FORTY THREE
CHAPTER FORTY THREE
Hindi tulad ng inaasahan, umuwi ako sa bahay namin. Mamayang alas diyes daw kasi ang uwi nina mama at dad ayon sa reply ni manang Terry sa text niya. Tarantang taranta ako pagkabasa sa mensahe kaya nagmadali kong kinuha ang bag ko.
Mag-aalas nuwebe palang sa aking relo. Sinamahan ako ni Azriel na mag-abang ng taxi sa labas ng dorm nila. Kalahating oras din ang tinagal bago ako nakasakay.
Pagkarating sa bahay, kaagad akong naligo at nagbihis ng pantulog. Binalik ko sa pagsuot ang shirt ni Azriel, mabango pa rin naman at saka dark colored siya, hindi mahahalatang may pasa ako. Hindi ko na sinabi kay manang ang nangyari sa'kin, natatakot akong madulas siya't masabi niya kina mama at dad.
Hirap pa rin ako sa pagsandal ng aking likod sa kahit saan kaya patagilid lang muna ngayon ang aking paghiga hanggang sa tuluyang mawala ang sakit. Siguro after a week pa.
Panay ang pag-buzz ng phone ko habang naliligo ako kanina. May text galing kay Azriel, tatlong beses niyang sinend.
Azriel:
You home?
Me:
Yep
Azriel:
Matutulog ka na?
Me:
Hindi pa. Hinihintay ko sina mama. Ikaw?
Tinanggal ko ang pagkaka-charge ng aking cellphone dahil nahihirapan ako sa pag abot nito habang nakahiga.
Azriel:
Sasabay ako sa'yo. Tell me when you're going to sleep.
Me:
Ha? Bakit?
Azriel:
La lang. ;)
Di ko mapigilang mapangiti. May mga naglalaro na kung ano sa tiyan ko at nagtatakbuhan sila papunta sa puso ko. Pabalik balik. Paulit ulit.
Tinatapik tapik ko ang tuktok ng cellphone sa'king bibig habang nag-iisip ng irereply. Naghahanap ako ng sagot sa kisame, pero blankong puti lang ang nakikita ko.
Busina ng kotse ang nagpagiba sa daloy ng aking pag-iisip. Bumukas at sumara ang pinto ng sasakyan saka lumangitngit ang pagbukas ng gate. Dumating na sila mama't dad!
Dumagundong ang mga yapak ko sa hagdan sa pagbaba ko upang salubungin sila. Unang pumasok si Manang dala ang luggage sumunod si mama. Si dad ay nasa labas pa, naririnig ko ang pag-uutos niya kay Mang Cesar.
"Ma!" sinalubong niya ako ng yakap. Humalik ako sa kanya sa pisngi. "Nagkita kayo ni kuya?"
Umupo kaming dalawa sa sofa. "Kahapon. He seems okay. Parang wala lang sa kanya ang nangyari."
"You think so? Baka nagpanggap lang." wala pang isang taon ang pagkawala ni ate Mauryn. I'm sure kuya's just pretending to be okay.
"That's what I thought. Hindi ko na nga lang pinahalata ang iniisip ko." ani ni mama.
Pumasok si dad dala ang kanyag nag-iisang hand carry. Tumayo ako't sinalubong siya at humalik rin sa kanyang pisngi.
"How's your birthday?" tanong niya habang tinatanggal ang kanyang jacket at sinabit ito sa armrest ng sofa. Kinuha 'yon ni mama sabay tayo. Umakyat siya sa kanilang kwarto.
"Okay lang po. Dinner with friends. Pumunta sila Lavinia dito. Manang cooked us spaghetti." I skipped the bar part. Sana hindi 'yon nabanggit ni kuya sa kanila.
"Ansel mentioned that he deposited in your account?" naningkit ang mga mata niya.
Dad looks intimdating kapag naniningkit na ang mga mata niya. Kaya si mama ang sinasabihan ko sa mga problema ko, or si kuya. Mabait naman si dad. Pero minsan, he terrifies me. Especially when it comes to decision-making and talking about matters of the future.
"Opo. Palagi naman po niyang ginagawa yun." ani ko.
Inabot niya ang bag niya kay manang na kaagad itong kinuha at hinatid sa kwarto sa taas.
