EIGHT

CHAPTER EIGHT
________________________________________

Nasa labas na kami ng nursing lab kung saan ginaganap ang mga return demonstrations. Hinihintay naming matapos ang isang section sa kanilang return demo. Panay ang tanong na mga kaklase ako sa kanilang mga kakilala kung masakit, anong feeling ng injection at ano ang kanilang mga grades. Karamihan sa kanila ay nakakuha ng may uno, lowest ay one point eight. Depende rin kasi kung sino ang instructor. May ibang malaki mamigay ng grade.

Nagpasama si Kelly sa'king mag cr. Nanalamin lamang ako, inipit ko ang nakatakas na bangs gamit ang hairclip samantalang nagmamadaling pumasok si Kelly sa cubicle.

"Shit! Feel ko meron ako!"

Mabuti nalang at kami lang ang tao dito sa cr. Umalingawngaw sa lakas ang boses ni Kelly!

"Wala kang dala?" umupo ako sa sink. Palaging malinis ang cr dito sa seventh floor dahil kaunti lang din ang gumagamit dito. Ang ginagamit ng karamihan ay ang  cr sa third floor  kundi naman ay sa ground.

"Wala. Meron ka?" nababahala niyang tanong. Rinig ko ang pagbukas niya ng lid ng bowl.

"Si Noemi palaging may dala yun." sabi ko. "Tawagin ko?"

"Oo please. Meron talaga ako. Buti nalang hindi tumagos, puti pa naman ang uniform."

Bumaba ako sa sink at hinanap si Noemi na mabilis kong natagpuan, kakuwenthan niya ang isa niyang kagrupo. Binulong ko sa kanya ang panghihingi ko ng kailangan ni Kelly. Tawang tawa siyang kumuha sa kanyang bag at palihim na binigay sa'kin.

"Kelly ." tumiyad ako at inabot sa kanya ang napkin sa ibabaw ng pinto.

"Thanks."

Tinignan ko muli ang sarili sa salamin. Hindi ako nakapaglagay ng eyeliner ngayon kaya halata ang medyo singkit kong mga mata. Sa course namin, pinaglalagay kami ng light make up para hindi daw kami magmukhang matamlay kesa sa aming mga pasyente. Pati sa school pinaglalagay kami para masanay.

Dinukot ko ang palagi kong dala na peach lipstick sa breast pocket. Saktong pagkatapos kong maglagay ay ang paglabas ni Kelly sa cubicle.

"Ang ganda..."nang-aasar siyang tumingin sa'kin sa salamin. "kaya ka pala inaya ni Azriel na maging partner niya." kiniliti niya ako sa tagiliran.
Taka akong lumingon sa kanya. Wala akong kinuwento sa kanila. At mas lalong wala akong sinabi!

"Akala mo hindi namin alam? Pinigilan lang naming asarin ka uy! Pero deep inside, nangingisay na kami sa kilig!" niyugyog niya ako at sinabayan niya ng talon at tili. "Si Azriel na mismo ang nag-aya sa'yo! Di ko kinaya shet!"

"Shh! Umabot na sa ground floor ang boses mo!" saway ko sa kanya. Inayos ko muli ang pagkakaipit ng aking buhok. Muling tumakas ang bangs ko dahil sa pagyugyog niya.

"Di ko lang talaga kayang itago. Anong feeling?" nangingiti niyang tanog habang nilulugay ang basa niyang buhok. Sumingaw ang bango ng kanyang shampoo.

"Feeling? Okay lang. Wala." kaswal kong sabi. Pero sa totoo lang, awkward. Kasali na doon ang bigla at hindi makapaniwalang pakiramdam. May pagkakataong naawa ako sa mga babaeng tinanggihan niya. Pero kapag naalala ko ang pang-iirap nila sa'kin, nasasabi ko nalang na buti nga sa kanila.

"Hmp!" bahagya niya akong tinulak gamit ang kanyang baywang "Kung ako sayo ewan, baka hindi na ako nakatulog. Nakatulog ka ba?"

