FIFTY FIVE

CHAPTER FIFTY FIVE

__________________________________________________________________________

Tatlong araw akong nagkulong sa bahay. Wala akong kinakausap, puro tango, kibit balikat at iling lamang ako. Kapag umuuwi si daddy, didiretso ako sa kwarto at buong araw na ako doon mananatili.

Hindi naman naging boring ang aking pagkukulong. Nakakapag-internet pa rin naman ako at minsan nilalaro ko si Dozer. Kahit binilhan ko na siya ng toy yarn na gustong gusto niyang lamutakin, hindi pa rin siya nagbawas ng timbang. Naisip kong hindi na nga siguro siya magbabago.

Kahapon ng umaga ako huling nagtext kay Azriel, tinatanong kung nakauwi na siya. Hanggang ngayon wala pang reply marahil magtatagal pa siya sa Australia. Tinext ko siya ulit ngayon saka tinawagan para makasigurado pero wala rin.

Ngayon ko lang pinagsisihan ang ginawa ko kay Riley. I was really super rude to him. Naisipan kong puntahan siya sa kanila pero parang wala naman akong mukha na maihaharap. The things I'd said...kung ako ang pinagsabihan nun, hindi ko na papansinin ang taong nagsabi sa'kin. It hurts a lot. Lalake pa siya, it was surely a big blow to his ego.

Kinahapunan ay bumaba ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng gutom. Malaya akong nakalabas ngayon sa kwarto, wala kasi si dad. Naghugas muna ako ng kamay dahil kakakarga ko lang kay Dozer na nilapag ko ngayon sa mesa. Tulog na naman siya.

Habang naglalagay ng cheese spread sa slice bread ay umilaw ang phone ko. Napaigtad si Dozer sa pag-vibrate nito. Kumagat ako sa bread saka binuksan ang message. Natigil ako sa pagnguya pagkabasa ko kung kanino galing ang mensahe.

Azriel:

I'm home. Dorm.

Tinignan ko ang oras sa phone. Mag-aalas kwatro palang ng hapon. Hindi ko na inubos ang kinain ko't lumabas ako sa dining pero napabalik ulit nang maalala si Dozer kaya binalikan ko siya.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Kinuha ko ang bagpack ko sa cabinet at nilagyan ng ilang mga damit at mga kailangan kong gamit. Balak kong doon matulog sa dorm nila.

Dirediretso akong lumabas na hindi manlang inaalam kung may makakakita sa'kin. Niwala akong sinabihan na aalis ako, o paglalayas ba ang tamang term. Naghalo ang kaba at excitement na nararamdaman ko sa aking pag alis.

Mabilis kong nilakad ang labas ng subdivision. Nakasalubong ko ang yellow Volkswagen ni Lavinia. Kaway ang sagot ko sa pagtatanong ng kanyang mukha. Tinawag niya ako pero kinawayan ko nalang ulit. Nakapara ako ng taxi at sa aking pagsakay, nakahinto pa rin ang sasakyan niya; Tinatanaw niya ang aking pag alis.

Bumili muna ako ng chickenjoy na siyang favorite ni Maddox bago ako tuluyang dumiretso sa dorm.

Nahigit ko ang aking paghinga dahil sa nadatnan ko sa sala. Parang tumaba ang puso ko. The scene seems like the compensation sa nangyaring sagutan namin ni daddy. Maingat kong sinara ang pinto at tahimik na humakbang papalapit sa kanila.

Himbing na himbing ang tulog ng dalawa sa nakalapat na foam mattress sa sahig. Parehong nakatayo ang mga buhok nila. Lalo na ang buhok ni Maddox. Nakatihaya siyang natutulog, but he's facing Azriel. Nakayakap sa tiyan ni Maddox ang braso ni Azriel na para bang ayaw niya itong mawala sa kanyang tabi habang ang isa'y nasa ibabaw ng ulo ng anak niya't may hawak na lego.

Nagkalat pa ang ibang lego na nakapaligid lamang sa kanilang hinihigaan. May mga laruang kotse pa. Sayang at hindi ko naabutan ang pakikipaglaro ni Azriel sa anak niya. It must have been a perfect picture to capture.

Gayunpaman, kinunan ko pa rin sila ng picture gamit ng aking phone. Sinigurado ko munang naka off ang sounds para hindi sila magising. Gusto ko sana itong i-post, kaso hindi ako sure kung ibig bang ipaalam ni Azriel sa karamihan ang tungkol dito. Kahit nga si Terrell sa tingin ko ay wala pang pinagsabihan.