Disappointed na umiling si dad, parang may hindi sinang-ayunan. "Your brother is spoiling you."
"Hindi naman po." agad kong depensa. "Siya ang kusang nagbigay, I didn't ask for it. He's just really kind."
"Too kind for his own good." buntong hininga niya.
"Dad..." I slightly whined.
Nasabi kong mabait si dad. Minsan. But he's not that kind. Siguro ganon talaga kapag business man. Tuso. Matipid. Ayaw magbigay unless wala kang mare-receive. It should be a win-win situation for them. Kaya hindi ako pumayag na 'yun ang kunin kong kurso. Though, I'm not generalizing.
Pagod ang mga mata niya pagkatingin sa'kin. "You have class tomorrow?"
Tumango ako.
Ginulo niya ang buhok ko. "Go to sleep now, then."
"Yes, dad."
Bigo akong bumalik sa kwarto. I was about to talk to them about cancelling the arrangement they had with the Montero's. Kaso parang si mama lang yata ang masasabihan ko. I'm not sure kung papayag si daddy. He's rooting for Riley.
Tinext ko nalang si Azriel.
Me:
Tulog na ako.
Mabilis siyang nag-reply.
Azriel:
Ako rin. Goodnight. :*
Me:
Stop the emoticon!
Azriel:
Goodnight. Mmmwah.
Nanatili ang tingin ko sa huling salita. Is this really Azriel? Anong sumanib sa kanya?
Me:
Okay na ang goodnight.
Kakalapag ko palang ng phone ko sa bedside table nang mag buzz ulit ito.
Azriel:
Mmmwah...
What the?
Me:
Oh no...
Azriel:
Ba't ka pa nagrereply? I thought you're sleeping already?
Me:
Then don't text me.
Azriel:
You're the one who won't stop txting me!
Me:
Ok. I won't txt u anymore.
Hindi pa ako tuluyang pumikit ay muling nag-buzz ang cellphone.
Azriel:
Don't sleep yet. Text me!
Napailing nalang ako. Balak kong i-off ang phone para wala nang istorbo sa pagtulog pero naisip ko na baka may importanteng tawag.
Me:
Goodnight!
Azriel:
Amber no!
Pinilit kong matulog at balewalain ang pag-buzz. Pero nag dalawang buzz na ang phone ko, tatlo...apat hanggang sa di ko na mabilang. Inis kong hinampas ang unan sa katabing espasyo at padabog na kinuha ang aking cellphone. Nine messages!
Azriel:
Text me
Azriel:
I'll call you
Azriel:
Don't sleep yet.
Azriel:
Text me anything.
Azriel:
Am
Azriel:
Ber
Azriel:
Lyn
Azriel:
Rose
Azriel:
Jaaaang!
Me:
Matulog ka na please!
Azriel:
Don't stop txting me. :(
Me:
Okay.
Azriel:
Okay? You won't stop? Sure?
Me:
Oo nga.
Azriel:
:D :D :D
Halong tawa at inis ang naglalaro sa'kin sa pagpikit ko. Wala na akong naririnig na pag-buzz at pangungulit, kaya napagtanto kong natulog na'yon. Natulog na rin ako. At nakatulog ng sobrang himbing sa kabila ng pananakit ng aking likod.
Maaga akong pumasok para sa ten o'clock class namin. Nasanay kasi ako sa dati naming schedule na eight o'clock. Advantage din naman ang kasanayan ko sa maagang pagdating sa school para maiwasan ang late lalo na't graduating ako.
Pababa palang ako sa sasakyan ay nag-buzz ang phone ko. Nilagay ko muna ang bag ko sa classroom namin sa seventh floor bago binasa ang text.
Azriel:
You're in school?
Lumabas ako para magpunta sa cr. Doon ako nagtipa ng reply.
Me:
Kakarating lang. Gising ka na? Milagro! May alarm clock ka na?
Tinignan ko ang sarili sa salamin at nakitang sumilay ang ngiti sa labi ko. Kaagad ko itong winala at baka may biglang pumasok. Mapagkamalan pa akong baliw.
Sa gilid ng sink ko nilagay ang cellphone habang inaayos ang aking buhok. Umilaw ito ilang segundo ang lumipas.
Azriel:
I used my phone
Me:
Ngayon mo lang ginamit?
Azriel:
Yah
Me:
Hahaha!