Tumango ako. Tinitigan niya ako sa salamin. Napabaling siya sa labi ko, kumunot ang noo niya.

"Pahingi na nga rin nyang lipstick mo at baka sakaling mag-aya din sa'kin si Azriel."

Inabot ko sa kanya ang lipstick. "Mag-aya na ano?"

"Hmm..."pilya siyang ngumiti habang dinadampian ng kulay ang kanyang labi. Di ko mapigilang tawanan siya. Hinampas niya ako sa braso. "Mag-ayang magpakasal! Ano ka ba! Ikaw ha? Iba ang iniisip mo."

Nagsipasukan na ang mga kaklase namin sa lab paglabas namin ng cr. Tinakbo namin ang pinaglalagyan ng aming mga bag. Inipon namin ang aming mga gamit sa sirang gurney bago tumungo sa mga kaklase naming nakasunod kay Ms. Garcon.

"First procedure na gagawin niyo ay ang skin test injection. Naalala niyo pa ba ang diniscuss ko or do I have to do a recap pa?" aniya.

Nahati ang mga pagbubulong namin na mag recap at ang iba'y atat nang makapagsimula. Alam ko namang karamihan sa mga naghahangad ng recap ay gusto lang patagalin ang pag return demo. Ang malakas na pagdeklara ng aming kaklase na magsimula na kami ay siyang naging hatol sa desisyon naming lahat.

Tumango si Ms. Garcon. "Okay, so no need for recap. Remember sa skin test you only have to create a bleb. Next is intramuscular, you'll be aiming the deltoid site. Sa subcutaneous naman ay ito ang gagamitin niyo" turo niya sa ibabang likod. "Hindi sa pwet ha? Just above the buttocks. You have to pinch the skin before injecting. No need to take off your pants and skirts."

Mahina kaming nagtawanan. May isa o dalawa namang sumipol.

"Hindi natin maisasagawa ang intravascular dahil para lang yun sa tuturukan ng dextrose. At saka kailangan niyo pa ng IV training para makapagsawaga kayo ng IV insertion. And since students pa kayo at walang license..." dagdag niya. Tumango kami sa ibig niyang sabihin.  "So...are you ready?" relax niyang tanong, hindi katulad namin na hindi alam kung ano ang mangyayari. What if makailang tuurok ako? Paano kung mamali ako ng tusok?

"Make sure you have all the materials with you. Walang maghihiraman ng syringe! Jusko." Giit niya sa huling salita. Sinundan namin ito ng pag-iingay.

"Ngayong araw isasagawa ang lahat ng injection Ms.?" si Kelly ang nagtanong na nasa likod katabi si Noemi.

"Yes. Magduduty na kayo next week kaya tatapusin natin ito ngayong araw."

Bumaha ang maarteng pagreklamo at iba'y napapamura. Three injections in a day?

"Shh...keep your voices down may nagle-lecture." turo ni Ms. Garcon sa likod kung saan may wall divider na naghihiwalay sa mga estudyanteng may lecture at sa aming magre-return demonstration.

Biglang lumitaw si Azriel sa tabi ko na nakahalukiphip at mukhang hindi manlang apektado sa anunsiyo. Siya lang yata ang walang reaksyon at hindi takot sa karayom. Hindi ko siya napansin kanina sa labas habang naghihintay.

"Saan ka galing?" mahina kong tanong. Binalewala ko ang babaeng nasa harap ko na lumingon sa akin tapos ay kay Azriel kung saan nagtagal ang kanyang tingin. Kinalabit niya ang kanyang katabi at palihim na tinuro ang tanong nasa likod niya. Nagsikuhan sila at naghagikhikan sabay tapik sa ibabaw ng kanyang ulo, dinidikit ang mga maikling nagsitindigang buhok na hindi kinaya ng gel.

"Canteen" maikling tugon ni Azriel. Kumunot ang noo ko. Lumingon siya sakin at pinakita ang ninunguya niyang bubblegum sa pagitan ng kanyang ngipin. Straight ang mga ngipin niya, hindi uso ang cavities. Muli siyang lumingon sa harapan habang ngumunguya.

