FORTY SIX

CHAPTER FORTY SIX

Kanina pa ako sinusundan nina Carlo at ng isang kasamahan niya sa dance troupe. I know her but I forgot her name. Medyo close din sila ni Kelly, at ngayon buong buo niyang sinusuporthan si Carlo sa pagkukumbinse sa’kin.

“Sige na Amber please...last year na natin ‘to.”

Hanggang sa pagpasok ko sa cr ay hindi siya nagpaawat. Ilang beses na rin siyang nakaka-cr dito sa girls cr kaya hindi ko na pinigilan. Aniya, he has a female soul na na-trap sa katawang lalake.

“Kaya nga, last year na. This is a critical year! Baka mag-conflict pa sa mga quizzes natin.” sabi ko. Pumasok ako sa bakanteng cubicle. Tinaas ko ang lid ng toilet bowl.

“Isang beses lang naman tayong sasayaw sa contest.”

“Madaming iba diyan Carlo.”

“Pero magaling ka! Pambato ka namin sa magagaling din na Engineering. Makaka-contribute ka sa pagkapanalo natin. Please...” patuloy  niyang pamimilit.

Lihim akong napabuntong hininga. Ayaw talaga niyang tumigil.

Honestly gusto ko naman talagang sumali. Last kong involvement sa mga ganitong activites ay noong highschool pa. Pagtuntong ng college, I kinda’ sacrificed things that I wanna do, and that is dancing. Hindi kaya biro maging nursing student.

I know na may iba, katulad nalang ni Carlo, na nakakayang ipagsabay ang studies at extracurricular activities, but not me. I know my priorities. Ayaw kong ipagsabay ang dalawang bagay lalo na’t alam ko naman kung ano ang mas prirority ko. Kung ano ang mas importante, yun ang uunahain. Yun at yun lang. The rest, they all fall at the second, third and so on.

“Amber...” muli niyang sambit. “I know how much you miss dancing. Remember noong elementary tayo? palagi kang nilalagay sa harap ng tagaturo ng sayaw tuwing recognition day.”

Hindi ko ‘yon makakalimutan. Every year kahit ano ang sinasayaw namin tuwing recognition day; Dr. Jones, Barbie girl, Macarena at mga folk dances. Sa harap ako palagi nilalagay ng baklang dance instructor. Akala ko nga noon kaya niya yun ginagawa ay dahil takot siya kay dad. But then they told me I’m good at it.

I don’t really think so. I just love what I was doing.

Lumabas na ako ng cubicle. Si Carlo nalang ang nadatnan ko na nakaupo sa sink counter.

“Ako lang mag isa?” tanong ko.

“Nope. Magiging representative tayo sa nursing department. I’m recruiting you to join us. Kulang kasi kami.”

A lot of members this year have graduated already. Kaya sila naghahanap ng additional participants. Pero okay lang kaya kahit hindi ako dance troupe member?

“Hindi kaya tayo ma-disqualify? Nangre-recruit kayo ng hindi DT member.”

Umiling siya. “Basta nasa same course lang ang mga nasa isang group.”

Napaisip ako habang nananalamin. Malapit na ang midterms. Paano ako makakapag-aral kung may mga practices? Kaya nga in the first place hindi ako sumali sa DT kahit pinilit na ako ni Carlo noon na mag audition. Conflict. ‘Yan ang general problem ko.

“Anong meron?”

Sabay kaming napalingon sa pintuan. Nakahilig ang nakapamulsang si Azriel sa doorframe at obvious ang pagkakaharang ng katawan niya sa doorway.

Mukhang kakarating niya palang. He’s early today. Usually dumadating siya 3-5 minutes bago dumating ang teacher, o di kaya sumasaby siya sa pagpasok ng guro namin.

Kinawayan siya ng ngising ngising si Carlo. “Hi Fonta baby! Come in!”

Binalewala ko ang pagiimbita niya kay Azriel na pumasok sa girls c.r.

“Pinipilit ko siyang sumali sa’min sa dance contest para sa Intrams. Please make her say yes.”

Nagtaas ng kilay sa’kin si Azriel. “Why won’t you? Magaling ka.”

“You haven’t even seen me dance.” except the time when we danced in Lian’s house.

“Pero maraming nagsabi that you’re good. And besides, I wanna see you dance.”

Ginapangan ako ng hiya sa sinabi niya. Nag impit ng tili si Carlo sa gilid.