Azriel:
;)
Nang wala na akong mai-reply, sinilid ko na ito sa bulsa ng aking uniform blouse top. Sa kabilang bulsa naman nito ay kinuha ko ang peach lipstick na paborito kong gamitin. It just goes with anything, may make-up man o wala.
Marami akong oras kanina upang mag-ayos kaya nakapag-apply ako ng liquid eye-liner na nilagyan ko ng maikling stilong buntot sa dulo. Kaya naging bahagyang bilugan ang mga mata ko.
Nagbukas ang pinakahuling cubicle. Niluwa nun si Ellis na pinadaan ang kamay sa kanyang uniform top upang ayusin ang gusot. Akala ko ako lang ang tao rito sa cr. Sa lahat ng pwedeng makasama ko dito siya pa. Nakakailang tuloy, lalo na nung naalala ko yung moments nila ni Azriel last week.
Tumabi siya sa'kin habang pinagpatuloy ko ang paglalagay ng lipstick. Sandali ko siyang sinulyapan sa pagdukot niya ng kanyang face powder sa bulsa ng top niya.
Hindi ko talaga mapigilang pansinin ang kanyang signature red lips at maarteng kurba ng kanyang kilay. Natatanggal pa kaya ang lipstick niyang 'yan? Sobrang pintog na ng labi niya na bumagay naman sa kanyang bilugan mga mata.
"Ano kayo ni Fontaneza?" pasuplada niyang tanong.
Ngayon lang kami nagkakausap na may involve na salita. Head-nod lang kasi ang stilo sa pansinan namin noon. We're not really close, at hindi ko rin siya matatawag na friend. Classmate lang.
"Wala." simple kong sagot.
Lumukot ang mukha niya, parang naasiwa. "Sure ka?"
Tumango ako. Para akong dagang takot sa pusang katulad niya. Gusto ko ng lumabas pero aayusin ko pa kasi ang buhok ko. Kung may balak man siyang makipagbuno sa'kin, wag lang sana niyang isali ang likod ko dahil masakit pa.
Tinaasan niya ako ng kilay saka nagkibit balikat. Tinanggal niya ang kanyang hairnet saka muling pinusod ang kanyang buhok. Sumuot sa pang-amoy ko ang bango ng kanyang shampoo o kung ano mang nilagay niya sa kanyang buhok.
"Akala ko pa naman mahinhin ka. May tinatago ka rin naman palang kulo. Di ba may boyfriend ka? Yung sikat din sa Business Ad, si Montero?"
Kinabahan ako sa naging pahayag niya. Inaaway na ba niya ako? Nagsisimula na ba siya?
"Wala na kami." kalmado kong sagot. Hindi ko nalang papatulan.
"Kaya pala si Fontaneza ang punterya mo."
"Hoy Hoy Hoy! Ano problema ng red lipstick mo't ginaganyan mo ang kaibigan ko?" biglang sulpot ni Kelly na umalingawngaw ang boses sa buong cr.
"Natural ipagtatanggol mo siya, kaibigan mo eh."
Hinila ko si Kelly sa akmang pagsugod niya kay Ellis. My God! Ito ang ayaw ko!
"Oo naman! Saka alam kong wala siyang ginagawang masama kaya ko siya ipagtatanggol!"
Hinarap kami ni Ellis pagkatapos niyang mag-ayos sa kanyang buhok. Angat na angat ang kaliwang kilay niya na maganda ang pagkakaguhit.
"So tama lang na landiin niya si Azriel eh kabago bago palang pagkatapos ng hiwalayan nila ni Montero." Humalukiphip siya't pinasidahan ako ng tingin. "After niyong mag-break, pupunta ka nalang sa dorm ng ibang lalake? I saw you went out from Azriel's dorm last night! So pathetic! Akala mo kung sinong santa."
May banta siyang lumapit sa'kin na panay namang hinaharangan ni Kelly. "You're not a saint Jang, so don't act like one."
"Hindi ka maganda Ellis, so don't act like one!" bulalas ni Kelly.
"Really, Villegas?" nang-uuyam niyang ningisihan si Kelly. "Baka nakakalimutan mong model ako?"
