FORTY NINE
CHAPTER FORTY NINE
_______________________________________________________________________
"5, 4, 3, 2, 1 and...stop! Okay break!"
Hingal akong bumalik sa upuan. Kinuha ko ang sa tingin kong pangatlong bote ko na ng mineral water. Kanina pa kami nagpa-practice, nalalapit na kasi ang Intrams at ang dance contest ang pinaka-highlight na event na sa last day gaganapin.
Ginamit ko ang aking inhaler, hindi naman ako inaatake pero preventive measure lang 'to kumbaga.
Nilapitan ako ni Carlo. Basang basa ang buhok niya sa pawis. "Amber, doon sa chorus lipat kayo ni Kyler sa center ha?"
"Bakit?"
"Para sa inyo ang attention ng judges."
"Ha? Anong connect?" pagtataka ko.
"Basta, trust me." kumindat siya. "Sinabihan ko na si Kyler so alam niyo na ang gagawin."
"Oohkay." sabi ko kahit hindi ko pa rin maintindihan.
Bakit kami ililipat sa gitna? Eh kami pinakamatangkad, paano naman yung mas maliit sa'min? Hindi sila makikita kapag nasa likod.
Pinag-uusapan ng mga leaders at ilan sa mga members ang mga balak nilang baguhin na steps at positions. Umabot naman hanggang dito sa pinagpraktisan naming room ang pag-eensayo ng taga ibang course na katunggali namin.
"Saan pala nagpa-practice ang Engineering?" tanong ni Lila kay Kyler na katabi niya ngayon.
"Ewan." kibit balikat ni Kyler. "Walang nagsasabi eh, baka daw gayahin ang mga dance steps nila ng ibang participants."
Three consecutive years nang champion ang Engineering sa dance contest. Sila talaga ang pinaka-kalaban ng Nursing lalo na pagdating sa Intrams. Aggressive kasi silang maglaro. Saka madami talagang magagaling sa kanilang players at dancers.
Humikab ako at muling uminom ng tubig. Tinitigan ko ang ubos nang plastic bottle. Sana one liter nalang ang binili ko kesa pabalik balik akong bibili sa canteen.
Pinagpraktisan nilang maigi ang hand tutting. Dapat kasi mabilis namin itong magagawa kaya kailangan naming i-perfect. Miski ako ay nahirapan. We have to be snappy doing each step.
"Amber, nasa labas ang boyfriend mo." pahayag sa'kin ni Lila. Nanunukso niyang sinundot ang tagiliran ko.
Tumingin ako sa pintuan pero wala naman siya. "Saan?"
"Nasa labas. Baka nagtatago. Shy boy si mister gwapito." halakhak niya.
Ginantihan ko siya ng kiliti saka ako tumayo at nagtungo sa pintuan.
Natagpuan ko siyang nakasandal sa gilid na pader habang nakahalukiphip at nakayuko. Nakaangat ang mga manggas ng kanyang white shirt at may face towel na nakasabit sa kanyang kaliwang balikat. He's sweating. Saan siya galing?
"Bakit pawisan ka?" tanong ko.
Doon pa niya ako namalayan. Umayos siya ng tayo at nakangiti akong nilapitan. Mukha masaya yata siya ngayon.
"Anong favorite number mo?" hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Bakit?" pagtataka ko.
Tinukod niya ang braso sa pader saka humilig.
"Basta." hindi nalawi ang pagod niyang ngiti. Saan ba kasi siya galing?
"Hmm...eight?" sabi ko nalang.
"Bakit eight?"
Bumaba ang tingin niya sa shorts ko. Hinila niya pababa ang manggas nito na parang gusto niyang pahabain ang tela hanggang tuhod.
"Wala lang. Hugis infinity sign." sabi ko.
"Okay." inalis niya ang braso sa pader at akma nang aalis.
"Saan ka galing?" tanong ko dahilan upang hindi niya muna matuloy ang paghakbang.