"Bawal yan, sisitahin ka ni Ms." sabi ko. Umirap siya, hindi nakatingin sa'kin at pinanindigan ang pag-iignora sa sinabi ko.

Malakas akong bumuga ng hangin, tinuon ko ang inis kay Ms Garcon na may kina-clarify sa isa pang nagtanong. Hinarap niya kami pagkatapos.

Tatlong beses siyang pumalkpak, kinukuha ang aming atensyon. "Find your partners now magsisimula na tayo! Let's start from group one."

Nag-umpukan kaming lahat ng miyembro ng grupo sa makeshift ward room. Ang mga nasa ibang group ay nasa labas at sumisilip sa mga gumagawa ng procedure. Ang iba'y pabirong nagchi-cheer at nakakolokong nagpapalubang loob.

"Parang kagat ng langgam lang iyan!"

"Oo! Yung malaking langgam ba. Tapos yung kulay red!"

Nangingiti silang sinita ni Ms. Garcon saka minuwestrahan ang unang magperform sa procedure. Katulad sa nakita namin nun kay Archer, sabay na naghigitan ang aming mga hininga sa pagbaon ng karayom sa balat, at magaan na nagpapalabas ng hangin sa tuwing matagumpay ang injection.

Mas lalo akong kinabahan, matagal ko nang hindi naranasan ang ma-inject. Ang huli ay last year para sa Hepa booster na isang requiremet upang maka proceed sa next semester.

Napawi ang aking pagkabahala nang sina Lian at Terrell na. Malaki ang ginawa kong pagngiti habang pinagmamasdan kung paano maingat at banayad na dinadampian ni Terrell ng bulak na may alcohol ang braso ni Lian. Pagkatanggal niya sa injection, hinihipan ni Terrell ang parteng ininjectionan niya sa braso ni Lian. Inaasar sila ng mga nakakakita.

"Uuyyy... Liiiaan!"

Di ko na kailangang lumingon sa labas kung sino ang nagmamay-ari ng malakas na boses na iyon.

Kami ni Azriel ang panghuli sa group one. Sandali siyang lumabas at pagbalik niya'y wala na siyang ningunguya. Hindi pa ako nakaupo sa hospital bed ay nagdagsaan na ang mga sumisilip upang tignan ang kanyang pagperform sa procedure. May ibang section pa na kahit hindi kasali sa amin ay nakikisilip din.

"Maghanda ka na ng ballpen AJ, nariyan na ang mga fans mo. " asar ni Terrell. "Ikaw yata ang pinakagwapo sa buong third year."

"Tangina, nabawasan ang self esteem ko." rinig kong bulong ni Archer na nag face palm at umiiling iling.

"Feel kita bro." sabat ng isa saka pumalatak. "Azriel holding a syringe makes me question my sexuality."

Hindi ito nakatakas sa pandinig ni Ms. Garcon na tumawa habang sinusulat ang grade ng naunang nagperform bago kami.

"Okay, you may start."

Mariin kong kinagat ang aking labi habang sinimulan na ni Azriel ang unang step. Nakatingin  ako sa bawat babaeng siya lang naman ang tinitignan ng karamihan na parang isa siyang magician sa isang magic show. Mga namamanghang tingin ng mga kababaihan wari isang totoong tanghalan ang kanilang pinapanood live! At hinihintay nilang gawin akong rabbit ni Azriel.

He's painstakingly handling the tuberculin syringe; Galing sa paglalagay ng alcohol bilang first step, sa pagkuha niya ng gamot sa vial hanggang sa seryosong pagtingin sa measurement, it's downright meticulous.

Napawi ang aking kaba, sa pagkakapanatag na hindi siya magkakamali. The way he works, it's sending a message to me to trust him.

