa niyang mga kaibigan na nasa Manila ngayon.
"Bakit mo siya pupuntahan? Gagala kayo? Nandito rin sila kuya Euan at kuya Gunner?" excited kong tanong. Fan ako ng knailang friendship. Mula highschool ay sila na ang magkakasama. Hindi na nga ako magtataka na hanggang sa libingan nila'y magkakatabi sila. At palagi akong nakakatanggap ng regalo galing sa kanila every Christmas.
"May ifa-finalize lang para sa kasal namin."
Muntik ko nang mabuga ang coke. Sobra ang pagkalito akong lumingon sa kanya na tawang tawa. "You're getting married? But I thought you're single!"
"You didn't ask." painosente niyang sabi like it's not a big deal. All along I thought nag-iba na ang preference niya!
"Kailan pa? Hindi ko nga alam na may girlfriend ka tapos malalaman ko nalang na ikakasal ka na?!" gulat kong sabi.
Wala siyang kinukuwento sa'kin kung may bago siyang girlfriend. The last one I heard was the girl after Nikolina. Then nagkahiwalay rin naman tapos ngayon... kasal agad?
"We're going two years."
"Di ba masyadong maaga? You're still 24. At saka paabutin niyo naman ng three years ang relasyon niyo." At isa pa, hindi pa ako handang bumukod si kuya. Home won't be the same without him. Sanay akong palagi niya akong inaasar at paminsan minsan ay pinagsasabihan kapag wala ang parents namin.
"What can I do? Age doesn't matter. And we're bestfriends. I love Mauryn."
Napairap ako "Ang corny mo! All this time we thought you're single. Alam ba'to nina papa?"
And isn't it weird na ang una kong naisip ay ang mga kaibigan ko? I can only imagine how they're going to take this news.
"They almost had a heart attack. Lalo na si mama." natatawa niyang sabi. Mahina ko siyang sinapak sa braso. Tawanan pa naman ang pagiging emotional ni mama? She knows kuya is a mama's boy kaya paniguradong umiyak yun.
"You'd be the maid of honour. Is that okay with Riley? Hindi kasi siya ang magiging best man. But he's invited."
Bumagal ang pagnguya ko sa burger. I still can't get over him. Wala pa naman kasing one month. And I wonder kung ganito pa rin pagdating next month, the following months to come hanggang sa gumraduate kami.
Bigo akong bumuntong hininga. I don't blame kuya for reminding me. Ngayon palang niya malalaman. "Wala na po kami."
"Why? Gulat niyang tanong. "Did he hurt you?" I could detect his protective stance.
"No. Never. Mutual break up." malungkot kong sabi. Naalala kong hindi pa rin pala alam nila Kelly ang break up namin.
"Are you okay? Did you have an attack?" may pag-aalala niyang tanong.
Pagod akong sumandal at kumagat sa burger, pinuwersa kong pabalikin ang nawalang lasa bago pa man niya ako tinanong tungkol sa nangyari."He found me."
Bahagya siyang tumawa na ipinagtaka ko. "May triple A radar pala siya."
"Ano yun?" sa isip ko'y bumubuo na ako ng mga salita, pero hindi sila konektado.
"Amberlyn's Ashtma Attack radar." Tumawa siya. Bahagya ko itong sinabayan. Nagpisil ako ng maliit na piraso sa bun ng burger upang itapon sa mukha niya. Kinuha niya ang piraso na natapon sa kanyang binti saka sinubo.
"Bakit nga pala kayo nagbreak?"pahabol niyang tanong.
Napabuntong hininga ako. Dapat simula ngayon masanay na ako sa pakiramdam na tinatanong tungkol dito. Sasanayin ang sarili hanggang sa wala na akong maramdamang sakit sa tuwing binabalikbalikan ko ang araw na yun.
"Sinunod niya lang ang dad niya." ani ko.
"Arranged marriage?"
"Hindi. Kasing tayog kasi ng mount Everest ang standard ng papa niya. He wants Riley to graduate with Latin honors. His grades degraded and his father thought it's because of our relationship." paliwanag ko.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap ang logic ng kanyang ama. All I could do is to trust him because he's a parent. He knows what's good for his son. Pero hindi naman sa lahat ng oras ay tama sila di ba? Pero nangyari na ang nangyari. I just have to stick with the present situation.
Pumalatak si kuya. "Too bad. I like that guy for you."
Ngumiti ako at nagkibit balikat. Minsan na rin silang nagkita ni kuya noong pinuntahan ako ni Riley sa bahay. Humingi siya ng permiso sa kanilang i-date ako. That was our first date.
"May nangyari na ba sa inyo?"
Nabulunan ako sa'king kinakain. Sinapak ko si kuya. "Anong tanong ba yan? That's too personal!"
Tinawanan niya lang ako. "Why won't you answer it?"
"I won't spoil anything." malaki ang ginawa kong paglamon sa burger. Lumakas ang tawa ni kuya kaya sinapak ko ulit siya. Bahagya pa akong napaubo kaya malaki rin ang ginawa kong paglagok sa coke hanggang sa mga ice cubes nalang ang natira.