I don’t know if I want you to see me dance. But I want to impress you, Azriel.

Tinignan ko siya sa salamin, nakatingin siya pabalik sa’kin at matiyagang naghihintay sa sagot ko. I don’t know what happened, pero sa pagtama ng aming mga mata, parang binigay na niya sa’kin ang sagot.

“Fine.”

Pumalakpak si Carlo sabay baba sa sink counter. “Okay, practice tayo this Saturday.”

“Ang bilis naman. Sa September pa yung contest ha?” angal ko.

“Kaya nga. Next month na girl. August na po ngayon.”

Hindi na ako nakahabol ng isa pang angal dahil nakalabas na siya ng cr. Malandi pa niyang kinurot si Azriel sa pagdaan niya sa gilid. Hindi nakaiwas si Azriel.

Tumabi siya sa’kin sa sink counter habang pinapanatili ang pagtitig sa’kin sa salamin. Bagong gupit siya ngayon, required kasi sa kanila every month. Manipis ang sa gilid, nakatayo at makapal naman ang sa gitnang bahagi. He’s not fond of putting any hair products.

“Review tayo. Dorm.” aniya.

“Bukas nalang. Nasa bahay si dad eh.” takot ko nalang kong madadatnan niya akong wala mamaya sa bahay.

Palagi na siyang nagtataka kung bakit late na akong umuuwi. Busy sa thesis ang alibi ko, which is totoo naman. Minsan.

Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. “Okay. Bukas.”

“Lumabas ka nga! Nasa girls cr tayo.” tinulak ko ang ulo niya.

“Wala naman tayong ginagawa. Si Carlo nga...”

“Because he’s gay.” sabi ko.

Hinarap niya ako’t tinignan ng masama.

“So I have to be gay para makapasok ako rito?”

Tinawanan ko ang pagsimangot niya. Hinila ko na siya palabas pabalik sa classroom bago pa may makakita sa’min dito.

But damn, hindi ko maiwasang imaginin kung paano siya maging gay. No way! Pero kahit naman siguro maging bakla siya may magkakagusto pa rin sa kanya.

Balik ulit kami sa pagiging seatmates. Hinihila niya ang kanyang silya palapit sa’kin. Sa notebook ko siya sumusulat ng notes at hindi sa notebook binder niya. Nakikibasa ulit siya sa aking libro at may time na mabilis niyang binilugan ang sagot sa isang test number na hindi ko sinagutan noong nag quiz kami.

Nataranta ako nun! Nasa harap lang ang clinical instructor namin and that was one of our major subject’s quiz! Mabuti nalang hindi siya nahuli.

At hindi ko akalain na magiging tama pa yung sagot niya, dahil set A ako at Set B ang kanyang test questions. So meaning...binasa niya ang test paper ko?

Saglit akong tumambay sa dorm nila. Maaga kaming dinismiss ngayong araw dahil may meeting ang mga faculty members. Bumaba si Azriel para bumili ng snacks habang hinihintay ko siya dito sa lounge ng dorm nila. If I know, baka sa bakery na naman siya nagpunta.

Nasa mesa ang remote control. Gusto kong manood ng tv kaso parang ayaw ko namang magpaka feeling at home. Nakikitambay lang kaya ako. Hihintayin ko nalang talaga siya.

Bumukas ang pinto. Tumayo ako sa pag-aakalang si Azriel ang pumasok pero si Terrell ito na may dalang paperbag ng isang fastfood chain. Hindi na siya nagulat na nandito ako.

“Kain tayo!” tinaas niya ang paperbag na dala.

Ngumiti ako at bumalik sa pag upo. “No thanks. May binibili si Azriel.”

Hinubad niya ang kanyang sapatos at nilagay sa shoe rack. Nakita ko ang blue lagoon and bright crimson Nike Air Max ni Azriel doon. I also saw his loafers.

“Napapadalas ah. Kayo na ba?” may panunukso sa kanyang tono.

“Hindi ba halata?” tanong ko.

Humalakhak siya habang naglalakad patungo sa kanyang kwarto “I knew it.”

He knew it? Hindi pa rin pala nagkukuwento si Azriel. Or maybe, alam niyang kahit hindi niya sabihin kay Terrell, malalaman pa rin ito ng kaibigan niya. Bagay talaga sila ni Lian.

“Wait Terrell.” tawag ko bago pa niya mabuksan ang pinto sa kanyang kwarto. Humarap siya sa’kin. 

