EPILOGUE
Nakaupo ako kaharap ang salamin habang nilalagyan ng mga hairpins ang aking buhok para sa veil. At dahil mahaba na ang buhok ko ay nagawang i–curled plait ang stilo ng aking buhok. I can't believe that I am able to reach this point of my life. It used to be a childhood dream to marry their first love. And now, I'm here.
Panay ang pag alog ko sa'king kamay. Naka on ang aircon dito sa room ko sa hotel pero hindi naman ako nilalamig. I'm shaking for another reason. Napangiti nalang ang nag-aayos sa'kin sa panay buntong hininga ko animo'y hindi ako mapakali.
"Wedding jitters mam." ani ni ate Franny. Siya rin ang nag-ayos kay ate Mauryn sa engagement party nila ni kuya dati. I like what she did to her hair kaya pinakiusapan ko si kuya Ansel na siya ang mag-ayos sa'kin ngayon at mag make-up na rin.
I released the nth sigh for just this day only. "Oo nga eh."
Inabot ko ang panyo at maingat na pinunas sa namumuong pawis sa'king mukha trying not to ruin my make-up.
Ilang baso ng chamomile tea ang ininom ko kagabi makatulog lang ako. I'm swimming in between excitement and being antsy o kung ano mang tawag kapag napapagitnaan ka sa dalawang emosyon na 'yon. But it's a good kind of feeling to be in between those two.
Bumukas ang pinto at pumasok ang maid of honor kong si Lavinia. Luluwas sana siyang France upang doon kumuha ng Masters sa human resource management, ngunit kinansela niya para makadalo sa okasyon ngayon. She insisted na siya ang gawin kong maid of honor. She actually doesn't have to ask dahil siya naman talaga ang maid of honor ko. Bata pa kami ay pinag-usapan na namin 'yon.
"Ganda! Ang ganda mo!" bungad niya. Naka side braid ponytail ang buhok niya ngayon.
"Ba't mo tinago ang kulot mo?"
"Baka kasi iba ang maisip nila kapag rumampa ako mamaya. They might think of their hidden parts. Being your maid of honor, I should maintain a pristine image." maarte niyang ani.
Natawa ako. Ewan ko kung bakit palagi niyang iniisip na panget ang kulot niyang buhok. It's even her asset. Parang kahanay na niya ang mga sikat na pop stars ngayon kung ilulugay lang niya ang kanyang buhok.
Mabilis naikabit ni ate Franny ang veil. Hinaplos niya ito animo'y bahagi ito ng aking buhok. "Ang ganda mo mam."
"Thank you po ate. Punta ka po sa reception ha?" sabi ko.
"Sige po." niligpit na niya ang kanyang mga gamit.
Muling nagbukas ang pinto at niluwa ang tatlo kong kaibigan na siyang mga bridesmaids ko kabilang na si Yuna. Pinapalibutan nila ako at nilalaro ang aking veil.
"Oh my gosh Amber I can't believe this!" impit na tumitiling lumapit si Lian.
"Sabi na ikaw mauuna sa'tin eh." ani ni Kelly na nakuhang magbawas ng timbang. Sa totoo lang naging chubby nga siya nung nagkita kami ulit.
Ningitian nila akong tatlo sa salamin. Una kong kita sa kanila pagkatapos kong bumalik sa Korea ay noong nagpropose si Riley. They weren't mad at me. They understood what I did. Pinapaalahanan naman daw sila ni Rai na okay lang ako. Though wala talaga silang ideya kung saan ako nagtatago.
"So...are you sure na ba talaga? This is it na ba talaga, Amber? Riley 'til the end of time?" tanong ni Kelly na ikinatawa ni Lavinia.
Lumaki ang ngiti ko saka tumango. "Without a shadow of a doubt."
Imipit silang nagsitilian at pumalakpak. Natawa na rin ako't inayos ang pagkakatakip sa'king wedding veil.