"Gym. Punta ka dorm." hinalikan niya ako sa noo saka patakbong umalis. Maingay ang pagbaba niya sa hagdan. O baka sapatos niya lang talaga ang maingay.
Yun lang sadya niya? Itanong ang favorite number ko? Ang dami kong walang maintindihan ngayong araw.
"Come on guys! Let's kick their asses!" sigaw ni Carlo.
Ngayon na ang araw ng contest. Palagay ko naman magagawa ko ng maayos ang pagsasayaw dahil hindi makakapanood si Azriel. Nasa Cebu Coliseum siya ngayon dahil ngayon din ang championship game ng basketball. Hindi manlang niya sinabi sa'kin na sumali siya! Ang langya! Naglihim!
Pinakamaingay ang Intrams sa school ngayong last day dahil sa mga championship games. Gayunpaman may mga nagdu-duty pa rin dahil sa mga absences nila. Sinikap ko talagang hindi ma-late at hindi maka absent ngayong semester para mabilis lang ang proseso sa pag-graduate. At siyempre para makaiwas sa pagiging absent sa mga special events katulad nalang ngayon.
"Goodluck sa inyo!"
Pumasok ang mga kaibigan ko upang tulungan akong mag-ayos. Kita pusod ang pang-itaas naming mga babae at sobrang ikli ng shorts! Ang kapal din ng make up namin. May highlights na pink at violet ang gilid ng aming mga buhok.
Pinasidahan ako ni Kelly. "Buti nalang hindi ka nakikita ng jowa mo ngayon, paniguradong luluwa ang mata nun."
"Baka hindi ka na payagang sumali." dagdag ni Noemi.
Talagang hindi. Pagbibihisin ako nun panigurado.
Hindi ko na kailangang ikumpirma sa kanila ang totoong relasyon namin ni Azriel. Noon pa man kasi daw, alam na nilang ganito ang mangyayari. Kaya hindi na sila nagulat nang malaman nila.
"Ano nang nangyayari sa Coliseum?" nilalaso ko ang tali ng aking Nike shoes.
"Kakatext lang ni Terrell. Third quarter na nang game in favor of Nursing against HRM!" sigaw niya. Naghiyawana at palakpakan kaming mga nandito sa isang room ng third floor na ginawa naming dressing room.
Naalala kong tumunog ang phone ko kanina ngunit hindi ko nabuksan dahil naging busy kami sa pag-aayos. Kinuha ko ito sa bag at binuksan. Thirty minutes ago na ang text ni Azriel. Meron ding galing kay Lavinia.
Azriel:
Goodluck. ;)
Me:
Goodluck :*
Nagtaka ako dahil nakareply siya agad. Di ba nagsimula na ang game? Or baka nag time-out sila.
Azriel:
I guess I'm already winning.
Me:
Punta ako diyan after ng contest.
Pangatlo kaming magpe-perform ngayon so makakaabot pa kami sa laro.
Sunod kong tinigan ang text ni Lavinia. Hindi na nakapag-reply si Azriel, paniguradong bumalik na sila sa game.
Lavinia:
Tangina. Fuck. Shit.
Natawa ako sa text niya. Anong problema ni kulot?
Me:
Huwag mo akong murahin. Blema mo?
Tinulak ako ni Kelly sa balikat saka inasar dahil sa nakikitang pagtawa ko.
Lavinia:
Umuusok ang BF mo. Three pointer shooter kaya lamang sila sa'min. Pinagkaguluhan dito sa coliseum. I can't calm their tits down! I told them taken na siya ng pinsan ko and he's pussy whipped by you!
Me:
Bakuran mo para sa'kin. :D
Lavinia:
No need. Hindi naman siya namamansin dito. Duh? May nagbigay sa kanya ng tubig hindi niya tinanggap. He was drinking from a Hello Kitty tumbler. Di ba may ganon ka?