Nahagip ko ang pawis sa noo ni Maddox at sa gilid ng tenga ni Azriel saka sa leeg. Hinanap ko ang electric fan na nasa tabi lang ng tv. Tinanggal ko sa outlet ang plug ng tv at pinalit ang sa electric fan. Binuhay ko ito saka may pinindot ako sa likod upang umikot ito at hindi manatiling nakatapat sa kanila.

Gumalaw si Maddox sa pagtama ng hangin sa kanya. Napangiti ako sa pagkamot niya ng mapupula niyang pisngi. Dumaing siya't nag-iba ng posisyon. Patagilid na siyang natutulog. Gumalaw ang kamay ni Azriel at inayos ang pagkakayakap sa anak.

Pinilit kong hindi maglikha ng ingay sa paglapag ng mga gamit ko sa mesa. Niligpit ko ang mga laruan at nilagay sa toy box na gawa sa kahoy. Pinulot ko ang lego sa kamay ni Azriel na halos mabitawan na niya.

Natunugan ko ang paggising ni Azriel. Mukahng narinig yata ang pagliligpit ko. Sa akin siya unang lumingon.

"Hey...kanina ka pa?" tuluyan na siyang umupo. He stifled a yawn habang kinukusot ang inaantok pa niyang mga mata. "You didn't wake me up."

"Kakarating ko lang. You bought these toys?" turo ko sa toy box.

Umiling siya habang nagtungo sa'kin. Tumabi siya sa'kin sa sofa. "Nasa luggage na ni Maddox. He likes building stuff."

"Not to mention cars."

Malaki ang mga tango ni Azriel sa pagsang ayon. Nakatingin siya kay Maddox, at kita ko sa ekspresyon niya na magiging kawalan sa buhay niya kapag nawala ito. Para bang sa isang sulyap niya lang sa ibang direksyon pakiramdam niya'y mawawala na ang bata sa kanya.

What's not to love about the kid? Nothing. He's adorable. Para siyang anak ng royalty family dahil sa mamula nitong pisngi. He's going to break hearts for sure.

"I brought chickenjoy." kuha ko sa atensyon niya. Lumipat ang mata ni Azriel sa plastic na nasa mesa.

Ngiti siyang lumingon sa'kin saka ako inakbayan. "Thanks."

"It's for Maddox." sabi ko.

Ngumisi siya. "Still. Thanks."

Tumitig ako sa kanya. How could dad say those words against the man infront of me? Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Azriel having a son from another woman doesn't make him less of a person. Oo, kapag sa simula mahihimigan mong magaspamg ang ugali niya. But impressions are fake impressions. Hindi iyon magiging batayan sa kalidad ng isang tao.

His finger smoothened my furrowed brows. Ngunit sa kanya naman ang kumunot. "What's wrong?"

Pumeke ako ng ngiti. "Wala."

Nanatili siyang nagkunt noo, hindi naniniwala. Don't you use Lian's power on me Azriel. Hindi mo magugustuhan ang malalaman mo.

"Dada..." sabay kaming bumaling kay Maddox sa mapaghanap niyang sambit kay Azriel.

Kaagad niyang nilapitan si Maddox at mahina niyang tinatapik tapik ang binti nito.

Pikit matang hinagilap ni Maddox ang kamay ni Azriel. Walang tunog akong tumawa sa ka cute-an niya. Nang matagpuan ang kamay ng ama, binalik niya ito sa pagkakayakap sa kanya. Aliwng napangisi si Azriel. I wonder kung ganyan din siya nung bata pa.

Dumestino ang ngumingiti niyang mga mata sa'kin.

"He loves hugs." bulong niya. Muli siyang humiga sa tabi nito.

"Idol siguro niya si Barney." ganting bulong ko. Tahimik kaming nagtawanan.

Halos gabi na nang magising si Maddox. Una niyang hinanap si Azriel na magdamag lang nakatitig sa kanya. Nagkamot ito sa kanyang buhok habang ang isang braso niya'y nilahad kay Azriel upang magpakarga. Kinarga naman siya at dinala sa sofa saka pinaupo sa mga binti nito. Ngayon ko lang pansin na parehas silang naka white sando at shorts.