Nilagay ko ang mga basura sa paperbag saka nilapag sa'king paanan. Malapit na kaming dumaan sa flyover at nadadaanan na namin ang ERUF nang may nahagip ang aking mga mata.
Sinundan ko siya ng tingin na seryosong naglalakad kasama ang dalawa pang lalakeng estudyante. Ang isa'y ka-course lang namin kausap ang isang naka civilian lang. Nauna siyang naglakad, nakayuko at nakapamulsa at parang wala man lang kalaman laman ang itim niyang bag. Ang dalawa'y nakasunod sa kanya sa likuran.
"Bakit?" bumagal ang pagmaneho ni kuya.
Umiling ako saka umayos ng upo. Tinignan ko sila sa side mirror."Wala. Nakita ko lang ang kaklase ko."
Bakit siya naglalakad? Saan siya pupunta? Saan siya kanina nung hindi siya pumasok sa klase? Ang layo ng nilakad niya kung sakaling galing man siyang university! Wala ba siyang sasakyan? Mukha naman siyang mayaman.
"Ba't di mo pinasakay? Ihihinto ko tong kotse. Nasaan ba siya?"
"Huwag!" agad kong pigil sa kanya. Nakahawak ako sa steering wheel at inikot ito upang patakbuhin niya na pero naka neutral ang gearshift at tinaas niya na pala ang handbreak na di ko manlang namalayan.
Naweweirduhan siyang tumingin sa'kin. Nag-iwas ako ng tingin.
"Hindi kami friends. Bagong lipat lang siya sa klase namin. Na dissolve ang section nila dahil maraming bumagsak. Twelve nalang silang natira." paliwanang ko.
"So? Kaya nga pasakayin natin para maging friends na kayo." aniya, di nakatakas sa'kin ang kanyang nang-aasar na tono.
Simangot akong umiling. Ayoko. Masungit yun. Suplado. Tinuro ko lang siya nun dahil sa high score niya, sinamaan na ako ng tingin. At saka palagay ko hindi rin siya papayag na sumakay.
Hinawakan ko ang handbreak upang ibaba ngunit pinigilan niya ako.
"Feel ko hindi kita kapatid. Hindi ka friendly. You're not like me." At hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa.
Binuksan niya ang pinto sa gilid niya at dumungaw sa kanila na nakalapit na sa'ming kotse. Nanlaki ang mga mata ko. Maraming nagraragasang mga sasakyan sa side niya! Pilit ko siyang hinila pero hindi nagpatinag si kuya.
"Hey! Want a ride? Kilala kayo ng kapatid ko! Amb---"
Nagpapasalamat ako sa tagong lakas ko upang mahila si kuya. Sinarado ko ang pinto at ni-lock.
"Kuya kasi! Tara na nga! No stopping dito!" nasa harap namin ang No stopping sign.
"Why won't you let them hitch? Kawawa naman ang mga iyon galing pa sa school niyo. Ang layo nang nilakad nila." akma niyang tatawagin ang mga ito pero kiniliti ko siya sa leeg. Ito ng kahinaan niya. Malakas ko siyang hinila pabalik sa pag-upo.
"Hayaan mo nalang kasi! It's their choice to walk. Kung gusto nilang sumakay edi sana nag jeep na sila so I'm sure tatanggi sila kapag pinasakay mo." sagot ko. Nauhaw ako sa ginawa ni kuya. Kinuha ko ang plastic cup ng coke kanina na ngayo'y tunaw na ang ice cubes.
"You have a point. Pero hindi ka pa rin friendly." Lumangitngit ang handbreak sa pagbaba niya nito saka naglipat ng gear. Tawang tawa siya habang nagmaneho.
"Feel ko crush mo yun. Kabado ka eh." pang-aasar niya. Umismid ako.
"Kung gusto ko siya, edi sana pumayag akong pasakayin mo sa kotse. Pero hindi di ba?"
"But you're blushing."pigil ngiti siyang sumulyap sa'kin. Pinakiramdaman ko ang mukha ko. Mainit siya, but I hope I'm not blushing. Bakit ako magba-blush? He's just nothing!
"Hula ko yun yung nasa unahan. Yung seryoso. Yung walang kausap. Lakas ng dating eh. Di ba ganoon ang mga type mo?"
"Iihh... kuya! Stop it!" inis kong asik. Malaks na ang ginawa kong paghampas sa kanya na ikinahalakhak niya lalo.
Hindi pwede. Magkakabalikan pa kami ni Riley. Kahit wala na kami, we still have something to keep the relationship going. Balang araw. I will wait. And I know he will too.
Gayunpaman, tinignan ko siya sa side mirror kung saan papaliit ng papaliit ang kanyang imahe sa pag-akyat ng kotse sa flyover. Nakahinto sila, nagtataka. Nalilito, nagtatanong ang kanyang mukha at para bang sinusubukan niyang tignan kung sino pa ang nasa loob ng kotse. Hinihiling ko na sana hindi niya malalaman na ako ang nakasakay sa passenger's seat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top