FIFTY ONE
CHAPTER FIFTY ONE
______________________________________________________________________________
I don't know where to begin describing the tension that's been overrunning. Napapaigtad ako sa bawat paglapat ng mga kutsara sa plato. Nakakabingi ang mga pagnguyang naririnig ko. Hiyang hiya ako sa katahimikan.
Kada subo ko ay tinitignan ko si daddy. Seryoso lang siya sa pag kain at parang solong solo niya ang hapag kainan as if wala siyang kasalo. Dad, kung wala lang akong hiya ay kanina pa kita kinakawayan.
"How's the food Azriel? Nakalimutan kong itanong kung may food allergies ka. Sabihin mo lang at ipu-pull out ko yung dish." basag ni mama sa katahimikan. Naibsan ang bigat ng sitwasyon sa pagsasalita niya.
Uminom muna ng tubig si Azriel na katabi ko bago sumagot. "Wala po akong allergy. The food's great."
"Mabuti ka pa. Itong si Amber kasi, sa dinami daming pwedeng bawal ay yun pang gusto niyang kainin. You know her allergies and her condition?"
"I'm aware of it, tita. Eggs and crabs. And she's asthmatic." aniya.
Ningitian ako ni mama. I guess Azriel got her approval. Hindi ko mapigilang ngitian siya pabalik.
Sa totoo lang nanibago ako sa inaasal ngayon ni Azriel. He's too polite. Pero wala namang bahid ng pakitang tao itong ginagawa niya. He looks sincere to be too polite. Siguro nagagawa na rin niya 'to sa kung sino mang ginagalang niya. It could also be that he's intimidated by my parents when he's intimidating himself. It could be a mix of both including the sense of respect to them because they are his girlfriend's parents.
Naputol ang pag-iisip ko sa pagtikhim ni daddy. Kahit hinihintay ko ang pagkakataong magsalita siya, na isaboses ang nais niyang sabihin, at the same time ayaw ko 'tong marinig. They might be positive or negative remarks.
Nagtatalo ang loob ko kung mananatili ba ako dito't ubusin ang kinakain o lalabas ba ako ng bahay at hayaan nalang sila. The tension is just too much to handle. Parang nag-aabang ako sa pagsabog ng bomba at sampung segundo nalang ang natitira.
"So...what's your father doing in Australia? Amber mentioned na may negosyo siya doon."
Naganap na ang unang pagsabog. But it was just a mild explosion dahil sa kalmadong boses ni dad. But I could sense the disinterest in his tone.
"It's an industrial business po." ani ni Azriel na mukha ring tensyonado. He's trying to hide it based from the forced smile that he's giving me.
"Why took Nursing?" hindi nag-aangat ng tingin si daddy habang nagtatanong. Abala siya sa paghihiwa ng steak.
"He didn't approve of me studying here in the Philippines so he refused to pay for my tuition. My uncle paid for it instead, and he made me take this course."
Tumatango si mama. Dad remained void of any reaction. Pinapagaan ko nalang ang loob ko sa pakikinig kay Azriel dahil gusto ko ang paraan ng kanyang pagsasalita. I will never get tired of hearing his Aussie accent.
"Having plans of going back in the land down under?"
"I'm not sure. I'm happy being here." Nilingon niya ako at ningitian."I belong."
I bit my lower lip to suppress a smile. Ramdam ko ang pamumula ko. Hindi ako makatingin kay mama dahil paniguradong nasa amin ang mga mata niya ngayon. She's going to talk about this non-stop later on for sure.
"So paano 'yan? Magiging nurse kayong dalawa ng anak ko. Maliit lang ang sweldo ng pagiging nurse dito sa Pilipinas. If you and my daughter would end up together , do you think both of you can handle the kind of life that you will be dealing with?"
"We haven't talked about it Sir." mababa ang boses ni Azriel. Parang disappointed sa sarili.
I don't want him to feel that way. Sumasakit na ang dibdib ko kahit hindi ako sigurado kung 'yun ba ang nararamdaman niya.
"Haven't talked about it?" halos histerikal na tanong ni dad. This time nag-angat na siya ng tingin kay Azriel. "So ano, hindi kayo sigurado kung magiging kayo? Bakit? you have plans of hurting my daughter? You have a plan of breaking things with her?"