“May alam ka ba doon sa mga mananakit sana kay Azriel?” naitanong ko na rin sa wakas ang matagal ko nang gustong itanong pero palagi kong nakakalimutan.

Kumunot ang noo niya. “He never told you?”

“Ayaw niyang sabihin.”

Sumandal siya sa pinto ng kanyang kwarto at dumukot ng fries sa kanyang biniling fastfood.

“Remember noong post birthday party mo sa bar?” tumango ako. Muli siyang sumubo ng fries, hindi na natiis ang gutom.  “After you left, kahit sino ang napagkakamalan niyang ikaw. Then there was this girl na muntik na niyang halikan. The boyfriend saw it and went fuming mad. That was the guy who was supposed to hit him but you came to his rescue instead.”

Bumalik sa’kin ang kinuwento ni Lian. Maybe this was the guy na muntik nang makaaway ni Azriel kaya muntik nang mahantong sa eskandalo. But he was drunk! Dapat kinonsidera ng lalakeng ‘yon ang sitwasyon.

“He brought some reinforcements with him. What a pussy.” Inis na napailing si Terrell. “Nagdala pa ng kakampi samantalang nag iisa lang ang kabigan ko nang gabing ‘yon. Madaya.” maktol niya.

“Bakit hindi niyo nireport?”

“AJ didn’t bother. Ayaw niya ng gulo. Hindi na naman siguro sila uulit. Those douchbags are just a waste of time.  Baka gumanti pa kapag pinatulan. Lalo pang magkagulo.”

Tumango ako. Tama nga naman. Base from how those guys reacted, hindi lang siguro paghampas ang kaya nilang gawin. Who knows if they brought a gun or a knife that night.

“Anyway, how’s your back?” tanong niya.

“Okay na. Salamat.”

“Geh.” sumaludo siya sa’kin bago tuluyang pumasok sa kanyang kwarto.

Hinakbang ko ang pinto sa kwarto ni Azriel upang doon sumandal. Hindi siya mabagal mamili so I’m sure pabalik na siya rito.

Ilang sandali lang ay narinig ko na ang maingat at tahimik niyang mga yapak sa hagdan at pagbukas ng pinto. May dala siyang grocery plastic ng Gaisano.

Sinalubong ko siya saka kinuha ang dala niya. Tinignan ko ang kanyang mga pinamili. May cookies doon, rootbeer, soya milk at container ng OJ na di ko alam kung saan niya ilalagay dahil wala naman silang ref.

Meron ding oatmeal fruitbar. He eats this? and Ramen, too. I think binili niya ‘to para sa’kin since mahilig ako sa maanghang. 

“You brought cookies.” ani ko habang kinabit niya ang susi sa pinto ng kanyang kwarto.  Pumasok kami pagkabukas.

“Yeah.”

Pinagpatong patong ko ang kanyang mga unan saka hiniga ang ulo ko doon. Nakatagilid ako kaya nakikita ko siyang naghuhubad ng kanyang polo uniform.

“Do you mind?” turo niya sa hubad niyang upper body. I saw his muscles flexing again.

Umiling ako. I’m used to seeing him topless. Everyday kaya siyang nagji-gym? Hindi ko pa yun naitanong sa kanya. But I could tell that he is a regular. Halata kasi ang resulta.

I mean...I don’t call those abdominals of his as ‘stomach’ because it’s not just a stomach. Those are Abs. And I don’t call those arms of his just ‘arms’ because they are Biceps. And I don’t call those taut chest just ‘chest’ because they are Pectorals.

“Pagsawaan mo nalang.” mahina siyang tumawa.

Asa ka pang pagsawaan ko ‘yang abs mo.

“You’re saying something?”

Painosente ko siyag tinignan.“Huh? Wala.”

Nag-iba ako ng pwesto. Tinignan ko nalang ang ceiling fan habang hinihintay siyang matapos sa pagbibihis.

“Ayaw mong sumali sa dance troupe?” biglaan kong tanong. Just a random thought.

Tinignan niya ako na parang may sinabi akong corny na joke.

“I don’t dance.”

“We danced ballroom in Bohol.”

Nilabas niya ang mga pinamili at nilapag sa kanyang study table. Wala siyang pang-itaas but he has changed his pants into black and red jersey shorts.

“That was ballroom. Not hiphop.”

“So you dance?” may bahid yun ng panunukso. “You know cha-cha? Cha-cha-cha!” kanta ko.