"Terrell's here, nakita namin siya sa lobby." pahayag ni Noemi.
"I gave him an invitation. Ba't hindi siya dumiretso sa Cathedral?"
Hindi na nasagot ang tanong ko nang may nag door bell. Si Lavinia ang lumabas ng kwarto upang buksan ang pinto. Hinarap ako ni Kelly sa kanya at binuksan ng kaunti ang veil ko upang tignan ang pagkaka-make up sa'kin. She hasn't really changed a bit. She's still the laughing machine and our microphone girl.
Narinig kong may suminghap kasabay ang pagkalabit sa'kin kaya napabaling ako sa dahilan ng mga reaksyon nila. Nagyelo ako sa kinauupuan nang makita ang taong nais kong makaharap balang araw. Hindi ko akalaing sa araw pa ng kasal ko siya makikita ulit.
He looked the same in the picture that Terrell posted in the social media together with his son. Pero iba pa rin talaga kapag nakikita mo na sa personal. He's more defined and mature-looking in his buttonless suit. Parang mas tumangkad siya. I guess the only fact that didn't change ay mas naging gwapo siya. No, that's actually a change. Naging MAS siya ngayon.
He merely stood there. Kung dati, kapag nag-aalinlangan siya ay bahagya siyang yumuyuko but today, he's standing straight. Parang nga lang inosenteng bata na hinihintay ang teacher na utusan siya.
Tumayo ako, pero kinailangan kong tumukod sa sandalan ng silya upang hindi maupo ulit. I evaluated myself. May kung ano ba sa aking tiyan katulad ng nararamdam ko dati sa tuwing nakikita ko siya? Is it awkward? Am I doubting about this wedding right now? It's a NO to everything. It's gone. I confirmed it. Pero nanghihina ako dahil naiiyak ako.
"Azriel..." bulong ko.
Nahihiya siyang ngumiti. "Sorry if I came here uninvited."
Umiling ako. "I gave two invitations to Terrell, sa'yo ang isa. It's just up to you kung pupunta ka."
Mabagal ang mga paghakbang niya papalapit sa'kin. I scanned the whole room at nakitang kami nalang palang dalawa rito.
"You look beautiful." nakangiti niyang sabi. Ngunit hindi nakatakas sa'kin ang pangingilid ng mga mata niya. Hindi ko mapigilang mahawa at naluha na rin.
"Salamat."
I stared at him for too long, he did the same. He looks manlier, that's how I could summarize and generalize the changes that I have noticed from him. Iba kasi noong college kami kung ikukumpara sa itsura niya ngayon. Maybe being a father has something to do with that change.
Nagulat ako sa bigla niyang pagluhod saking harapan. On both knees. Kinuha niya ang aking mga kamay at dinala sa kanyang labi upang halikan.
"I'm not here to start another heartbreak. I came here to apologize."
What is there to apologize for? Hinintay ko ang karugtong ng kanyang sasabihin. Nanunuyo ang lalamunan ko at ngayon ko na nararamdaman ang lamig ng aircon.
"Amberlyn..." rinig ko ang kanyang paglunok kasunod ang malalim na paghugot ng hangin."I am so...so...sorry. Hindi ko alam kung magiging sapat sa'yo na patawarin ako. But I understand if it will take time for you to forgive me. Believe it or not, minahal kita. All my life, you're the greatest girl that I've ever met."
Tumulo ang unang patak ng luha ko sa nakitang paglandas ng luha niya. He's trying to hide it through a chuckle but it didn't work.
"You're my first love..." natatawa niyang ani, pero ramdam ko ang mabigat na emosyon sa pagsabi niya nun habang walang tigil ang tubig sa pagtakas sa kanyang mga mata. Binasa niya ang kanyang labi at muling bahagyang natawa. Umiling sya at suminghot.