"Paano ko makakalimutan eh sa lahat ng modelong kilala ko, ikaw lang ang hindi ako nagagandahan! Katawan lang naman ang maganda sa'yo. Pero yung mukha," gigil niyang duro sa mukha ni Ellis. "Gumaganda lang kapag may make-up at filter sa camera!"
Walang nasabi si Ellis. Galit na galit niyang tinitigan ang nanggagalaiti ring si Kelly. Halos magpantay na ang pagkapula ng labi ni Ellis at ang mukha niya. Pumanget tuloy ang hugis ng kanyang kilay.
Mahigpit kong hinawakan ang mga braso ni Kelly sa pag-abante niya papunta kay Ellis na nakakuyom na ang mga kamao. Natatakot akong baka masuntok ng isa ang isa.
"It's not my friend's fault kung siya ang nilalapitan ng crush mo. Magtataka ka pa ba? Eh mas maganda si Amber kesa sa'yo! Natural ang puti, ikaw gluta lang ang pinuti mo!" sigaw ni Kelly.
Umabante na rin si Ellis kay Kelly. "Wala 'yan sa ganda, nasa ugali!"
"Hiyang hiya naman ako sa ugali mo!" malakas niyang natulak si Ellis dahilan upang mas lalo pang nagkagulo.
Hindi ko na maintindihan ang mga sinisigaw nila Ellis at Kelly sa isa't isa dahil dumagdag ang ingay ng mga taong nanonood sa labas.
"Kelly tama na! Tara na! Hayaan mo nalang!" pigil ko sa kanya. Kaunting tulak nalang at magsasabunutan na sila.
Tinanggal ni Kelly ang mga kamay kong pumipigil sa kanya. Gigil na tinuturo turo ni Kelly si Ellis.
"Wala kang alam kaya wag kang magsasalita ng ganyan! At pwede ba? Get your facts straight, bitch! Hindi sila ni Azriel. Masama bang magkaibigan sila? Kung makapag inarte ka diyan akala mo ikaw ang girlfriend, eh hindi ka nga masyadong pinapansin nung tao! Huwag kang assuming ha? Hindi ka ganon kaganda!"
"Nililigawan niya ako! Dapat hindi na siya in-entertain ni Jang!" deklara ni Ellis sabay turo sa'kin.
Nagtataka akong tinignan ni Kelly. Nagkibit balikat ako saka umiling. Wala akong alam sa sinasabi niya. Malakas ang pakiramdam ko na gumagawa lang siya ng kwento.
Nakangisi si Ellis na mas ikinagalit pa ni Kelly.
"Kay Azriel ka magalit dahil siya ang lumalapit sa kaibigan ko! Tanga!" sigaw ni Kelly. Nagawa niyang tanggalin ang hairnet ni Ellis sa buhok nito bago niya ako hinatak palabas.
Nahawi ang mga nakikiusyoso sa pagdaan namin. Walang magkakamaling humarang kapag nanggagalaiti na ng ganito si Kelly. Miski ako ay natakot.
"Wala na nga siyang ikinaganda! Ang bobo pa!" umalingawngaw ang boses ni Kelly sa buong classroom pagkapasok namin. Sumunod ang mga kaklase naming nakasaksi sa away nila sa cr.
"Sino?" tanong ng gulat na gulat na si Terrell.
"'Yang si Ellishit na 'yan!"
"Bakit? Anong nangyari?"
Hindi sumagot si Kelly at padabog lang na umupo sa upuan ko. Panay ang tanong ng iba kong kaklase sa mga kaklase kong nakapanood ng bangayan, at doon nagsimula ang mga pag-uusap. Buong araw 'yon naging trending sa classroom namin.
Bandang tanghali, nasa ledge kami at hinihintay sina Noemi at Lian na nag cr. Nabanggit ni Terrell ang naging away nina Kelly at Ellis kanina, saktong bumalik ang dalawa kaya nagpakwento sila kay Kelly na siyang willing balikan ang pangyayari. Tahimik lamang akong nakikinig
Iisang reaksyon ang nanaig pagkatapos isalaysay lahat ni Kelly. Inis kay Ellis. Ayaw ko basta nalang maniniwala sa kanya. Si Azriel na mismo ang nagsabi sa'kin na sinusubukan lang niyang maging mabait kay Ellis, sa ibang salita, ginamit lang niya ito. In-assume lang ni Ellis ang pagpansin sa kanya ni Azriel.