Paparating palang ang karayom ay nahigit ko na ang aking paghinga. Tolerable pa ang sakit, pero nang tinulak na niya ang plunger, ramdam ko ang pagdaloy ng tubig sa'king balat at ang paglikha ng maliit na paltos, doon ko na naramdaman ng husto ang hapdi at matinis na sakit.

Tinakpan ko ang aking bibig upang iwasan ang pagpakawala ng ingay sabay ngiwi. Agad tinanggal ni Azriel ang syringe, marahil napansin ang reaksyon ko.

"Sorry."

SAW-RY again. Kailan ba ako makaka move on sa paraan niya ng pagsasalita niyan?

Kinuha niya ang red ballpen na nakasabit sa kanyang collar saka may pinindot sa dulo. Binilugan niya ang bleb at sinulat ang oras. Mahina akong natawa. Nakiliti ako.

Hindi nakatakas saking paningin ang pagpigil niya ng ngiti. Tinignan ko ang sinulat niyang oras sa'king balat sa gilid ng bleb, may smiley.

Simangot ko siyang tinignan. Kinawag niya ang kanyang kilay kasabay ang pagsilid niya ng kanyang ballpen sa breast pocket. Bahagya siyang ngumuso bago tumalikod at kumuha ng panibagong syringe para sa intramuscular injection hanggang siya na ang pumalit sa pwesto ko.

Wala siyang ibang reaksyon habang pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Nanginig ang aking kamay. Hinawakan ko ang ilalim ng kanyang braso bilang suporta habang nilalapit ko na ang karayom sa kanyang balat. Hindi ko pinahalata ang pagkagulat sa paninindig ng kanyang balahibo dahilan upang gumaspang ang pakiramdam ng aking palad. Siguro ay nilalamig siya kahit katamtaman lang naman ang lamig ng aircon.

Walang pinagbago ang pinta ng kanyang mukha nang tinulak ko na ang plunger.

"Ang tapang...manhid lang?" pang-aasar ko.

"Ikaw nga ang seryoso. Isang ngiti naman jan."

Peke akong numiti.

"Ms. Jang, dapat nasa paningin mo ang measurement label ng syringe. Your label is facing down." ani ni Ms. Garcon.

Nalito ako kung ano ang dapat gawin. Ayaw ko namang tanggalin dahil nakalikha na ako ng bleb saka ayaw kong ulitin ang pag-inject ulit kaya malabo ang pag-iisip kong inikot ang syringe habang nakabaon pa ang karayom sa balat ni Azriel.

"Araaayyy!!!"

Pinigilan ko ang pagtawa nang marinig ang malakas niyang pagsigaw. Agad nag-react ang mga kaklase ko. Napapangiwi at napapumura sila. Masakit nga siguro kapag inikot. Napakagat ako ako sa labi.

"Dammit!"

Agad kong tinanggal ang karayom. Dapat kasi hindi ko na inikot! Tapos na rin naman akong maglikha ng paltos. I acted on sudden impulse!

"Ingat na ingat akong nag inject sa'yo tapos ito ang gagawin mo sa'kin?" naiinis at nahihirapan niyang bulyaw. Inignora ko kung ano man ang mga tinging ginagawad ng mga kaklase ko ngayon.

"Sorry na. Hindi ko sinasadya." Pinigilan kong sumilay ang kaliit liitang ngiti. Hindi ko alam kung bakit ako naaaliw sa kanyang pagkagalit niyang mukha. Pulang pula ang kanyang mukha at di matanggal ang kanyang ngiwi at pagsingasing lalo na ang makailang pagmumura. Mabuti nalang at mabait si Ms. Garcon at di inalintana ito.

Nilingon ko si Lian at Terrell na binigyan ako ng nagbabantang senyas.

Hindi na naulit pa ang ginawa ko kanina. Tinatak ko na sa aking isip ang pagkakamali ko kanina at siniguradong facing upward ang measurement label sa syringe. Kalakip din ang hindi na pagpansin sa'kin ni Azriel. Nakakatampo ba ang ginawa ko?