"Dad!"
"No, Sir."
Sabay kaming nagsalita ni Azriel.
Natigil kami sa pag kain. Kahit si mama ay hindi makapaniwalang tinignan si dad. Nilabas ko ang aking hininga na kanina ko pa pinigilan.
Bakit ba siya ganito? Walang ginagawang masama si Azriel. He has been polite and respectful! Unang pagkikita palang naman nila 'to. At kahit wala pa siyang napapatunayan, dad should not have judged him right away.
Hindi ko matignan si Azriel. It hurts to see him downcasted. Nahagip ko siya sa gilid ng aking paningin, nakayuko at tinitigan ang kanyang plato. Hinagilap ko ang kamay niya't dinala sa'king binti. Mahigipit niyang sinuklian ang pagkakahawak sa kamay ko.
Hindi man sinabi ni dad na ayaw niya kay Azriel, his words has already told us so. He is against us.
"Dad please..." halos naiiyak kong sambit.
Dinampian niya ng table napkin ang kanyang bibig. Kalmado niya itong tinutupi sa mesa. Hindi siya makatingin sa'kin. "If you had only taken what I want you to take Amber. I wouldn't have been against the both of you."
Tumayo siya't naglakad palabas sa dining room. Muling tumibok ang pulso ng katahimikan sa mesa. Wala nang niisa sa amin ang nagbalak pang bumalik sa pag-kain. I couldn't even stare at my food. Namamasa na ang kamay ko sa mahigpit kong pagkakahawak kay Azriel. Kahit kamay ko'y umiiyak na para sa'kin.
I should not hate my father. I think I don't hate him. Pero pagkatapos ng nangyari ay ayaw ko siyang kausapin. But I really don't hate him. I should not.
Tumayo na rin si mama at nilapitan kami. Inakbayan niya kami ni Azriel.
"I'm not against you." Tinignan ako ni mama. "I'll talk to your dad."
Tumango ako. "Thanks Ma."
Pagkaalis ni mama, buntong hininga kong tinungo ang aking mukha sa balikat ni Azriel. Inakbayan niya ako at nilipat ang pagkakabaon ng aking mukha sa kanyang dibdib. I felt him kissed my hair. Naiiyak ako. Umpisa palang 'to, paano pa sa mga susunod na araw?
Wala naman sigurong gagawing masama si daddy. He's not that bad. He's okay with everything except this. Pero ngayong nalaman na naming ayaw niya sa'min ni Azriel, can I wish for him not to agree with everything except this?
"It's okay." pabulong na ani ni Azriel.
Umiling ako sa dibdib niya. "No, it's not."
"Let's wash the dishes." aniya. Napatawa ako doon. Sa kabila ng mga sinabi ni dad may gana pa siyang maghugas ng plato?
"Ako na ang bahala diyan iho. Pagkaguwapo mong nilalang kaya hindi bagay sayo ang maghugas ng plato."
Napabitaw ako kay Azriel sa pagsulpot bigla ni manang Terry. Nililigpit niya ang mga pinagkainan namin.
"Nakapagtapon na nga po 'yan ng ihi sa ospital eh, maghugas pa kaya ng plato? Naglinis rin siya ng pwet ng baby nung nagduty kami sa Nursery." sabi ko. Tumawa sila.
"Kahit na. Bisita rin naman natin siya."
"Thanks po manang. Labas lang kami." tumayo na kami ni Azriel at lumabas ng bahay.
Umupo kami sa nakaangat na parte ng sidewalk sa harap na aming gate. Tumingala ako sa taas ng bahay namin, bukas ang ilaw ng kwarto nila mama. Inasahan kong may marinig ni katiting manlang ng kanilang pag-uusap.
"You're dad's damn scary." ani ni Azriel. Pinaglalaruan niya ang mga daliri ko.
"Sorry..."
"Ganon din ba siya kay Riley?"
Umiling ako. Parang anak ang turing niya kay Riley. Kaya hindi ko inasahan yung kanina. Half of me had already expected him to disagree with our relationship pero nabigla pa rin ako. I have never taken him as someone who would walk out during dinner.
"He's much better then, huh?"
Mabilis ko siyang hinarap. "You're both different but in a way that I can't afford to compare."