Para akong baliw na tumatawa. At talagang ngayon niya ginamit. Kaya pala niya hiniram sa'kin yun.
Me:
It's mine.
Lav:
Haaahaha! Ang cute!
Kabado kaming naghihintay sa likod habang nagpe-perform na ang mga participants sa Criminology. Umalis muna ako at nagtungo sa cr , nangangamba akong baka maihi ako sa shorts ko dahil sa kaba. Pagkabalik ko, hindi ko inaasahan kung sino ang makakasalubong ko ngayong araw.
Palagi akong umaasa na makakasalubong ko siya sa tuwing dumadaan ako sa mga hallways dito sa school. Pero habang tumatagal na hindi ko siya nahahagilap, unti-unting napapawi ang pag-asa ko kaya hindi ko inasahang nasa harap ko ulit siya ngayon.
Hindi siya nagsalita, pero nababasa sa ekspresyon niyang nagulat siya sa suot ko ngayon at hindi dahil sa nakikita niya ako. Well palagi naman niya akong nahahagilap. Ako 'tong hirap sa paghahanap sa kanya.
I don't why there is still a need for me to find him. Siguro gusto ko lang masiguradong okay siya araw araw.
"Hi." panimula ko sa pinakamahinang boses na nakayanan ko.
Bahagya akong pumagilid dahil sa mga nagdadaanan. Sumunod siya't pumantay sa pagharap sa'kin.
Nakakunot ang kanyang noo. "Ba't ka nakaganyan?"
Riley will always be Riley. Ayaw niya pa rin akong nagsusuot ng ganito.
"Kasali ako sa dance contest. Next na kami." ani ko.
Napaawang siya. "Wow!"
Lumingon siya sa gitna ng court kung saan nagpeperform na ang Education department. Napatunganga pa rin siya pagkabalik ng tingin sa'kin. Natawa ako sa reaksyon niya.
"Wala kang sinalihang game?" tanong ko.
He composed himself na para bang hinila niya pabalik ang sarili sa realidad. Tumikhim siya saka umiling. "Wala eh. It's not my priority as of now."
"Magsaya ka naman." bahagya kong tawa.
Malungkot siyang ngumiti. "I tried."
Napawi ang ngiti ko. Nihindi ko siya matignan. Parang napipilitan siyang ngumiti for me not to feel the guilt lalo na ngayong kami na ni Azriel.
It's not that I'm giving him mixed signals kaya gusto kong makipagkwentuhan sa kanya. I'm treating him like an acquaintance. Casual lang katulad ng sabi niya noon. Hindi ko akalaing siya nalang ngayon ang nahihirapang tuparin ang sinabi niya. Because honestly, this isn't hard for me. Treating him like a normal friend doesn't. Sa nakikita kong ekspresyon niya ako nahihirapan. Knowing this hurts him more than it used to hurt me before.
"Anyways, goodluck." he's trying to bring back the cheery mood. And I could tell that' he's trying to master the art of pretending to be happy.
"Manonood ka?"
Ngiti siyang tumango. Mabilis ko iyong sinuklian nang marinig ang hiyawan ng mga tao tanda na tapos na silang sumayaw at kami na ang susunod. Mabilis akong bumalik sa grupo.
Pumosisyon na kami bago paman inanunsyo na kami na ang suusnod. Naghiyawan ang mga kapwa naming nursing schoolmates. Umabot ang hiyawan sa seventh floor. Ang rami ring mga nanonood sa harap. Nahagip ko si Kelly na kinukuhanan kami ng picture o video. Nasa pwesto na rin nila si Riley.
Iba't ibang mixes ng kanta ang ginamit at wala kaming mabagal na dance step. Lahat mabilis. I did a front walkover at the near end kasabay ng pag back flip ni Kyler. That was the dance ender.
Nagpapasalamat ako't hindi ako inatake ng asthma sa pinaghalong pagod at kaba habang nagsasayaw. Hingal na hingal ako nang matapos at plano ko talagang unang gawin ay kunin ang inhaler ko.