Ganyan naman talaga kadalasan, porket mabait sayo ang isang lalake, assume agad na may gusto siya sa'yo.
"Wala siyang nabanggit na nanliligaw siya sa kanya." ani ni Terrell
"Who's courting who?" biglang sulpot ni Azriel na ngayon lang nakalabas sa classroom.
Kinausap pa kasi siya ng isang miyembro ng Student Council para sa Nursing gathering na gaganapin ngayong August. Since siya ang panalo last year sa Mr. Nursing, siya ang magbibigay ng award sa mananalo ngayong taon.
"Ikaw, nanliligaw daw kay Ellis." parang nagtatampong sabi ni Lian.
"Ako? No." madramang tanggi ni Azriel.
"Sure ka?" may pagdududa sa tono ni Noemi.
"Oo. Where did that come from?" iritado ang boses ni Azriel.
"Sabi niya nililigawan mo raw siya." natatawang sabi ni Terrell na tamad na humilig sa ledge.
Ismid na napaisip si Azriel. "Wala akong naalalang ginawa ko 'yon. And I don't do courtship. Kung may gusto ako, hindi ko nililigawan."
"Bakit, ano bang ginagawa mo?" tumingin sa'kin si Terrell pagkatapos niyang itanong 'yon.
Malagkit na tumitig sa'kin si Azriel. Gumalaw ang nakakunot niyang labi. "Dinadala ko sa dorm."
Nagsikarerahan ang lahat ng dugo ko at ang finish line ay nasa aking mukha. Nangilabot ako sa ginagawa niyang pagtitig ngayon, at ang pigil niyang ngiti ay hindi ko kayang tignan ng matagalan. Natalo na yata ng mukha ko ang kapulahan ng lipstick ni Ellis.
Umalingawngaw ang tawa ni Terrell na sinabayan niya ng palakpak. Nagsitikhiman naman ang tatlo kong kaibigan.
"Ahm...hindi pa ako nakapunta sa dorm nila. Ikaw ba Noemi?" parinig ni Kelly.
"Hindi rin eh. Ikaw Lian? Nakapunta ka na?" tanong ni Noemi.
"Never pa. How 'bout you Amber?" siniko ako ni Lian.
Tinignan ko ang bawat isa sa kanila na parehas nang-aasar ang mga mukha.
"Kain na tayo. Gutom na ako e." sabi ko nalang.
"So ganyan tayo? Magche-change topic?" panunudyo ni Kelly.
Tinalikuran ko na sila at nauna nang naglakad palayo. Halos madapa ako sa panlalambot ng aking mga tuhod. Parang hindi ko ma-feel ang nilalakaran ko.
"Saan pupunta yun?" umabot sa pandinig ko ang tanong ni Noemi.
"Mamamalengke daw siya ng oxygen dahil hindi siya makahinga sa sinabi ni Azriel!" malakas na humagalpak si Kelly. Sinundan yun ng mga hiyaw nila.
Inis akong napadaing dahil narinig yata yon sa buong hallway ng seventh floor! Ugh Kelly!
Binilisan ko ang mga hakbang palayo sa kanila. Ito ang disadvantage kapag may mga kaibigan, sila ang palaging nang-aasar at palagi ka nilang ipapahiya! Ugh! Pero kahit ganon, kaibigan mo pa rin sila. Mahal mo pa rin sila. Wala ka nang magagawa.
May biglang umakbay sa'kin. "Samahan na kitang mamalengke."
Hindi ko siya pinansin. Nihindi ako makatingin sa kanya na paniguradong tuwang tuwa sa naging reaksyon ko. Ewan ko. Nahihiya ako!
"Saan ka ba mamamalengke ng oxygen? Malayo pa ba? Hindi na kasi ako makahinga e."
Masama ko siyang tinignan. Sobrang lalim ng dimples sa pagpipigil niya ng ngiti. Nagpipigil palang 'yan.
Madrama siyang humawak sa kanyang dibdib sabay lingon sa'kin. " 'Cause you took my breath away."
Napaawang ako. Siya na ang gumiya sa'kin sa paglalakad dahil nakatunganga nalang ako sa kanya. Aliw na aliw siya sa aking reaksyon.
Hinalikan niya ako sa ilong. Sandali pa niya akong tinignan bago nakangising hinarap ang dinadaanan namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top