I tilted my head back at tinitigan ang puting kisame ng hotel. Sinubukan kong hindi kumurap para hindi muling maiyak. It was such an honor to be someone's first love. But being someone's first heartbreak, it pains me. Lalo na sa kanya na minsan ko na ring minahal. I didn't expect him to confess this to me.
"It's just that, I became selfish. I wanted what's better for me and my son. I had thought about how it would make you feel but I chose to break you any way more than I could."
Kinagat ko ang labi ko sa muling pagdungaw ko sa kanya. Pinunasan ko ang pisngi niyang basang basa na ng luha. His wet lashes flickered as his eyes blinked at me.
"When I was in Australia, I had always been thinking of everything about you not excluding the last night you ran away from me. Doon, naisip kong hindi ako nagsisi sa ginawa ko kahit masakit para sa'kin ang pagsuko sa atin. Kaya kahit mahal kita, I decided to just let you go. Now look at you." mangha mangha niya akong pinasidahan.
Muli niyang binasa ang kanyang labi at suminghot muli.
"I'm happy seeing you happy and I'd be more than glad to witness you start spending the rest of your life with him. With Riley, someone who has never given up on you. Ever. Mahal kita kaya ibabalik na kita sa kanya. At masaya akong minahal mo ulit siya. I'm happy that you found your way back to him, to someone that you belong with from the very first place. You're his to begin with, Amber."
Tuluyan na akong humagulhol pagkatapos ng lahat ng mga sinabi niya sa'kin. How could words as simple as what he has said can build up too much emotion to the point na wala ka nalang ibang gustong gawin kundi ang umiyak. And drown yourself with that tears of either pain or joy.
Though I'm crying not because of hurt and regret but instead, sa emosyong hindi ko maintindihan. But maybe, these tears are my pent-up tears that has been bottled up for years before reaching this day.
Yet a greater part of the tears is because of too much joy. This is definitely the closure that we need.
Tumayo siya't hinawi ang aking veil. Gamit ng panyo niya'y maingat niyang dinampian ang pisngi kong dinaanan ng luha.
"Huwag kang umiyak, masisira ang make up mo." natatawa niyang sabi.
I looked at him, kahit nanlalabo ang mga mata ko, malinaw sa'kin ang nakikitang pagbagsak ng panibagong luha sa kanyang mga mata. Sa kanyang pagsinghot, doon ko na napansin ang pamumula ng kanyang ilong.
Nilagay niya ang kanyang mga kamay sa baba ng aking tenga upang mapatingala ako sa kanya. His thumbs stroked my jaw. Dinungaw niya ako dahil sa katangkaran niya.
"Can I hug you one last time?" umaasa niyang tanong.
Ako na ang unang yumakap sa kanya. I could feel him smelling my hair while rocking me back and forth, like he was cradling a baby. May ibinulong siya na hindi ko masyadong narinig.
"Pwede bang ako ang maghatid sa'yo papunta sa simbahan?" malamyos niyang tanong.
Tumango ako. "Of course."
Sa muli naming pagharap sa isa't isa, naiyak ulit ako kaya pinaypayan ko ang aking sarili animo'y mapapaatras nito ang aking luha. Natawa lang si Azriel. Hinalikan niya ako sa noo bago muling tinakip sa'kin ang aking veil.
Nilahad niya ang kanyang braso sa'kin. Nilagay ko ang aking kamay doon at lumabas na kami ng hotel room.
Nauna na sila mama at dad sa simbahan. Habang papunta kami doon, marami kaming pinag-usapan ni Azriel. He talked about his tales in Australia with Maddox while I told him about my stay in Korea. Ito yata ang unang pagkakataon na nag-usap kami bilang magkaibigan. Yes we had talked before but there were a lot of awkward and shy moments. This time is different.
"Where's Maddox by the way?" tanong ko.
"With Terrell. Nauna na sila sa Cathedral." aniya.