Siguro para sa ibang tao mas lamang siya, o kaya si Azriel. But for me...hindi ko sila maikumpara. They're both good in their own ways. I can enumerate the list of things that make the both of them good for me.
Tipid siyang ngumiti. I'm not used to Sad Azriel. I'm used to Stuck-up Azriel.
"Siya ang gusto ng dad mo." sumakit ang dibdib ko sa kanyang sinabi at sa lungkot ng tono niya.
"But I love you."
Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba, dala ng silaw ng ilaw o totoo ba ang nakikita kong pamamamasa ng kanyang mga mata. Dahil pa rin ba sa nangyari ang dahilan? O dahil sa sinabi ko? Eitherway isa lang ang kinahahangtungan nun sa'kin; Ang pakiramdam na parang may mga higanteng kamay na lumamukot sa puso ko. Pati ang butong nakapaligid dito ay binali.
"I do, too. Naka three points nga ako kanina di ba? So basically, I was the first one to say I love you non-verbally."
Tumawa ako. How could he be so smart? Ewan ko kung nagbibiro lang siya pero base sa sinabi niya...there's nothing wrong in believing it.
Sumiksik ako sa kanya sa pagdaan ng malamig na hangin. Hindi pa rin ako nakapagpalit. Weird as it seems pero ayaw kong hubarin 'tong jersey shirt niya. It's like I'm laying my claim into it kahit hindi naman 'to sa'kin. Nakapagpalit ng shirt si Azriel kanina habang nasa biyahe kami at naligo ng pabango.
Hinawakan ng kanyang thumb at hintuturo ang baba ko saka ako pinatingala sa kanya. Nagtataka man, hindi na ako nagtanong kung bakit. I'm letting him stare at me na para bang sinasaulo niya ang mukha ko sa kaunting ilaw na sinilungan namin.
"I may not be your first kiss, but I don't want you to forget this, Amber."
We've kissed several times before, and he's kissing me now. So why does he want me not to forget this kiss when we had shared unforgettable ones? Lahat naman siguro ng halikan namin hindi ko makakalimutan.
It was sweet, innocent and shallow. Hindi katulad nung kanina sa girls cr. Sa ilong naman niya ako hinalikan pagkatapos. Napawi ang ngiti niya nang may maaninag siya na kung ano sa likod ko.
Kumunot ang kanyang noo at naningkit ang mga mata. "I've seen that Escalade before."
Marahang nanlaki ang mga mata ko. Parang alam ko na kung saan papunta ang usapang 'to.
"Sa inyo pala 'yan?" muli niyang tinignan ang Escalade sa nakaparada sa garage. "I can still remember the plate number."
"Sa kuya ko." nahihiya kong ani. Akala ko hindi na niya malalaman. At akala ko makakalimutan na niya ang araw na 'yon. Minsan nakakainis din ang sharp memory niya!
"So...kuya mo yung nag-drive at nandoon ka sa loob?" mabagal niyan ani, parang inisa isa niyang pinoproseso ang bawat salita.
Tumango ako.
"Bakit kilala niya kami?"naguguluhan niyang tanong.
Napakagat ako sa kuko ko. Tinanggal niya 'yon at strikto akong inilingan.
Paano ko ba sisimulan? Inalala ko ang araw na 'yon. Hinding hindi ko 'yon makakalimutan dahil ang weird lang na ang layo ng nilakad nila tapos nakauniform pa.
"Kasi nagtaka ako kung bakit kayo naglakad. Napansin ni kuya na pinagmasdan ko kayo. He insisted na pasakayin kayo pero pinigilan ko. Hindi pa kasi tayo close. Nagsuplado ka nga sa'kin eh."
Ngumisi siya. "Nainis ba kita?"
"Yung totoo?" tumango siya. "Oo."
Humalakahak siya.
Mahina ko siyang sinapak sa braso. "Hindi kasi kita maintindihan kung bakit mo ako sinungitan."
"Yung totoo?" ganting tanong niya. Tumango ako.
"C'mon."
Kinuha niya ang kamay ko. Bahagya siyang nauna sa paglalakad patungo sa salungat na direksyon kung nasaan ang guard house.
"Saan tayo?" tanong ko.