Hindi pa napawi ang mga cheers kahit tapos na kaming magtanghal. Sa may student lounge kami nagtagpo nila Lian dahil plano naming dumiretso sa coliseum pagkatapos naming sumayaw.
"Ang galing mo! Ang galing niyo!" niyugyog ako ni Kelly. "Qualified na kayo maging miyembro ng G-Force!"
"Paturo ako nung hand tutting niyo! Ang galing nun!" ani ni Noemi.
"You did great!" ani ni Riley. Niyakap niya ako at parang ayaw na niyang bumitaw kahit pawis na pawis ako.
"Thanks Rai..."
"Wanna have lunch?"
Mabagal kaming bumitaw. Tinignan ko sina Lian. Sa tinging ginagawad nila sa'kin, halata na sa'kin nila dinidepende ang desisyon.
"Uhmm..." nag-aalinlangan akong tumanggi. Paano ba'to?
"May pupuntahan ba kayo?" tanong niya.
"Oo eh. Sa Coliseum, panonoorin namin yung championship game sa basketball." nahihiya kong ani.
Napaloob ko ang labi ko sa pagbabago ng kanyang ekspresyon. Parang tinanggalan siya ng happy thoughts. Yumuko ako, hindi ko pa talaga kayang tignan siya ng matagalan kapag ganito siya mabigo.
"Oh..." his voice trailed off "Is he playing?"
Tipid akong tumango. Alam naming si Azriel ang tinutukoy niya.
"Ok. It's okay." mahina niyang ani.
Hindi ko siya tinignan nang banayad kong tinapik ang balikat niya. Hinawakan niya ang kamay ko hanggang sa dahan dahan kaming bumitaw. Tumalikod na ako. Malalim akong humugot ng hangin at mabagal itong nilabas sa nakanguso kong bibig.
Parang binibigyan niya ako ng sakit na nararamdaman niya. Kaya iba na ang hinihiling ko ngayon. Hindi na akong aasa pang makita siya. I could really feel the hurt when he's hurting. Hindi na magbabago 'yon. Alam kong selfish pero makakabuti rin naman sa kanya kapag hindi niya rin ako nakikita.
"He's still into you." komento ni Lian habang naglalakad na kami palabas ng university. Inakbayan niya ako. She knows what I feel.
"Wait girls!" nilingon namin ang tumatakbong si Carlo. "Sa coliseum kayo?"
Tumango kami.
"Sama ako! Papanoorin ko boyfriend mo Jang!"
Nagtaxi kaming lima papunta sa Coliseum dahil na rin sa suot kong kita pusod. Hindi ko na nagawang magbihis. . Sporty pa rin naman tong suot ko, tugma lang sa okasyon.
Ngayon lang namin napagtantong hindi pa pala kami nakapag-lunch. Hindi na namin ininda 'yon lalo nang nag-updtae ulit sa'min si Lian na lamang na ang kalaban.
Nasa labas palang kami ng Cebu Coliseum, nakakabingi na ang hiyawan ng mga tao sa loob kaya inaakala naming tapos na ang game. Mas lalo naming minadali ang pagpasok.
Hinanap namin sina Terrell. Nakaupo sila malapit sa mga players kaso puno na sa pinagpwestuhan nila kaya doon kami sa inuupuan nila Lavinia kasama ng mga classmates niyang nagtatalon at nagtitilian na. Masasabi kong ang dami nga talaga namin sa University dahil kahit nagsisiksikan na doon, punong puno pa rin ang Coliseum ngayon.
"Number eight! Sa pag-dunk mo nabuntis mo ako!"
Napangiwi ako sa sinigaw ng kaklase ni Lavinia. Hinanap ko si Azriel sa mga naglalaro. Nakaupo si Brennan sa upuan ng mga players at nakangangang pinapanood nag mga kapwa niya manlalaro. May benda sa kanan niyang paa. Anong nangyari sa kanya? Is he injured? Mas lalong naging determinado ang paghahanp ko.