Humilig ako sa ledge, pinagmasdan ang mga corridor sa ibabang floors. Nagsilabasan na ang ibang mga estudyante. Mag-aalis singko na ng hapon kaya maraming klase ngayon ang dinismiss.

May inaasahan akong makita. Tinitigan kong mabuti ang mga Business Ad students at iniisa isa ang bawat lalakeng nakikita. Walang hawig ng buhok at likod ni Riley.

Bigo akong tumalikod at sumandal nalang paharap sa pinto ng nursing lab. Nasa loob pa si Noemi at Kelly since sila ang panghuling grupo. Nandoon si Lian at pinapanood sila.

Sa pagdaan ni Azriel sa harapan kasama si Terrell, wala na akong inaksayang oras at nilapitan siya.

"Huy Sorry na, hindi ko talaga sinadya."

Hindi niya ako pinansin. Sumandal siya sa ledge patalikod sa'kin. Tinignan ko si Terrell na relax na umiinom ng softdrinks. Siniko niya si Azriel, lumingon siya, ninguso ako ni Terrell, hindi niya pa rin ako pinansin.

Bigo kong tinignan si Terrell. Mapagpaumanhin siyang nagkibit balikat at sumipsip ulit sa kanyang softdrinks.

Tinalikuran ko na sila at nagpunta nalang ako sa cr. Kung ayaw niyang mamansin edi wag! Basta nag sorry na ako. Daig pa niya ang babae kung makapagtampo! Hindi ko alam kung paano siya intindihin. Minsan nagsusungit, minsan naman ningingitian ka bigla.

Pagkalabas ko ng cr, nakita ko mula sa'king nilalakaran si Lavinia na parang ewan na sumisilip sa loob ng nursing lab. Nagmadali ako sa paglalakad bago pa niya ako mapansin. Kiniliti ko siya sa kanyang tagiliran. Napapitlag siya at gulat na lumingon sa'kin.

"Sinong sinisilip mo diyan kulot?" natawa kong tanong.

Umirap siya at hinawi ang takas na buhok sa kanyang mukha. "Call me Lavinia please. I hate being kulot. Pakiramdam ko pubic hair ang buhok ko!"

Tumawa ako. Sa aming magpipinsan siya ang pinakaprangka kaya napagkakamalang maldita.

"Ano nga pinunta mo rito? Sino bang sinisilip mo?"

"Hinanap kita."

"Wala akong pagkain." agaran kong sabi.

"Hindi yun" sinapak niya ako sa braso, sa parte pang tinurukan ng injection kanina kaya napangiwi ako. "Itatanong ko lang kung sasabay ka sakin pauwi? Dala ko kotse ko. Tapos na kayo?"

"Patapos palang. Mga thirty minutes siguro." Ani ko. Bahagya kong binuksan ang pinto upang damhin ang lamig ng aircon sa loob.

"Okay. Hintayin kita sa canteen." Mabagal siyang humakbang.

"Gutom ka na naman?"

Inikutan niya ako ng mata bago siya tumalikod. Pinagmasdan ko ang nakasalubong niyang nursing students na napapalingon sa kanyang pagdaan. Nagtaka ako nang binigyan niya ng middle finger ang isa sa mga tumitig sa kanya. It's either sinungitan niya o kakilala. Napakamot sa kanyang batok ang lalake habang pinagtatawanan at inaasar siya ng kanyang mga kasama.

"Pinsan mo?"

Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Azriel. So ngayon kinakausap na niya ako? Malamang! Tinatanong ang tungkol kay Lavinia. Sino bang hindi macu-curious sa isang crush ng bayan?

Sinundan niya ng tingin ang pinsan ko.

"Type mo?" ani ko.

Pinausli niya ang kanyang ibabang labi. "Maganda siya."

I expected that kind of answer, kaya di na ako magugulat kung magpapatulong siyang manligaw kay Lavinia.

"Pero hindi ako mahilig sa mga babaeng bilugan ang mga mata at kulot ang buhok." dagdag niyang pahayag.

Tumitig siya sa'kin bago niya ako tinalikuran.Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top