Ngiti lang ang sinagot niya. Parang matagal na siyang residente dito dahil mukhang alam niya kung saan kami pupunta. Does he live here? I thought dorm lang ang tanging inuuwian niya.
Nilapitan namin ang huling bahay sa papalikong parte ng subdivision. Ang lapit lang sa amin nito ah? Lumingon ako sa amin at binilang kung ilang bahay ang layo nito galing sa aming bahay. Dalawa.
Kumatok si Azriel sa kulay brown na pinto. September palang pero may wreath nang nakasabit sa pinto at ang pintuan naman ay may nakahilera nang Christmas lights pati na ang mga halaman nila.
"Kaninong bahay 'to Azriel?"
Hindi na niya nasagot ang tanong ko dahil bumukas ang pinto. Bumungad sa amin ang babae na kasing edad lang yata ni mama. Bilugan ang kanyang mga mata at parang may lahing Kastila.
Gulat siyang makita si Azriel at niyakap. Kaano ano niya 'to?
"It's been a long time AJ." Hinigpitan niya ang yakap na parang nangungulilang ina bago siya bumitaw. Bumaling siya sa'kin. Nagbago ang ngiti niya't naging mapagtanong.
"Si Amber po, girlfriend ko." pakilala ni Azriel.
Lumawak ang ngiti ng babae. "Oh hi!" kinamayan niya ako. "kaya pala hindi na 'yan nagpupunta rito dahil ikaw ang pinagkakaabalahan." natatawang ani niya.
"Si tita Beatrice. Wife ng tito ko, yung pumunta sa dorm. Remember him?"
Tumango ko, paano ko ba makakalimutan ang masungit din niyang tiyuhin. Mabait 'tong tita niya, ningingitian pa nga ako. Paano kaya niya nagustuhan yung tito ni Azriel? Kasi sa natatandaan ko, malamig na pagtitig at tipid na tango lang ang ginawad niya sa'kin, unlike what his wife is showing me right now. Pakiramdam ko welcome na welcome ako sa presensya niya.
"Come on in."
Pumasok na kami sa bahay nilang moderno ang stilo. The interior lighting is incandescent kaya sopistikadong tignan. Malamig ang loob ng bahay, palagay ko may centralized aircon.
"Nag dinner na ba kayo?" tanong ni tita Beatrice galing sa kusina.
"We have had our dinner at Amber's house." ani ni Azriel.
Pinasidahan ko ang bahay nila at inaasahang sa ilang sandali lang ay magpapakita na ang kanyang tito o yung anak niyang mukhang mayabang. I don't want to judge, that's just my first impression. 'Yon naman kasi ang pinapakita nila sa'kin so what do they expect? I based my first impressions from the way they had acted in front of me.
"Dito ka nakatira?" tanong ko kay Azriel.
"Kina tito 'to." Hinawakan niya ulit ang kamay ko at nagtungo sa kitchen nila. "Nasaan po sila?"
Nagsasalin ng juice si tita Beatrice sa maliit na baso sa tapat ng cute na batang nakaupo sa kiddie high chair. Nagkalat ang ketchup sa bibig nito at may mantsa din sa puting tela na nakasabit sa harap ng kanyang upper pink pajamas.
"Nasa Macau ang uncle mo. Ewan ko lang kung nasaan si Nolan, barkada na naman ang inatupag nung pinsan mo."
"Kuya AJ!" ani ng cute na bata. Ginagalaw pa niya ang nakalambitin niyang mga paa. Nakapagpacute sa kanya ang kanyang full bangs.
Nilapitan siya ni Azriel at pinunasan ang nagkalat sa kanyang bibig. "Hi Myla."
"How's school AJ? Ang tagal mo nang hindi nakabisita rito." Umupo si Tita Beatrice sa tabi ni Myla at pinainom ito ng juice.
"Wala din namang may gustong nandito ako."
Inikutan siya ng mata ni tita Beatrice. "Oh dear, I prefer your presence here. Kada kita ko sa kalmado mong mukha ay nakakalma na rin ako kahit suplado yang mukha mo." mahina siyang tumawa. "Your uncle and your cousin are always arguing. Nakaka-stress."
"Wala pa rin pala silang pinagbago."