"I love you number eight!"
"Ang gwapo mo! Shet!"
"Bakit kinakampihan niyo yung kalaban?" angal ni Lavinia.
Napatayo ako nang makitang si Azriel ang number eight. Napaawang nalang ako nang maalala ang pagtanong niya sa'kin sa favorite number ko. So para pala dito 'yon?
Last quarter na ng game. Lamang ng two points ang HRM. Hingal na yumuko si Azriel, nasa tuhod ang mga kamay niya habang nakatingin sa nagdi-dribble na kalaban.
Nagtilian muli nang tumakbo ang kalaban sa kabilang ring upang i-shoot ang bola. Nakuha ni Archer ang bola kaya siya na ngayon ang hinahabol. Naharangan siya ng mga HRM players. Humagilap siya na pwede niyang pagpasahan. Sumenyas sa kanya ang isang nursing student na di ko kilala at si Azriel.
"Archer kapag ako nainis papalitan kita diyan sa ring!" sigaw ni Carlo.
Sinundan yun ng tawanan namin at ang ibang mga nakarinig. Rinig yata yun ng buong coliseum. Pati ibang players ay napalingon sa direksyon namin. Si Azriel ay hindi manlang dumako ang tingin dito at seryoso lang na hinihintay ang pagpasa ni Archer ng bola sa kanya.
"Basketball 'to Carlo hindi boxing!" natatawang sabi sa kanya ni Kelly.
"Ay sorry." nahihiya niyang ani. "Archie! Ang artche artche mo! Ipasa mo ang bola kay Fonta baby!"
Hindi parin tumingin si Azriel dito. Inis niyang pinahid ang pawis sa kanyang noo at marahas na sumenyas kay Archer. Parang mangangagat na siya sa inis kay Archer na hindi pa rin nakakapagdesisyon. May kanya kanya naring sigaw ang mga nursing students na nandirito.
"Ipasa mo kay number eight!"
"Magnu-nursing na ako para sa'yo Fontaneza!"
Siniko ako ni Kelly. "Sikat ng boyfriend mo."
Napailing ako at ngumiti. Sa kasanayan ko sa fame status niya, hindi ko na 'yon ikinainis.
Lumakas ang hiyawan dahil malapit na ang time. Kay Azriel pinasa ang bola kaya agad siyang tumakbo sa kabilang ring. Nakisali ako sa pagtili dahil ilang segundo nalang ang natitira. Dapat ma-shoot ni Azriel ang bola. Hindi ko napigilan at napatayo na ako.
Huminto siya sa three point perimeter line at kaagad tumalon saka hinagis ang bola. Nahigit ko na ang aking paghinga bago pa man niya 'yon ginawa.
Ang bilis lang ng pangyayari na parang hindi niya manlang pinag-isipan at diretso hagis lang ng bola. Para namang may kamay ang ring upang saluhin 'yon kaya kampanteng kampante lang siya sa paghagis.
Hindi ako makasigaw habang nasa ere ang bola hanggang sa nagpaikot ikot na ito sa radius ng ring. Nabibingi ako sa tili nila Kelly at Carlo na pinapagitnaan ako!
Tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ang laro. Parang gumuho ang buong coliseum sa sobrang lakas ng hiyawan sa pagkapanalo namin. Outnumbered ang HRM sa bilang nga mga nursing students na nandirito ngayon.
Naglikha ng umpukan sa mga players. Sinubukan kong makapunta ngunit ang dami nang tao, hindi ako makasiksik. Marami nang nagsidaanan sa harap ko at may ibang mga nasa bleachers kanina na bumaba upang batiin ang mga players.
Nahagip ko si Azriel na hindi sumali sa pakikipag shake hands sa mga HRM players. Ang sungit talaga.
"Congrats Amber!" bati ni Lavinia.