Bumagal ang takbo ng bridal car pagkarating namin sa harap ng Cebu Cathedral. Umani 'yon ng atensyon ng mga tao sa simabahan. Kinawayan pa ako ni Lavinia kahit kakakita lang namin kanina. Hindi pa ako nakababa ay pinatunog na ang music para sa paglalakad ng mga sponsors.
Binuga ko ang hangin laman ang kaba ko. Nilingon ko si Azriel na nakangiti akong tinitignan.
"Congratulations." humalik siya sa'king pisngi kahit nakatakip ang aking wedding veil.
Nakita ko ang gulat na reaksyon ng mga tao nang lumabas si Azriel sa sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan ako sa'king pagbaba. Most of them knew about us. He still escorted me towards my parents. Nang tinignan ko sila, they were smiling.
"How are you iho? Where's your son?" tanong ni mama.
"He's inside with my friend." bumaling siya kay dad. Isang beses siyang tumungo."Congratulations Sir."
Tahimik na pinaunlakan ni dad ang kanyang pagbati. Sandali akong sinulyapan ni Azriel at ningitian bago siya pumasok sa loob.
I've had enough tears shed just for this day pero dahil sa naluluhang si mama, nahawa ako. Pinuluot ko ang mga braso ko sa kanilang braso.
Sa pagbukas ng malaking pinto, sinimulan ang violin version ng isang love song na pinili namin pareho ni Riley. Unang tinawag ang pansin ko sa kinalalabasan ng plinano namin; Nakahilera ang mga bola ng mga roses na naghalo sa kulay pink, peach at white. Nakahilera ang sila sa bawat dulo ng upuan. Nakatayo ako sa floral arch na sobrang kapal dahil napupuno rin ng mga rosas. May mga petals na nagkalat sa white carpet.
Dumenstino ang mga mata ko sa dulo ng aisle hanggang sa doon na nanatili ang aking tingin habang naglalakad ako papunta sa kanya.
Nasisilaw man sa mga flash ng camera, hindi ko tinanggal ang tingin ko kay Riley. He looks so dashing in his white tuxedo. Nasa gilid niya ang kanyang pinsan na siya ring bestman niyang si Denver. Tinatapik niya ang balikat ni Riley. Tumatawa siya habang nilalaharan ng panyo si Riley. Tinanggap niya 'yon at dinampi sa kanyang mga mata. Natawa na rin ako sa pag-iyak niya.
Malapit na ako sa kanya. Umayos siya ng tayo at ngiti akong tinignan.
"I love you..." he mouthed.
Inabot nila mama at dad ang kamay ko kay Riley pagkarating ko sa dulo. Kinamayan nila si Riley saka nila ako iniwan sa kanya.
"May mas ikagaganda ka pa pala." aniya. Mahina ko siyang siniko.
"We talked." sabi ko sa kanya.
"I know."
Kunot noo ko siyang binalingan. "Alam mo?"
He smirked. "He talked to me bago ka niya pinuntahan."
"Anong pinag-usapan niyo?" tanong ko.
He pursed his lips while staring at me. "Sa amin nalang 'yon."
Kinurot ko siya sa tagiliran na siyang iknatawa niya.
Nasa harap na kami ng kneeling bench na siyang pinalamutian din ng mga rosas at vines. Hinintay namin ang pagtatapos ng instrumental na kanta.
Nilapit niya ang kanyang bibig sa'king tenga. "Just so you know, I've been saving my chastity for you."
Mahina ko siyang sinapak sa braso "That's too much information Riley!" pabulong kong sita.
Tinakpan niya ang tawa sa kanyang kamao. Inipit ko naman ang aking labi. Nakatingin sa amin si father na kahit walang alam sa pinag-uusapan namin ay ningitian kami.
Sa pananatili ko sa pagharap sa altar, di ko mapigilang balikan ang sinabi ni Azriel. What he said have summed up everything. That I am meant to be back to him, to Riley, to where I belong from the very first place.
________________________________________________________________________________
Azriel's real happy ending SOON. But not too soon. THANK YOU. ;D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top