“Oh no Amber...” tumawa siya.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang hawak niyang soya milk at nilapag sa mesa bago ko kinuha ang mga kamay niya. Halong pagtataka at aliw ang nakapinta sa kanyang mukha habang ginigiya ko siya sa gitna.

“When marimba rhythm starts to play...dance with me...make me sway...” kanta ko. Ginagalaw galaw ko ang mga kamay niya upang siya’y mapasayaw.

“You’re crazy, Amber.” natatawa niyang ani.

“When the lazy ocean hugs the shore, hold me close...sway me more..” pagpatuloy ko. Pigil ngiti niyang sinakyan ang trip ko. Inikot ikot niya ulit ako katulad nung sumayaw kami kina Lian.

Hindi ko na alam ang sumunod na lyrics kaya nag-hum nalang ako. Na-na-na lang din si Azriel kaya natatawa ako. He laughed with me nang ako naman ang nagpaikot sa kanya. Nahirapan ako dahil sa tangkad niya. I almost forgot that he’s almost six foot tall or more.

Pagkatapos ko siyang inikot ay nagstretch ang mga braso namin habang magkahawak ng kamay. Hinigit niya ako dahilan upang nagpa-ikot ikot ako sa kanyang braso hanggang sa nakayakap na siya sa’kin patalikod. Hinarap niya ako sa kanya at binuhat. Napigilan ko ang pagtili na nahantong sa tawa.

Inupo niya ako sa kama na para akong isang bata na ayaw magpababa.

“We’ll review, okay?” aniya. Tumango ako.

Kinuha niya ang bag ko at may hinalughog. “Saan yung notebook mo na sinusulatan ko ng notes?”

“Pink na lesson plan.”

Pagkakauha ng notebook, nilapag niya ang bag ko sa silya. Kumuha siya ng dalawang pack ng cookies na binili niya saka siya tumabi sa’kin sa kama. Binawasan niya ang hinihigaan kong unan at nilipat yun sa kanya upang mahigaan.

Nasa dibdib niya ako nakahiga. Hawak niya ang notebook ko, siya ang tagalipat ng page kapag parehas na kaming tapos magbasa. Pero ganon pa rin siya magbasa, bumubulong kaya tinatakpan ko ang tenga ko. Natatawa nalang siya.

Ilang minuto kaming ganon hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Ganito talaga kapag hapon, nakakaantok.

“Correct answer, cookies. Wrong answer, punishment.” aniya habang binubuksan ang pack ng cookies. Ito ang paraan niya para hindi boring ang aming pagre-review.

“Ano naman ang punishment?” kinuha ko galing sa kanya ang hawak niyang test paper na reviewer namin.

“Depende. I have my punishment for you, you should also have your punishment for me.” sinubo niya sa’kin ang nabawasan na niyang cookie.

Ako ang unang bumato ng tanong. Halos nakasampung questions na ako pero wala pa siyang naging maling sagot. Nangangalahati na rin ang laman ng pack ng cookies. Balak yata niyang magka kotse. Kapag may naka top notch kasi sa university namin, reregaluhan ng sasakyan ng may ari ng eskwelahan.

“Correct na naman! Ikaw ang nakaubos a?” reklamo ko.

Naubos niya ang cookies na hindi pa ako nakasagot. He has twelve consecutive correct answers! Naiinis ako sa katalinuhan niya. Nakaka-insecure!

“Ask me again.”

Tinamad na akong maghanap ng mahirap na tanong kaya ang next question nalang ang tinanong ko about sa nurse na may mga naka-aasign na clients at sino ang dapat uunahin niyang puntahan pagkatapos ng endorsement.

“C.”

“Wrong!”  masaya kong sambit. Sa wakas nagkamali na rin siya!

Tatlong beses niyang tinapik sa kanyang hintuturo ang kanyang labi. Taka ko siyang tinignan. Anong meron sa lips niya?

“Kiss me. That’s my punishment from you.” nakakoloko siyang ngumiti.

Kiss? Is that even a punishment? Sa pagkakaalam ko kiss can be a goodluck charm, a price or a gift. I haven’t heard of kiss as a punishment!

Sinimangutan ko siya.

Nawala ang kanyang ngiti at pinalitan ng paniningkit ng kanyang mata.

“You prefer cookies than my kiss, Amber?” nagtaas siya ng kilay.

Ngumuso ako. I think I prefer both. Pero siymepre hindi ko aaminin yun.