"You wanna eat? Tita Amber brought something for you." ani ni Azriel habang binubuksan ang dala kong pagkain.

Tumango si Maddox at tumitig sa'kin. Ningitian ko siya, mukhang kinikilala pa niya ako. Pinisil ko ang kanyang pisngi at sinubukang hindi manggigil. Mabilis siyang nag-iwas habang nakangiti. I don't know if nahihiya siya o nakikipaglaro sa'kin.

"Pinagupitan mo na siya?" tanong ko nang mapansin ang umiikli na niyang buhok. Noong unang kita kasi namin sa kanya, hawig ang buhok niya sa isang member ng sikat na boyband ngayon. Ngayon nagmumukha na siyang binata.

"Yep." Pinasidahan niya ang buhok ni Maddox. "He really looks like me now."

"Kahit naman makalbo yang anak mo kamukha mo pa rin." natatawa kong sabi.

Sumandal si Maddox sa dibib ni Azriel habang nasa kandungan nito ang pagkain. Takam na takam niya itong sinusubo.

"How's your stay so far here in the Philippine, Maddox?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Imbes ay tinignan niya lang ako pagkatapos at nahihiyang ngumisi. Tinakpan niya ang namumula niyang mukha gamit ang kamay niyang may hawak pang fried chicken thigh.

"Hey...why are you shy?" natatawa kong sabi sabay kalabit sa pisngi niya.

"She's pretty right?" panunudyo ni Azriel sa kanya, mahina pa niyang tinulak ang balikat nito.

"Yeah..." mahina niyang sabi. Nagtawanan kami ni Azriel.

"I think he's crushing on you." nakangisi niyang sabi.



"Mag-ama nga kayo" sabi ko.



Nagtaas siya ng kilay. "I know right?"

Piningot ko ang ilong niya. Pakunwari niyang kakagatin ang kamay ko. Hindi niya nahuli dahil nakahawak siya ka Maddox.



"Ba't palagi siyang nagpapakandong?" puna ko.



"Baka sinanay ni Penny. Dad said he also likes to climb at dad's lap and sit on it. Palagi ring nagpapakarga." nakangiti niyang pahayag.



"Kahit masungit yung Penny, atleast napalaki niya ng maayos si Maddox." sabi ko.



"Ganon na talaga siya noon pa. She's an overprotective sister to Phoebe."

He talks about Phoebe like a longing lover. I saw a lingering look in his eyes.



"Were you in love with her?" tanong ko.



Sumandal siya sa sofa cushion at umiling.

"What does she look like?"



Napaisip siya bago sumagot. "Almost like Penelope. Maputi nga lang, like Maddox."



Tiningala siya ni Maddox nang marinig ang pangalan niya. Ningitian siya ni Azriel at kinusot ang buhok nito. Bago tuluyang bumalik sa kanyang pagkain, dinaplisan niya ako ng tingin.



Tinanong ko kay Azriel ang tungkol sa pagpunta niya sa Australia. Apat na taon din siyang nawalay sa ama niya hindi lang sa kanyang anak. Mukhang magaan ang aura niya pagkarating kaya nacu-curious ako kung ano ang pinag-usapan nila.



"Dad didn't know na pinag-aral ako ni Tito Jerry ng nursing. He thought I took business kaya nagpapadala siya ng pera. Habang wala kasi ako, napag-isipan niyang hayaan na ako sa kagustuhan kong dito mag-aral when he found out the truth that his wife didn't treat me very well." aniya.



"Sa tito Jerry mo siya nagpapadala? Bakit hindi nalang sa'yo?"



"Because he's my guardian?" nagkibit balikat siya.



"Dapat pala sinabi mo na sa dad mo agad. Bakit naman kasi pinagkatiwala ka ng dad mo sa tito mo?"



Kumuha ng tissue si Azriel at marahan itong pinunas sa bibig ni Maddox. "He thought they're okay. Nag-usap daw sila to patch things up. Dad never thought tito still has a grudge on my dad. My bad, I could have told my father."

Marahil iba ang magiging sitwasyon kung maaga siyang nakapagsumbong sa dad niya.



"Alam niyang graduate ka na?" tanong ko.

"Yeah. He said he's proud of me. He wants me back there in Australia. He just got divorced." aniya.

"Paano yung mga kapatid mo?"

"They're not my dad's kids. Anak sila sa unang asawa nung babae. Grabe yung relief na naramdaman ko nung nalaman ko 'yon. That revelation was worth the trip."