"Thanks!"
Hinila ako ni Lian para makababa na kami at puntahan ang mga nanalo. Todo siksikan kami sa ibang nakiki-congratulate. Kesa ang dumaan sa entrance na lalakarin pa namin sa likod, tumalon nalang kami sa barricade.
Natatabunan na sila ng mga estudyante kaya nahirapan kami sa paglapit. Nakita ko si Archer at ang ibang mga players, binati namin sila pero saan na yung hinahanap ko?
"Amber!"
Luminga ako sa narinig kong pagtawag sa'kin.
"Amber!"
"Azriel?" umikot ako. Nasaan na ba siya? Dapat mabilis ko lang siyang nakikita dahil matangkad siya!
Sa mga nagsisiksikan, may humawak sa baywang ko kaya mukli akong napapihit. Bumungad sa'kin ang pagod pero nakangiti niyang mukha. Nakapulupot ang blue towel sa kanyang leeg. His hair is so disheveled and slightly wet.
Tinalon ko siya, sinalo niya ako. Mahigpit kong pinulupot ang binti ko sa kanyang baywang.
"Congrats!" masayang pagbati ko.
"Thank you."
Walang sabi sabi niya akong hinalikan na di manlang alintana na marami ang nakakakita sa'min. Nasa gitna kami ng crowd at may confetti pang nagsihulugan. Naramdaman ko ang pagngiti niya sa kanyang paghalik. Aba! Sobra sobra na ang pagkapanalo niya a!
Naghiyawan ang kanyang mga kasama. Narinig ko naman ang malakas na tili ng mga kaibigan ko.
Pati si Lavinia ay nakisigaw. "Isusumbong kita sa parents mo! PDA!"
Natatawa nalang kami ni Azriel na hindi bumibitaw sa isa't isa.
Nasilaw kami sa flash ng camera. Nilingon namin yun at nakita ang nakangising si Terrell.
"Pagpatuloy niyo lang. Don't mind me." aniya.
Akma niya ulit akong hahalikan ni Azrile nanag mahagip niya ang suot ko. Nagsalubog ang kilay niya at nag-iba ang reaksyon sa kanyang mga matang nakatingin sa exposed kong pusod.
"You're wearing that? 'Yan ang costume niyo?" halos paghihisterikal niya.
"Nagtaxi naman kami papunta rito."
"Still!" lumala ang kanyang pagka-inis.
Binaba niya ako. Hinubad niya ang jersey shirt niya at sinuot sa'kin. Muli niya akong hinapit at hinalikan! Nagulat ako doon pero di nagtagal ay tumugon na rin ako.
"Duuude...get a room..." pang-aasar ng mga kasamahan niya.
Natatawa siyang bumitaw. Pinunasan ko ang kaunting pawis sa kanyang mukha gamit ng aking kamay. Tinitigan ko ang mga mata niya't napansing namamasa ito. Sa tingin ko ay dahil lang sa pamamawis. Ginamit ko na ang face towel niyang blue upang idampi sa kanyang mata.
"We'll celebrate sa bahay? Dinner with dad and mama?" umaasa akong tanong. Naisip kong ngayon na siya dalhin sa bahay.
Mangha siyang nag-react. Mas hinapit niya ako sa kanya. "You won, too?"
"Wala pang announcement eh. But we will still celebrate."
He did a tight lipped smile at malalim na huminga. Tumingala siya, parang nag-iisip bago ako tinignan muli. Umulit siya sa maingay na pagbuga ng hangin. I don't have to ask, nararamdaman kong kinakabahan siya.
"Okay I'm ready!" mukha nga siyang handa at masigla pero nanlalamig naman ang mga kamay niya sa baywang ko. Mukhang ready ka nga Azriel.
Ngunit hindi ko itatanggi na naaapektuhan ako sa kaba niya. May mas matindi pa kaming hamon na papanalunin mamaya. This is very goodluck to us.
{&ή11y
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top