Sandali ko pa siyang tinitigan bago binigyan ng smack. Siya na muli ang nagtanong. Hindi ako makaconcentrate sa question niya dahil nag-iisip ako ng punishment niya sa’kin.

Pitik sa ilong? Kurot sa tagiliran? Magbunot ng isang strand ng buhok? ang harsh naman tapos sa kanya kiss? Unfair.

“A.” sagot ko.

Hinalikan niya ako. “Wrong.”

“Huh?”

“Kapag wrong, hahalikan.” Sabi niya.

“That’s your punishment! Not mine.” protesta ko.

“Ganon nalang din punishment mo para hindi ka na mapapapagod sa pag-iisip. These questions are draining our brains.” pagdadahilan niya.

Kinuha ko sa kanya ang test paper at ako na muli ang nagtanong. Parang hindi na review to, this is a kissing game already!

“Alpha.” sagot niya. Hindi man lang pinag isipan. Diretso sagot agad.

“Sure ka?” pagdududa ko.

“Mm.” kampante siyang tumango.

Muli kong binasa ang question at hiniling na sana tama ang kanyang sagot. Sana letter A. Pero bago ko pa matapos basahin sa kanya ang tanong, alam kong letter D ang sagot dahil na-encounter na namin itong question dati. I expected him to have answered the same letter.

“Sinadya mo bang mamali ang sagot mo? Ang dali lang ng tanong e.” akusa ko.

Pa-inosente niya akong tinignan. “Hindi a. Hindi ko talaga alam.” 

Pinatili niya ang kanyang pagmaang maangan. But that hint of mischief didn’t escape from me.

Tahimik kong hinaplos ang panga niya. He has shaved. Kahapon kasi may stubble pa siya. Pinipindot pindot ko ang maliit niyang nunal sa ibaba ng kanyang tenga, infront of his mid-length simple sideburns.

He chuckled. Di ko alam kung nakikiliti siya o ako ang pinagtatawanan niya.

“Why are you shy?” panunukso niya.

“Hindi ako nahihiya.” nadiin ko ang pagpisil sa kanyang nunal. Liar Amber!

“Then come on. Kiss me.” paghahamon niya.

Nangilabot ako sa gaspang ng kanyang boses. Mas lalo kong tinuon ang aking tingin sa kanyang nunal sa pag-usog niya sa’kin palapit. Kinuha niya ang kamay kong nasa panga niya at pinulupot ito sa kanyang leeg.

I could feel his breath. I could even inhale it, but I hardly breathed. Tikom na tikom ang bibig ko. Nang tinignan ko siya, his stare is heated. Napaawang ako dahil nahirapan na akong huminga gamit ang aking ilong.

“Sa cheek nalang.” mahina kong pakiusap. Pero hindi naman kapani paniwala. My tone lacks conviction.

Seryoso siyang umiling.

Tinapatan ko ang seryoso niyang pagtitig, baka sakaling magkaroon din ng epekto ang titig ko sa kanya katulad ng epekto ng titig niya sa’kin.

I want him to be the first one to give up. I want him to be the first one to look away. It’s like I am initiating a silent competition between us through staring. Gusto kong matawa dahil ako lang yata ang nakikipag kompetensya.

Hindi siya nagpatinag. Ilang minuto na ang nakalipas, at di ko akalaing posible palang magtagal ang staring contest namin. He’s already burning holes in my eyes! I wonder what my stare is doing to him now. May effect kaya? Please give up already.

Umangat ang isa niyang kamay at magaan na hinaplos ang pisngi ko.

“Why won’t you kiss me, Amber? As far as I know, this is the easiest and most convenient punishment that you could ever give, and I could ever receive.”

Pinapaypayan ng hininga niya ang mukha ko, dahilan upang ako’y mapapikit.

“Ilang beses mo nang pinigilan ang sarili mo sa’kin. It took a lot of convincing for you to give in. Aren’t you tired?” pinaghalong nagtatampo at naglalambing ang tono niya. I couldn’t pinpoint on which one is more.

Bahagya kong minulat ang mga mata ko. He’s so near. Sobrang kapal ng tensyon na pumapalibot sa’min. And that tension suddenly created a superpower in pushing me closer to him.

I gave him a light feathery kiss. Sa gilid lamang ng labi niya. Noong una kasi, I was possessed by an unknown and undifferentiated spirit kaya ko siya nahalikan. The second was...siya ang humalik sa’kin.