"Wala talaga. Mabuti na rin sigurong wala sila dito ngayong bumisita ka. You're timing's impeccable. I just hope na hindi ka maabutan ng niisa sa kanila."
I get it that they're not in favour of Azriel being here or most likely as a person. Pero bakit? 'Yon ang hindi ko maintindihan. Tungkol pa rin ba 'to sa alitan ng papa niya at ng kanyang tito? It's just too shallow but who knows, maybe there's more to that family competition.
"Sandali lang po kami." Binalikan niya ako at hinawakan na naman ang aking kamay. "Akyat po kami."
"To your old room?" tumango si Azriel. "Sure, pinanatili ko talagang maayos 'yon in case you'll stay the night."
"Thanks po, tita."
Dalawang set ng hagdanan ang inakyat namin bago kami pumasok sa isang kwarto. Pagkabukas niya ng ilaw, nakita ko ang kalinisan ng paligid. Kulay asul ang kama at light navy naman ang dingding. So...this is his old room?
Binuksan niya ang sliding window, otomatikong umalon ang manipis na puting kurtina sa pagpasok ng malamig na hangin. Yumuko ako upang pansinin ang kulay off-white na tiles. Hindi kalakihan ang kwarto pero masasabi kong komportable itong tirhan.
Lumundag ako sa malambot na kama pagkaupo ko. "Wala ka bang ibang kamag-anak na pwedeng magsustento sa tuition mo? Yung hindi ka tatatratuhin na parang hindi kayo pamilya?"
Sumandal siya sa windowsill at humalukiphip. "Tatlo silang magkakapatid. The youngest died when I was five, I guess. Tito Jerry is the eldest next is my dad. So wala na akong ibang matatakbuhan."
"Lolo or lola? O ibang kamag-anak mo sa mother side?"
Tamad siyang nagkibit balikat. "Hindi ko alam kung nasaan sila since mom left us. Dad said they hate him. But my brother is with one of them. Half brother. Kapatid sa ina. He's the closest relative that I have."
Nagbaba ako ng tingin at tumitig sa pinagkrus na mga paa niya lalo na sa kulay ng kanyang Air Max. Siguro ang half brother na sinabi niya ay yung kapatid na nabanggit sa'kin ni Terrell na nag aaral din sa university ngayon. Pero bakit parang hindi ko sila nakikitang magkasama? I thought he's the closest relative that he has?
So his complicated life doesn't just end with their mother that left them. May ibang pamilya ang ama niya. Then his other relative has this strange averse treatment towards him.
I feel bad for him. But I know he doesn't need pity so I won't feel pity for him. Pero nasasaktan pa rin ako sa nalaman ko tungkol sa kanya. In various rejections, he needs acceptance and belongingness. Nakuha niya naman 'yon sa paglayo sa ibang pamilya ng kanyang ama at sa pagtira malayo sa kamag-anak niyang ayaw sa kanya.
"So do you still want to know what made me so pissed that day?"
Bahagya siyang nakayuko, gesture niya sa tuwing siya'y nanunuya habang nakaangat ang isang gilid ng kanyang labi.
Panandalian kong nakalimutan 'yon. I got sidetracked by his family issues.
"Bakit nga ba?" tanong ko.
Umayos siya ng upo at tinapik ang katabi niyang espasyo sa windowsill.
"C'mere." isang beses siyang tumango pababa.
Sumunod ako't nilapitan siya. Nakaharap ako sa labas. Nakiliti ako sa paghawi ng kurtina. Lumipat si Azriel sa likod ko. Pinagigitnaan ako ng mga kamay niyang nakatukod sa windowsill. Ramdam ko ang init ng dibdib niyang nakalapat sa aking likod.
"Nainis ako na iniyakan mo siya. Nainis ako na nasaktan ka niya. Nainis ako kasi hindi mo ako pinatulog sa iyak mo. Nainis ako nang makita kong naghalikan kayo."
Halos pabulong ang pagkakasabi niya pero malakas ang pagtama nito sa dibdib ko. Noong una ay hindi ko pa maintindihan, pero nang tinuro niya ang bahay namin, doon ko na nakuha ang ibig niyang sabihin.
"You saw it." naging hangin ang mga salita ko.
Nilingon ko siya na nakatingin na sa'kin.
"I had witnessed it. Everything." pag-amin niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top