Matinding kaba ang naramdaman ko nang may maisip. I don't know if it's too sudden to decide pero yun lang talaga ang pumasok sa utak ko.

"Babalik ka ba doon?" naninigurado kong tanong.

Pinausli niya ang kanyang ibabang labi. "Do you want me to?"

Nagkibit balikat ako. "Desisyon mo 'yan."

Bahagya siyang yumuko. Naningkit ang mga mata niya. "Will you stop me?"

"Gusto ko. Mapipigilan ka ba?"

Ngumuso siya. Nasa harap ang mukha niya pero nasa akin ang kanyang tingin. "Magpapapigil ako kung ikaw ang pipigil."

Pabiro ko siyang inirapan. Kinuha ko ang aking bag at kinandong ito. Hindi ko manlang naisip na magbubukas ito ng tanong kay Azriel na siya namang nangyari.

"What's with the large bag? Saan ka galing?" usisa niya.

"Can I stay here?" diretsahan kong sabi.

Binalingan niya muna si Maddox na pilit inaabot ang katabi kong lalagyan ng laruan. Kinuha ko ito at binigay sa kanya. Bumaba siya sa mga binti ni Azriel saka umupo sa sahig upang maglaro.



Binalik ni Azriel ang kanyang atensyon sa'kin. "Is there a problem?"



Bumalik ang bigat sa dibdib ko. Suko akong napasandal sa cushion. "Nag away kami ni dad."



"Why?"



Tamad akong umiling. "Let's not talk about it." Nilingon ko siya. "Can I stay?"

Kahit naguguluhan ay tumango parin siya. "As long as you want. Kahit dito ka na tumira."



Tipid ko siyang ningitian. Hinawakan ko ang matipuno niyang braso at hinila siya papalapit sa'kin. He immediately obliged. Sinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Magkalingkis ang aming braso at magkahawak ang aming kamay. Si Maddox ang pinagmamasdan namin pareho na trip maglaro mag-isa.



"Sasama ako sa'yo sa Australia." I suddenly blurted out.



Mabilis siyang humiwalay sa'kin. Mas naguluhan siya ngayon kesa sa naging reaksyon niya kanina."Saan galing 'yang sinasabi mo?"

"Di ba tinanong mo ako noon kung sasama ba ako sa'yo? Oo ang sagot ko." sabi ko.

"Are you sure?" hindi makapaniwala niyang tanong na para bang nasisiraan na ako ng ulo.



What's wrong with what I said? Noong tinanong niya sa'kin 'to mukha namang gusto niya akong sumama. And now he's asking me if I was sure?

"Yes. May ipon naman ako para sa plane ticket. If hindi kasya, I can lend from kuya Ansel."

Awang siyang napailing. "Why are you saying this?"

Nahawa na rin ako sa naguguluhan niyang reaksyon. I thought masisiyahan siya sa desisyon ko. I thought this is what he wants, too.



Nagbaba ako ng tingin. I was disappointed. Ang gusto ko lang naman ay ang malayo kami sa hindi pag sang ayon sa amin ni daddy. I'm afraid na kapag sabihin ko sa kanya ang dahilan ng away namin, baka sumang ayon siya sa kanya. The last thing he'd said to me was 'I don't know'. Paano pa kaya ngayon?



"S-sorry if—"

"No, don't be sorry." putol niya sa'kin. Binalik niya ang pwesto niya kanina. "Nabigla lang ako sa sinabi mo. Tell me, may problema ba?"

Tumunog ang phone ni Azriel bago pa ako makasagot. Nahawa ako sa pagsasalubong ng kilay niya habang binabasa ang mensahe. Mabigat ang kanyang paglunok. Kahit sa pagsilid niya muli nito sa kanyang bulsa ay mukha pa rin siyang balisa.

"Azriel?" tawag ko sa kanyang atensyon.



Iniba niya ang kanyang ekspresyon pagkaharap sa'kin. Tumayo siya. "Nasa labas si Atticus. Puntahan ko lang."



Iba ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Hindi siya kakabahan ng ganyan kung kapatid niya lang naman pala ang kakausapin niya. Pero ayaw ko siyang pagdudahan lalo na't hindi ako sigurado sa konklusyon ko.



Sa huli ay tahimik akong tumango at tinanaw ang kanyang paglabas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top