This time...This time nasa katinuan ako. This is my conscious state. My ego, not the super ego nor the id.

Hinila ko na ang sarili ko upang makalayo, ngunit bago pa ako mahiwalay sa kanya, mabilis niyang nailipat ang kanyang kamay sa likod ng aking ulo. Tinagilid niya ng kaunti ang kanyang mukha upang magtapat ang labi namin.

Mariin akong napapikit. Sumingap ako upang makalikom ng hangin ngunit sa ginawa ko’y mas lalo akong nahalikan ni Azriel. It was slow and deep, na parang ninanamnam niya ang bawat paglapat. It was tempting kaya sinuklian ko.

Bahagya kaming napabitaw para makahinga. Doon ko namalayan ang diin ng pagpulupot ko sa leeg niya. He’s chewing his lower lip. Nakatuon ako sa lumalamlam niyang mga mata.

“More...” bulong niya saka ako muling hinalikan.

I kissed him fully this time.

“I think I’m willing to be wrong. I’m willing to fail if this is my punishment.” he said in between his kisses.

Hindi ko na nagawa pang pigilan ang sunod na nangyari. He went on top of me and he was topless. To give me comfort, pinulupot ko ang mga kamay ko sa leeg niya at pinadulas ito paakyat sa kanyang buhok. His other hand was in my nape, habang ang isa’y tinaas ang uniform top ko at dinama ang aking baywang.

I can manage to put a stop on this but I don’t want to. Hindi naman siguro kami makakaabot sa ganon. We were just feeling this moment. Savouring this. Alam namin kung hanggang saan lang kami. Alam ko kung hanggang saan lang ako.

His tongue slid on my lower lip. Nagulat ako sa nagawa kong pag-ungol at pagkagat sa labi niya. Hindi ko akalain na makakagawa ako ng ganon! This is not me! This is so not me.

Dumaing si Azriel bago niya binaon ang kanyang mukha sa gilid ng aking ulo. Damang dama ko ang mabibigat at mabilis niyang paghinga. Parehas lang kami. Nakatitig ako sa kisame at tumunganga, hindi makapaniwala.

Tinagilid niya ang ulo niya upang mapalapit ang bibig sa’king tenga. Malakas at mabibigat parin kanyang paghinga.

“We’re not safe here.” bulong niya.

Tumango ako. I couldn’t agree more.

Umalis siya sa pagkakadagan saka tumayo. Parang ilang na ilang siya sa pagkuha sa mga reviewer na nadaganan namin sa kama. Inayos ko naman ang nalukot kong uniform.

Pagkalabas namin ng kwarto, ay siyang paglabas rin ni Terrell. Galing siya sa pagkakatulog, halata kasi sa namumula at inaantok niyang mga mata ngunit nawala pagkakita sa’min. Napalitan yun ng pagdududa.

Tumagilid ang kanyang ulo.

Inosente namin siyang tinignan.

“Nagreview kami.” tinaas ni Azriel ang test paper reviewer na sobrang lukot na. May nahagip pa akong punit sa isang page.

“Okay...” naningkit ang mga mata niya. Pinasidahan niya kaming dalawa. “Just make sure to fix your hair bago kayo lumabas ng kwarto. It’s disheveled, and I’ve never seen it like that before.”

Tinignan ko ang buhok ni Azriel. Nagyelo ako. Sobrang gulo nga. I did that, right? Ayaw kong paniwalaan na ako ang gumulo niyan.

“At namamaga ang mga lips niyo. Nagpakagat ba kayo sa langgam? Or...”

Ngayon ko lang din nagawang pansinin. His lips are swollen, at ramdam ko rin ang hapdi ng labi ko. Binasa ko yun pero hindi napawi ang hapdi. Natuon doon ang tingin ni Azriel na nagresulta ng pamumula ng kanyang mukha.

“Shit.”

Umalingawngaw ang halakhak ni Terrell. Muli siyang pumasok sa kanyang kwarto. Bakit siya lumabas?

“Try ko nga ang mag-review ng ganyan!” pahabol niya bago sinara ang pinto at pinatuloy ang pagtawa.

Malakas na bumuntong hiinga si Azriel. Dalawang kamay ang gamit niya sa marahas na pagsuklay sa kanyang buhok.

“Cookies?” tanong ko sa kanya.

Namumula pa rin ang mukha niya pagkalingon sa’kin. Tumango siya. “Cookies.”

Because cookies are more safe than ‘the punishment’.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top